Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty-Six

"I WAS IN MOSCOW," panimula ni Boris ng pagkukwento bago naging tuloy-tuloy iyon habang binabalikan kung ano ang tanda ng kanyang alaala.

Siya at ang karelasyon niya nung mga panahong iyon, si Joachim, ay nakaupo sa isang café. Magkatapat ang mga upuan nila at maingat ang mga kilos. Hindi naman kasi nila gugustuhing may makahalata sa kanila, 'di ba?

Nasa tabi nila ang salaming pader, kaya malayang humaplos sa gilid ng kanilang mga mukha ang malamlam na sinag ng araw. Kahit halos araw-araw na nakikita ni Boris kung gaano katigas at kakisig ang katawan niya, hindi pa rin iyon dahilan para hindi siya mamangha sa pigura ni Joachim.

Nagkakilala sila ni Joachim sa isang telecom company. Nasa magkahiwalay na department sila dahil kada department ay may nakatoka na IT specialist. Gayunpaman, hindi niyon napigilan ang paminsan-minsan nilang pagkikita. Kadalasan, si Joachim ang naghahanap sa kanya, magpapatulong kapag may hindi ma-troubleshoot ng maayos.

Yeah, right. Until they came to the point that they got themselves into this troubleshoot. One shoot after another. And another. And another, and they were already knee deep in this trouble.

They were already in love.

Mahirap paniwalaan sa simula. Kahit si Boris, tiningnan ang ugnayan nila na sekswal lamang. Pero mahirap ang hindi mapamahal kay Joachim. Joachim and his lively nature brought life to his quiet one. Sa sobrang miserable ng naging buhay niya, si Joachim pa lamang ang nage-effort na magpasaya sa kanya... ang magpatawa.

At huminto na doon si Boris sa pagkukwento.

"Paano kayo nagkahiwalay?" usig sa kanya ni Albie nang mamayani ng ilang minuto ang katahimikan sa silid.

Pumihit siya mula sa pagkakahiga paharap dito.

Humawak siya sa pisngi nito, sa pangahan.

"I wanted a peaceful relationship," aniya. "Meanwhile, Joachim wants to migrate to US... to feel more liberated about him being gay."

"Bakit? Bawal ba sa Russian iyon?"

Nasa kalagitnaan ng pagtatanong si Albie nang pumailanlang ang ringtone ng cellphone nito. Boris tried to find the phone with his eyes but could not find it. He turned to Albie and gave him an encouraging look to answer the call first.

"Boris," giit nito na sagutin muna niya ang tanong nito.

"Your phone," pilit niya. "That must be your friends, so worried about you."

Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga bago bumangon ng kama. Tinaasan ni Boris ang mga unan bago muling humiga roon. Maging ang sariling mga braso ay inunan niya habang pinapanood ang pag-iikot ni Albie sa silid para hanapin ang shorts nito. He grinned watching him walk around stark naked.

His slender body... his fine ass. His cock dangling...

Nakagat niya ang pang-ibabang labi bago pinakawalan iyon.

Tumuwad si Albie para pulutin ang shorts nito. Pagkatapos, umupo ito sa isang silya at sinagot ang tawag sa hawak na cellphone.

"Georgia," anito bago natahimik para makinig sa kausap. "Ano ba, ayos lang ako." Silence again. "Kasama ko si Boris."

Nagpasya na siyang tumayo para salansanin ang nakakalat nilang mga damit. Nagtatanong ang mga mata ni Albie nang sundan siya ng tingin.

"Oo naman, ayos lang kami," salita ulit nito. "Hindi siya galit... Nagmamadali lang siya kaya, ano..."

.

.

ILANG MINUTO PA AT NAGLALAKAD NA SI ALBIE PAUWI. Lingid sa kaalaman nito na palihim na sumunod si Boris, nagmamanman sa lalaki para masiguradong ligtas itong makakarating ng bahay.

Inayos niya ang pagkakasuot ng hood bago sumilip ulit mula sa likuran ng tinataguang pader nang matanaw na nanlalaban si Albie sa isang lalaki na gumagapos dito.

Poison? talon niya para dali-daling saklolohan ang lalaki. His eyes narrowed as he ran toward them. How dare you lock your arms around my sweet little thing.

Mabilis na pinatong niya ang kamay sa braso ng lalaki para pihitin ito paharap. Medyo nagulat si Boris dahil lintik sa bilis din ito kung kumilos. Walang anu-anong binitawan at tinulak nito si Albie para tabigin ang nireserba niyang suntok para rito. Inaasahan na rin naman kasi niyang hindi nito gagawing pang harang si Albie.

Hindi siya sigurado kung nakadaupang palad na ba itong kalaban niya ngayon.

Mabilis ang kanilang mga kilos kaya hindi niya matitigan ng mabuti ang mukha nito. Bumagsak ang suot niyang hood habang patuloy sila sa pag-iilagan at pagbato ng mga suntok sa isa't isa.

The man in tight jeans and fitting shirt made a quick turn to throw a back kick at him. Halos lumipad si Boris para i-atras ang sarili sabay gilid para hablutin ang nakataas pa nitong paa. Balak niyang buhatin ito at iwasiwas pero flexible ang kalaban niya at pumihit pakanan para maabot siya ng siko nito.

Hindi tumama ang siko kaya tinaas nito ang kamao at napabitaw si Boris nang masapok niyon sa gilid ng mukha. Umatras siya para bigyan ang sarili ng oras na maka-recover mula sa tigas ng kamao ng kalaban na parang lalamog pa yata sa gilid ng mukha niya, sa cheekbone.

Pero nang mag-angat ng tingin si Boris, nakita niya mula sa likuran ng lalaking nasa fighting stance nito ang pamilyar na mukha.

Nauunawaan na niya ngayon kung bakit hindi makakilos si Albie. Nakatutok dito ang baril ni Olivia. Nakalapit na sa likuran ni Albie ang babae, umatras ng kaunti para masigurado na kung manlaban si Albie ay hindi ito madidikitan kaagad.

"Stand up!" marahas nitong utos mula sa likuran ni Albie. Nakaupo pa rin kasi ang lalaki sa kalsada dahil sa sakit ng pagkakatulak ni Roger dito.

Napayuko lang ang binata. Nag-aalala man si Boris para dito, binalik niya muna ang atensyon sa lalaking kasama ni Olivia. He raised his hands.

"No more fighting," he hissed. "You just don't hurt him. Don't hurt my little thing."

Ngumisi ang lalaki. "I see, you are cheating on your wife with Albie."

"What the fuck are you talking about?" pagsasalubong ng mga kilay niya.

"Your wife, Olivia," paglilinaw ng lalaki.

Sino ba ito? Kung si Poison ito, alam na alam dapat nito na wala silang relasyon ni Olivia.

"You and Albie have to come with us," paliwanag nito. "Explain what happened in Cool Waves, Boris. Those broken tables and bed. And why you're running off from your wife. And where did you take your child?"

Inalis niya ang mga mata sa lalaki. Mula sa mga pinagsasasabi nito, na-assess ni Boris na wala itong kaalam-alam sa tunay na sitwasyon. Na malamang, nauto lang ito ni Olivia na tumulong sa pagtunton sa kanya.

"Stand up!" napipikong ulit ni Olivia sa walang kagalaw-galaw na si Albie.

"My butt hurts!" Albie blurted out, turning to face the woman's direction.

Boris would usually smile proudly at that, when he knew it was him who did that to his little thing. But not at this moment, when their lives are both compromised here.

"Oh, please!" Olivia groaned and strode forward to pick him up.

Pero mabilis na sinagi ni Albie ang kamay nito kaya tumilapon ang baril.

Malutong na napamura ito. Siyang panlalaki ng mga mata ni Boris dahil tumayo na si Albie at hinampas ang wig na hawak nito sa mukha ni Olivia. The hair strands stung her eyes and made her step back. Sinundan pa iyon ng pagtampal dito at tulak para mapaupo sa semento. Alam niyang sasaklolo rito ang lalaking kasama kaya kumilos na agad si Boris at hinablot ito sa balikat. Napaharap ito kaya sumakto ang kamao niya sa mukha nito. Bumitaw si Boris sa damit nito at hinayaang mapaatras ang lalaki na bahagyang nagdugo na ang ilong.

Tatakbo pa sana si Albie para kunin ang tumilapon na baril kaya lang naunahan niya ito. Niyapos ni Boris ang isang braso sa bewang nito kaya nabuhat ito.

"Boris!" lingon nito kaya halos magdikit ang mga mukha nila.

"You can't just touch guns when you see one!" sermon niya rito. "Let's get away from here!"

Takot na nilingon nito si Olivia na nakatayo na at pasugod nang muli sa kanila.

"Boris! Pigilan mo siya!" pagpupumilit ni Albie na makawala mula sa kanya. "Ako ang kukuha sa baril!" panic na nito dahil nadikitan na ng sapatos ng napaatras na kasama ni Olivia ang tumilapon na baril.

Hindi pa nga lang ito aware doon dahil iniinda pa rin nito ang sakit na natamo mula sa suntok niya. Dumadausdos na rin ang dugo mula sa ilong nito.

"But you don't know how to use a gun!" panlalaban niya mula sa pagpupumiglas ni Albie.

Albie gave him dead-eyed look. "Alam mo, minsan panira ka rin ng diskarte, eh no? Ngayon, hindi na sila mate-threatened kapag tinutukan ko sila ng baril!"

Lingid sa kanila ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Olivia. Ang determinasyon nito ay napalitan ng takot at panic.

"Roger!" tawag nito sa lalaki na napalingon agad dito. "The gun on your foot!" sigaw ni Olivia sabay lahat ng kamay.

Mabilis na yumuko si Roger, dinampot ang baril at initsa sa babae. Boris groaned and released Albie. Para siya ang makasalo sa baril.

Kaya ang nakatutok na isa pang baril kay Boris ngayon, ay lumipat kay Olivia.

Mabilis kasi mag-isip si Poison. Malas nito dahil naaninagan ni Olivia sa lilim ng isang puno, nakatutok na ang baril para tapusin ang misyong patayin si Boris. The woman's mind was sharp at lightning speed too. Kaya pinaitsa agad ang baril para unahan si Poison.

Poison just grinned. Fine. Boris can wait. He's not armed anyway. Uunahin ko ang pakialamerang agent na ito.

Kaya umiba ang direksyon ng tinututukan ng nguso ng baril nito. Napunta iyon kay Olivia at bago pa ito nakipag-agawan ng salo ng baril kay Boris, kinalabit na ni Poison ang gatilyo.

.

.

***

AN

Hello and happy Saturday! :> Stay warm and dry lalo na at walang humpay these days ang ulan; and I am happy for those na nasa mga lugar na maganda ang weather. Mamahagi naman kayo hahaha, peace! If ever you see homeless little cats or dogs, walking around this rainy season, I hope you'll provide them a furever or temporary home where they can stay warm (but of course, make sure you'll stay safe and that these pets you'll see are willing to come with you and won't bite you... your safety matters!).

Another Chapter has unfolded for Boris x Albie's story! I hope you enjoyed it! I spent a lot of hours on this one, because writing an action scene is soooo.... *sighs* hahaha! But I enjoy writing some like what I did in Attention & Peak (and my other action-packed novels)! <3

Kitakits bukas para sa Chapter 47! And you better stay tuned, dahil malapit nang makumpleto ang A Man of His Word! <3

With Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro