Chapter Forty-Eight
"HOW WAS IT?" silip ni Roger mula sa likuran ni Boris na nakaupo sa dining set ng hotel room na iyon.
Kakagaling lang ng lalaki sa banyo at nakapagpalit na ng shorts at t-shirt. May nakasabit na tuwalya sa balikat nito.
"I can't find it," sagot ni Boris habang patuloy sa pag-isa-isa sa mga folders sa cellphone ni Olivia.
"Are you sure you heard what she really said?" hila nito ng isang upuan para tabihan siya.
Hindi tinapunan ni Boris ng tingin ang lalaki. "I am sure. She said, memory card. Olivia file. Password is 0-3-0-1-1-9."
Sumilip sa cellphone si Roger habang panay ang scroll doon ni Boris.
"See? No folder named Olivia."
"Wait."
Tumigil siya sa pagscroll.
"There's a word file though. It's named Olivia."
Hindi kaya word file ang tinutukoy ng babae na Olivia file? Word file at hindi file folder?
Boris tapped on the icon. Nanghingi iyon ng password.
Nagliwanag ang kanyang mukha. "This is it."
Tumango-tango si Roger. "Let's see what's in there."
Pagka-input ng password, bumukas ang file. Dama niya ang pagkadismaya ni Roger dahil wikang Russian ang gamit ni Olivia sa pagtipa sa laman niyon. Lumalabas na journal ang file na iyon na may kinalaman sa misyon nito na bantayan siya. Nauunawaan ni Boris na kailangan iyon ng babae para may mai-report ng maayos pagbalik nito sa GRU.
Nilisan ni Roger ang upuan. "I can wait for the result."
Fuck. Kakailanganin ko pa tuloy mag-translate para maka-relate si Roger.
Nilingon niya saglit ang lalaki na nag-aayos na ng hihigaan nitong side ng kama. He had to admit, Roger was ripped. His muscles were hard in all the right places. An epitome of a well-fit security guard. Nanlaki ang mga mata niya.
Seryoso bang tatabi siya sa akin?
Dali-daling tinutok niya ang mga mata sa cellphone.
Hindi na ako nagtataka kung bakit medyo nagseselos si Albie.
Sumilay ang mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi.
Ah... little thing... How I wanted to be with you right now. I know you're scared, my little thing...
Nag-focus na siya sa pagbabasa ng journal ni Olivia. Bawat araw ay may journal entry ang babae, pero sinadya niyang i-skip sa pagta-translate 'yung mga araw na wala sila makukuha masyado na impormasyon:
MARCH 1 – In-assign ako ni Sir Gregori na protektahan si Boris Molchalin. Wala akong ideya kung sino siya. Pero nung binanggit ni Sir na isa si Boris sa mga outsiders na tumutulong kay Sloven Markov nung espiya pa ito ng GRU, doon na ako nakaramdam ng excitement.
Malaking karangalan na makadaupang-palad ko ang isa sa mga tao na susi sa mga matatagumpay na espionage missions ni Sloven Markov.
Minsan, ang mga bayani ang higit na nabibigyan ng rekognisyon sa bawat aksyon na ginagawa nila. Hindi na nabibigyan ng pansin ang mga tao na tumulong sa kanila. Kung hindi dahil sa mga taong ito, walang magagawa ang mga bayani.
Ito ang isa sa mga misyon na hindi ko makakalimutan.
May nagbabanta raw sa buhay nila Sloven, Boris at Bruno. Nagtatago siya sa alyas na Poison. Ilang linggo nang pinag-aaralan ang mga tao na posibleng nasa likod nito. Mula sa mga nakabangga nila sa mga spy missions, hanggang sa mga personal nilang kakilala.
All appeared negative. Pero mukhang naka-sentro ang pagbabanta kay Boris. Kaya in-assign ako sa kanya.
MARCH 10 – Nag-arrange na ang GRU ng pagpupulong para magkita kami ni G. Boris Molchalin. Sobrang tangkad na lalaki. Malaki rin ang katawan. Sigurado ba talaga sila na kailangan niya ng tulong ko? Ng proteksyon? Mukhang kayang-kaya na naman niya ang sarili niya.
Pero ngumiti siya sa akin, humawak sa balikat ko. Sabi niya, "Nasa iyo ang tiwala ko, Olivia."
Paano ako makakatanggi kung may tiwala siya sa akin? Sa mga kaya kong gawin?
Kailangan kong manatiling propesyonal, kaya kahit gusto ko, hindi ko siya nginitian nung sinabi iyon sa akin.
"Asahan mo na gagawin ko ang trabaho ko." Hindi iyon 'yung saktong sinabi ko, pero parang ganoon na rin ang sinagot ko sa kanya.
MARCH 22 – Ilang araw na ako nandito sa Pilipinas. Mukhang wala namang banta sa buhay ni Boris dito sa Cool Waves resort sa Zambales. Kaya nagbigay na ako ng go signal na lumuwas na sila rito kasama ang anak niyang si Nikolai.
MARCH 23 – Dumating na si Boris at Nikolai. Perimeter still clear. Pero wala akong tiwala sa mga surveillance cameras. Pwedeng magamit iyon ni Poison para mamatyagan ang mga kilos namin. Titingnan ko kung ano ang magagawa sa mga iyon mamayang gabi.
MARCH 24 – Hindi ko maasikaso kagabi ang surveillance camera sa hallway ng suite namin dahil kay Nikolai. Buti na lang naabala ang mag-ama na maghanap. May natamaan din si Boris ng volleyball na staff ng resort kaya medyo na-distract sila. Pagkakataon ko na sana iyon, kaya lang umaga nung nangyari ang gulo, hindi ko tuloy magawan ng paraan dahil sa padaan-daang mga guests at staff. Sa tingin ko, oras na rin para itigil ko na ang pag-scan sa paligid. Oras na para ang mga tao sa paligid nila Boris naman ang obserbahan ko.
MARCH 25 – The most shocking night of my life.
Boris is gay.
He's gay.
Hindi ako namamalikmata.
O baka dala lang ng kalasingan kaya may hinahalikan siyang lalaki sa pasilyo ng hotel?
Shit. I'll edit this out on my report for GRU.
Kailangan ko lang isulat ito para sa sarili ko. Bilang reminder na huwag na ako magpapansin sa kanya.
Oo, aaminin ko. Nagpapa-cute ako sa kanya, okay? Slight lang. Slight.
Kailangan ko manatiling professional.
I like him. Napaka-responsible niya, lalo na pagdating kay Nikolai. At the same time, he was giving his child the freedom to learn on his own. At ang galing sa computers. At... oo, physically sobrang lalaki.
Kaya hindi ako makapaniwala na lalaki rin ang gusto niya! Ang hanap niya!
Nakatulog na noon si Nikolai, naghahanda na lang ako ng mga gagamitin sa pag-asikaso sa surveillance cameras. Tingin ko tamang oras iyon para gawin ko. Gabi na kasi, wala pa si Boris, at saka sobrang alanganing oras na kaya malamang, antok na antok na ang security na nagbabantay sa videos na nakukuhanan ng surveillance camera.
Eh, nagdoorbell sila.
At iyon ang nakita ko.
Hindi tuloy ako makatulog ng maayos. Kahit na nakatulog na si Boris dala ng sobrang kalasingan. Hindi ko maitindihan. Paano niya ito ipapaliwanag kay Nikolai? Na bakla siya? Na may lalaki siyang gusto? Na kapag hindi inaalagaan ni Boris ang anak niya, nakikipagkita siya sa mga lalaki?
Patunay ba ito na mali ang mga akala ko sa kanya?
O baka nagawa lang niya iyon dala ng sobrang lungkot. Ng takot.
Ano ba ang dapat na maramdaman ng isang tao kapag may nagbabanta sa buhay niya? Malamang, hindi niya ma-express iyon sa akin. Lalo na kay Nikolai dahil ayaw niyang mag-alala ang anak niya.
Shit. Puro si Boris lang ang naiisip ko habang inaasikaso ko 'yung surveillance camera. Hindi rin lang ako makatulog ng maayos kanina, eh ''di tatapusin ko na ang dapat nagawa ko nung nakaraan pa.
FOR MARCH 31 – Late journaling due to the following incident:
Inakusahan ako ni Boris ng pagta-traydor. Hindi ko pa alam kung paano niya naisip iyon.
Dahil ba pinagbabawalan ko siyang lumapit sa Albie na iyon?
Nalaman na kaya niya na ako talaga ang kumuha nung latest na pictures nila ni Albie para takutin siya? Ginawa ko lang naman iyon para lumayo-layo na siya kay Albie. If he didn't care for Albie, he'll get away from him. If he really cared for Albie, alam ko na lalayo pa rin siya dahil kapag nalaman niyang nasusundan din ni Poison si Albie, mas ipa-prioritize niya ang safety ni Albie.
Ginagawa ko lang naman ito para sa ikabubuti ni Boris... nilang mag-ama.
Tumigil si Boris sa pagbabasa, hindi maapuhap kung ano ang mararamdaman ngayong nakumpirma na niyang mabuti ang intensyon ni Olivia para sa kanilang mag-ama. Sure, she sucked at writing a journal. Marahil, ganoon talaga kapag undercover agent, hindi ganoon karami ang oras para magsulat ng mabulaklak na journal. Ni wala nga masyadong information doon tungkol sa progress ng pagmamanman kung nasa paligid ba si Poison o kung sino sa palagay ni Olivia si Poison...
Matalinong babae... titig niya sa kawalan habang hawak pa rin ang cellphone nito. Marahil, sinulat lang niya itong journal para magsilbing trigger files.
I learned this from Sloven, that sometimes, a spy needed something to trigger them to remember an important information.
Binalik niya ang mga mata sa cellphone.
Marahil, kapag binabasa ni Olivia itong journal niya, naaalala niya ang progress ng misyon niya.
Ang info tungkol sa progress ay nasa pinakaligtas na database. Isang database na walang sinumang makakapag-access hangga't walang permiso ni Olivia.
That database... is her mind.
Bumagsak ang mga balikat niya. Mukhang back to zero na naman sila sa pagkilala kung sino si Poison.
But wait.
Nilingon at tinanaw niya si Roger.
Hindi. Naniniwala ako kay Olivia. At nanghihinayang ako dahil bumitaw ako sa tiwalang iyon... I should have trusted her more... At kung hindi ko nagawa iyon nung buhay pa siya... ngayon ako babawi.
Tumayo na siya mula sa kinauupuan. Nagtatakang napatingin sa kanya si Roger nang makitang palapit na siya rito.
Hindi papayag si Olivia na mauwi sa wala ang trabahong pinaghirapan niya.
Si Roger...
May dahilan kaya hinayaan ni Olivia na sumama sa kanya si Roger.
Sigurado akong maydahilan...
.
.
***
AN
Good evening, everyone! <3 Advance kong pina-pub ngayon ang UD para bukas kasi may lakad ako bukas andddd I am not sure what time na ako makakauwi n'un. So there it is! ;) <3 I hope you enjoyed the latest chapter of this (and my other two ongoing stories!) and kitakits ulit sa Sabado at Linggo para sa mga mas bagong chapters!<3 <3 <3
Thank you so much for your continuous support! ;* <3
With Love,ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro