Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty

LUMINGA-LINGA SI BORIS SA PALIGID. Pagbaba ng tingin nahuli niya ang patagong pagsulyap sa kanya ni Georgia. Georgia ang pakilala sa kanya ni Albie sa kaibigan nito. Halos magkasing-payat lang ang dalawa, mas may balakang nga lang si Georgia. Morenang-morena rin ito at mahaba ang kulot na buhok na light brown. Parampa kung maglakad. Naka-denim shorts na maikli at tank top.

Alam ni Boris na may mga taong ganito na open sa pagiging bakla nila. Ewan niya kung bakit parang may cultural shock pa rin siya ukol doon.

Ngumiti ito sa kanya ng malapad bago binalik kay Albie ang tingin.

"Oh," layo nito ng kaunti sa kasama niya, "dito lang kayo, ha? Tawagin ko lang muna ang Babe ko, at baka nasa loob."

Nagmamadaling umalis ito. Siyang tabi ni Boris kay Albie.

His eyes scanned the carwash shop in front of them. May car repair services din naman ito. Pero kita nila na dalawang magkatabing mga sasakyan ang nililinis doon. Isa lang ang nasa tila ramp dahil nire-repair pa iyon. Maingay ang kalansing ng mga tools at bakal. Ganoon din ang wasiwas ng tubig mula sa gamit na hose ng mga lalaki.

Saglit na namilog ang mga mata niya dahil halos lahat ng mga ito ay walang suot na pang-itaas. May ilang slim ang katawan, pero may mga natatangi na namumutok na yata sa muscle. Binaba niya ang tingin kay Albie na mas nagniningning pa yata ang mga mata kaysa sa kanya. Nakadalawang-tikhim si Boris pero hindi siya nito nililingon kaya pinitik niya sa ilong.

"Aw," irap ni Albie sa kanya.

"Wandering eye," he grinned.

"Tse!" ekis nito ng mga braso.

He just scoffed. "Go on ahead. They're no match for my body," halukipkip din niya habang dinadala na sa ibang direksyon ang kanyang paningin. His smirk was victorious.

Albie just mouthed mutely, mocking him as he rolled his eyes before returning them at the topless men.

Sa wakas ay sumulpot na rin si Georgia kasama ang boyfriend nito. Tinanaw ni Boris ang lalaking palapit sa kanila ni Albie— mas matangkad si Georgia rito, pero mas malaki ang katawan ng may-ari ng car shop. Kinalas niya ang pagkaka-ekis ng mga braso.

"Hi," bati ulit ni Georgia sa kanila. "This is Nato, siya ang Babe ko."

Boris' eyes narrowed, studying the tan-skinned man. Ina-analyze niya kung talaga bang sineseryoso nito bilang karelasyon si Georgia. Masyadong lalaking-lalaki lang kasi ang hitsura ni Nato para sa kanya. Gayundin ang aura nito.

"Hi," pakikipagkamay na lang ni Boris dito. He had to bend down a bit to reach Nato's hand. "I am Boris."

Tumango ito. Seryoso at nanunuri ang mga mata habang nagkakamay sila.

"Naghahanap daw ng trabaho itong fafa ni Albie, Babe," yapos ni Georgia sa braso ni Nato.

Nagbabantang pinanlakihan ni Albie ng mga mata ang kaibigan kaya malakas na natawa ito.

"Ay, hindi pala siya fafa ni Albie, friend lang," at binuntutan na naman iyon ni Georgia ng tawa.

Nagbitaw na ang mga kamay nila. "Eh, titingnan muna natin kung pwede itong isang ito," titig sa kanya ni Nato pero si Georgia ang kausap. "Nakakaintindi ba iyan ng Tagalog?"

"Oo," maagap niyang sagot.

"Oh, see?" Georgia playfully poked a finger on Nato's cheek. "Nagsasalita pa 'yan ng Tagalog!"

Mukhang hindi ito kumbinsido kung makatitig sa kanya.

"Sige, iwan niyo muna kaming dal'wa," alis nito sa nakapulupot na braso ni Georgia. "Ililibot ko lang ito dito sa shop. Titingnan ko na rin kung maalam sa mga trabaho rito."

Nato turned around and headed toward the men washing cars.

Walang imik na dumaan si Boris sa pagitan nila Albie at Georgia. Sumunod siya kay Nato.

.

.

KAPWA TAHIMIK SILA ALBIE AT BORIS habang naglalakad pauwi ng bahay. Nagnakaw siya ng sulyap sa lalaki. Mukhang pareho lang silang nagnanakawan ng tingin kaya nagkahulihan.

"Oh, ano," mataray niyang usap na sa lalaki. Tutal, nahuli na naman siya nito na pasulyap-sulyap. "Sa wakas may trabaho ka na rin. Makaipon ka sana kaagad ng malaki. Para makaalis ka na. O para ma-contact mo na kung sino ang mga kakilala mo sa Russia na padalhan ka ng pera."

Tumaas lang ang sulok ng labi nito. "Itching to get rid of me, aren't you? After seeing those big, muscled men—"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Wow ha?! Ikaw nga itong halos lumuwa ang mga mata kanina nung nakita sila!"

"Me? Eh, ikaw? You're drooling!"

Kabadong napapunas siya sa gilid ng labi. Thank God, walang laway.

"Tse!"

"They may look good, Albie, but admit it, I still look better," he smirked.

He always looked sexy, smirking like that. That gesture brings out Boris' sexy confidence. Palibhasa aware ang lalaki sa kagwapuhan nito at laki ng katawan. Feeling yata nito, sapat nang lisensya iyon para magmalaki.

Pero hindi niya magawang mainis doon. May maipagmamalaki naman talaga ang lalaki.

Pinigilan ni Albie na ipahalata sa lalaki itong nararamdaman niyang kiliti.

May maipagmamalaki naman talaga si Boris...

Grrr! Behave, bakla!

Albie swayed his hips and walked faster.

Hinayaan siya ni Boris na magpatiuna ng paglakad. His eyes lusted as he threw an underlook at watched him walking from behind. Pilyong tumaas ang sulok ng labi nito bago nag-angat ng tingin. He picked up his pace. Nagkasabay sila sa paglalakad sa wakas.

"Hindi ba tayo bibili?"

"Ano naman ang bibilhin natin?" tingala niya sa matangkad na lalaki.

"Something for us to eat," ngiti nito. "Me, you and Mang Al."

"Tingnan muna natin," balik ni Albie ng tingin sa harapan. "Baka may binili na ang Tatay."

"Nonesense," aniya. "I just got hired, Albie, we should be eating a lot today in your house, alright?"

Naningkit ang mga mata niya rito.

"Don't worry," yuko nito ng kaunti para hulihin ang mga mata niya. "My treat!"

Kung alam lang ni Albie na natural na ganoon ang mga Ruso— galante at mapagbigay.

"Akala ko ba, wala ka nang pera?"

"Well, I still have a little," anito. "And it seems that you know a cheaper place where we can buy foods."

Napaisip siya. Magandang ideya naman siguro na hayaan niyang manlibre si Boris. Para na rin makakain ng masarap-sarap ang tatay niya. Nalungkot siya kasi, kung hindi siya biglaang umalis ng Cool Waves, natanggap niya sana ang back pay niya. Bukod doon, napasalubungan niya ng masarap-sarap na pagkain ang ama.

"Good idea," ngiti ni Albie rito. "

.

.

.

***

.

.

.

SAMANTALA, nagmamadaling naghabol ng bus sila Olivia at Roger. Naunang nakasabit ang lalaki at nakasampa. Mabilis na humarap ito sa labas para abutin ang kamay ng babae. She let out a grunt and almost lost her balance. Buti na lang at maagap ang lalaki, nahapit nito si Olivia sa bewang at naipirmi nang magdikit ang kanilang mga dibdib.

Lumipat ang mga mata ng lalaki sa pinakamalapit na mahahawakan na bakal. Tiningala iyon ni Olivia bago nilipat ang tingin sa kanilang dalawa sa nakaka-kompromisong posisyon. She felt a tingle of embarrassment, especially on her cheeks. Maingat na humiwalay ito sa binata at hinayaan na alalayan nito sa pagtayo ng maayos. Inabot agad ni Olivia ang malapit na hawakan at inakyat ang hagdan ng bus.

Roger followed her. Bahagya silang nag-sway sa umaandar na sasakyan bago nakahanap ng mauupuan si Olivia. She immediately plopped down and let out a sigh. Napalinga ito sa katabing bintana. Siyang upo naman ni Roger sa tabi nito. Inayos nito ang dalang bag ng kandong bago nilingon ang babae.

Kita sa mga mata ni Roger ang lihim na pagiging alerto. Nung nakaraan kasi, kahit na itinanggi pa ng babae, alam nito na nagbalak ito magsariling-lakad. Sinubukan nito na takasan ang lalaki pero mautak si Roger. Nasundan din nito agad si Olivia at sabay na nilisan ang hotel nang sumaglit ang mga ito sa silid na ginamit dati ni Boris nung nag-check in daw doon. Nagbaka-sakali ang babae na may makikitang trace o naiwanang gamit doon ng lalaki.Ngunit wala.

Nakigamit lang din ito ng wi-fi ng hotel at baka raw may ma-trace ito na browsing history na hindi nabura ni Boris. Pero wala rin.

Maybe it's because he did not use the wi-fi in here, suhestiyon noon ni Roger sa babae na natigilan sa pagtitipa sa laptop nito. Napatitig sa kawalan.

Are you suggesting they went here to have sex?

Medyo napahiya ang lalaki. Ewan nito kung bakit iyon ang unang naisip ng babae. They were talking about her husband, for Pete's sake! Paano nito naiisip na nakipag-sex ang asawa nito sa ibang tao? At sino ang ibang tao na kasama nito na iniisip ni Olivia?

He did not want to put her off guard, so he did not ask that yet. Hahanap si Roger ng tamang tiyempo.

Sa ngayon, si Albie naman ang puntirya nila. Hindi na kasi nagpakita o bumalik sa Cool Waves ang staff na iyon. At ang sabi ni Olivia, naging magkaibigan daw si Boris at Albie. Baka may ideya raw ito kung ano ang nangyari sa asawa at saan nito dinala ang anak nila.

Nalaman ni Roger mula sa records na taga-Tondo, Manila talaga si Albie. So, they assumed, they would find Albie there. If not, ask his relatives if they have any update about him.

"Are you sure we're almost there?" tanong ni Olivia kay Roger habang nasa labas ng bintana ang tingin nito.

"Yes, Ma'am," malumanay niyang saad, unti-unting nanlalambot habang nakatitig sa maganda nitong mukha. Kahit kaninong mata, wala yatang panlaban kapag nakakakita ng ganda na tulad ng taglay ni Olivia. May bahid ng pagiging babaeng-babae ngunit may kakaibang tapang. Parang apoy na gustong lapitan ng gamu-gamo pero mukha ring mapanganib dahil nakakapaso.

Roger hid his smile. It was insane to be attracted to a married woman looking for her husband. He needed to snap out of it.

"Good," usal nito na pumutol sa paglipad ng kanyang isip.

The dark determined look on her eyes reflected on the window of that bus.

Kaba ang hatid niyon sa dibdib ni Roger.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro