Chapter Five
"ALBIE," makailang tapik sa kanya ni Jelly hanggang sa marinig niya ang panggigising nito.
Minulat ni Albie ang mga mata at napalingon sa nakaupo sa tabi ng kinahihigaan niyang papag sa silid sa boarding house ng mga staff ng Cool Waves. Kanya-kanya sila roon ng kwarto pero masyadong maliit, tama lang ang laki para sa isang maliit na papag at cabinet. Nung nawalan siya ng malay kanina, dinala agad siya nila Russian Daddeh sa receptionist. Akala kasi ng mga ito, may clinic sa resort at madadala sila roon ng isa sa mga receptionist. Inabisuhan lang ang mga ito na dalhin siya sa boarding house at in-applyan lang ng yelo ang balls niya para hindi mamaga.
Una siyang nagising na si Jelly ang kasama at kinuwento ang mga iyon kay Albie. Pagkatapos, nakatulog ulit siya na may ice pack sa kandungan. Buti at off ni Jelly kaya ito na lang ang nagtanggal ng ice pack niya.
At heto, nagising siya ulit para sa kanyang mga bisita.
Russian Daddeh? pangingilala niya sa lalaki na blond ang buhok.
He was stiff in his position and turned to him upon seeing Albie sit up. May damit na ngayon ang lalaki, yakap sa malaking katawan nito ang tela ng puting turtle neck. Humahapit din sa mga binti nito ang itim na jeans.
"Oh my God," Albie gasped. "H-Hello."
Walang mababakas na anumang emosyon sa mukha ng lalaki. Kinabahan tuloy siya. Paano ito napunta sa kwarto niya? Paano nito nalaman kung nasaan ang boarding house nila?
Nag-angat siya ng tingin at nakitang nakatayo sa paanan ng kama niya si Jelly, isa sa mga kasama niya sa housekeeping. Nasa loob din ng silid, katabi ng pinto, ang mga kasamahan ni Russian Daddeh— 'yung magandang babae at bata na si Nikolai. Nikolai was hugging his tablet. Olivia stood behind the kid, holding Nikolai on his shoulders.
"A-Anong meron?" lingon niya kay Jelly.
"Gusto ka nilang bisitahin eh," anito. "Ikaw na ang kumausap at magdudugo ang ilong ko sa kanila."
Pabirong pinaningkitan niya ng mga mata ang kaibigan, bago maarteng nilingon si Russian Daddeh.
"Why did you visit me?"
"We just came to check on you," direktang sagot ng lalaki. "Just to make sure you're doing fine after what happened to your groin."
Akala naman ni Albie, ang haba ng buhok niya. May pa-air hair tuck pa siyang nalalaman at pangiti-ngiti.
"Grabe, masyado siyang concerned sa etits ko," bulong niya sa sarili at nahuling pinanlakihan siya ng mga mata ni Jelly.
"I'm fine, Sir," lingon ulit niya sa lalaki.
"Really? Because you fainted earlier."
How could this man look so relaxed? Siguro naman, nag-alala ito para sa kanya kaya bumisita, 'di ba? Pero parang hindi iyon mababakas sa mukha nito.
Alanganin siyang tumawa. "I am, ano, dizzy, very dizzy. But I am okay na. I am super okay."
Tumango-tango ito at may inabot na maliit na paperbag sa kanya. Kumunot ang noo ni Albie dahil nakatatak sa bag ang sikat na brand ng mga damit. Nag-aalangan na tinanggap niya iyon.
"Wow," lapag niya sa bag sa tabi ng kanyang hita bago binalik ang tingin kay Russian Daddeh. "Ikaw ha?" ngiti niya. "Don't worry, apology accepted."
Sumama bigla ang timpla ng mukha nito. Tumapang ang titig sa kanya.
"I am not fucking apologizing," he gritted. "If you did not block the way, you won't get your injury!"
Kinabahan siya kay Russian Daddeh. Grabe, bakit nagagalit agad sa kanya ang lalaki.
Sumingit ang magandang babae. "Look, don't mind his upset," malumanay nitong wika na may halong mabigat na Russian accent. "We came here to thank you for kindly assisting Nikolai."
Albie's smile was awkward. Letse naman kasi, medyo lumalandi na siya kay Russian Daddeh nakalimutan niya tuloy ang presensya ng chicks nito.
"Just... just doing my job, Ma'am," magalang niyang ngiti rito. "Thank you for the visit."
Tumayo na si Russian Daddeh at nagsalita na naman ng Russian. Kinausap nito ang babae habang dere-deretso na ang labas sa pinto ng silid niya. Nakakaloka talaga ang boses nito. It was that throaty, Russian-accented voice again. Iyon din ang naririnig niya kanina nang kausap ni Russian Daddeh ang babae habang hinahanap na nila sa beach si Nikolai.
"We are going now," usap ulit ng babae sa kanya bago binalingan si Nikolai at kinausap ang bata sa Russian para usigin ito na magpaalam sa kanya.
"Thank you, Sir. Bye," paalam sa kanya ng bata.
Albie raised his hand and waved his fingers at Nikolai. Nginitian din niya ito. The child did not smile back. Lumabas na ito ng silid nang maramdaman ang pagpihit ng babae sa bata paharap sa pinto. Olivia remained holding Nikolai on his shoulders as she left too.
Sinundan ni Jelly ang mga ito para ihatid sa labas.
Maingat na umusog si Albie para isandal sa pader ang likod. Dinampot niya ang maliit na paper bag at excited na binuksan iyon.
Nalaglag ang panga niya nang mahila palabas ang isang puting jockstraps. Nakailang unat siya roon, naguguluhan nung una kung ano itong binigay sa kanya ni Russian Daddeh. Sinilip niya ang natira sa loob ng bag. May dalawa pang jockstraps doon na puti.
"Dios mio, que horror!" panlalaki ng mga mata niya pagkadampot ulit sa binitawang jockstrap para sipatin ang hitsura niyon. "Ano'ng klaseng panty ito?"
"Albie—" biglang pasok ni Jelly sa kwarto niya kaya mabilis niyang sinuksok sa paper bag ang jockstrap.
He awkwardly laughed, "Uy, Jelly!" Nilagay niya sa sulok ng kama ang paper bag.
Nagtataka man sa ginawa niya, inignora iyon ng katrabaho. "Gutom ka na ba?" tanong lang nito.
"Ano'ng oras na ba?"
"Alas-sais na ng gabi."
Albie bit his lower lip. "Magre-report muna ako sa HR tungkol sa nangyari sa akin. Pwede namang iwan ko na lang din sa desk nila 'yung letter ko, 'di ba?"
"Sige, gumawa ka," tipid nitong ngiti. "Pero pinagpaalam na rin naman kita. Alam na kaya ng lahat ang nangyari sa iyo." Palabas na ulit si Jelly ng kwarto niya. "Balik na ako sa kusina at 'yung sinaing ko."
Nakaalis na si Jelly pero nakamaang pa rin si Albie.
Mukhang magva-viral siya bilang diyosang juding na tinamaan sa balls ng isang Russian Daddeh. Nakakahiya!
.
.
"YOU DON'T HAVE to be so rude on the hotel staff," wika ni Olivia.
Nauna naman sa kanila sa paglalakad si Nikolai, pero alam naman ng bata na sa restaurant ng resort ang deretso nila. Maaga silang magha-hapunan para masigurado na hindi sila mauubusan ng seat.
Nilingon niya ang babae na katabi sa paglakad.
"Na-upset lang ako, dahil parang pinapalabas pa niyang kasalanan ko kaya nagka-injury siya."
"Masyado nang mainit ang ulo mo, Boris."
"Naiirita lang ako sa gan'un," marahas niyang buga ng hininga.
Hindi na nagtaka pa si Olivia kung bakit siya naiinis. Sa kultura nila sa Russia, hindi basta-basta binibigay ang apologies. It was degrading, especially for men, to apologize. Sure, they do apologize when it was really necessary. Nagpapakita iyon ng pag-amin na intensyonal ang nagawang pagkakamali ng isang tao. At hindi naman niya intensyonal na sinaktan ang hotel staff na iyon kaya naiinis siya. Ito naman ang humarang-harang kanina sa laro nila. Siya pa ang aasahan nitong humingi ng tawad.
Matapos niya itong asikasuhin kanina, aakusahan pa siya nito na may kasalanan sa sinapit nito.
Sa pag-asikaso, ibig sabihin, siya pa ang na-obliga na hubaran ito ng shorts at dampian ng ice pack ang balls nito. Malay ba niyang walang clinic sa resort na iyon o mga nurse. He was also baffled why on earth that resort did not have any medical team. Paano kung may malunod? O 'di kaya may mga ma-injury sa mismong premises nila?
Sometimes, this Russian upbringing was getting the best out of him. Russian men were notorious for their chivalry. At walang pinipiling kasarian ang chivalry nila... niya. Kaya kahit labag sa loob na basta-basta na lang mag-first aid ng taong hindi naman niya kaano-ano, na-obliga siyang gawin iyon kanina. Hindi naman niya pwedeng iasa iyon sa babaeng nasa boarding house dahil babae ito. And it seemed indecent to let a girl medicate a man's groin if she's not even a nurse or related to him.
"Pinahirapan pa ako ng taong iyon na buhat-buhatin siya papunta sa hotel tapos sa boarding house nila na ang layo-layo! I even gave him my newly bought jockstraps!" he blurted.
Olivia kept a straight face. "Oh, Boris," she groaned. Pagkatapos, kinawit na nito ang braso sa braso niya. "Stop stressing about every single thing. Dalian na natin sa paglakad para maka-order na tayo ng panghapunan."
Hindi siya umimik, pero sumasang-ayon si Boris sa suhestiyon ni Olivia.
.
.
***
AN
Good evening ulit! Thank you sa pagbasa sa bagong chapters ng A Man of His Word. Nagustuhan niyo ba? Hehehe~ <3 <3 <3 Kitakits next week at maraming salamat ulit sa pagbasa tonight ;)
Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro