Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifty-Two

NAPAGTANTO NA NI BORIS KUNG ANO ANG NANGYAYARI. Hindi pa man niya alam ang buong kwento pero ang mahalaga, kilala na niya ngayon kung sino ang tunay na kalaban.

Matiim ang titig niya kay Sloven. Palapit ng palapit ang malalaking mga hakbang sa lalaki na sinasabayan sa paglakad si Nikolai. Panay ang sulyap nito sa bata at kay Albie.

Paano mo ito nagawa, Sloven? Paano?

Inalala niya ang nakitang larawan ni Olivia sa cellphone ni Roger. Nakaharap ang babae sa salamin ng banyo habang nakatapis ng tuwalya. Dahil tinago agad iyon ni Roger, hindi niya agad napansin na may sinulat ang babae sa tila hamog sa salamin. Pero nung nasa bus sila ni Roger papunta ng Pride Parade, nahuli niyang tumitingin na naman ito sa larawan ng dalaga. Tila doon humuhugot ng lakas ng loob.

Panakaw ang pagsilip niya roon hanggang sa mapansin ang maliit na detalyeng iyon.

Markov. Iyon ang nakasulat sa salamin gamit ng Cyrillic alphabet.

Maraming katanungan ngayon ang gumugulo sa kanyang isip. Bakit ito ginagawa ni Sloven sa kanya? Paano nito nagawa na bilugin ang ulo niya para magpasikot-sikot sa set-up na ito?

Pumitik ang kaba sa kanyang dibdib nang mapalingon si Sloven sa gawi niya.

He had to admit, that man has the instinct of an animal. Naalerto tuloy ito. Tinulak nito si Nikolai kaya napayakap ang bata sa mga binti ng nagulat na si Albie.

Hindi na siya nagulat sa kinilos nito. Malamang, napansin na ng matalas nitong paningin ang tinatago niyang baril. Kumaripas siya ng takbo para habulin ito. Napapasigaw o napapadaing ang bawat taong mababangga niya.

"Papa!" narinig niyang tawag ni Nikolai.

He turned to Roger. "Look after Albie and my child!"

Lumingon saglit si Roger sa mga ito. Nag-aalangan ang tinging binalik sa kanya.

"We're going after the man who killed Olivia. I can't leave you alone with him!" determinado nitong sagot.

"Just tell them to go home. I'll trap Poison in the basement of that mall," tanaw ni Boris sa mataas na gusaling nabanggit.

"That's a highly surveillance place."

"Exactly!" he growled. "Now go!"

Dadalhin ko roon si Sloven para hindi niya ako makanti. Para mapilitan siyang magpaliwanag kung ano itong ginagawa niya!

Huminto sa pagtakbo si Roger, nakatanaw sa kanya at nagdadalawang-isip kung susundin ang utos niya bago ito pumihit para tumakbo pabalik kina Albie.

.

.

NATATAKOT NA niyakap ni Albie ang bata.

Si Boris iyon. Si Boris at si Roger.

Bakit nila hinabol 'yung Sloven?

Kinalas ni Nikolai ang mga braso niya sa leeg nito at hinila siya sa kamay.

"Papa, did not see us! Let's follow!" he yanked harder at him.

Nanatili siyang naestatwa sa kinatatayuan. Nagtatanong na rin si Georgia sa kanya kung ano ang nangyayari dahil hindi nakaligtas sa mga kasamahan niya ang pagtakbo bigla ni Sloven at ang tumatakbong sila Boris para humabol dito.

Kaya lang, hindi siya makasagot.

"Oy!" hila ulit sa kanya ng bata.

"No," baba niya ng tingin dito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Nikolai. "What no? Are you yellow?"

"Yellow?" naguguluhan niyang echo.

Nikolai just scoffed and shrugged. "Never mind! Let's go—"

"Albie!" naghahabol ng hininga na hinto ni Roger sa harapan nila.

"Roger!" higpit niya ng kamay kay Nikolai para maakay ito palapit sa lalaki. "Ano'ng nangyayari? Hinahabol ba ni Boris 'yung Sloven?"

"Sloven?"

"Yung kasama naming lalaki—"

Humihingal na tumango-tango ito. "Oo. Siya si Poison."

Napasinghap siya. "P-Paano?" nag-aalalang nagnakaw siya ng sulyap kay Nikolai. Lalong nagusot ang mukha ng bata dahil walang maintindihan sa mga pinag-uusapan nila ni Roger. "Eh, siya ang nagdala kay Nikolai dito? Siya yata 'yung kaibigan na kinukwento ni Boris na susundo sa kanya at kasama niya pabalik ng Russia?"

"Hindi ko alam," marahas nitong saad. "Binalikan ko lang kayo para sabihang umuwi na."

There was a gun shot that made everyone shout, run and scatter.

Napamura si Roger at hinanda ang kamay sa nakasuksok na baril sa tagiliran nito. Hindi iyon nilabas ng lalaki dahil baka mapagbintangan na pinagmulan ng pagputok na iyon.

"Roger!" hila ni Albie kay Nikolai payakap para proteksyunan sa nagpapanic na mga tao na walang pakialam kung may mabunggo man o maapakan. Unti-unting tinatangay naman si Roger palayo. "Saan ka pupunta?!"

"Susundan si Boris. Umuwi na kayo!"

Tinuon na niya ang atensyon kay Nikolai. "Nikolai, let's go home."

"No!" pumiglas nito. "My Papa needs help!"

Nahirapan siyang buhatin ang bata dahil maliksi at nanlalaban. Dumagdag pa roon ang masyadong pagiging payat niya.

"Nikolai, please..."

"No! I'll go to Papa..." matapang at mariin nitong wika.

"It's dangerous!"

"That's why!" he blurted. "Dyadya is the greatest spy in Russia! My Papa would need help to beat him up!"

"You know!" pamimilog ng mga mata nito.

"Of course!" he gritted. "I'm with him all the time and I notice the times he was lying to Papa!"

Niyakap niya ito at binuhat ulit. Kailangan niyang mag-isip ng mabilis.

"If you want us to help your Papa, we have to safe first!" Albie yelped when someone bumped him. Muntikan pa niyang mabitawan si Nikolai. "We might get a stampede here! Please!"

Tumingin ang bata sa paligid at inikutan siya para magpa-piggy back ride. Nakahinga si Albie ng maluwag at sinimulang sikapin na makaalis sila roon ng ligtas.

.

.

THEIR SHOES CLICKED ALONG THE GREY CONCRETE FLOORING. Narating na nila Sloven at Boris ang basement parking, ayon na rin sa kanyang plano.

Kilala niya ang lalaki, kaya tulad ng inaasahan, huminto ito nang marating ang bakanteng sulok ng paradahan. Humarap ito at nagtutok ng baril sa kanya. Sinabayan niya iyon ng pagtutok ng baril dito.

They eyes gazed on each other, meeting although their distance was big. Dinig nila ang paghahabol ng hininga ng bawat isa.

"Ano ang nangyari?" panimula niya ng pag-interrogate dito sa wikang Ruso.

"Pasensya ka na," he cocked his head to his left then to his right. "Kailangan kong gawin ito, Boris. Tulad mo, hindi ko rin naisip na hahantong tayo sa ganito."

"Ano ang nagawa ko sa iyo, Sloven? Buong katapatan ko, binigay ko sa iyo. Pinagsibihan kita. Nilihim ko ang lahat ng mga baho mo."

"Alam ko," pagsasalubong ng mga kilay nito.

Hindi siya nakasagot agad dahil biglang nagdugtong si Sloven ng sasabihin.

"Wala kang dapat na ipag-alala pa kay Nikolai. Kaya ko siyang alagaan. Hindi niya malalaman lahat ng pangit na bagay tungkol sa iyo. Mabubuting mga alaala mo ang ikukwento ko sa kanya."

"Sabi na nga ba at parang may hindi tama sa suhestiyon mo na isama si Nikolai sa pag-rescue sa akin dito."

"Kung iniisip mo na hostage ko siya, nagkakamali ka, Boris."

"Oo," maangas niyang sang-ayon. "Gagamitin mo lang siyang pain... para ako na mismo ang lumapit sa iyo."

"Kailangan. Palpak si Olivia, eh," anas nito. "May balak pa na itakas ka. Buti na lang at naabutan ko kayo sa labas ng hotel na iyon."

"Pinatay mo siya. Hindi mo alam na sobra ang paghanga niya sa pagiging magaling mong espiya."

"Sigurado kang patay na talaga siya?"

"You spared her?" hindi siya makapaniwala. Paano nga naman siya maniniwala? Nasa ospital siya nung sabihan ng doktor na patay na ito! Nakita pa niya ang babae sa morgue.

Pero posible rin ang ini-insinuate ni Sloven na buhay pa ito. Malay ba nila sa tunay na nangyari sa loob ng operating room? Malay ba niya kung nagpatay-patayan lang si Olivia sa morgue?

"She's good as dead. Dahil hindi na siya makakabalik pa sa Russia. Nireport ko na siya roon sa tangka niyang iligtas ka... itakas ka. Hindi na siya sumusunod sa mga plano nung nalaman niyang nasa Tondo ka. I told her to already leave, I can take the mission from there, but she didn't."

"Bakit?" dama ni Boris na pumahid sa kanyang tinig ang hinanakit.

"Pamilya ko na ang damay dito. Hindi ko kayang isakripisyo ang pamilya ko para sa buhay mo."

His smile was loose and bitter. "Pamilya. Hindi ko inakala na hindi pala ako kasama roon. Tinuring kitang pamilya, Sloven. Akala ko, ang swerte ko dahil kahit hindi na ako makakapag-asawa at sariling anak, akala ko ayos lang. Dahil nandiyan kayo ni Bruno... ni Nikolai... ang pamilya ko."

Sloven remained unfazed. But deep inside he was struggling with how he was truly feeling. Humakbang ito, tinatantya siya at kinakalkula ang susunod nitong mga kilos para magapi siya.

"I even had to come up with all these mindfuck just to confuse you," patuloy ni Sloven. "Ako ang nag-suggest na dito kayo magtago ni Nikolai. Nakikibalita ako sa iyo, inaalam kung ano ang mga iniisip mo para maging ahead sa mga plano mo. I even had Olivia try to hack our video call in that computer shop, so that you won't ever suspect me. But you still figured me out. Mukhang pagdating sa pakikipag-utakan, wala nga talaga akong panama sa iyo."

"You're smart," he had to admit it. "I only figured you out in the last minute. Hindi pa rin ako makapaniwala na maiisip mong gawin ito sa akin!"

"Ni-re-open ang kaso ni Ex-General Ivanov," nasa tono nito ang pagdedepensa sa sarili.

Si Ex-General Ivanov ang sundalo na tinorture nila noong kasagsagan ng kaso ng nawawalang Russian Secret File. Nung nalaman ni Sloven na ito ang responsible sa pagpapagahasa sa nakababata nitong kapatid na si Anya, walang pagdadalawang-isip na pinasok nila ang tahanan nito. Boris raped Ivanov in the process, bilang ganti sa sekswal na pang-aabuso ng sundalo noong kabataan niya at nag-aaral pa sa military academy. Doon pa lang, nakilala na niya si Ivanov dahil isa ito sa mga trainors doon.

Those sexual abuses turned him to a gay. It was both a blessing and a curse. A blessing because that helped Boris realize what he really wanted, who he really was. A curse, because he had to go through that to realize that what traumatized and pained him would be something he could get used to and enjoy. It didn't have to be that way... but that's how it happened to him.

A person's nightmare can truly turn them to who they will be in the future.

Kilala niya si Sloven. Mas priority nito ang pumatay ng kalaban kaysa sa ipaliwanag pa rito kung bakit. Mukhang nagbibigay ito ng eksplanasyon sa kanya bilang pagpapakita ng respeto sa kanilang pinagsamahan.

"No one should know I'm responsible."

"Kaya nilaglag mo ako?" angil niya.

"May mga ebidensya laban sa iyo."

"Bakit sa akin lang? Hindi ba pangalan mo ang pinagsasasabi ni Ivanov nung nawala sa tamang takbo ang isip n'un?"

"Alam mo naman na ang tanging paraan para sa suspek na ma-exempt sa kaso ay kung—"

"Makiki-cooperate siya sa mga awtoridad," putol niya para tapusin agad ang nais nitong ipahiwatig.

"Sorry."

"Bullshit," he hissed and began firing. Mabilis na umiwas si Sloven at binalik ang putok ng baril sa kanya. Boris ducked and ran behind a parked car. Doon siya nagtago habang tuloy-tuloy ang palitan nila ng bala. Umalingawngaw ang nakakarinding tunog ng mga car alarm. Kapwa sila nagpapakiramdaman, palipat-lipat ng mga kotseng tinataguan para maisahan ang kalaban. Halos iisa lang naman ang taktika nila, makapuslit sa likuran ng isa't isa nang hindi mahahalata. That would caught the one of them off guard, drop their weapon and surrender.

Matapang na tinawid ni Sloven ang distansya nila. Dumulas ito pailalim sa kotseng tinataguan ni Boris para nasipa nito ang tuhod niyang nakatukod sa sahig. Boris muttered a curse as he toppled on the ground. Lumipad ang baril niya pero hindi siya makakapayag na natatanging dehado.

He swung his legs and kicked the gun off Sloven's hand.

Sloven let out a hiss and held his injured hand tightly.

Mabilis na bumangon siya at inatake ito. Tinabig ng isa nitong braso ang manununtok niyang kamao para iiwas sa mukha nito.

Doon na nagsimula ang pagko-combat nilang dalawa. Sloven's movements were more refined, one solid strike and defense at a time. Siya naman ang may mas higit na stamina na magtuloy-tuloy ng atake ng suntok dito at sipa— a street-style kind of combat. Every hit created a loud slapping sound, their breathing shallowed at the energy and pace of their action.

Until Sloven caught his wrist. Pumiga ito sa buto niya habang tila binabali paatras ang kanyang braso. Sloven bent his arm backward.

"Ah!" laban niya rito bago solidong sinuntok ito sa sikmura.

Napabitaw ang lalaki at napaatras. Dumakma ito sa nasuntok na tiyan. Siya naman ay pumiga sa sariling braso, pinapakiramdaman kung tuluyan na bang nabali iyon ng kanyang kalaban.

Sloven glared at him.

"Who the fuck re-opened his case?" humihingal niyang tanong.

.

.

***

AN

Another question to answer tomorrow! T^T <3 <3

Tanggap niyo na bang final week na  ng A Man Of His Word? </3 Kitakits bukas!

With love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro