Chapter Fifty-Three
THE CLUCKING OF THE GUN MADE BORIS TURN. Nakita niya sa likuran si Roger, nakatutok ang baril sa kanya. He felt a sweep of relief. Sinamantala naman iyon ni Sloven para ilabas ang sinuksok na patalim sa likuran nito. Sloven wrapped its chains around his shaking hand.
"Roger," tawag niya rito para lumapit at tulungan siya.
Humakbang ang lalaki, pero nagtataka siya kung bakit sa kanya pa rin nakatutok ang baril nito.
"Sino ang nag-re-open ng kaso?" nakangising saad nito sa wikang Ruso. "Ako."
His jaws tensed. The veins bulged on his arm as he clenched his fists.
"Roger Vladimir," pakilala ng lalaki bago tinapunan ng sulyap si Sloven.
"Wala akong atraso sa iyo." Nanatili ang mata ni Boris dito, naghahanap ng hint kung ano ang posible na susunod na kilos ng lalaki.
"Sa mga Ivanov, mayroon. Lalo na sa tiyuhin ko."
Boris scoffed. "Pamangkin ka pala ni Ex-General."
"Oo," he devilishly grinned. Kalkulado ang mga hakbang nito. "Dahil sa inyo, kahihiyan ang hinarap ng mga Ivanov. Napilitan sila Titan a lumipat dito sa Pilipinas. Nabu-bully ang mga pinsan ko dahil sa balita na nabaliw si Tito, na masamang tao si Tito."
"Dahil totoo iyon," mariin niyang saad.
"Siguro nga. Pero makatwiran ba ang ginawa ninyo sa kanya?" Ayos nito sa pagkakahawak sa baril. "Alam ko ang laman ng mga medical tests nung ni-rescue siya. Bukod sa mga tama ng baril na halos pumilay sa kanya, may gumahasa sa kanya!"
Parang pinanawan ng dugo sa katawan si Boris. Namutla.
"At talagang nilihim niyo pa ang resulta niyon. Dahil ano? Dahil ni-request ng Gregori na iyon? Ng hepe ng GRU? Para pagtakpan kayong mga animal kayo?"
Sloven's eyes narrowed. Sensitibo kasi ang lalaki kapag ang ikalawang ama na si Gregori na ang nadadamay sa usapan.
"Binalik ko lang ang binigay niya sa akin," basag ni Boris sa sariling pananahimik. "Siya ang naunang lumapastangan sa akin. Normal ang magiging buhay ko kung hindi niya ako binaboy!" He pulled back the tears. "Hindi ko hahanap-hanapin ang ganoong karuming... kung hindi ko naranasan iyon hindi ako magiging ganito!"
"Isinisi mo pa sa Tito ko ang pagiging bakla mo!" mayabang nitong taas-noo. "Kinakahiya mo na ngayon ang pagiging bakla mo? Matapos ka makipaglandian sa Albie?"
"Sa Albie?" gulat na bulalas ni Sloven, napatingin sa kanya.
"Tumahimik ka," Boris muttered at him.
Hindi niya kinakahiya kung ano ang kinahinatnan niya ngayon. Ang nais lang niyang ipahiwatig ay kung ano ang naramdaman niya noong ginawa ang karumal-dumal na krimen kay Ivanov. Nag-iba ang tingin niya sa mga bagay-bagay mula nung makilala si Albie.
Joachim helped Boris realize who he really was— tuluyan na siyang naging ganito. Bakla. Masaya sa relasyong lalaki para sa kapwa lalaki.
But Albie... Albie helped him accept it.
Sa buong panahon na nakasama niya si Albie, natanggap ni Boris kung anon a siya ngayon. Nakita niya na masarap sa pakiramdam kung tanggap mo kung sino ka dahil sa pagiging masayahin ni Albie. Sa kainosentehan nito na nagpapakitang bukas ang lalaking iyon sa anumang ibato ng mundo rito. Matapang na sumali sa Pride Day Parade dahil hindi lang nito tanggap ang sariling katauhan. Pinagmamalaki din nito iyon. Hindi kinahihiya. Pinagmamalaki.
Kahit marami ang tutol. Kahit ang sarili pa nitong ama, kabutihan ang binibigay ni Albie sa mga ito. Pang-unawa. Pag-aalaga. Hindi tulad ng iba na kapag hindi matanggap ng ibang tao, ginagantihan ang mga ito sa pamamagitan ng page-exclude sa sarili nitong mundo.
Albie, on the other hand, welcomed anyone who accepts him. And tries to understand those who doesn't.
Kung nauna niyang nakilala si Albie bago ang ginawang krimen kay Ivanov, malamang napigilan na siya ng binatang iyon. Malamang, hindi siya nabalot ng pagkapahiya sa sarili. Ng poot. Ng pagnanais maghiganti.
Dahil ngayon, nakikita na ni Boris ang epekto ng kanilang ginawa. Na kahit sila ang nasa tama, na kahit sila ang nasa katwiran, hindi makatarungan ang paghihiganti.
Malaki ang singil.
Malaki at masakit.
Siningil nang pagkakataon si Sloven. Namatay ang babaeng pinag-aalayan nito ng paghihiganti kay Ivanov— si Anya.
At ngayon, mamamatay na rin yata ang pinag-aalayan ni Boris ng ginawa niyang paghihiganti kay Ivanov.
Siya mismo.
.
.
"ALBIE!" pagpupumiglas ni Nikolai sa kanya. "Not this way!"
"Look," hinto niya para lumuhod at hawakan ang bata sa magkabilang balikat, "we need to call the police."
"No."
"Why, no? They can help us."
"Dyadya is the best spy in the world. No police can catch him!"
"You're too... ano... you're too impressed with Dyadya than your father and the police."
"Not really," malungkot nitong wika. "Papa is the best person in the world."
Kainis. Nahahawa na yata siya sa tila maluluhang mga mata ng bata.
"And he is the kindest," dugtong nito. "He is so kind and he said Dyadya is like family. That's why I am scared. That's why I know Dyadya will defeat him. Because Papa cannot kill Dyadya. He even said he can die for Dyadya."
"Be strong," tayo niya at tinapik-tapik ang bata sa balikat. "We will help your Papa. We don't have gun, so we need help from police, okay?" akay niya rito.
Nikolai put on a serious face. Nilabanan nito ang maiyak. "Hurry!" takbo nito kasama niya.
Lingid kay Albie na natanaw sila ni Georgia sa gilid ng kalsadang iyon habang abala ang security team ng event sa paghahawi ng mga tao sa kalsada para tumabi. Abala na kasi ang mga ito sa paghahanap kung saan nagmula ang narinig nilang putok ng baril.
"Aba, saan pupunta si Bakla?" anito.
"Sundan na natin, mga beki," suhestiyon ng isa nang sundan ang tingin ni Georgia.
"Goraaa!" sang-ayon ng isa pa sa mga kaibigan ni Albie.
.
.
"Tinakot niyo pa si Tita, na gagahasain kapag hindi nanahimik. Mga wala kayong kaluluwa! Hanggang ngayon, may trauma pa rin siya dahil sa mga pinaggagagawa ninyo!"
After getting red with fury, Roger managed to smile again.
"Kaya nandito ako," nakakakilabot ang ngiti ng lalaki, "gusto ko lang siguraduhin na ginagawa ng maayos ng GRU ang trabaho nila. Kamusta ang pagbabalik sa ahensya ninyo, Markov?"
Sloven gritted, his chain-wrapped hand tightened around the hilt of his knife.
"Hindi mo naman siguro gugustuhing pumalpak," patuloy ni Roger. 'Walang maniniwala na pumalpak ang isang Sloven Markov, ang pinakamatinik na espiya sa kasaysayan ng Russia. Magdududa sila kapag bumalik ka na hindi dala ang bangkay ng matalik mong kaibigan," tukoy ng lalaki sa kanya.
Doon lang nanuot kay Boris kung gaano kahirap sa kalooban ni Sloven ang sitwasyon nila ngayon. Kahit gustuhin man nito na manatili siyang buhay, magsususpetsa ang mga tao na hindi nito ginawa ng trabaho. Na nakipagkampihan ito sa kanya. Na pinalagpas siya nito.
Si Sloven ang malalagay sa alanganin.
Maiiwan ang asawa nito't anak.
Pero paano siya? Maiiwan ang Albie at Nikolai niya?
Fuck. At this time, ang mga ito pa rin ang mas iniisip niya at hindi ang sariling buhay.
Maybe, it was because Boris knew that he deserved to die right now. Makatarungan naman siguro iyon, 'di ba? Dahil sa ginawa nilang klase ng paghihiganti kay Ivanov?
He did not deserve any redemption, right?
And he could not let Sloven get hurt. Dahil noon pa man, tinaga na niya sa bato at pinangako na mananatiling tapat nitong alalay... na handa siyang itaya ang buhay para rito.
Pero paano si Albie? Hindi ba nangako rin siya rito? Na babawi siya sa pang-aagrabyado sa tahimik nitong buhay?
Paano si Nikolai? Hindi ba nangako siya rito na magkakasama silang muli?
He had always been a man of his word, but what happens when his words turned against each other?
Which vow would he keep?
"I did not intend to meddle with how you do your job, Markov," anito. "Kaya lang, kaduda-duda na ang agent niyong si Olivia. Lumalambot na sa baklang ito." Roger eyed him. "What about you, Boris Molchalin? Kuntento ka na sa kwento ko? Bedtime story mo na iyon, dahil permanente na kitang patutulugin."
Nilipat ni Roger sa kabilang kamay ang pagkakahawak sa baril at mukhang iyon ang hinihintay na pagkakataon ng lahat.
Lumipad ang patalim ni Sloven.
Pero naunahan iyon ng isang lumilipad na sapatos.
.
.
***
AN
Welcome to the official finale chapters of A Man of His Word!!! <3 <3 <3
Enjoy reading! <3
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro