Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifty-One

NAMILOG ANG MGA MATA NI ALBIE nang may matanaw na palapit sa kanila.


Kitang-kita niya si Nikolai dahil buhat ito sa balikat ng isang lalaking may puting buhok. He wore strong Russian features with a ripped body build. His oozing sexiness caught the attention of Albie's friends.

"Ay, fafa!" pabirong bulalas ni Georgia kaya nagtawanan na sila.

Pero hindi niya makuhang matawa Bakit nandito ang bata? Sino itong kasama ni Nikolai?

Nag-usap ang dalawa sa wikang Ruso bago siya muling tinapunan ng tingin.

"Hello," kaway sa kanya ni Nikolai habang binubuhat pababa ng kasama nitong lalaki.

"Hoy, bakla," siko kay Albie ng isa sa mga kasama niya, "kapatid ba iyan ng Russian Daddeh mo? Pwedeng akin na lang 'yang isang iyan?" nguso nito sa nagbubuhat kay Nikolai na lalaki.

Alanganin ang naging tawa niya. "Kaloka ka, hindi ko pa nga natatanong kung sino siya."

Bumungisngis lang ito bago siya hinayaan ng mga kaibigan na masolo ng mga bagong dating.

"Hello," nahihiyang ngiti ni Albie sa mga ito. He even jokingly tucked his invisible hairstrand at the back of his ear.

Naibaba na ng lalaki si Nikolai kaya bahagyang yumuko si Albie para matitigan ito ng mata sa mata.

"You know where's Papa?" tanong ni Nikolai kaya muling bumalik ang pag-aalala kay Albie.

Nilipat niya ang tingin sa lalaking puti ang buhok. Seryoso lang ang titig nito sa kanya. Binalik niya ang mga mata kay Nikolai.

Paano sasabihin ni Albie sa mga ito na malaki ang posibilidad na nasa panganib ngayon si Boris? Pero huwag silang mag-alala dahil inaayos na ng lalaki ang mga problema nito kasama si Roger? Baka kaya nandito ang mga ito ay dala ng pag-aalala. At mukhang hindi pinaalam ni Boris sa mga ito ang tunay na sitwasyon para nga hindi sila mag-alala.

"Ah... Eh..." ngumiti siya at nagkibit-balikat. "He... He said he'll join the parade soon. He just have to finish some work in the carwash!"

Tama ba? Tama ba ang pagkakapaliwanag niya?

The tall man with Nikolai coolly extended a hand to offer him a handshake. "I'm Sloven."

Nahihiyang nakipagkamay siya rito at tumango-tango. "I'm Albie."

Matiim na tumitig ang mga mata ng lalaki sa kanya. Napasinghap si Albie dahil nakasunod ang mga mata niya sa titig nito kaya hindi napansin na nakalapit na ang mukha ni Sloven sa kanya.

The man murmured in his ear. "You better be telling the truth about Boris."

Naguguluhang nilingon niya ito. Naaasiwa dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nila.

"What do you mean?"

Sloven slowly lifted his blue eyes to pierce on his'. "I think you know Boris already. He can be quite a dangerous man. Too dangerous for you. So, if you'll honestly tell me where he is right now, I can take him with me and we will get off your back for good."

Ang pinapahiwatig ba ni Sloven ay nahahalata nito ang pagsisinungaling niya?

His tension was expressed in Albie's strained laugh.

"Is he already here? Hiding around? Patrolling? Scanning the place?"

Mabiling na umiling-iling siya. "N-No—"

Hindi ko alam.

Lumayo sa kanya si Sloven nang maramdaman ang paghila ni Nikolai sa kamay nito. Kinausap ng bata ang lalaki sa wikang Ruso. Tumuwid ito ng tayo at tumanaw sa harapan. Ang sinabi kasi ni Nikolai dito ay umuusad na ang parade at kailangan na nilang makisabay ng lakad para hindi maiwan.

.

.

NA-INFILTRATE NA NILA BORIS ang parade. Their arms and shoulders brushed past a bunch of people enjoying the parade with their friends and loved ones. Panay ang linga niya sa paligid. Naghahanap ang mga mata. Ganoon din ang ginagawa ni Roger habang pabalik-balik ang tingin sa kanya. Naninigurado ito na makakasunod sa kanya gaano man kakapal ang mga tao roon.

Kumakaway ang bahagharing mga bandila sa parada. Makulay ang mga kasuotan. Naglalakihan ang mga letra ng mga poster at karatula na taas-taas ng mga naglalakad. Karamihan sa mga iyon ay nakasulat sa wikang Ingles kaya malinaw kay Boris na nagpapahayag sila ng pakiusap na maging patas anuman ang sexual reference ng isang tao.

Ilang taon na nga ba at bakit hanggang ngayon, nagmamakaawa pa rin ang mga tulad nila na ituring bilang tao? Na irespeto? Na unawain?

At bakit kailangan pa nilang magmakaawa para sa mga iyon? Hindi ba, lahat naman ng tao respeto lang din ang gusto? Bakit ang hirap magbigay niyon para sa iba?

Tinaas niya ang rainbow flag na nakuha mula sa package galing kay Poison.

Ganito rin ang hitsura nung watawat na hawak nila ni Joachim noong unang sali niya sa Pride Parade. It was nine years ago— year 2011.

Nagnakaw ng hawak si Joachim sa kanyang kamay sa isang café, pinalalakas ang loob niya na iyon na ang tamang oras para i-express nila ang kanilang sarili.

May katwiran ito. Nakakapagod nang magtago at ikahiya kung ano at sino sila.

If there was a love worth fighting for, Boris thought that that would be it.

Their love.

Tulad din nitong lugar na kinatatayuan niya, bumaha ang kulay ng bahaghari sa paligid. May masayang tugtugin, may mga nagsasayawan, may mga simpleng naglalakad lang at ine-enjoy ang parada. May mga makukulay din na lobo, magagarbo ang costume ng ilan at kumakaway ang mga flaglets.

Para silang mga alien na pinanood ng mga tao. May mga hindi makapaniwala, may mga kumakaway din sa kanila at nagiging supportive. May ilan naman na mapanghusga ang tingin.

Pero nung yumakap ang braso ni Joachim sa braso niya, napangiti na lang si Boris.

Sa unang pagkakataon, may lalaki na nagmahal talaga sa kanya. Hindi iyong ginamit lang ang katawan niya para sa sexual experiment ng mga ito o dahil na-challenge lang o para sa tawag ng laman.

And love is truly the purest form of strength.

Alam ni Boris sa kaibuturan niya na minahal siya ni Joachim. Iyon ang dahilan kaya binuksan niya ang sarili para mahalin na rin ito.

Hanggang sa humarang sa parada ang mga pulis. Paikot ang naging pagsugod ng mga ito para pigilan sila. Lumakas ang mga sigawan. May mga nanlaban kaya nagkapalitan ng suntok at tadyak. Armado ang mga ito ng tear gas, batuta at baril, kaya karamihan sa kanila ay bumagsak sa semento o 'di kaya'y naposasan.

"Itigil ang parada!"

"Huwag na kayong manlaban o makakaranas kayo ng dahas!"

"Tumigil ka!"

"Tama na!"

"Hindi pwede ito!"

"Napaka hindi makatarungan nitong ginagawa ninyo sa amin!"

Napapalibutan siya ngayon ng mga taong nagkakasakitan, nagtatakbuhan at nagsisigawan. Nawala tuloy ang atensyon niya sa kasama. Nang maramdaman na may humablot dito, doon na bumalik ang wisyo niya. He turned and saw Joachim being dragged by police officers.

"Umalis na kayo rito o isasama namin kayo sa mga ikukulong namin."

"Bitawan niyo ako!" marahas na panlalaban ni Joachim. May kalakihan ang lalaki kaya nakawala ito mula sa mga pulis. Naalarma tuloy ang mga ito at pinalo ng batuta ang binata.

Doon na nagsalubong ang mga kilay ni Boris. His jaws tensed as he swiftly knocked out one police officer. Nakita iyon ng mga kasamahan nito kaya nagsipag lapitan na sa kanila. Tinutukan sila ng baril. That froze Boris and Joachim to their places. Dahil sa takot para buhay ng kanyang minamahal, hindi na nanlaban pa si Boris. Naiiyak na lang siya habang tinatamo ang sunod-sunod na palo at pananakit mula sa mga pulis.

Balewala sa kanya ang lahat ng sakit. His heart ached for Joachim. Hinanap ito ng kanyang mga mata at nakita ang mangiyak-ngiyak na pagbaluktot nito ng katawan. His arms were trying to shield his body, but it was useless. One kick and Joachim dropped on the ground. Habol ang hininga na gumapang si Boris. Gusto niya itong yakapin para protektahan, pero may sumipa sa kanyang dibdib kaya napatihaya siya. He flinched as he received another set of violence.

And that was it. Iyon na ang huling Pride Parade sa Russia.

Matapos ang insidente na iyon, nagpasa ng batas na banned ng isang daang taon ang pagsasagawa ng Pride Parade. Imoral daw iyon at hindi magandang makita ng mga bata.

"Albie..." he murmured, desperately searching among the crowd.

At bumalik na naman kay Boris ang kinahinatnan nila ni Joachim.

"We can leave Russia," he begged.

Muli, nagkita sila ng lalaki sa café na iyon.

Dumaloy ang liwanag ng araw at humaplos sa buhok ni Joachim. Pero namayapa na ang kislap sa mga mata nito. His smile was weak as he gently shook his head.

Pinasadahan niya ito ng tingin. Wala na ang bakas ng mga bukol, sugat at bugbog sa katawan at mukha nito; pero tila naglamat na iyon sa puso ni Joachim.

"Ayokong iwanan ang Russia," kontrolado nito ang panginginig ng tinig.

"Bakit?" Boris was pained.

Napailing lang ito. Hindi matagalan ang pakikipatitigan sa kanya.

"Bakit ayaw mong umalis dito? Hindi nila tayo gusto rito? Ayaw nila sa atin. Bakit pa tayo mananatili dito? Bakit pa natin ipagsisiksikan ang mga sarili natin dito?"

"This is home."

"A home doesn't have to be a place—" matapang na ginagap niya ang kamay nito pero takot na binawi agad nito ang kamay. "I can be your home, Joachim—" dismayadong huminto siya sa pagsasalita dahil sa ginawa ng lalaki.

"Nasubukan mo na bang mangibang-bansa?" mababa nitong saad. "Kung dito kinukutya nila ang pagiging bakla natin, doon naman, pinagtatawanan nila ang accent natin... ang pagiging Russian natin."

"Nakapunta na ako ng iba't ibang bansa. At hindi lahat ng tao, ganyan."

Joachim gazed into his eyes. "Salamat sa lahat, Boris." Ngumiti ito.

Mukhang pinal na talaga ang desisyon ni Joachim.

"Paano iyan. Mag-iisa ka. Malungkot mag-isa."

Nagbaba ito ng tingin. "Pwede ko namang subukan na gumawa ng pamilya."

He felt fury at the pit of his stomach. "Ikaw? Magpapamilya? Ikaw at... at isang babae..."

Tumango-tango ito. Gigil na nakuyom na lang niya ang kamao.

"Masisikmura mo iyon?"

Hindi ito nakaimik.

"Paano kapag nalaman niya na naging bakla ka? Masisikmura ba niya? Medyo maselan ang mga babae, alam mo iyan at—"

"Kung mahal niya ako, matatanggap naman niya, 'di ba?"

"Mahal kita at tanggap kita. Kaya bakit maghahanap ka pa ng iba?" nagtitimping saad ni Boris, ayaw niyang masigawan ito sa mukha.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Boris nang may matanaw na pamilyar na bulto sa kumpol ng mga tao sa paradang iyon. His eyes narrowed.

Hindi inaasahan ni Boris na hahantong sila sa ganito.

Kinapa niya ang baril na nakasuksok sa bandang balakang niya. Napansin iyon ni Roger at naghanda na rin ang lalaki.

"Siya ba?" tanong ng lalaki mula sa kanyang likuran. Imposible na hindi nito nakilala si Poison. Narinig naman siguro ni Roger kung ano ang description ng receptionist sa hotel kanina sa lalaking nag-iwan ng package para sa kanya.

"Unfortunately, he is," Boris sighed with his eyes locked on Sloven.

.

.

***

AN

Good evening! We are officially starting the finale week of #AManOfHisWord !!! <3 <3 <3 All answers will unfold sa susunod na chapters this Saturday and Sunday! I hope you'll all be there with me! <3 <3 <3

With Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro