Chapter Fifty-Five
NIKOLAI'S EYES MOVED FROM LEFT TO RIGHT. From the farther left, there were two prison cells. Nagsisiksikan sa isa sa mga iyon sila Albie, Georgia at ang iba pa nilang mga kasama. Rinig na rinig ng bata ang pag-iinarte ng mga bakla roon. Hindi nito maunawaan ang mga sinasabi.
"Ang gown ko! Ang pageant! Wala na tayong oras para magpa-beauty!" nakasandal kay Albie na pagda-drama ni Georgia.
Ang isa naman ay nakahawak sa mga rehas. "Mamang Pulis, mga kasamahan kami ni Piping! Ilabas niyo na kami!"
Alas-otso na pero nasa selda pa rin sila. Nawawalan na rin ng pag-asa si Albie na makakahabol pa sila sa Gay Pageant. Ayon kay Sloven, may dadating dawn a representative mula sa Russian immigration na tutulong sa kanila, pero alanganing oras na. Tiyak nitong sarado na lahat ng mga ahensya na makakatulong para makalabas sila.
Dumating kasi ang mga pulis at unang napansin si Roger. Lahat sila ay kinulong para makuha ang detalye tungkol sa mga pangyayari. Pero dahil clueless ang mga kaibigan ni Albie at pinigilan ito ni Boris na magsalita tungkol sa totoong sitwasyon, ito ang inabot nila.
Naniniwala si Albie na magagawan din nila Boris ng paraan kung paano sila makakalabas.
Bukod kasi sa physical injuries na tinamo ni Roger (na dinagdagan pa ni Sloven) kaya 50-50 na ito sa ospital, may nasirang kotse din at nagrereklamo pa rin ang may-ari niyon.
Nakaupo naman si Nikolai sa tabi ng selda nila Boris at Sloven. Sinadya na ihiwalay ang dalawa kina Albie. Niyayaya ang bata ng pulis na umupo sa opisina nito dahil mas komportable doon pero hindi ito pumayag. Nakikinig lang ito sa dalawa habang naglalaro sa tablet nito.
Nakaupo si Boris sa tabi ni Sloven. Kung patagilid ang pagkakasandal ni Sloven sa rehas, nakasandal naman ng patagilid si Boris sa boss niya. Nakadantay ang gilid ng ulo sa balikat nito dala ng antok at pagod. Ngayon pa lang nagsisimulang manuot ang sakit sa muscle na dulot ng pakikipag-combat niya kay Sloven, pagtatatakbo sa parade at pagbabalibag kay Roger.
"And remember," matiim na titig ng asul na mga mata ni Sloven kay Boris, patapos nang magkwento tungkol sa buong pangyayari kaya humantong sila sa ganito, "the best way to deceive a person is through half-lies... half-truth and half-lies. That's how I got that Roger fooled."
Namilog ang mga mata ni Boris, "Half-truth..." Takot na lumayo siya agad dito. "Eh 'di totoo nga na balak mo akong patayin!"
"Patatakasin kita!" depensa nito. "Dahil wala naman akong pakialam kung tanggalin nila sa akin 'yung trono ng pagiging best spy ng Russia!" There was a mock in his tone when he said the last four words. "Pinaikot-ikot pa nga kita para bigyan ka ng oportunidad na makatakas! Kaya ko namang palabasing pumalpak ako para sa minamahal kong alalay na hacker—"
Hindi naantig niyon ang damdamin niya. Ang asawa nga nitong si Asja, hindi nito madaan sa pambobola, siya pa kaya na wala namang feelings para rito?
"Kahit na! Papatayin mo pa rin ako!"
Sloven coolly shrugged. "Kung wala na akong choice—"
"Boss!" naghihinanakit niyang bulalas dito.
"Bakit? Ako ang malilintikan!" lahad nito ng mga kamay. "Nagpaliwanag naman ako sa iyo, nagpresenta pa ako na kukupkop kay Nikolai para mahimbing kang humimlay kung mapapatay nga kita!"
"Sabi mo, pamilya tayo!"
"Sometimes, families kill each other," nakuha pa nitong maguluhan sa sinabi niya. "Desperate measures, hello?"
"Hindi!" halos pumiyok na siya at tinawag ang anak. "Nikolai, huwag kang makikinig sa mga pinagsasasabi ng Dyadya mo!"
Relaxed lang ang mukha ng bata. Sanay naman ito na nagtatalo ang dalawa kapag nagkikita. Nagtatalo dahil pinag-aagawan ng mga ito. Gusto ni Boris na maging normal na bata si Nikolai, nakikitaan naman ni Sloven ng potensyal na maging espiya ito paglaki.
.
.
.
***
.
.
.
"GOOD MORNING," walang emosyon na bati ng warden habang tinatanggal ang pagkakakandado ng kulungan nila Boris.
They almost scrambled to their feet. Natanaw niyang nakatayo na si Nikolai, humihikab pa.
Boris rubbed his eyes. Ano'ng oras na kaya?
Good morning? Ibig sabihin...
"You can come out now," luwag nito sa pinto at tumabi para bigyan sila ng daan.
Nagmamadaling lumabas siya at tinanaw ang kabilang kulungan. Tumakbo pa siya at hinawakan ang malamig na rehas. Wala na roon sila Albie.
"Your friends are already out," sagot ng warden na sinasara na ulit ang kulungang nilisan nila. "They got out first because your chief said that they have nothing to do with your mission."
"Chief?" masahe ni Sloven sa sikmura nito. Mukhang masakit talaga ang pagkakasuntok niya roon.
"Yes. Your Chief Gregori came and told us everything."
Nagusot ang mukha ni Sloven. Bakit mismong si Gregori ang dumating? Kaya naman pala ang inumaga na sila sa kulungan. At paanong pati si Boris kasama nito sa paglaya?
His eyes narrowed. Sloven thought it must be liberty for him, but a trap for Boris. Sigurado ito na kasama si Boris sa mga pangalang binanggit ng pulis kaya malamang na kasama si Boris sa pinagtanggol ni Sir Gregori para palayain.
He needed to do something about this.
"Thank you," tapik ni Sloven sa balikat ng pulis at inakay si Nikolai bago siya nilapitan. "Let's go."
Nang wala nang tao sa pasilyo, kinausap na niya ito.
"Mauna ka nang lumabas, Boss. Yayain mo si Chief na umalis kaagad."
He gave Boris a proud smile. "Mukhang alam mo na ang posibleng mangyari."
"Oo," harap niya kay Sloven. "Magugulat siya kapag nakita niya ako."
"Magugulat? Eh kasama ka sa mga pinalaya, ibig sabihin—"
"Hindi ba ininspect ko ang katawan ni Roger nung hindi ka pa makaisip ng diskarte kung paano didispatsahin?" ngisi niya habang hinuhubad ang isang sapatos. "Nakita ko ang wallet niya. Tapos, naulinigan ko ang isa sa mga kaibigan ni Albie na may pinatawag daw sila na pulis. Dahil doon, sigurado ako na madadamay ang GRU. Sigurado akong hindi ka magdidisclose ng info tungkol sa misyon mo sa kanila, unless approved ng GRU. Kaya," he pulled out a wallet from the shoe and handed it to Sloven.
Nagulat ito nang buklatin ang wallet.
"Kinuha ko ang wallet ni Roger," kumpirma niya. "Tinago ko rin ang wallet ko sa kabila ko pang sapatos. Para makapagdahilan ako na Roger ang pangalan ko."
Isa-isa kasi ang pag-interrogate sa kanila ng mga pulis kahapon. Sa palagay ni Boris, iyon ay para hindi sila makapagkopyahan ng statement. Which would mean less chances for them to make-up a story to fool them.
"Kaya ang pagkakaalam ni Gregori, panigurado, si Roger ang kasama mo, hindi ako."
"Smart-ass," ngisi nito.
Sinuot na niya ulit ang sapatos.
"Kakausapin ko si Sir Gregori. Sisiguraduhin ko na makakabalik ka ng Russia at hindi ka na magiging wanted doon."
Napatingin siya kay Nikolai.
"Anak—" lapit niya rito.
"Naiintindihan ko, Papa," anito. "Sasama na ako kay Dyadya dahil ilang araw na akong hindi nakakapasok ng school."
Nagkatinginan sila ni Sloven at natawa sa bata. Sa lahat ng nangyari, nanaig pa rin ang kainosentehan nito at mas inalala ang attendance sa school. He tousled Nikolai's hair and smiled.
"See you soon, anak."
.
.
TUMAYO SI SIR GREGORI MULA sa kinauupuan nang matanaw sila Sloven at Nikolai. Seryoso ang mga mukha nila nang magkasalubong. Pinasadahan nito saglit ng tingin ang bata bago ang secret agent.
"Markov," anito, "hindi magandang sabihin ko ito sa harap ng isang bata pero binigo mo ako."
He remained composed, although bothered. "Paano'ng binigo?"
"Inuna ko ang pagbisita kay Roger sa ospital."
Natigilan si Sloven.
"Kaya alam ko na si Boris ang kasama mo sa kulungan. Sigurado ako na pagkaalis natin, at saka lang siya aalis dito."
"Sir—"
"Gusto kong sumama siya sa atin pabalik ng Russia."
"Sir—" paano ba nito mapagtatanggol ang kaibigan? Totoo naman ang ginawa nito kay Ivanov.
"I'm your superior, Markov."
"Pero, Sir, may kinalaman ako sa ginawa niya. Ako ang nag-utos sa kanya na torturing si Ivanov sa paraang gusto niya. Kaya kung kaya mong gawan ng paraan na maabswelto ako rito, bakit hindi mo rin iyon magawa kay Boris?"
Nakatitig lang ito kay Sloven.
"Please?"
Gregori let out a heavy sigh. "Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya nga nag-resign na ako nung nakaraang mga taon." He looked away. "Bakit ko pa kasi tinanggap ulit itong pagiging hepe ng GRU?"
Sloven, slightly smiled, "Sir Gregori..." he hinted impatience.
"I have news," taas-noo nito. "Roger died from internal bleeding. Ang pinakapinagmulan n'un ay 'yung injury niya sa sikmura. So..." nag-aalangan na sumulyap ito kay Nikolai bago binalik ang tingin kay Sloven. "Kung magagawan natin ng paraan na makalimutan na nire-open ang kaso ni Ivanov..."
"Everything will be back to normal," Sloven concluded.
Titig lang ang sinagot ni Sir Gregori. Sa totoo lang, medyo nagsisisi na ang matanda sa pagiging biased kay Sloven dahil magaling itong espiya.
"So call him out here," pagtatapos ni Sir Gregori sa usapan. "At sabihin mo sa kanya na may naghihintay sa kanya," sulyap nito sa likuran, sa kinauupuan ni Albie sa waiting area ng police station. "Bumiyahe pa iyan pauwi at bumalik dito para lang hintayin na makalabas siya."
Sloven smiled.
.
.
"PASENSYA NA TALAGA," paulit-ulit nang humihingi ng tawad sa kanya si Albie. "Sorry, Boris, kasi wala ako masyadong nagawa—"
He chuckled and faced Albie.
Nasa airport na sila ngayon, hinihintay na tawagin sila ni Sir Gregori dahil hinahanda pa raw ang private plane. Nag-banyo naman sila Sloven at Nikolai.
"What do you mean with you did nothing?" ngiti niya rito. "You made things easier for me in here. I'm in trouble and all that, and your presence made it less stressful for me."
"Eh nung papatayin ka na ni Roger?" nahihiyang pakikipagtitigan nito sa kanya. "Wala naman ako masyadong nagawa. Tapos si Nikolai, ang bata-bata pa pero, naligtas ka niya."
Tumawa siya. "You know, Albie, what I learned from being a sidekick is that you never steal the spotlight from the hero. You help a bit in a way you can and trust that the hero can do the rest. That's why as much as I respect Sloven, he respects me too. Because heroes know that they are nothing without their sidekicks... or their partner-in-crime."
Boris could not help caressing Albie's cheek. Pinamulahan tuloy ito ng mukha.
Seeing that reaction swept away his light-hearted smile. He could recall how red Albie could get when they were already fucking.
The idea was tempting him right now. Lalo na at baka matagal-tagal bago sila magkita. Marami kasing kailangang ayusin sa Russia. Hindi naman ito para sa kanya. Para na rin ito sa kapakanan ni Nikolai.
"Now that you know the whole story, you're not telling anyone about this, hmm?" he drew his face closer to him.
Nahihiyang tumango-tango ito. "O-Oo. Yes." Nag-zip-mouth gesture pa ito. "My lips are sealed, Boris."
"Magaling," he cracked a crooked smile, so proud of the best Filipino word that he learned from Albie. "Now," he spoke throatily this time, "just to make sure your lips will be sealed."
Hindi nakahuma si Albie nang ilapat niya ang mga labi dito. Secured na hinawakan niya ang batok nito para hindi makaiwas pa. Nilaliman niya ang paghalik. He flicked his chin upward, urging Albie to kiss back. Tinigil niya ang paggalaw sa sariling mga labi nang maramdaman na tumutugon na si Albie. Boris waited for the right timing, tapos sinabayan na niya ang pakikipaghalikan nito.
All in perfect harmony. He would even use tongue if only they were not in a public place.
Dahan-dahang humiwalay siya. Tulirong lumingon-lingon naman si Albie sa paligid. Namimilog ang mga mata nito.
"Boris, maraming tao rito!"
He chuckled. "So?"
Magsasalita pa sana ito pero tila may narealize kaya nahihiyang napangiti na lang.
"I'll see you again, Albie. I swear on that."
Alanganin itong tumawa. "Naku, lagot ang pwet ko na naman..."
"Huh?" he pretended to not understand that.
"Wala!" tawa nito at pinalo-palo pa siya sa braso. "So does it mean, Russian Daddeh na talaga kita? Kasi babalikan mo ako—"
Natatawang pinagmasdan lang niya ito habang tuloy-tuloy sa pagsasalita. Albie stood there wearing a simple gray shirt that fit his slim body, and denim shorts that reached his knees. Masaya ang mukha nito na namumula at natatawa. Once he started resolving his issues in Russia, he was hoping Albie would already finally solve his issue with his father.
Naniniwala siyang magtatagumpay doon si Albie. Alam niya sa sarili na mahal ito ni Mang Al. At kapag mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo kung sino sila. Tatanggapin mo lalo na kapag naunawaan mo kung bakit sila ganoon.
Natatanaw naman sila ni Sloven at Nikolai na napahinto sa tangkang lapitan sila nung humalik na si Boris kay Albie. Sloven turned to the kid to get his reaction. Mukhang naramdaman naman iyon ni Nikolai.
"Hindi niya sinabi sa akin, pero kilala ng puso ko si Papa."
"And your heart knows him very well."
Nikolai just stared at how happy Albie and Boris looked. Mukhang nagkakatuksuhan ang dalawa dahil pinagpapapalo ni Albie ang natatawang si Boris.
"Tara na, Dyadya,"anyaya nito at naunang lumakad. Nakangiti ito bago napansin ng dalawa napalapit na sila ni Sloven.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro