Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eleven

NAGHUBAD si Boris sa harapan ni Albie. Pagkahubad sa nabasa nitong shirt, pinampunas iyon ng lalaki sa matigas nitong dibdib, pababa sa tiyan. His hands moved slow until it reached his belly. Pero hindi doon huminto ang kamay nito.

Bumaba pa.

It rested over his crotch.

Bwisit! Bwisit na lalaki!

Hindi siya dapat naiinis, 'di ba? At paanong maiinis siya? Hanggang matapos siya sa paglilinis ng hotel room na iyon pawis na pawis pa rin siya. Hindi lang trabaho ang nagpapawis sa kanya kundi si Boris at ang imahe na iniwan nito para magpaulit-ulit sa kanyang isip.

Nakangisi sa kanya ang lalaki, may kislap ng determinasyon ang mga mata.

Sinadya nga yata talaga nito na halikan siya kagabi!

Dinama ni Albie ang kanyang labi.

Bakit ako? gimbal na tanong niya sa sarili.

Halos buong buhay niya, bakla na siya, pero hindi naman siya umaasa ng ganito.

Ganito na may papatol sa kanya.

Una sa lahat,hindi naman siya ganoon kagwapo. Ikalawa, walang humamak na pumatol sa kanya. And that made sense! For Albie, that made sense. Hindi siya kahapon lang pinanganak. Kahit may mga nababalitang gay relationships na masaya ang ending, hindi pa rin siya naniniwala na mangyayari ang ganito sa kanya. Kadalasan sa mga baklang tulad niya ay ginagamit lang ng mga lalaki—para sa pera o para lang sa adventure. Kung may mababait mang mga lalaki sa mundo, iyon ay mga lalaki na pakikipagkaibigan lang ang gusto.

Pero si Boris, alam ni Albie na hindi iyon ang intensyon ng lalaki para gawin iyon.

Tigas na tigas siya sa pagitan ng mga hita habang nililinis ang hotel room na nilisan nito. Nakakainis dahil ilang minuto pa ay dumating na roon si Jelly na katuwang niya sa paglilinis. Ayaw naman niyang pag-isipan siya ng babae ng kung anu-ano kapag napansin iyon!

Albie tried to focus on his job. Mukhang kinaya naman niya. Pero sa loob-loob, parang sasabog na ang utak niya. Umupo siya sa gilid ng kama sa kwarto ng boarding house na tinutuluyan nila. Pang-umaga ang shift nila ni Jelly ngayon, kaya ngayong alas-singko ng hapon, nakauwi na sila. He let out a breath.

"Russian Daddeh! Bakit?" gusot ng dalawa niyang kamay sa sariling mukha.

Hindi niya alam kung matutuwa o matatakot. Malay ba niya? Ano ba talaga ang intensyon ng Rusong iyon sa kanya? Imposible na seryosong relasyon ang gusto ni Boris sa kanya.

Imposible, imposible, imposible...

Dahil nakapag-bihis na si Albie at bagong paligo na rin, hinagilap na lang niya ang cellphone. Napatitig siya roon at nagdadalawang-isip pa kung tatawagan ang kanyang Ate Mina para kamustahin ang tatay nila.

Narinig niya ang pagkatok ni Jelly sa bukas namang pinto ng silid niya kaya nag-angat si Albie ng tingin dito. Simple lang si Jelly— kulot ang buhok nito at mas maputi sa kanya. Medyo singkit ang mga mata nito na mas naniningkit kapag nagtataray-tarayan. Sa ngayon, pinagtataasan siya ng bruha ng kilay.

"Albie," tawag nito sa kanya.

"Oh, bakit?" lapag niya ng cellphone sa kama.

"Okay ka lang ba?"

"Sus naman! Oo naman no!" eksaherada niyang paliwanag, pero balewala lang iyon kay Albie. Ganoon naman siya palagi sa mga kasama sa trabaho. Gusto niyang makikita lang ng mga ito na magaan siya kasama at palaging masigla.

"Eh kasi, parang halos buong araw kang wala sa sarili," ekis nito ng mga braso. Tulad niya, nakapagbihis na rin ito ng pambahay. "Come on, ikwento mo iyan sa akin."

Tumuloy na ito sa kanyang silid.

"Naku naman," kunwari ay inipit niya ang buhok sa likod ng tainga, "gamit na gamit na itong bunganga ko kakadaldal sa inyo, pagdadaldalin mo na naman ako."

"Kakadaldal? Halos hindi mo na nga kami kinakausap kanina!" panlalaki ng mga mata nito. "Tungkol ba sa tatay mo? Kamusta na ba si Tatay mo?"

"Naku, Jelly, ayos lang ang Tatay, okay?" buntong-hininga niya.

"Kung ganoon, anong meron?"

"Wala," iling niya.

Siyang dating naman ng isa sa mga kasama nila sa boarding house na si Christian, isa sa mga hardinero ng resort.

"Hoy, Albie," silip nito sa pinto. "May naghahanap sa'yo na chicks sa labas."

"Chicks?" pamimilog ng mga mata ni Jelly kay Christian bago iyon napunta sa kanya.

"Paupuin mo muna sa salas," aniya kay Christian na umalis agad.

Jelly spoke again. "Sino'ng chicks iyon?"

Dahan-dahang tumayo si Albie. "Easy, okay? Baka guest lang na naaalala ako at may itatanong sa akin."

Tumayo na rin si Jelly at sumunod sa kanya sa salas. Nagulat siya dahil si Olivia ang nakita niyang nakaupo sa kawayang sofa at naghihintay. Tumayo ito para salubungin ang paglapit niya.

"Oh, my God, Ma'am Olivia," pasada niya saglit ng tingin sa babae. Bakit hindi? Kahit sino naman mapapatingin sa sobrang ganda nito. May pagkamailap nga lang ang mga mata kaya posibleng may mga lalaking mai-intimidate. Nakatayo ito sa harapan nila na nakasuot ng puting blouse at pencil skirt.

"Hi, Albie," pormal nitong ngiti sa kanya bago nilipat ang tingin kay Jelly at tinanguan lang ito.

"Take a seat! What brings you here, Ma'am?" anyaya ni Albie sa babae na hindi natinag sa pagkakatayo nito.

"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Jelly nang mapansin na hindi nagsasalita si Olivia dahil nakabantay ito sa kanilang dalawa.

Sinundan ito ng tingin ni Olivia bago sinabi ang pakay sa kanya.

"Albie, I just came here to pick you up."

"Pick me up?" mahina niyang wika.

"Yeah, because you promised to have dinner with Boris, didn't you?" there was a certain spark in her eye. Kinabahan si Albie roon.

Naku naman! Seryoso talaga si Russian Daddeh!

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. "W-What should I wear?"

Saglit na pinasadahan ni Olivia ng tingin ang suot niyang striped shorts at manipis na t-shirt na pambahay lang. Pagkatapos, malamig na tumitig ito sa mga mata niya.

"That would be fine. Let's go," at tumalikod na agad ito.

Sinundo ako ni Ma'am Olivia, sunod ni Albie rito, at ihahatid niya ako kay Boris... Alam niyang magdi-dinner kami ni Boris. Nahihiwagaan pa rin siya pero nagkakaroon na ng linaw ang lahat para sa kanya. Ibig sabihin, hindi nga talaga siya asawa ni Russian Daddeh!

Dahil nangunguna sa paglakad si Olivia, hindi magawa ni Albie na kausapin ito. Tinahak niya ang buhanginan patungo sa beach resort habang panay ang takbo ng kanyang isip.

Ano ang sasabihin ko? Paano ko siya kakausapin?

Kakagat ba ako sa hotdog niya?

Dama niya ang pag-init ng mga pisngi.

Doon naman papunta ito, 'di ba? Baklush ako, aasa ba dapat ako na seseryosohin ako ng fafa na tulad ni Russian Daddeh? Siyempre, hindi.

Nakulayan ng pagkatamlay tuloy ang kanyang mga mata.

Bahala na! Basta libre niya 'yung pagkain! Game!

Dinala siya ni Olivia sa dalampasigan. Makikita roon ang hanay ng mga mesa na may payong na kulay asul. Narating na nila ang mesa na kinauupuan ni Boris. Nag-usap ang dalawa sa wikang Ruso bago siya nilingon ni Olivia, tinanguan at iniwanan.

Lumapit na si Albie sa mesa at dama niya ang tindi ng pagpintig ng puso nang mapunta sa kabuuan ni Boris ang kanyang mga mata. Nakasuot ito ng manipis na button-down shirt na berde at bulaklakin na shorts.

"Please, sit," alok nito sa katabing upuan.

Dalawa lang ang upuan na naroroon kaya naman wala na siyang choice kundi ang umupo sa tabi ng lalaki. Nakahanda sa mesa ang ilang snacks at dalawang bote ng alak.

Mukhang maboteng usapan ito...

"So, how's your day, Albie?" deretsahang tanong ng lalaki sa kanya.

Para siyang titiklop nang maramdaman ang paglapag ng braso nito sa ibabaw ng backrest ng upuan niya. Sa ganoong posisyon, parang nakaakbay na sa kanya si Boris.

"It's good... it's good," nahihiyang sulyap niya rito.

"Why are you being all shy now? You're such a loud mouth, aren't you?"

Nanlaki ang mga mata niya sa lalaki. Parang ang pangit naman kasing pakinggan 'yung loud mouth.

"I just don't know what to react about this... Sir."

"Boris," pagwawasto ng lalaki. Kumuha ito ng isang bote ng alak at inalok iyon sa kanya.

"Later," alanganin niyang ngiti rito.

Boris was gentleman enough to just nod and put the bottle back on the table. Hindi na siya nito pinilit.

"I hope you're fine with fries. I don't know what you really want yet so, that's the thing I decided to order first," paliwanag nito sa pagkain na nasa mesa. "But a little later, we can choose to eat something else of your liking."

"Look, Sir," titig niya rito. "This is nice, but I work here. My workmates will see me here and..."

Paano ba niya ipapaliwanag sa lalaki na nahihiya siyang makita ng mga katrabaho na kasama ito?

At bakit nga ba ganito na ang nararamdaman niya ngayon?

May dapat ba siyang ikahiya?

Dapat ba niyang ikahiya kung isipin ng mga ito na nagde-date sila ni Boris?

Hindi pa ba ito date?

Ang bilis ng pangyayari, hindi pa nagsi-sink in ang lahat para kay Albie.

"So?" usog nito palapit sa kanya.

Mahabaging Diyos, ang init naman nitong fafa na binigay niyo sa akin. Nalapit kaagad!

Pasimple siyang umusog palayo rito.

"Hey," tawag nito kaya napalingon si Albie sa lalaki. His intense grey eyes met his'. "So what if they see us?" unat nito ng kamay para kumuha ng isang piraso ng french fry.

"I don't want to... to look unprofessional!" nerbyos niyang tawa, paano kasi, ang tiim na ng titig nito at sobrang seryoso. "That's all!"

He chuckled softly and gasped. Nahulog kasi nito ang hawak na French fry.

"Sorry," kislap ng mata nito sa kanya at bago pa nakapag-react si Albie, bumaba na ang kamay nito para damputin ang French fry na nahulog ng lalaki sa upuan niya. Nahulog iyon sa pagitan ng kanyang mga hita.

Napaawang ang mga labi ni Albie nang bahagyang kumiskis ang kamay nito. It rubbed on his left inner thigh, picked up the French fry and placed it in a tissue paper. Dahan-dahang pinakawalan niya ang pinipigilan na paghinga.

"I know you're wondering why I want you here, and I am not the kind who beats around the bush. No, I'm an honest man, so I'll say..." wika ni Boris na pagkatapos ilagay sa isang tabi ang natapong French fry ay dinampot na ang bote ng beer nito. The man turned to him. "It's because I am wondering if you have ever tried..."

Nakaabang si Albie sa susunod nitong sasabihin.

"How do I put it softly?" akbay sa kanya ng lalaki at lapit ng mukha nito sa kanya. "There's no way I can use a soft term on sex, you know? Because I always do it hard, Albie. I fuck really hard. Are you into that?"

Albie knew that this man's words just blew his mind.

.

.

***
AN

Tararaaaannn! <3 <3 <3 Hahaha! Heto na ang last UD for today!

Iniisip ko kung paano mapapabilis ang updates ko. Napansin ko kasi na bakit parang ang tagal ng takbo ng A Man of His Word at The Gentleman's Secret? I mean, I usually finish a story in a month, and now, malapit na mag-April pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng mga stories na ito. What do you think?

Anyways, thank you so much for supporting my new stories (this one and The Gentleman's Secret) <3 <3 <3 It means a lot to me dahil nakakatuwa na hindi lang yung mga sikat ko na series ang sinusuportahan ninyo. Nakakatuwa na kahit anong maisipan ko na isulat, sinusuportahan at sinusubaybayan ninyo. That totally means a lot to me and super appreciated! <3

Thank you and kitakits sa susunod na UD!

Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro