Chapter Eight
BUTI AT NAKAKALAKAD pa si Boris. Dahil kung hindi, hindi matitiyaga o makakaya ni Albie na buhatin ang lalaki pabalik ng hotel. Maingat na hinihilig ni Albie ang ulo para walang makapansin sa kanya na mga katrabaho habang tinutungo nila ni Boris ang elevator.
Sa awa ng Diyos, bakante ang elevator nang bumukas ang mga pinto nito para sa kanila. Hinila niya si Boris papasok doon at sinandal sa pader. Hinarap ni Albie ang mga buton at sumulyap sa lalaki.
"On what floor is your room?" tanong niya rito.
Namumungay ang mga mata nito nang magmulat. Boris' head hung down, as if it was too heavy for him to lift up. Matiyagang hinintay pa rin ni Albie ang sagot nito.
"Third," sa wakas ay namutawi sa mga labi nito.
Pagkapindot ng buton, pumuwesto na si Albie sa tabi ng lalaki. Tuyo na ang basa nitong buhok na naninigas ang mga hibla. Gayundun ang swimming shorts nito na marurumihan pa rin ng buhangin.
Mabilis na hinatid sila ng elevator sa palapag ng silid nito at muling inakbay ni Albie ang braso ni Boris sa balikat niya. Medyo yumuko pa ang lalaki dahil sa pagkakaiba ng height nila. Boris let out a sigh and slightly swayed as they left the elevator.
"Where is your room?"
"308," anito.
Halos kabisado na ni Albie ang hotel kaya determinadong tumango ito at umikot para dalhin ang lalaki sa Room 308. Nang malapit na sila roon, napatingin si Albie rito. He figured that Boris' shorts have no pockets. Ibig sabihin, posibleng hindi nito dala ngayon ang susi para sa suite nito.
Nag-angat siya ng tingin habang dahan-dahang inaalis ang braso nito sa balikat niya.
"Where is your key? The key to your room," turo niya sa pinto.
Napatingala ito at huminga ng malalim. Then he lowered his eyes on him.
"I did not bring it," he slurred. "We can doorbell. Olivia will open the door."
Nahihiya siyang magpakita kay Olivia. Baka kung ano kasi ang isipin nito kapag nakitang kasama niya si Boris. It would not be this awkward for Albie, if Albie was not fantasizing on Boris.
Yes. Fantasizing in a very complicated way.
It was thrilling but scary.
Hindi niya maipaliwanag. Normal na naman para sa kanya ang kiligin sa isang lalaki. Lalo na kung macho na, gwapo pa. Pero ang kinakatakot ni Albie ngayon ay parang hindi ganoon ang dating ni Boris sa kanya.
They just talked on the shore of the beach. Boris told him how he felt so scared for Nikolai to have a father like him. Kinukwestiyon ni Boris kung kaya ba nito maging mabuting ama para kay Nikolai. Sa palagay ni Albie, ganoon ang iniisip ng lalaki dahil first time father. Si Nikolai lang naman kasi ang batang kasama nito, at ito lang din ang kinukwento ni Boris na anak nito.
Matapos niyang i-assure na nagagampanan naman ni Boris ng maayos ang pagiging ama, nagsimula na itong magkwento ng magkwento tungkol kay Nikolai. Napakatalinong bata raw at disiplinado. May sense of maturity na rin daw ito sa murang edad pa lamang. Boris was feeling ashamed to be titled as Nikolai's father. Sigurado raw kasi ito na kapag lumaki ang anak, ibang-iba sa kanya. Mas higit sa kanya. Wala ni isa man lang daw itong maiko-contribute para lumaki ang anak nito na matalino, disente at matino.
Medyo naguguluhan si Albie, pero alam niyang lasing ang kausap. At base sa karanasan niya, wala namang matinong kausap sa mga nalalasing. Karamihan sa kanila, dine-deny na kinabukasan ang mga pinagsasasabi nila.
Pinindot na ni Albie ang doorbell at hinarap si Boris na nakatukod sa katabing pader ang kamay.
"You wait for the door to open, okay?" bilin niya rito. "I need to go now."
Pahakbang pa lang si Albie nang humigpit ang isang kamay ni Boris sa braso niya. Natigilan siya at nagtataka ang mga mata na napatitig sa mga mata ng lalaki. He was flushing, grey eyes were hazy, and heavily breathing.
"You're nice," he spoke throatily. "For a very long time," mapungay nitong salo sa kanyang tingin, "no one has ever really, really, tried to... to connect with me. You know?"
Paano'ng connect? Wala naman sila masyadong pinag-usapan ni Boris. Puro tungkol lang sa pagiging tatay nito kay Nikolai. Puro tungkol lang sa takot nito na baka hindi maging mabuting ama rito.
Walang mahanap na koneksyon doon si Albie dahil hindi naman siya nakaka-relate kay Boris pagdating sa pagiging tatay. Hindi pa siya nagkakaroon ng anak at mukhang tatanda siyang walang anak dahil bakla siya. Oo, pwede naman siyang mag-ampon kapag ginusto niya. Pero sa tingin ni Albie, iba pa rin kapag sarili mong laman at dugo ang inaalagaan at tinuturing mo na anak.
Masidhi siguro ang magiging pagmamahal niya sa bata bilang magulang. Tulad malamang ng kay Boris. Kung hindi mas higit, magkatulad naman.
Boris faintly smiled. "It's so nice. Men have never been... never been really nice with me. Most of them pretend. Only a few are... are really nice. You're nice..." he sounded breathlessly astounded, looking at him with awe. "You're so nice."
Nahihiyang umiwas siya ng tingin kay Russian Daddeh. Nasaan na ba ang kalandian niya ngayon? Nawala na yata dahil paulit-ulit na binanggit sa kanya ni Boris kanina na may anak na ito.
May anak na.
May Olivia pa.
Off-limits.
Hindi na niya pwedeng landiin ang lalaking ito.
And come on. As if naman papatulan siya nito.
He's so manly, a very caring father to Nikolai, has a very beautiful,bombshell wife.
Ano ang laban ni Albie sa mga iyon?
At bakit ganitong bagay ang pinag-iiisip niya? Lasing si Boris at siya ang napag-trip-an nitong pag-usapan. Once he got sober, he probably forgot that they even met tonight.
Therefore, there was nothing... nothing special about this.
There's nothing special about them talking on the beach. There's nothing special about this at all.
Dahil hindi na siya umimik pa, tinaas ni Boris ang kamay. He gripped under his jaw, lifting his face to meet his'.
Naguguluhang tumitig si Albie sa mga mata ng lalaki.
Tinulak siya nito pasandal sa pader. Akala niya ay sasakalin na siya nito dahil ang kamay nitong nakahablot sa ilalim ng kanyang panga ang ginamit nitong panulak sa kanya pasandal doon.
Albie let out a grunt as Boris quickly leaned lower to reach his lips...
With his lips.
Gulat ang gumuhit sa mga mata ni Albie nang lamukusin siya nito ng halik.
Albie was frozen, eyes wide open as Boris slowly pressed himself against his body. Para siyang papanawan ng katinuan ng mga oras na iyon. Mindblown with disbelief. Tensed by the way Boris' lips crushed against his'. He turned his head side to side and pushed deeper. Dama niya ang pagbuka ng mga labi nito sa ibabaw ng mga labi niya. His lips rubbed against his' as they parted, his hot breath hitting his lips like a smoke before Boris' tongue slithered out to part his lips.
Napapitlag siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Wala sa loob na naitulak si Boris.
But the man had a stronger built than him. He only nudged a bit. Nakatukod pa rin ang kamay nito sa pader at nakahablot sa kanyang pangahan nang lumabas si Olivia.
Nalingunan ni Albie ang gulat nitong ekspresyon. Her mouth dropped as her eyes shifted from him to Boris.
Alam niya na malaking gulo ito.
At mahaba-habang paliwanagan.
.
.
***
AN
OH.MY. GAHD!!! O____O
Well, here we go with my three-chapter-update! Kamusta kayo diyaaaannn???!!!
Kitakits next week, for them brand new chapters! ;)
Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro