Vulnurable
RED TINGED her swimming vision. Hindi niya sigurado kung ano nga ba talaga ang iniiyak at ikinagagalit niya. Ang alam niya, kaya niyang yupiin ang panga ni Miguel sa suntok 'pag napakita pa ito sa kanya.
Ang kapal ng mukha ng walanghiya, may asawa na pala. Siya namang si tanga, nabulag sa mga pa-impress nito. Ganoon na ba talaga siya kadesperada para magtiwala agad-agad?
At si Larkin? Oh God! Wala siyang mukhang ihaharap sa binata pagkatapos ng mga nangyari. Kung anu-anong mga pautot pa ang ibinato niya kay Larkin dahil sa pagdi-defend niya kay Miguel.
She almost wrenched the car door open but something stopped her. Automatic ang paglipad ng kamao ni Elie nang mapagsino ang pumigil sa kanya.
Yuyupiin niya ang panga ni Miguel at ngayon na 'yon, hindi bukas. Hindi na niya hahayaang mawala ang pagkakataon. Her fist landed on her target.
Ramdam ng dalaga ang satisfaction nang bumiling sa kanan ang mukha ni Miguel. Gusto sana niyang tumalsik ito pero imposibleng mangyari sa laki nito at sa liit niya.
"I deserve that." Malumanay ang boses ni Miguel.
She was surprised to find her tears absent. "Good. At least alam mo."
Napayuko si Miguel. "Alam kong hindi ka maniniwala kahit na anong sabihin ko. But believe me when I say I am truly sorry."
"Save it, Miguel. Wala na rin namang magagawa ang sorry mo."
Walang naisagot si Miguel sa kanya. Nanatili itong nakayuko at panay ang hagod sa buhok.
"We're getting our marriage annuled, Elie."
Napabuga siya ng hangin. "May babe tapos annulment? 'Wag mo nga akong gawing tanga, dok. Nakakainsulto ka na eh!"
"It was out of habit. We're friends kahit maghihiwalay kami. And even if she gets to marry her current boyfriend, I'll always be fond of her. Hindi mababago ang pagkakaibigan namin ng annulment o relationship status ng isa't-isa. After all, we got married not because we have romantic feelings for each other."
"Just the same, kasal ka pa rin. Kahit sang anggulo tingnan, may asawa ka. I don't deserve to be anyone's mistress!"
"Elie, wait!"
Nagbingi-bingihan si Elie at sinigurong naka-lock ang pinto ng pick-up. Napilitan si Miguel na umatras nang umandar ng sasakyan. Good for him. Sa lagay niya ngayon, baka matukso siyang sagasaan ang doktor. Ma-headline pa siya bukas.
SHE FOUND herself at Larkin's doorstep. Wala siya sa sarili nang mag-drive kaya nagulat pa siya nang magbukas ang pinto. Hindi niya matandaan kung pinindot ba niya ang doorbell. O baka naman sadyang may powers si Larkin, alam kaagad nitong siya ang nasa labas.
Hindi man lang ito nagulat sa pagdating niya. He must have seen the question in her face. "Narinig kong may tumigil na sasakyan," sabi nito na niluwangan ang bukas ng pinto.
"Bukas ang gate mo." Flat ang boses na komento niya.
"Palabas na nga din sana ako dahil naalala kong di ko na-i-lock."
Pabagsak na naupo si Elie sa sofa pagpasok niya. Hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. Halu-halo ang isip niya. She then kicked off her sneakers, curled into a ball and closed her eyes.
"What's wrong?" mahinang tanong ni Larkin. Sa lapit ng boses nito ay parang malapit lang si Larkin sa ulo niya.
Dumilat siya ng kaunti. Nakaupo si Larkin sa sahig habang nakatunghay sa kanya. Napasinghot si Elie imbes na sumagot. May naramdaman kasi siya sa ilong kasabay ng pag-iinit ng mga mata. Pumikit na lang uli siya sa pagsisikap na maitago kay Larkin ang nararamdaman.
"Elie, come on. Talk to me."
The moment his hand glided down her hair, her tears fell. Sunod-sunod ang mga luha, parang walang balak tumigil hanggang maubos ang tubig niya sa katawan.
Habang nagda-drama siya ay tahimik si Larkin. Maliban sa patuloy nitong paghagod sa buhok niya ay hindi na ito nagtanong. Hinayaan lang siya ng binata na umiyak hanggang kailangan niya.
Ngayon siya naniniwalang wala ngang forever dahil natigil din siya sa pag-iyak. Pinaniwala lang pala siya ng sariling isip na unlimited ang iluluha niya. With swollen eyes and aching throat, she sat up.
"May tubig ka ba d'yan?" namamaos na tanong niya kay Larkin.
Natawa ang binata. "Ikukuha kita."
Nakadalawang balik pa si Larkin ng tubig bago tuluyang nahimasmasan si Elie. Sa huling balik ng binata mula kusina ay may bitbit na itong tray ng pagkain kasama ng tubig niya.
"Kumain ka muna."
Pasta with chicken ang nakahain. May sopas pa sa tabi.
Suminghot si Elie. "Nagluto ka?"
"No time. Binili ko sa labas. Kako kakain muna 'ko bago matulog."
"Ayoko n'yan, ikaw ang kumain," turo ni Elie sa pasta, "ito lang ang kakainin ko."
"Sige. Sa 'yo 'tong soup."
They ate in silence. Napapansin ni Elie na madalas ang sulyap sa kanya ng binata. 'Pag nahuhuli niya ay ngingitian lang siya nito at ibabaling sa pagkain ang tingin.
"Bakit ka nagnanakaw?" di nakatiis na tanong ni Elie nang maubos ang sopas.
"Ano'ng ninanakaw ko?"
"Tingin."
Ngumiti si Larkin, binitiwan ang tinidor. "Yon lang kasi ang kaya kong nakawin sa 'yo. Sa ngayon," sinabayan pa nito ng kindat ang sinabi.
Napasimangot si Elie. "Landi moderately, boy. Vulnurable ako ngayon, baka maniwala ako 'di na ko umuwi."
"Eh, di 'wag kang umuwi. Nanakawin na kita nang buo sa Nanay mo."
Parang may gumugulong sa dibdib niya. Para maitago ay tinaasan niya ng kilay ang binata. Kunwari hindi siya apektado.
"Really? Nag-wo-work ang ganyang linyahan mo sa Canada?"
He smirked. "Hindi ko nga nagamit. No need."
Tumango si Elie. "I see. Hindi pala kayang patigasin ng snow sa Canada ang kayabangan mo sa katawan."
"Kaya nga ako nagtataka eh, wala namang winter sa Pilipinas. I wonder how it is that your heart is both hard and cold."
"Wag mo ngang pakialaman ang puso ko," saway niya kay Larkin. Tinapik niya ang dibdib. "Okay lang 'to, kaya pa."
"Buti pa 'yang sa 'yo, kaya pa. Itong akin, mamamatay na."
"Weh? Ano'ng silbi ni Roxanne?" hindi maiwasang patutsada ni Elie.
Kumunot ang noon ng binata. "Paanong napasok si Roxanne sa usapan?"
Elie scoffed. "Magpanggap ka rin eh, no? Miguel version two?"
Biglang nagdilim ang mukha ng binata. Ibinagsak nito sa lamesita ang hawak na kutsara. "Siya ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?"
"Wag mong ibahin ang usapan."
Nagulat si Elie nang biglang tumayo si Larkin. "Damn it! Ganoon ka na ba kahulog sa kanya para iyakan mo siya nang ganyan? For god's sake, Elie! May asawa si Miguel! Life goals mo ba ang maging kerida? Para kang takot maubusan ng lalaki, ah!"
Bigla ang pag-iinit ng tainga ni Elie sa narinig. Imbes na ipagtanggol ang sarili ay parang mas gusto pa niyang gatungan si Larkin, makaganti man lang sa insultong natanggap niya.
Iniisip ba nitong ganoon siya kadesperada para itapon sa hangin ang moralidad niya at pumatol sa may asawa?
"Ano naman sa 'yo ngayon? Wala kang pakialam kung gusto kong maging mistress ni Miguel!"
Halos sumabog ang mga naglilitawang litid ni Larkin sa leeg. "Do you hear yourself talking, Felicity Sarabia?! Magtitiis kang makihati sa iba ganoong may nag-aalay sa 'yo ng buong pagkatao't pagmamahal na solong-solo mo?"
"Nasaan?" Nagpalinga-linga siya. "Wala akong nakikita!"
"Ako! Tangna Elie! Ano bang kailangan kong gawin para pumasok diyan sa kukote mo ang katotohanang mahal kita hindi bilang kaibigan?"
Ayaw niyang umasa. Hindi siya aasa. Natatakot siyang baka joke lang at bawiin din ni Larkin sa huli. She shook her head, eyes brimming with fresh tears.
"Hindi na ako ang dating Elie na ngumiti ka lang nawawala na sa sarili, Larkin. Hindi na rin ako ang dating Elie na iniwan mong durog dahil dinipende ko sa 'yo ang kaligayahan ko."
"Kaya mas gugustuhin mong maging mistress ni Miguel, ganoon ba?! Dahil sinaktan kita noon, ayaw mong maniwala ngayon?" Galit na lumapit si Larkin sa kanya. May kung ano sa mga mata ni Larkin na nagpaatras kay Elie.
"Hindi ako ganoong klase ng babae!" Pinunasan niya ang pisngi nang maramdamang nahulog na ang mga luha.
"Hindi?" Parang nakakalokong ngumiti si Larkin. "Then enlighten me further."
Umiling si Elie. "Hindi ko mababago ang perception mo. Bahala kang manigas d'yan sa kakaisip, wala na akong pakialam. Thank you for making me realize that I made a mistake in coming here."
Kumilos siya para damputin ang sneakers pero hinarang siya ni Larkin.
"Umalis ka d'yan."
"No."
"Umalis ka sabi!" Pilit niyang tinutulak ang binata pero walang nagawa ang lakas niya, hindi ito natinag. Running out of options, she stomped on his feet as hard as she can. "Aray!" Nagtatatalon si Larkin sa magkahalong sakit at gulat. Hawak nito ang nasaktang paa. Tinabig niya sa gilid ang binata para pumunta sa pinto pero ganoon na lang ang gulat niya nang matumba si Larkin at tumama ang ulo nito sa gilid ng sofa. Bumagsak ang binata sa sahig.
"Larkin!" sindak na sigaw ni Elie. Agad na nanlambot ang mga tuhod ni Elie nang makitang hindi kumikilos ang binata. Napaluhod siya sa tabi nito, hindi niya alam kung saan hahawak.
"L-Larkin?" Sa nanginginig na kamay ay sinubukan niyang tapikin ang pisngi ng binata. Wala siyang nakuhang response. Doon na siya binalot ng panic at takot. "Please naman o, gumising ka na. Promise patatawarin na kita basta magising ka lang. Please? Open your eyes."
Humihinga naman ang binata base sa pagtaas-baba ng dibdib nito. Pero hindi 'yon ang kailangan niya. Ang kailangan niya ay magmulat ito ng mga mata at sabihin sa kanyang okay lang ito.
"Larkin, please," naiiyak na napasubsob siya sa dibdib nito, "paano ko sasabihin sa 'yo na wala akong balak na maging mistress ni Miguel kung ganyan ka? Iniinis lang kita, ikaw kasi. Parang hindi mo ako kilala. Papayag ba naman akong may kahati? Hindi puwede sa akin ang tira lang. Masyado akong maganda para maging side dish ng hinayupak na 'yon!"
Naramdaman niya ang mahinang pag-alog ng katawan ng binata. Gulat na nag-angat siya ng tingin at nakitang tawang-tawa ito. Gising naman pala.
"Side dish? Anong klase naman?"
Magkahalong tuwa at embarrassment ang naramdaman ni Elie. Shucks! Nagpanggap lang pala ang unggoy. Narinig nito ang pagdadrama niya. Sa inis ay nahampas niya ang dibdib ni Larkin. Nagtangka siyang bumangon pero hindi siya pinayagan ng binata.
"Dito ka lang. Sige pa, confess ka pa," tatawa-tawang niyakap siya nito.
"Wala na!"
"Meron pa eh. Sige na, eight years kong hinintay 'to."
"Ayoko nga. Pagkatapos mo akong takutin? Manigas ka!"
"Stop squirming! Naninigas na nga."
Huli na nang maintindihan niya kung ano ang tinutukoy nito. Automatic na umangat na naman ang kamay ni Elie, 'yon lang mabilis siyang naunahan ni Larkin.
"Ang bastos nito!"
"Aba'y kasalanan mo, iha. Ikaw 'tong pumasok sa pamamahay ko na naka-display ang legs. Alam mong weakness ko 'yan. Tas ano..."
"Ano?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro