Suitor
"SHUT up! Kasalanan n'yong dalawa 'to." Dinuro pa ni Elie si Miguel na sinagot lang siya ng isa pang tawa.
"Ano'ng nagawa namin?" tanong ni Larkin.
"Oh please! Kulang na lang magsabunutan kayong dalawa."
"Akala mo lang 'yun. Sobrang ganda mo naman para mag-isip ng ganyan," ganti ni Larkin. Natigil si Elie sa pagkain at pinaningkitan ng mata ang binata.
"Maganda talaga ako. Kung lumapit ka lang dito parang mang-inis, lumayas ka na. Sayang 'tong pagkain na inorder ni Miguel kung mawawalan lang ako ng gana dahil d'yan sa pagmumukha mo," gigil na sabi ni Elie. Napahigpit ang hawak nito sa kutsara at tinidor.
"Madali naman ako ng kausap. Sige, pare. Balik na 'ko sa mesa ko."
Nakahinga siya ng maluwag pagkaalis ni Larkin. Kanina pa siya hindi mapakali dahil aware siya na ilang mesa lang ang layo ng lalaki sa kanila ni Miguel.
Hindi niya maintindihan kung ano ang pumasok sa kukote nito at lumapit pa. Sana hindi na lang. Tuloy wala siyang malasahan sa kinakain. Nag-eenjoy pa naman sana siya sa company ni Miguel. Sinira lang talaga ng presence ni Larkin ang mood niya.
"Wag na tayong manood ng sine," sabi ni Miguel. Palabas na sila ng restaurant. Sa sinehan na sana ang balak nilang pumunta dahil iyon ang napagkasunduan nila kanina.
"Bakit?"
Tinitigan siya ni Miguel, parang may hinahanap na kung ano. Gaya ng dati, kumalat na naman ang init sa kanyang pisngi. Agad na napunta sa pisngi niya ang dalawang kamay sa pagsisikap na itago sa kasama ang pamumula. Pero huli na dahil kita na ni Miguel ang kulay makopang mukha ni Elie.
"You're blushing again," tila aliw na puna nito.
"Ikaw kasi. Huwag mo nga akong titigan ng ganyan."
"Like what?" tudyo ng binata.
Hinarang nito ang line of vision niya. Tila nakakalokong sinundan sundan pa talaga nito kung saan siya nakaharap.
"Like I'm pretty!" Napupunong napapadyak si Elie ng paa.
"But you are."
Pisti! Wala siyang maisagot kay Miguel. Hindi niya alam kung natutuwa siya o kinakabahan.
"Hey." May bahagyang humina ang boses nito. "I didn't mean to scare you. I'm not sorry though, because I like you."
"M-miguel..."
"Take your time, Elie. Sinasabi ko 'to sa'yo hindi para ma-pressure ka. Ipokrito ako kung sasabihin kong hindi ako umaasang susuklian mo ang nararamdaman ko."
Saglit na humugot ng isang malalim na hininga si Miguel bago nagpatuloy, "But hoping is different from asking. Just know that this is how I feel."
Tumango si Elie. Kuha naman niya ang punto ni Miguel pero talagang hindi niya maiwasang mailang. Iba pala ang dating 'pag harapang inamin.
Pabirong kinurot nito ang baba niya. "Come on, let's head to the arcade."
"Seryoso ka?"
"I'm still a child at heart," nakangiting sagot ng binata. He was definitely swoon-worthy. Gustong-gusto niyang sunggaban ang chance. She might develop something for Miguel.
TAIL lights na lang ng kotse ni Miguel ang natatanaw niya nang makarinig ng pagtikhim si Elie mula sa dilim. Nanlalaki ang mga matang napaatras ang dalaga, napahawak sa gate nila at ready nang buksan nang lumitaw ang may-ari ng boses.
"Good evening," bati ni Larkin.
"Stalker ka na ngayon?" Napalitan ng inis ang takot na nararamdaman ni Elie.
"Boyfriend mo?"
Malinaw agad kay Elie kung sino ang tinutukoy ni Larkin. She crossed her arms unconsciously and regarded him with eyes in slits.
"Manliligaw ko, bakit?"
"Manliligaw din ako," deklara ni Larkin.
"Ano?" Hindi siya sigurado kung tama ba ang pagkakadinig niya.
"Manliligaw din ako, bingi."
"B-Bakit?"
"Gusto kitang maging girlfriend. Tapos gusto kitang maging asawa. Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon?"
Nahilo yata siya at kung anu-ano na ang nai-imagine niyang pinagsasabi ni Larkin. Sapo ang ulong napahawak uli si Elie sa gate. Wala siyang nainom sa dinner kanina nila ni Miguel maliban sa iced tea pero bakit pakiramdam niya lasing siya?
"Umalis ka na nga. Nakakahilo ang mga pinagsasabi mo," pikit-matang taboy niya kay Larkin.
Kung iniisip ni Larkin basta na lang siya maniniwala, nagkakamali ito. Galit ito sa kanya nang magkita sila tapos manliligaw? Saan nanggaling 'yon? Hah! Kung iniisip nitong basta na lang siya magpapauto, nagkakamali si Larkin. After eight years, she's wiser.
"Sasabayan ko si Miguel sa panliligaw. Kaya 'wag siyang kampante na nakaipon na siya ng puntos. Hindi pa ako nagsisimula," kumpiyansang deklara ni Larkin.
Lalo lang lumala ang pagkahilong nararamdaman ni Elie. Ano na naman ba 'tong gulong pinasok niya? Bago pa niya ulitin ang pagtataboy kay Larkin ay binuksan nito ang gate nila para sa kanya.
"Pumasok ka na, kailangan mo nang magpahinga. Be ready because I'm going to court you. Hindi ako papayag na maungusan ni Miguel. Good night, Elie."
LARKIN started subtle. Parang inuunti-unti siya nito. Dalawang beses sa isang araw ay may dumarating na kung anu-ano para kay Elie sa grocery. Palibhasa alam ng binatang doon siya nagbababad kaya doon dumidiretso ang padala nito.
Sa umaga, bulaklak at breakfast. Pagpatak ng alas tres ng hapon, bulaklak uli at meryenda. Kasya sa buong staff nila ang dami ng meryendang dumarating. Minsan nagsasabay pa ng padala sina Miguel at Larkin.
Ang haba daw ng hair niya, abot hanggang Europe sabi ni Karen. Kilala na ng mga tauhan nila si Miguel kaya naiintriga ang mga ito tungkol sa isa pa niyang manliligaw. Ni minsan kasi hindi dumalaw si Larkin sa kanya doon. Hindi rin nagkukuwento si Elie.
Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang banggitin kay Miguel ang tungkol sa karibal nito. Pero nangako siya sa sariling kung magtatanong ang lalaki ay hindi siya magsisinungaling.
Isang araw ay nagpasama siya kay Miguel para isukat ang damit na ipinasadya ni Francia para sa kasal nito sa susunod na buwan. Kasalukuyang nasa Tokyo ang kaibigan para naman sa civil marriage nito sa nobyong Hapones.
Pagdating nila sa boutique ay nag-ring ang cellphone ni Miguel kaya nauna si Elie na pumasok. Nagsusukat na siya nang sumunod ang binata. Ganoon na lang ang gulat niya nang maikuwento nito kung sino ang nakausap sa telepono.
"A-Ano? R-Roxy? As in Roxanne Vera?"
"Yeah. You know her? She's my father's god daughter. We used to live next to each other in Manila."
"A-ah. Hindi ko siya personal na kilala. School mates lang kami noong high school."
Bigla yatang sumikip ang baywang ng damit na suot niya. Napahawak siya sa tiyan, willing herself to breathe.
"Noong unang araw na lumabas tayo ay siya ring dating ni Roxy galing Singapore."
Coincidence lang ba na halos magkasunod lang na bumalik ng Pilipinas si Larkin at Roxanne?
"Ah..." Nailigtas si Elie ng pagring ng cellphone niya.
"Elie! Ano, naisukat mo na 'yung damit? Nag-text sa akin si Mamu, may karay-karay kang gwapo sa boutique," rumatsada kaagad si Francia. Bahagya siyang lumayo kay Miguel. Baka marinig sila nakakahiya.
"Suot ko kaya ngayon 'yong damit. Oo, kasya siya. Oo ulit sa isa mo pang tanong," nangingiting pahayag niya.
Nailayo ni Elie ang cellphone sa tainga bago pa man mabasag ang ear drum niya. Tumili ng pagkatinis-tinis si Francia. Buti na lang kabisado niya ang kaibigan. Nailigtas niya ang walang malay niyang ear drum sa tiyak na kapahamakan.
"Makatili naman 'to."
"Excited lang ako para sa'yo. It has been what, eight years 'yung ano mo kay Larkin? Naku sinasabi ko sa'yo Elie, dapat makaliskisan ko itong bago mo."
Napalingon siya kay Miguel na abala pa rin sa magazine. "Pwede ba, 'wag nang kalkalin ang matagal nang patay. Nailibing ko na sa limot ang sinasabi mong ano ko kay Larkin."
"Wag kalkalin dahil baka mabuhay ulit?" tudyo ni Francia na sinundan nito ng malakas na tawa.
"Walang mabubuhay. 'Yang bibig mo naku!"
"Basta pag-uwi ko dapat mong ipakilala sa akin 'yan. Sabi ni Mamu wala kang itatapon eh, puro pang-ulam," dagdag ni Francia.
"Tsismoso din ang ang designer mo no?" bulong niya. Naglikot ang mga mata ni Elie baka nasa paligid lang si Mamu.
"Alam ko na! I-invite mo siya sa kasal ko dali! Ano'ng pangalan niya at address? Ikaw ang magbigay ng invitation. Ipapahatid ko sa grocery n'yo."
"Fran, 'wag na, ano ka ba."
"Kasal ko 'to kaya wala kang say. Dali na, ano'ng pangalan at address para masabi ko sa wedding planner," pilit ni Francia. "Nga pala, may surprise ako sa 'yo pero malalaman mo lang pagpuntan mo ng San Lorenzo."
Hindi siya naintriga sa sinasabing surprise. Isang sumusukong buntung-hininga ang pinakawalan ni Elie. Kahit kailan hindi talaga siya nananalo sa kaibigan.
ISANG araw bago ang kasal ay kailangan nang bumiyahe ni Elie sa San Lorenzo. Mahigit kumulang pitong oras ang biyahe mula sa San Quentin papunta doon.
May malawak na farm doon ang pamilya ng Papa ni Francia. Doon gaganapin ang kasal para makadalo ang abuelo't abuela ng kaibigan. Hindi na kasi kakayanin ng dalawang matanda ang byahe.
Sa lumang bahay nina Francia siya tutuloy. Naging bahay-bakasyunan na lamang ito ng pamilya nang lumipat sila sa San Quentin. Ang sabi ni Francia ay may pipick-up sa kanya para ihatid siya. Kaya ang tanging gagawin niya ay maghintay.
Naibigay na niya kay Miguel ang invitation pero hindi makakasama ang lalaki. Puno ang schedule nito pagkatapos ng conference.
Isang van ang tumigil sa tapat ng bahay nila. Bumaba ang driver ng para kunin sa kanya ang bag niya. Nang buksan nito ang pinto ay agad siyang pumasok. Nagulat pa siya nang mapansing ang luwag sa loob. O mas tamang sabihin na isa lang ang pasahero. Okupado ng mga kahon at bag ang mga upuan sa likod.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro