Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Reunited

MAAGANG nag-umpisa ang araw ni Elie. Dahil sa sobrang busy ay hindi na niya namalayan ang oras. Kung hindi pa siya nilapitan ni Karen ay hindi siya matitigil sa ginagawa.

Nagpahatid siya sa driver nilang si Mang Berting. Pagdating niya sa tapat ng bahay ng mga Andres ay mukhang walang tao. Kakaba-kabang bumaba siya sa sasakyan.

Malakas ang pagkabog ng dibdib niya habang lumalapit sa kulay itim na gate nina Larkin. Halos walang pinagbago ang lugar. Naroon pa rin ang namumulaklak na dama de noche. Malago na iyon at tumawid na sa kabilang haligi ng gate sa tulong ng arkong yari sa bakal.

Nag-ipon siya ng hangin sa dibdib bago inihakbang ang mga paa. Nandito na siya, wala nang atrasan. At para matapos na rin ang pag-aalala ng ina ni Larkin.

Tahimik ang buong bahay. Bagama't walang alikabok ay wala sa ayos ang mga unan sa sofa. Narating niya ang kusina at sinalubong siya ng isang tambak ng basura sa mesa.

Nagkalat ang mga bote at lata ng beer, kahon ng pizza, plastic, styrofoams, take-outs at kung anu ano pa. Tambak din ang hugasan sa lababo.

Pag-ikot niya para umalis ay muntikan na siyang masubsob nang matisod niya ang tumpok ng basahan sa gilid. Kung hindi siya naging maagap sa paghawak sa dingding ay siguradong nangudngod ang mukha niya sa tumpok na iyon.

Iniisip pa lang niya ay nangaligkig si Elie na parang giniginaw. Diyos lang ang nakakaalam kung ilang ipis at daga ang nag-overnight doon.

"Larkin?" tawag niya sa lalaki nang marating ang silid ng binata.

Sunod-sunod ang ginawa niyang pagkatok sa pagbabakasakaling magising ito. 'Yon e, kung nandoon nga ito sa loob.

Walang sumasagot kaya ipinihit ni Elie ang seradura, para lang salubungin ng hindi kanais-nais na amoy. Bigla niyang naisara ang pinto. Dinalahit siya ng ubo, hindi naging handa ilong niya.

Nang masigurong kalmado na siya ay tinakpan niya ng panyo ang ilong at pinasok ang silid ni Larkin. And there he is. Nakabulagta sa gitna ng kama at walang suot na pang-itaas. Naka-dipa ang magkabilang braso nito, nakalaylay ang isang binti.

Ang una niyang pinuntirya ay ang kurtina nitong tumatabing sa liwanag na nagmumula sa labas. Binuksan niya ang lahat ng salaming bintana sa silid, wala siyang itinirang nakasara.

Hindi pa nakuntento, binuksan pa ni Elie ang ilaw sa banyo at sa mismong silid nito. Ngayon niya nakikita kung saan nanggagaling ang nakakasulasok na amoy.

Maraming panis na take-out sa work table nito ang binata. Tumapon na rin ang isang hindi pa nauubos na beer. Isama mo pa na sarado ang mga bintana kaya hindi makatakas ang amoy.

"'My, matutulog pa 'ko." Pikit-matang gumulong sa gilid si Larkin para tumaob ng higa.

Napalunok si Elie, sunod-sunod. Lumantad sa kanya ang batak na likuran ni Larkin. Ang kayumangging balat nito ay parang nagsusumigaw sa atensyon.

Touch me! Touch me! Dinig mo, Elie? Touch daw. Flawless chocolate ang datingan ng balat. Juice na mahabagin!

"Uhuhmm... Larkin. Larkin!"

Bago pa siya muling maduwag ay nakasampa na si Elie sa kama ng binata. Niyugyog niya ang binti nitong nababalot ng pantalong maong.

Iniwasan rin niyang mapadako ang mga mata sa nakahantad na likod nito. To her disappointment, that feat proved to be impossible. Paulit-ulit na namamasyal sa likuran ni Larkin ang mga mata niya. Lalo pa siyang nawindang nang tumihaya si Larkin.

Saktong napunta sa bandang tiyan nito ang tingin ni Elie. Sa sobrang taranta ay mabilis siyang lumayo pero nasa dulo na pala siya ng higaan. Naipikit na lang ni Elie ang mga mata nang maramdaman ang pagkahulog. Bahala na ang sahig sa kanya.

Pero may mga kamay na humatak sa kanya pabalik. Sa lakas ay napasubsob siya paharap. Halos mabingi siya sa matinding kabog ng dibdib. Muntikan na talaga siya.

Mabuti na lang at... saan nanggagaling ang mainit na pakiramdam sa mukha niya? At 'yong amoy. Iisa lang ang kilala niyang gumagamit ng partikular na pabangong iyon.

Nakakapit pala siya sa matitigas na brasong ngayon ay nakapalibot sa kanya. Mas dumoble ang kabog ng dibdib ni Elie. Unti-unti niyang inangat ang ulo para lang masalubong ang mga mata ng kanina'y tulog na si Larkin.

"Panaginip 'to 'di ba?" tanong ni Larkin sa paos na boses.

Bedroom voice. Shiomaigad!

Natusta na nga yata siguro ang mga brain cells niya. Wala sa loob na umigkas ang kanang kamay ni Elie. Isang matunog na lagapak ang sumunod. Nasampal niya si Larkin.

Gulat na napahawak ang binata sa nasaktang pisngi. Pagkatapos ay naningkit ang mga mata nitong inilapit ang mukha sa kanya. Napaatras si Elie pero agad ding napakapit sa binata dahil wala na siyang aatrasan. Resulta, halos magdikit na ang ilong nilang dalawa.

"Ihulog kaya kita d'yan nang maramdaman mo ang sakit," ani Larkin.

"S-sorry."

Hindi niya alam kung bakit anas lang ang lumabas sa bibig niya. Samantalang ang gusto niya sigawan ito sa ginawang panggugulat sa kanya. Hawak pa rin ang pisngi na lumayo sa kanya si Larkin. Nakasandal na ito sa headboard ng kama at nakatingin sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Inabot ni Larkin ang pakete ng sigarilyo sa bedside table at sinindihan.

"T-tumawag ang Mommy mo. Nakiusap na tingnan ka daw kung humihinga ka pa ba."

Napaismid si Larkin sa narinig. "Nakita mo naman, buhay pa 'ko. Tapos na ang misyon mo, makakaalis ka na."

Kalma Elie, 'wag mong patulan.

Sa loob ng walong taon, galit pa rin sa kanya si Larkin? Napaka-childish naman. Kung tutuusin wala siyang maalalang ginawa para magalit ito sa kanya. Sa pagkakatanda niya, si Larkin ang unang tinopak kaya nauwi sila sa away.

Nag-isang linya ang mga labi ni Elie sa pagtitimpi. "Ano'ng nangyari sa'yo?"

Tumayo si Larkin. Pinatay nito ang sigarilyo sa nag-uumapaw na ashtray katabi ng pakete ng sigarilyo nito.

Inabot nito ang tuwalyang nakasampay sa likod ng silya sa work table at dumiretso sa banyo. Bago isinara ni Larkin ang pinto ay lumingon ito sa kanya.

"Don't act as if you care, Elie."

Because I do, you big oaf!

Napahugot na lang ng hininga si Elie bago nagpadala ng text kay Carol. Pagkatapos ay inumpisahan niyang iligpit ang mga kalat ng dating kaibigan.

Alam niyang matagal magbanyo si Larkin kaya dumiretso siya sa kusina. Base sa amoy ng binata ay marami ang nainom nito ng nakaraang gabi. Siguradong minamaso ng sampung jack hammer ang ulo nito ngayon.

Chicken noodle soup ang inihanda ni Elie. May tomato juice ding kasama at sa isang maliit na dosage cup ay naroon ang isang capsule ng gamot.

Pagbalik niya sa kuwarto ni Larkin ay naabutan niyang tamang-tamang naitaas lang nito ang short. Kunwari ay deadma lang siya pero ang totoo ay muntikan na niyang maihagis ang bitbit na tray.

"Bago mo ako sungitan, kumain ka na muna. Inumin mo na rin 'tong gamot at matulog ka ulit."

"Hindi ka ba marunong kumatok?" iritadong sita nito sa kanya.

"Dito ka maupo sa higaan." Parang walang narinig na utos niya kay Larkin.

Hindi siya dapat pasindak. Sa liit niya ay kayang-kaya siyang buhatin ni Larkin at ihagis sa labas 'pag napuno sa kanya.

"Pag ginawa ko ba 'yun aalis ka na?"

"Oo. Kaya bilisan mo nang makalayas na 'ko," kalmadong sagot ni Elie.

Walang imik na kumain ang binata. Ilang sandali pa ay ubos na ang pagkain. Gumawa ng ingay ang kutsara nang bitiwan ito ni Larkin.

"Matulog ka ulit. Magpapadala ako ng tao bukas para linisin 'tong bahay."

"Hindi na kailangan," pasupladong tanggi nito.

"Tigilan mo nga ako, Larkin. Nakikita mo ba ang hitsura ng buong bahay?"

"Kasama ba 'yan sa iniutos sa'yo ni Mommy?"

Hindi kumibo si Elie, basta lang nakatingin sa binata. Gusto niyang sapakin si Larkin. Eight years silang hindi nagkita pero walang nagbago sa trato nito sa kanya.

"Umayos ka nga, mag-usap tayo."

"Wow. After eight years?"

Nagpanting ang tainga ni Elie sa sarcasm sa boses ni Larkin.

"Kasalanan ko? Umalis kang ni ha ni ho wala, Larkin. Regular kaming nag-uusap ng Mommy mo, ni matabang na kamusta wala akong narinig sa 'yo. Ano'ng ini-expect mo, sasalubungin kita ng fiesta pag-uwi mo?"

Siya pa talaga ang sinisi? Lahat ng mga sinabi ni Larkin sa kanya noon ay nare-rewind sa isipan ni Elie. Kaya parang dam na nabuksan ang luha ng dalaga.

"Walong taon, Larkin. Walong taon akong naghintay at umasang magkakaayos tayo. Akala ko kasi kagaya ko, importante sa 'yo ang pagkakaibigan natin. Sabi ko hindi mo ako matitiis. Sa tuwing tumatawag ang Mommy mo, sinusubukan kong kausapin ka pero tinatanggihan mo 'ko."

"Elie..."

Pinilit niyang ngumiti sabay pahid ng mga luha. "Kaya pasensya ka na kung imbes na magtatalon ako sa tuwa sa pagbalik mo eh, ganito ako."

"Alam mo ang pinagdadaanan ko noon, Elie."

"Oo, alam ko. Pero Larkin, sorry lang okay na eh. Hindi mo kailangan ng mahabang paliwanag. Wala eh, ganoon ako kagaga sa 'yo."

Gulat na napatingin sa kanya si Larkin.

"Di mo ba talaga alam? O manhid ka lang?" mapakla ang tawang pinakawalan ni Elie.

"I thought---"

"Akala mo joke lang 'yong sinabi ko noon. Okay lang, tapos na rin naman. Sapat na ang walong taon para magising."

2%3EBahŀH

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro