Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Date

SA OSPITAL siya dumiretso pagkatapos ng confrontation nila ni Larkin. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ni Elie. Pakiramdam niya ay bagong laya siya sa correctional. In a way, she was a prisoner of her own feelings and regrets.

Nakita niya si Miguel sa entrance ng ospital. May kausap itong babaeng halos kasing-tangkad nito. Pang-model ang datingan ng porma at tindig. Flawless ang mahahabang legs nito sa suot na mini-skirt na puti.

Hindi alam ng dalaga kung bakit siya nagtago sa likod ng isang poste. Mukhang intense ang usapan dahil nakita niyang lukot ang mukha ni Miguel. Pakumpas-kumpas naman ang kamay ng babae. Panay naman ang iling ng binata. Maya maya pa ay laglag ang balikat na tumalikod ang babae.

Hinintay muna ni Elie na tuluyang mawala sa paningin ang babae bago lumabas sa pinagtataguan. Tamang tama namang nag-angat ng tingin si Miguel at nakita siya. Agad na napalitan ng ngiti ang simangot sa mukha nito.

"Hi. I have good news," salubong ni Miguel sa kanya. Sinabayan siya nito sa paglalakad. "Puwede nang umuwi ang Nanay mo bukas."

"Salamat naman kung ganoon."

"Bukas na bukas din ay pirmahan mo na 'yung disharge papers niya. Kumpleto na 'yun, processing mo na lang ang kulang."

"Tiyak na matutuwa si Nanay. Ayaw niya kasi magtagal sa ospital. Mas lalo daw siyang magkakasakit," sabi ni Elie.

Gising na ang Nanay niya pagdating ni Elie sa kuwarto nito. Nakaupo si Aling Rosita at kakuwentuhan si Aling Dolor. Sandaling nakipagkuwentuhan si Miguel sa dalawang babae bago nagpaalam. May reports pa daw itong tatapusin.

Hindi nakaligtas sa Nanay niya ang huling sulyap na ipinukol sa kanya ng doktor bago umalis kung kaya kinulit siya nito. Lalo pang tumindi ang pangungulit ng Nanay niya nang magkuwento si Aling Dolor.

"Bagay kayo 'nak. Director pala nitong ospital 'yang si Miguel. Nagtaka nga ko kung bakit napakabata naman."

Nangunot ang noo ni Elie. "Saan n'yo naman nalaman? Pwede ho, lalo na kung gifted. Minamani lang nila 'yon."

"Kay Nurse Corinne. Nanliligaw ba sa 'yo 'yon, anak?"

"Nay!"

"Nasa tamang edad ka na rin naman. Tapos ka nang mag-aral, marunong ka sa negosyo. Kahit hindi ka mayaman, kaya mong tumayo sa sariling mga paa. Mapapanatag na kami ng Tatay mo."

Kunwari ay hindi niya narinig ang sinabi ng ina. Naging abala siyang bigla sa pag-aayos ng bulaklak sa flower vase.

"Baka naman kaya hindi ka pa nagkaka-boyfriend dahil hinihintay mo pa rin s'ya?"

"Kung anu-anong iniisip n'yo 'Nay. Wala na po 'yun," aniyang hindi pa rin hinaharap ang ina.

"Elie..." tawag sa kanya ng ina. Napilitan siyang lumingon. Wala na si Aling Dolores sa silid.

"Kung...kung adyain ng pagkakataong magkrus muli ang landas ninyo ni Larkin, sundin mo ang sinasabi ng puso mo."

Umiling siya. Nilapitan ang ina at ginagap ang mga palad nito. "Nagtagpo na ang landas namin, 'Nay. Pero gaya ng sinabi ko, tapos na 'yun. Okay na 'ko, masaya na rin siya."

"Gusto kong pagsisihan kung bakit ako nakialam noon 'nak. Pero sana maintindihan mo'ng kapakanan mo lamang ang iniisip ko. Natakot ako para sa'yo." Gumanti ng pisil sa kamay niya ang ina. Tumango si Elie.

"Ginawa n'yo lang po kung ano ang iniisip n'yong nararapat. Alam ko naman po na para sa ikabubuti ko 'yon kaya kinausap n'yo si Larkin. Hindi ko kayo masisisi, 'Nay. Luka-luka ako noon sa kanya."

"Pero..."

"Nay, move on na tayo, pwede?"

Kung tinatamaan ng kidlat ang sinumang nagsisinungaling, well done ang pagkasunog niya. She felt like the biggest liar.

DINALA siya ng mga paa sa mini-garden sa tabi ng chapel sa gilid ng ospital. May ilang sandali na rin siyang nakaupo sa isang bench nang nakaramdam siya na parang may nanonood sa kanya.

Her head snapped and saw Miguel. Aaminin niyang nabitin ang paghinga niya nang ngumiti ito. Hindi siya santa para hindi tablan ng appeal ng lalaki.

"Hi," he sounded breathless.

"Ikaw pala, Doc. Ano'ng atin?" Mahinang tinapik ni Elie ang space sa tabi niya.

"Labas tayo bukas, kung okay lang sa'yo."

Nangalumbaba si Elie habang pinag-aaralan ang mukha ni Miguel. "As in date?"

"Yes."

Nagulat si Elie. Kasunod noon ang pag-init ng mukha niya. Hindi siya makatingin ng diretso kay Miguel pero nakuha niyang sumagot.

"Okay."

Kinabukasan ay naabutan niya ang ina at si Aling Dolores sa silid nito. Kausap nito si Miguel na nakaupo sa kabilang kama na katapat ng Nanay niya. Sabay pa silang napalingon nang makapasok si Elie sa silid bitbit ang discharge papers.

"Ano 'Nay, ready ka na?" Bumaling siya kay Miguel. "Hi, Doc. Iuuwi ko na muna si Nanay bago tayo tumu---" Na-realized niya ang sinasabi nang tumutok ang tingin ng Nanay niya at ni Aling Dolores sa kanya, "loy s-sa...a-ano..."

"Inimbitahan ko po kasi si Elie sa labas, Mrs. Sarabia. Kukunin ko na rin po itong pagkakataong ito para ipagpaalam itong dalaga n'yo."

"Ganun ba?" Sumulyap kay Elie ang Nanay niya, "Sige, walang problema."

"Ihahatid ko na po kayo," alok ni Miguel.

"Naku, huwag na. May sasakyan naman kami. Naghihintay sa baba si Berting."

ISANG yellow Hummer jeep ang sasakyan ni Miguel. Aaminin niyang nasorpresa siya sa sasakyan ng binata. Sa pino ng mga kilos ng lalaki ay hindi niya inisip na ganoon ang sasakyan nito. Something sleek ang iniisip niyang gamit nito, 'yong tipong mala-James Bond 007 ang dating.

Limitado ang alam niya sa mga sasakyan. Pero nang makapasok siya sa loob ng Hummer ay nasiguro niyang kasing mahal ng dina-drive ni James Bond iyon. Amoy na amoy ni Elie ang magkahalong pure leather upholstery at wood musk. Itim ang kulay mga upuan.

"Sorry for the mess," nakangiwing sabi ni Miguel saka binuksan ang glove compartment na nasa harap ni Elie at inayos ang laman.

"Bago 'to?" hindi nakapagpigil na tanong ni Elie.

"Five years old na 'tong si Giallo."

"Giallo?"

"Giallo is Italian for yellow."

"Ah," anang dalaga.

"Salamat nga pala pinaunlakan mo ang imbitasyon ko," ani Miguel.

"Hindi naman busy sa grocery ngayon, kaka-replenish lang namin ng stocks. Sa palengke naman pinag-half day ko sila."

"Ang bait mo namang boss."

"Deserve nila 'yon. Once a week lang pahinga nila. Alam mo naman sa palengke, maagang nag-uumpisa ang araw." Ewan ba niya kung bakit nagpapaliwanag siya kay Miguel.

"True. Halos magkatulad sa ospital, magdamagan gising. So, how's that friend?"

"Sino'ng kaibigan?" takang tanong ni Elie.

Lumingon sa kanya si Miguel pero agad ding ibinalik sa kalsada ang mga mata. "Si Larkin. The one you fell in love with."

"G-Ganoon pa rin. Galit pa rin sa akin," pag-amin ni Elie.

"And you're bothered, right?"

"Ipokrita naman ako kung sasabihin kong hindi. I mean, it has been eight years. Medyo umasa akong sa pag-uwi niya, nabawasan na 'yung animosity. Kung tutuusin hindi malinaw sa akin kung bakit galit siya."

"Pag-usapan n'yo kaya?"

Umiling si Elie. "Para ano pa?"

"Closure, for one."

Ang totoo ay hindi siya sigurado. Pagkatapos ng nangyari sa bahay nina Larkin ay hindi niya alam kung kaya niyang pakirahapan ang lalaki.

Kaya nga siya pumayag na lumabas sila ni Miguel. Gusto niyang bigyan ng chance ang sarili na kumawala sa anino ng nararamdaman niya kay Larkin noon. Isa pa, mukhang magkakasundo sila ng doktor.

"No. Let's not open that can of worms."

Gaya ng nauna nilang dinner, nag-enjoy si Elie sa company ni Miguel. Hindi ito nauubusan ng mga nakakatawang anecdotes. Lalo pa siyang natawa nang magkuwento ito tungkol sa encounter nila eight years ago.

"Sabi ko sa sarili ko, sino ba 'tong akyat-bahay na tanghaling tapat eh nagtatangkang sumampa sa bakod? Tawang-tawa kaya ako, 'di mo kasi abot."

"Grabe ka, hindi ko kasalanan kung hindi ako masyadong gifted sa height department," natatawang sabi ni Elie.

"Crush na agad kita dati pa. Kaya nagulat ako noong nagkita tayo sa ospital. Sabi ko, blessing in disguise talaga ang kakulangan namin sa staff."

Pakiramdam ni Elie sa tuwing kasama niya si Miguel ay bumalik siya sa high school. Madalas kasi siyang mag-blush sa tuwing bumabanat ang doktor. Pero para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig nang marinig ang isang boses.

"Hi."

"L-Larkin! A-anong ginagawa mo d-dito?" kunot-noong tanong ni Elie.

"Kagagaling ko lang sa job interview. Nagpasya akong mag-dinner bago umuwi. Nakita ko kayo so I decided to join you and say hi." Kay Elie nakatingin si Larkin.

Hindi nakaligtas kay Elie ang tinginan ng dalawang lalaki. Parang mga manok na panabong na tinatantya ang isa't isa. Walang namamagitang palitan ng salita sa mesa, puro palitan ng tingin lang.

"Tigilan n'yo nga ang gyera ng tinginan, sinisira n'yo ang gana kong kumain," reklamo ni Elie, palipat-lipat sa dalawa ang mga mata.

Si Miguel ang unang nagbawi ng tingin. "Miguel Rivas. Magkapit-bahay tayo dati, kung naaalala mo."

Tinanggap naman ni Larkin ang kamay ni Miguel. "Yeah, I remember you. Ikaw 'yong madalas sumemplang sa skateboard sa tapat ng bahay namin."

Natawa si Miguel. Napunta kay Elie ang tingin nito

"Eat slowly. Indigestion remember?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro