Confession
BUMULONG si Larkin kay Elie. Nahampas na naman niya ito, sa pagkakataong ito ay sa bandang tiyan.
"Aray! Ingat ingat ka ng kaunti kung saan tumatama 'yang kamay mo. Medyo malapit sa nether region ko 'yan, ikaw rin."
"Tigilan mo nga ako sa kaberdehan ng utak mo."
Tatawa-tawang hinuli nito ang kamay niya. Maya maya pa'y sumeryoso na ito. "Ayaw mong mag-confess?"
Umiling si Elie.
"Then ako ang magko-confess. Makinig kang mabuti, 'wag kang talak nang talak tuloy di tayo nagkakaintindihan eh. Tama na, eight years na ang nasayang natin."
"Okay. Mag-umpisa ka kay Roxanne, tutal siya ang puno't dulo ng lahat."
"Kung iniisip mong nagkabalikan kami ni Roxanne, mali ka. After the incident noong high school ay isang taon din ang lumipas bago kami nagkausap uli through Friendster. We kept in touch through the years, gaya ni Francia."
Gulat na tiningala niya si Larkin. "May communication kayo ni Francia? Bakit hindi ko alam?"
"Blame it on me. Nakiusap ako sa kanya na 'wag sabihin sa 'yo. I guess I was too hard on myself, hindi ko mapatawad ang sarili ko sa nangyari sa atin. Imagine, eight years akong naduwag na harapin ka. Kaya nang dumating ako, hindi ako nakipagkita sa 'yo kahit 'yon dapat ang una kong ginawa. I guess wala akong mukhang ihaharap sa 'yo."
"Gago ka pala eh."
Humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Larkin. "Gago talaga ako. Kung hindi ako gago, pahihirapan ko ba ang sarili ko sa loob ng walong taon?"
"Paano mo naman ipapaliwanag na magkasama kayo ni Roxanne, aber?"
"Sinamahan ko lang siya, nagpa-process siya ng papers para sa kasal nila ni Jayson. Sa susunod na linggo pa ang uwi ni Jayson from Singapore. Nauna lang si Roxanne."
"Sila din pala ang magkakatuluyan, ano?"
"Yep. Nang mabunyag na siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Roxanne ay willing naman siyang panagutan. Si Roxanne lang 'tong matigas ang ulo, ayaw kay Jayson noong una. Pero wala siyang nagawa when her Dad put his foot down. Eventually, natutunan niyang mahalin si Jayson."
"At least may happy ending sila."
"Eh, tayo kaya? Kailan magkakaroon ng happy ending?"
Umingos si Elie. "Para magkaroon ng happy ending, hindi ba dapat may tayo muna? Wala namang tayo ah."
He playfully pinched her nose. "Sagot mo na lang ang kulang para magkaroon ng sinasabi mong tayo."
"Sagot? Ano'ng klaseng sagot?" pagmamaang-maangan ni Elie. Ang sarap lang kasi talagang paglaruan ni Larkin. Makaganti man lang siya ng slight sa mga dinanas niya dahil dito.
"Grabe naman 'to kung magpakipot," reklamo ni Larkin. "Heto na nga, yakap mo na't lahat-lahat, ayaw pa rin magpahuli."
"Karapatan kong magpakipot bilang babae. At saka, bakit ba? Pagkatapos ng mga nangyari, akala mo ganoon lang kadali 'yon?"
"Bakit, ako din naman nagtiis ah? Nagtiis akong mamatay sa selos sa tuwing kasama mo si Miguel. Alam mo bang nakakabaliw ang selos, Elie? Lalo na at alam kong inuuto ka lang niya. Gusto ko siyang sapakin kaso lalo akong masisira sa 'yo. Syempre, siya 'yong perpekto eh. Kung baga sa pulis, ako 'tong may record na sa 'yo. Dehadong-dehado ako. Siya, libre makalapit sa 'yo, samantalang ako maamoy mo---"
His words died when she covered his lips with hers. Saglit lang ang naramdaman niyang pagkagulat ni Larkin. Agad itong nakabawi. He kissed her back, biting her lip in between. Pakiramdam niya ay nalalasing siya sa bawat segundong lumilipas. The warmth on his lips spread, filling each corner of her body with delicious delight.
Isang kuntentong paghinga ang pinakawalan ni Elie nang maghiwalay ang mga labi nila. Ramdam niya ang pagngiti ni Larkin sa leeg niya. Muntik na niya itong matadyakan nang walang babalang kagatin nito ang tainga niya.
"Foul 'yon!" reklamo ni Elie.
"Walang foul foul sa akin. Ngayon pa? Isa pa. we're consenting adults," taas-baba ang kilay ng binata.
Sinapian ng kapilyahan si Elie. Kagat-labing tinitigan niya si Larkin saka pinaglandas ang hintuturo mula ilong nito pababa sa dibdib. Dinig niya ang paghigit nito ng hininga na lihim niyang ikinatawa. Itinuloy ni Elie ang pagbaba ng daliri hanggang sa tumigil sa taas ng waistband ng pantalon nito.
"Mamaya."
Parang lintang binudburan ng asin si Larkin. Nagkikisay ito sa sahig habang tawa nang tawa si Elie.
"Wag ganoon. Hindi ko kaya!" sabi ni Larkin.
"Ikaw 'tong nag-umpisa eh!"
"Pero di nga?" taas-baba na naman ang kilay ng binata, "mamaya?"
"Joke!" sabi ni Elie. Tumayo na siya para isuot ang sapatos.
"Ano'ng joke? Hindi pwede 'yon! Ngayon na!" Mabilis siyang hinuli ni Larkin saka binuhat.
"Larkin! Ano ba! Ibaba mo nga ako."
"Hindi na kita patatakasin, mamaya paglabas mo ng bahay ko magbago na naman ang isip mo. Dapat may collateral ako," anito habang humakbang papunta sa kuwarto.
"Hindi pa ba sapat ang collateral na mahal kita?"
Muntik na siyang mabitiwan ni Larkin sa pagkabigla. Kinuha niya ang pagkakataong 'yon para maibaba siya ng binata. Namimilog ang mga matang napatingin ito sa kanya. "M-Mahal mo pa 'ko? H-Hindi ka ba n-nagbibiro, Elie?"
"Tingin mo pupunta ako dito kung hindi kita mahal?" ganting-tanong niya.
"A-Akala ko k-kasi susubukan mo pa lang na mahalin ako ulit."
Parang piniga ang dibdib ni Elie sa nakikitang insecurity at pag-aalinlangan sa mga mata ni Larkin. She cupped his faced in her hands and shook her head.
"Wala namang nagbago. Mahal kita, noon at ngayon. I realized what we had back then wasn't just friendship. Masyado lang tayong bata para maintindihan. It was a lot like love. I love you, Larkin Andres."
Sa ngiting ipinamalas ni Larkin, bawing-bawi ang walong taon niyang paghihintay. He smiled at her like he did back then. Gandang-ganda na naman siya sa sarili. Unti-unting bumaba ang ulo ng binata palapit sa kanya.
"I love you too, then and now."
Kung dati ay para siyang naglalakad sa ibabaw ng nagbabagang uling dahil sa pagtatago ng nararamdaman kay Larkin, iba na ngayon. Ulap na ang nilalakaran niya sa paulit-ulit na dampi ng mga labi ng nag-iisang lalaking minahal at patuloy na minamahal niya.
🌸🌸🌸THE END🌸🌸🌸
A/N: Thank you for reading! 😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro