Champagne
"TARA, doon tayo."
Inalalayan siya ng binata papunta sa mesang malapit sa presidential table. Naroon na ang mag-asawa kasama ang kani-kanilang magulang. Napansin ni Elie na lumuwag ang gitnang bahagi ng pavilion. Ang mga mesa ay iniusog sa gilid.
"Elie! Bakit ang tagal mo?" salubong ni Francia.
"Sumama ang tiyan ko."
"May tahong sa menu kanina, 'yun yata ang salarin," si Larkin. Napatingin siya sa lalaki, nakataas ang kilay. "Dati nang hindi kayang i-tolerate ng tiyan mo ang tahong."
"Wala akong itinatanong."
"Tingin mo pa lang alam ko na," sagot naman ni Larkin.
"Marunong ka na n'yan ngayon? Kahit panlisikan kita ng mga mata dati di mo ma-gets. Hindi ka makaramdam. What changed things?" muling patutsada ng dalaga.
"Ramdam ko lahat, anumang klase ng tingin ang ibato mo sa akin noon. Wala lang akong karapatang i-interpret sa paraang gusto ko."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" salubong ang kilay na usisa niya. Nawala na sa isip ni Elie si Francia. Parang aliw na aliw namang nanonood lang sa palitan nila ni Larkin ang babae.
"Akala ko ba matalas ang pakiramdam mo? Mukhang ikaw itong dense."
"Talaga naman---"
"Children!" awat ni Francia, "stop fighting."
Nagpalakpakan ang mga tao nang pumailanlang ang isang kanta. Nagulat si Elie nang itulak siya ni Francia kay Larkin. Muntikan na siyang masubsob kung hindi lang sa mabilis na pagsalo ng lalaki.
"Isayaw mo siya, Larkin. Go!"
"Fran!"
"Ay naku Felicity. 'Wag mo akong artehan ng ganyan. Ikaw din Larkin. Get moving, damn it!"
Helpless na nagkatinginan sila ni Larkin. Nang tumango ang lalaki ay wala na siyang nagawa. Lumuwag ang pagkakahawak sa kanya ni Larkin at inalok ang kamay sa kanya. Nanginginig ang mga daliring tinanggap niya 'yon.
Nagdilim ang paligid at napalitan ang ilaw. Sumabog at nagpaikot-ikot galing sa itaas ang malamam na liwanag. Ikinalat ng nagkikislapang disco balls ang mga kulay. Habang nagpapalit-palit ay tumatama iyon sa mukha nila ni Larkin. Hawak-kamay nilang tinungo ang gitna ng dance floor.
Hindi niya maipaliwanag kung saan nanggagaling ang nginig. Pinagpawisan din siya habang kasayaw ang lalaki.
"Relax, it's just a dance," bulong ni Larkin. Ang mainit na hininga ng binata ay parang balahibong kumiliti sa tainga ni Elie.
"R-Right."
Bigla siyang niyuko ni Larkin. Pinanuyuan ng laway si Elie nang mapansing seryoso ang mga mata nito. "Hindi kita naisayaw sa graduation ball."
Para maitaboy ang pagkailang ay tumawa si Elie. "Hindi naman ako um-attend."
"Ang dami nating planong hindi natin nagawa." Dinugtungan iyon ni Larkin ng isang bunting-hininga.
Sadness crept into her Elie's chest. "Wala eh, may ibang plano ang tadhana para sa atin."
As if sharing her sentiment, Larkin pulled her closer. Wala siyang lakas para tumanggi dahil ayaw ng katawan niya. Para siyang manikang de tali na sunod-sunuran sa hatak ng binata.
Natapos ang tugtog na wala nang nagsasalita sa kanila. Walang imik silang bumalik ni Larkin sa upuan. Maging sa makailang beses nagpalit ang tugtugin ay wala silang kibuan ng katabi. Mukhang magkakapanisan na sila ng laway magdamag. May ilan pang kalalakihan ang nag-alok na maisayaw si Elie. Nagpaunlak naman siya.
Nang may isang naglakas loob na hingiin ang number niya ay nagdalawang-isip si Elie. Nakabalik na siya sa upuan niya noon, katatapos lang siyang isayaw ng lalaking Patrick ang pangalan. 'Yon eh kung tama ang pagkakaalala niya.
"Sorry brad, hindi niya pinamimigay ang number niya."
Pati si Elie ay gulat na napalingon kay Larkin. Wala naman kasi ito sa upuan niya kanina. Nakabalik na pala ito mula kung saan. Nag-aaway ang kilay ng lalaki. Ipinatong pa nito ang isang braso sa sandalan ng dalaga.
"Sorry. I thought she's unattached," sabi ni Patrick.
"Kadalasan, kabaliktaran ng akala natin ang katotohanan."
"B-but..."
"She's beautiful so it's no wonder there's a constant swarm of guys hovering around her. It's just that it's annoying for her boyfriend. I didn't mean to intrude but I am annoyed," hindi kumukurap na pahayag ni Larkin.
Napanganga si Elie sa implikasyon ng salita ng lalaki. Pati si Patrick ay biglang naging alanganin ang ngiti. Sino ba naman ang hindi maiilang sa sinabi ni Larkin? Napakamot na lang ng ulo ang lalaki. Pagkatapos magpaalam ay walang lingon-likod itong umalis.
"Did you j-just...tell him boyfriend kita?!"
"Gusto mong tawagin ko s'ya pabalik?"
Nang hindi makasagot si Elie ay umayos ng upo ang binata. Nawala na rin ang braso nito sa sandalan niya. Dumampot si Larkin ng isang kopita mula sa tray ng nagdaang waiter.
"Why can't you be grateful instead?"
"Wow! Thank you ha! Hindi ko alam utang na loob ko na pala 'yon sa'yo."
"You're welcome." Parang walang anumang uminom ito.
Sa sobrang bwisit niya kay Larkin ay umalis siya. Hindi niya alam kung saan pupunta, basta malayo sa lalaki. Ano bang meron ito at lagi na lang siyang kinakapos ng pasensya? Okay pa sila 'pag hindi nag-uusap. Pero sa oras na bumuka ang bibig nito ay nauuwi sila sa bangayan.
May nakasalubong siyang waiter. Hindi siya nagdalawang-isip na kumuha ng isang flute ng champagne. Doon siya napadpad sa hardin na pinagdausan ng kasal ni Francia kanina.
Wala na ang mga upuan, naibalik na rin sa dati ang ayos ng hardin. Ang naiwan na lang doon ay isang wrought iron garden set.
Abot hanggang doon ang musika sa pavilion. Kung sabagay hindi naman kalayuan iyon. Tanaw niya mula sa kinauupuan ang maaliwas na langit. Kumikindat ang mga bituin sa kadiliman.
Napapikit siya sa pagkakasandal. Pinuno ni Elie ng hangin ang baga at saka huminga. Ang mahinang dampi ng hangin sa balat niya ay nagbibigay ng ginhawa.
Hindi na niya namalayan na naubos na niya ang champagne. Muli siyang tumayo para kumuha ulit. Pero nang makasalubong niya ang isang waiter ay nagbago ang isip niya.
"Excuse me," tawag niya sa waiter.
"Yes, ma'am?"
"Pwede ba akong mag-request ng isang bote ng champange? Pakihatid sa garden please?"
"Sige po."
Wala naman siyang balak maglasing. Hassle lang na maya't-maya siyang tatayo para sa refill. Lalo na at hindi pa niya feel na bumalik sa pavilion. Masisira lang ang gabi niya 'pag nakaengkuwentro uli si Larkin.
Hindi rin naman siya naghintay ng matagal.
"Nagdala na rin po ako ng magandang ipares sa champagne Ma'am," anang waiter.
"Maraming salamat."
Tingin ni Elie kasya sa tatlong tao ang dami ng mga pagkaing nakapaloob sa puting plato. May iba't ibang uri ng cheese, deviled quail eggs, strawberries, pine apple chunks at apple tart. Hindi niya kayang ubusin lahat iyon.
Hindi na nagalaw ni Elie ang ibang pagkain. Nadiskubre niyang cheese pa lang ay kuntento na siyang pares sa champagne. Nawala na rin siya sa bilang kung ilang flutes na ang nauubos niya. Hanggang sa kalahati na lang ang nailabas ng bote. Kunot-noong sinilip niya ang loob. Ubos na.
Hahanapin niya 'yong mabait na waiter. Hihirit uli siya ng isa pa. Promise isa na lang talaga, aniya sa sarili. With staggered steps, lumabas siya sa garden. Natawa pa siya sa sarili. Hanggang sa magkatunog ang tawa niyang nauwi sa hagikhik. Tinakpan niya ang bibig.
Bakit hindi maawat ang tawa niya? Parang bula itong umaahon galing sa tiyan. At 'pag umaabot sa lalamunan niya ay nagiging hagikhik.
I must be drunk. A crazy drunk.
She retraced her steps back to the pavilion. Pinaliit niya ang mga mata baka sakaling makakita ng maayos. Palapit ng palapit ang pigura. Bahagyang siyang gumewang sa kanan. Kung hindi dahil sa posteng tinukuran niya ng kamay ay baka natumba siya.
"Are you drunk?" sita sa kanya ng boses lalaki. Lihim siyang napangiti nang masigurong si Larkin iyon.
"Slight."
"Ba't ka naglasing?"
"Hindi ako naglahing. Naparami lang ng inom. Kasalanan ko ba kung masarap pala ang champagne at cheese?" sabi ni Elie.
"Ilang flutes ang naubos mo?" Nilapitan siya ni Larkin. Hawak nito ang magkabilang balikat niya at inalalayan siyang umayos ng tayo.
"Can't remember," aniya.
Napapalatak si Larkin. Inalalayan siya nito pabalik sa pinanggalingan niya. Iniupo rin siya nito sa mismong inupuan niya kanina lang. Muli itong napapalatak nang makita ang walang lamang bote sa mesa.
"Isang bote pala ang naubos mo."
"Wrong," aniya kay Larkin. Ginalaw-galaw pa niya ang hintuturo sa tapat ng mukha ng binata. "One bottle and a flute." Sinundan iyon ng isang tawang hindi niya napigil.
"Great. A laughing drunk."
"Which is better, a laughing drunk or a crying drunk?" tanong niya. "I'm telling you, ang pangit kong umiyak."
"A laughing drunk then," sakay ng binata. Umupo ito sa tabi niya.
Tinitigan niya ang binata sa namimigat na talukap. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip ni Larkin. Isama pa na parang umiikot ang pakiramdam ng ulo niya. Medyo malabo man ang mukha ng binata, malinaw na malinaw naman iyon sa alaala niya.
Palyado man ang mga mata niya, hindi 'yon sapat para makalimot si Elie. Malinaw sa isip niya ang mukha ng isang Larkin Andres. Lumipas man ang halos walong taon, halos walang pinagbago ang mukhang iyon. May sinasabi si Larkin na hindi niya maintindihan.
Dumako ang mga mata niya sa labi ng binata. Nagsasalita ito pero ang dating sa tainga niya ay hindi malinaw. Naaliw siya sa panonood ng bawat galaw ng bibig ni Larkin.
"I wonder..."
"What?" si Larkin.
"Wala." Isang ngiti ang ipinamalas niya kay Larkin. She was told her smile is her greatest asset.
Dati mo nang ipina-flash sa kanya ang ngiti mo. Never naman siya tinablan. Hopia ka na naman, Elie.
Sa naisip ay dumaan ang lungkot sa mga mata niya. Nakalimot na naman siya, umasam na naman sa imposible.
"Stop it." Umiwas ng tingin si Larkin. Napunta sa mga namumulaklak na birds of paraside ang pansin ng binata.
"Ang alin?" maang na tanong ni Elie.
Tila inis na napalingon muli sa kanya si Larkin. "Ang dense mo talaga!" Sabay sunggab sa batok niya. Nagdikit ang mga noo nila sa ginawa ng binata. "Stop smiling at me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro