Best Friends
2007
ANG HIRAP palang magkunwari, parang kang paglalakad sa ibabaw ng nagbabagang uling. 'Yon ang nasa isip ni Elie habang papasok sa school gym ng St. Claire. Paano kasi, buong atensyon niya ay monopolized ni Larkin. Nakita na siya nito at kung makatitig ang kaibigan sa kanya ay iba. Well, feeling niya may something.
'Yong tipo ng tingin ni Larkin ay nagpapataas ng ganda level niya sa katawan. Isama mo pa ang ngiti nito, lahat ng nakadirekta kay Elie. Sino ba namang hindi magmamaganda aber? Pero gaya ng nararapat, kailangan niyang magpanggap na walang dating si Larkin sa kanya.
Maingay sa paligid pero walang tatalo sa kabog ng dibdib niya, mas maingay pa sa fans club ng Senior Basketball Team. Intramurals ngayon ng St. Claire Academy. May laro ang best friend niyang si Larkin Andres para sa Seniors. Bilang kaibigan, nandoon siya para sumoporta.
Pero salubong ang kilay ni Larkin nang tuluyan siyang makalapit. Absent na rin ang magandang ngiti nito kanina. Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Lalo lang yatang dumami ang wrinkles ni Larkin sa noo.
"T-shirt pa ba 'yang suot mo, Felicity Sarabia?"
Napangiwi si Elie. Buong pangalan niya ang binanggit. Sigurading inis na inis na ito. Imbes na magpaapekto ay matapang niyang sinalubong ang tingin ni Larkin.
Inirapan niya ang lalaki habang naka-iwas. Pilit kasi nitong hinahatak pababa ang laylayan ng t-shirt niya.
"Nangingialam ka na naman!" reklamo ni Elie.
"Magpa---" Natigil ito nang may dumaang mga estudyante. "Magpalit ka!" mahinang singhal ni Larkin.
"Ayoko!"
"Ayaw mo talaga?" angat ang kaliwang kilay ng binata.
"Kailangan ko pa bang i-spell sa'yo ang salitang ayoko?"
Saglit itong nanahimik, lapat na lapat ang mga labi na parang nagpipigil na kutusan siya. "For the last time Elie, palitan mo 'yan."
Padabog nitong itinambak sa mga braso niya ang hawak na backpack. "Gamitin mong pamalit 'yung kulay green kong t-shirt d'yan sa loob."
"Yung regalo ko sa'yo noong birthday mo? Larkin naman!"
"Okay, umuwi ka para magpalit."
"Ang layo ng bahay namin! Mag-uumpisa na rin ang laro n'yo, gusto kong manood."
Kung hindi lang nakakahiya, nagpapadyak na siya sa kaimposiblehan ng kaibigan.
"Hindi ka manonood na ganyan ang suot mo," matigas ang boses na sabi ni Larkin.
"Pero—"
"Felicity Sarabia!" Dumagundong ang boses ni Larkin.
Naagaw nila ang atensyon ng mga tao sa paligid. Napayuko si Elie. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagtaas-baba ng dibdib ni Larkin. Nakaramdam siya ng kaba. Hindi na basta naiinis si Larkin, galit na ito.
"Magpapalit na po."
Hindi pa nakuntento, sinamahan pa talaga siya hanggang sa Ladies' Room. Tinalo pa niya ang anak ng Presidente ng Pilipinas, may kabuntot siyang PSG.
"Masaya ka na?" busangot na bungad ng dalaga nang makalabas sa Ladies' Room.
Mukha siyang lumpiang ubod sa laki ng t-shirt. Hindi rin flattering ang green sa kulay niyang hiniram sa Chocolate Hills! Nagmukha ring buhok ng mais ang buhok niyang pinakulayan niya sa baklang si Bebeth.
"Ang cute mo." Gigil na pinisil ng binata ang ilong niya bago siya inakbayan.
"Ahhhkkk!"
"Ano kamo? Pasensya na, I don't speak Alien," ani Larkin na mas lalo pang pinag-igi ang pagkakaipit ng braso sa leeg ng dalaga.
"D-Di a-akkho mah...kahinga!"
"Yan, malinaw."
Parang nakakalokong kinurot pa nito ang magkabilang pisngi niya bago bumitaw.
"Kaya mas lalo akong namumukhang siopao eh! Tigilan mo na nga ang kagandahan ko Larkin Andres!"
"Over my dead, sexy and yummy body."
Nang kumindat si Larkin, automatic na nagka-amnesia siya. Nakalimutan na niya kung paanong huminga.
"LARKIN, Larkin, Larkin!" Halos sabay-sabay na chant ng mga babaeng nanonood sa laro. Hindi pa naman championship pero puno ang school gym. Nakakabingi ang sigawan lalo na nang maka-shoot si Larkin ng three points.
"Tabi! Hoy! Tabi sabi!" dinig niyang saway ng kung sino mula sa likod. Nilingon niya lang at sinimangutan pero hindi siya umalis sa pagkakatayo. Bakit ba? Eh 'yon ang designated area niya sabi ni Larkin. Unless lumindol ngayon at bumuka ang lupa, walang makapagpapaalis sa kanya.
"Aba't! Miss, nakaharang ka hindi namin makita si Larkin!" Tumungayaw na ang babae, hindi na nakapagpigil.
'Tsura lang nito! Mukha namang kokak.
"Hoy! Siopao! Tabi nga d'yan!"
Hindi niya alam ang salitang "kalma" o "pigil" sa mga oras na 'yon. Kagandahan niya ang nalait. Nag-init na rin ang anit niya.
Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis saka kinawayan si Ateng Kokak na lumapit. Taas-kilay na itinuro pa nito ang sarili at tumingin sa dalawang kaibigan. Tumango si Elie, smile in place pa rin. Tinalo pa niya ang kandidata sa Mutya ng Sagingan ng barangay nila sa ngiting 'yon.
"Problema mo?" anito nang makalapit kasama ang mga kaibigan.
"Siopao? Ako? This fez? Really?"
"Bakit ba, totoo naman."
Iyong hablot ni Elie sa buhok ng babae. Hindi siya bumitaw kahit na pinagtulungan na siya ng Tropang Froglets.
Nawala na sa isip niya kung nasasan sila. Ang importante kay Elie ay makaganti sa panlalait ng babae sa kanya. Voluptuos siya, hindi siya siopao!
"Elie, tama na!"
Pamilyar ang boses na gumising kay Elie. Dahan-dahan niyang binitiwan ang buhok ng kasabunutan. Natigil din ang mga kaaway niya.
"L-Larkin?"
"Ano'ng ginagawa mo?" Madilim ang mukhang sita nito sa kanya.
May audience na sila. Kung konswelong matatawag na mukhang kalahati lang naman ang nakikiusyoso ay hindi makapag-decide si Elie. Patuloy pa rin naman ang laro, siguradong nagpa-sub lang si Larkin kung kaya nasa labas ng court.
Noon siya nakaramdam ng pagkapahiya. Ang babaw ng dahilan ng pakikipag-away niya. Ano na lang ang iisipin ni Larkin?
"L-Larkin. Mabuti na lang at dumating ka," anang babaeng kasabunutan niya.
Ang kaninang pagkapahiyang naramdaman niya ay napalitan ng pagkabwisit. Lumapit ang babae kay Larkin at parang nagpapaawang tiningala ang sinisinta niya. "Siya ang nauna. Bigla na lang niya akong sinabunutan."
"Totoo ba Elie?"
Hindi siya kumibo. Kung nakamamatay ang tingin, dalawang segundo lang ay titimbuwang na si Ateng Kokak. Napahugot ng maingay na paghinga si Larkin saka umiling.
"Ako na ang humihingi ng sorry sa nagawa ng kaibigan ko Miss..."
Kung kanina lang ay parang kakain ng tao ang mukha ng babae, ngayon naman parang sinapian ng kung sinong santa.
"Sandra. Okay lang 'yun." Bumaling sa kanya si Ateng Kokak aka Sandra. "I forgive you."
Bago pa siya makagawa ng dagdag na kasalanan ay nakatunog na si Larkin. Nahagip nito ang braso niya saka siya inipit sa tagiliran nito. Nagmukha siyang manyikang basahan. 'Yun lang hindi maganda at cute na manika. Pupusta siyang kakambal na niya ang manika ng mangkukulam. Ramdam niya ang bigat ng sumabog na buhok.
"Thank you," sabi Larkin saka siya kinaladlad palayo.
Dedma siya sa tingin ng mga taong nasa paligid. Nagpaalam si Larkin sa coach ng team na kipit pa rin siya nito sa tagiliran. Okay lang 'yon sa kanya. Wala siyang kabalak-balak kumawala. Magka-epidemya man ngayon, doon niya gustong mamatay.
"Stop squirming!"
"Saan mo 'ko dadalhin?" kunwa'y angil ni Elie.
Siyempre, for effects. Hindi puwedeng makatunog si Larkin na gustong-gusto niya doon. Ang bango kaya nito kahit pawisan.
"Sa clinic. Ang dami mong kalmot."
Owmaygas! He cares! Kusang umangat ang balat sa gilid ng bibig ni Elie. Walang panama ang ngiti ni Joker.
Walang tao sa clinic nang dumating sila. Agad na naging abala sa paghahanap ng medical kit si Larkin. Nagkasya na lang si Elie sa pagsunod ng tingin sa bawat galaw ng binata. Maging sa paggamot nito sa kanya ay hindi siya nakapagbitaw ng anumang salita.
Sa pag-angat ng tingin ni Larkin sa mukha niya ay mas lalong naglapat ang mga labi nito. Mas dumami pa ang kunot sa noo ng binata. Hindi siguro ito makapag-decide kung ano ang uunahin, braso ba ni Elie o mukha.
Napasinghap si Elie nang lumapat ang bulak sa galos niya sa bandang taas ng kilay. Pero hindi nag-apologize si Larkin. Hinipan lang nito ang sugat , parang doon bumabawi sa hapding binigay sa kanya. Sa sobrang lapit ng mukha ni Larkin sa kanya ay amoy na ni Elie ang hininga nito.
Cinnamon and mint.
"Elie?" tawag ni Larkin sa namamaos na boses.
Napalunok siya. Masama ang epekto ng boses na iyon sa sistema ni Elie. Kung robot system siya, system error ang nangyayari.
"Y-yes?"
Unti-unting lumiit ang distansya ng mukha nilang dalawa dahilan para mapapikit si Elie. Nagja-jumping jack na naman ang puso niya.
"Mukha kang kuting. May galos ka sa ilong," ani Larkin saka pabirong tinapik ng hintuturo ang dulo ng ilong niya. Noon siya nakaramdam ng magkahalong init-hapdi.
"Aray!"
Hindi niya sigurado kung alin talaga ang totoong masakit, ilong o pride niya. Umasa na naman kasi siya. Dumiin pa ulit ang bulak sa ilong ni Elie.
"Larkin ha, hindi ka na nakakatuwa," may kasamang irap na warning niya.
"Sorry."
Nang dumating ang school nurse, tapos na sila. Pinaglog-in na lang sila sa log book malapit sa pinto para daw ma-account ang ginamit nilang gamot at bulak.
"Tara kain tayo," aya ni Larkin sa kanya pagkalabas nila ng clinic. Takang tiningala niya ang binata, hanggang balikat lang kasi siya nito.
"Paano ang laro mo?"
"Hamo na. Mam'ya mapaaway ka na naman," anito na may kasamang ngiti.
"Iiwanan mo ang team mo? Kailangan ka kaya nila."
"Mas kailangan mo ako."
Hindi ka kinikilig Felicity, hindi ka kinikilig.
Lumabas ang kambal na dimples sa pisngi ni Larkin. Hindi na makahinga si Elie. Pero hindi pa doon natatapos ang pagkakataon sa pag-torture sa kanya; tinanggal ng binata sa pagkakaipit sa straps ng backpack niya ang buhok ni Elie. His fingers briefly brushed her neck in doing so.
Binabawi ko na, kinikilig ako! Shemaaaayyy siomai!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro