Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula

Third Person’s POV



Lumabas ang isang kapitbahay, may uniporme itong kulay asul na may halong puti at pinarehas pa sa puti nitong sapatos. Isa itong katulong sa subdivision na kung saan ito ay kasalukuyang nagtra-trabaho para sa kaniyang pamilya.

Lumabas siya para sana’y magtapon lang ng basura subalit nagulat ito dahil sa nakita niyang biglaang pagsiklab ng apoy sa katapat na bahay nito kaya daglian siyang nataranta’t nanginginig ang mga kamay na naibaba ang hawak niyang garbage bag na siyang mga kalat sa bahay ng amo niya na dapat ay itatapon na niya.

“S-sunog! Mga kapitbahay! May sunog!” Malakas na sigaw pa nito upang maipaalam sa iba ang kasalukuyang nangyayari.

At noong narinig na ito ng iba ay nagsilabasan na sila sa kani-kanilang mga tahanan. Nakita nila kung nasaan ang sunog at malapit lang sa kanila iyon kaya may ilang mga tao na ang nagkusang tumawag na sa numero ng mga bumbero upang maapula ang apoy.

Samantala...

Ang mga tao sa loob ng nasusunog na bahay ay mga pawang tulog pa at kabilang dito ang isang batang babae na mahimbing pa ang pagkakatulog.

Nagising naman ang isang kasambahay dahil sa sobrang init ng paligid niya. Pinuntahan niya kung saan nanggagaling ang usok at doon niya napag-alamang nagmumula ito sa kusina.

Nagulat siya kasi malaki na agad ang apoy at mahirap itong apulahin sa isang hipan lang, kaya patakbo itong pinuntahan ang alaga niyang nasa ikalawang palapag ng bahay.

Padabog na kinatok ni Manang ang kuwarto ng batang babae na siyang anak ng amo nito ngunit nakakailang beses na siyang kumakatok ay hindi pa rin siya pinagbubuksan nito, sa pakiwari niya’y tulog pa rin ang bata.

At dahil sa takot na baka mamatay siya pati ‘yung alaga niya na nasa loob pa ng kuwarto nito ay dali-dali siyang lumabas ng bahay at humingi ng tulong.

“Tulong! Saklolo!” Nangingiyak na usal ng matandang katulong.

“Si Grasya, nasa loob pa. Iyong alaga ko! Tulungan niyo po siya. . . parang awa niyo na. M-may hika siya, baka kung mapano siya sa loob...” aniya habang nakakapit sa damit ng isang bumbero na kararating lang sa kanilang lugar.

Pilit na tinatagan ng matandang katulong ang loob niya upang ‘di siya maluha sa sobrang pag-aalala sa munti nitong alagang na-trap ngayon sa nasusunog na bahay.

“Huminahon na po muna kayo, ‘nang...” pagpapahinahon naman ng isang medical nars na lumapit pa sa nag-aalalang matanda.

“Hindi! ‘Yung alaga kooo. Nasa loob pa! Parang awa niyo na tulungan niyo siya. Kawawa ‘yong bata! Ano ba?!” Mariing saad pa nito na bahagya pang hinihila ang damit ng isang bumbero.

Napasapo na lang sa kaniyang noo ang nars na lumapit sa matanda kanina.

“Inang. Gagawin po namin kung ano ang trabaho namin. Dito na po muna kayo.” Mahinahong sambit pa ng bumbero na kanina pa kinakausap ng may edad nang kasambahay.

At dahil dito medyo napakalma na ang matanda, inalalayan naman siya no’ng medical nars sa isang upuan saka nito ineksamin.


---
Sa kabilang banda, bumalik tayo sa loob ng nasusunog na bahay.

Nagising ang bata dahil sa kan’yang pag-ubo at init na kasalukuyang nararamdaman niya.

Hanggang ngayon ay naka-padlock pa rin ang kuwarto nito dahil ayaw niyang may umiistorbo sa mahimbing niyang pagtulog.

Noong naimulat na nga ng bata ang talukap ng kaniyang mga mata ay nagulantang siya sa nakita niya.

Halos dumilim na ang kabuuan ng kuwarto niya dahil sa puno na ito ng usok. Makapal na usok na hindi niya alam kung saan galing.

Bumangon pa ang batang ito upang malaman kung saan nanggagaling ang usok subalit dahil sa pagbukas niya ng pintong iyon, mas lumala lamang ang kan’yang pag-ubo.

Ramdam niyang parang may kung anong nakabara sa lalamunan niya para mas lumala itong pag-ubo niya, idagdag pang may nalalanghap pa siyang usok mula sa kung saan.

‘A-ang init,’  bulong pa ng bata sa kaniyang isipan.

Tinakpan ng batang babae ang ilong nito dahil hindi niya kayang amoyin ang kasalukuyang nangangamoy sunog na bahay. Naghanap siya ng daan palabas at doon nakita niya kung saan p’wede siyang dumaan.

Tinahak niya iyon subalit dahil sa init at panghihinang nararamdaman nito dahil sa apoy ay bigla na lang siyang nanghina dahilan para mapahiga ito. 

Inaatake na siya ng sakit niya ngayon. May hika ang bata at kasalukuyan na siyang nahihirapang huminga.

Napakapit na lang siya sa bandang dibdib ng damit niya. Hinimas niya iyon pero hindi sapat ‘yon para maibsan ang sakit na kasalukuyang nagpapahirap sa kan’ya.

“May tao po ba riyan? Tulungan niyo po ako...”

Unti-unti na rin niyang ipinipikit ang mga mata niya. Sa isip niya’y ‘baka hanggang dito na lang ako’.

Subalit, bago pa man niya maisara nang tuluyan ang mga mata niya’y may nahagip siyang tao. Hindi niya matukoy kung sino o ano ang kasarian nito dahil lumabo na ang mga mata niya.

“Tulong...” Mahinang pakiusap ng bata, “Tulong.”

Dahil doo’y natagpuan siya ng isang lalaki kahit na sobrang hina na ang boses nito.

Tumambad sa kaniya ang batang babae na ngayo’y nakabulagta na sa sahig at dahil sa pag-aalala ng ‘di kilalang lalaki ay mabilis niyang binuhat ang bata at tinulungang lumabas ng bahay.

At nang makita na ni Manang ang alaga nito ay napaiyak na siyang lumapit sa isang lalaking nagbuhat sa batang babae.

“Ang alaga ko. Grasya? Grasya?” Umiiyak na bungad ng matanda saka nito tinatapik-tapik ang bata.

Pagkatapos ay kinuha na ng kasambahay ang kaniyang alaga sa isang ‘di kilalang lalaki.

Nagpasalamat ang matanda sa lalaki na kung titingnan mo ay parang binatilyo pa ang itsura.

Sumama pa ito sa ambulansiya na siyang naghatid sa kanila ng alaga niya sa isang hospital na malapit lang sa kanilang lugar.

Pagkarating nila doo’y tinawagan na ni Manang ang amo nito upang maipaalam ang nangyari.

“S-Sir,” utal nitong tawag sa amo niya, ang ama ng batang inaalagaan niya.

“Si-Si Grasya po, Sir. Nasa Hospital po siya..." Humihikbing wika nito habang nasa tainga pa niya ang telepono.

[“H-ha?! Paano nangyari ’yon, Manang?!”] Hindi makapaniwalang saad ng isang ginoo mula sa kabilang linya ng telepono. Bakas sa boses nito ang pag-aalala sa nag-iisang anak niya.

“Hindi ko rin po alam, Sir.” pagtatapat ng matandang katulong.

“Mamaya ko na lang po ipapaliwanag. Puntahan n’yo na lang po siya rito, kailangan niya po kayo. Text ko na lang kung saang hospital. Sir,” dagdag pa ng katulong.

[“Sige, sige. Manang, bantayan mo siya ah? Parating na ako. Hintayin ninyo ako.”] Malumanay pa nitong sabi tsaka pinatay ang linya.

Ito’y isa lamang sa mga malalagim na nangyari ng araw na iyon.




©ParkMinBinStory
ALostMemory(2017)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro