Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✴7✴

Kabanata 7: New Boy Students.
Irizh Joy’s POV




Tatlong araw na ang nakakalipas mula no’ng nag-celebrate kami ng friend’s anniversary namin and now, I just realized that...

oh, just nothing. Nevermind.

Ayoko pala sabihin, hmp.

“Okay, class. Before I start the disscussion of our new topic for today I want first to introduce to you, your new classmates. Come here, guys..” Ma’am Sarry announced, smiling infront of the class. Ngayon ay nakatuon karamihan ng mga kaklase ko sa kaniya.

Pero syempre, curious din ako. Tumingin ako sa pintuan namin at nakita kong may dalawang lalaking naka-antabay ngayon sa signal ni Ma’am sa kanila.

Yehey! May bago kaming classmates. Take note, parehong lalaki!

Pero, kaso, subalit, ngunit.

Nawala ang mga ngiti ko nang makita ko ulit siya.

Naalala ko na naman tuloy ‘yung nangyari no’ng friendsarry namin nila Couz at Ley.

Tsk.

“Hala! Iley, siya ‘yon ‘di ba?” Narinig kong tanong ni Ivy kay Ley.

“Ahm. . . oo, siya nga.” Tumango si Ley bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Couz sa kaniya.

“Wushu, magiging classmate natin si Kuya oh, naks! Makakausap ko na siya, hihi.” Ivy commented grinning to Hailey’s face.

Mabuti pa sila masaya, samantalang ako. . . ito, nakasimangot na.

Nawala na kasi ‘tong maganda araw ko, nakakawalang gana tuloy, hmp.

At ang masaklap pa, siya pa ang naunang nagsalita bago ‘yung si Kuya Pogi na nakabangga ni Ley no’ng nakaraang araw.

Naiinis na tuloy ako, naalala ko na naman kasi ‘yong kahanginan niya.

“Hello guys! My name is Kai Naomie Addison. I’m 16 years old, March 12 is my birthday. My home is in Parañaque City and that’s all thank you,” pagpapakilala niya.

Akala mo talaga...

Kunwaring pa-humble, amp.

“Hey, hi.” Some of the girls na nandito sa class namin, tuktok sa kaniya unlike to that K—whatever. And we. . . me, Couz and Ley, hindi na kami magtataka kung bakit.

“I’m Asher Jezter Jackson but you can also call me Aj for short. I also live somewhere at Parañaque City. Magkapitbahay lang po kami ni Kai at kami po ay parehong magkaibigan. Same age po kami, I’m also 16 years old, birthday? July 17. Iyon lamang po, salamat.” He said smilingly.

“Ahm okay. Tama na muna iyon, maaari na kayong umupong dalawa sa bakanteng upuan. May bakante pa yata roon sa likuran,” turo ni Ma'am Sarry sa mga upuan namin...

Omg. . . wait, no way!

“Can I seat beside you?” Halatang nang-aasar siya base sa tono niya.

Kainis. Malamang! Maalala ako nito—wait, alam niya nga ba?

“May magagawa pa ba ako?” Mataray na reply ko nang hindi tumitingin sa kanya.

We're not close like, duh!

The Aj guy naman, tumabi siya kay Ivy kasi absent ‘yong katabi ni couz. Gano’n rin naman ‘yung katabi ko pero sana ‘tong pogi na lang ‘yung naging katabi ko sa upuan at hindi itong kolokoy na ‘to.

Ang arte ko ba? Eh sa ayaw ko sa kanya e.










♡__Hailey’s Point of View__♡





“Huy, Iley. Tingnan mo si Insan, oh. Feeling ko may something sila no’ng katabi niya, ‘di ko na kasi mapinta ‘yung mukha ni Insan e," pabulong na kuwento ni Ivy sa ‘kin na naging dahilan para lingunin ko si Iris na siyang katabi ko.

Hala. . . oo nga, pfft.

Halatang hindi mapalagay si Iris sa katabi niya. May nangyari kaya sa dalawang ‘to—saka, bakit parang kakilala nila ang isa’t isa?

Ahm...

May hindi yata naikukuwento sa ‘min ‘to ah.

Out of curiousity, noong tumunog na ‘tong school bell namin na isang sign upang mag-breaktime na muna kami sa klase ay doon lang namin inusisa ni Ivy ang pinsan niyang si Iris.

"Huy, Insan. . . baka naman gusto mong magkuwento?" Base sa tanong na ito ni Ivy alam na ni Iris kung ano ang tinutukoy nito.

Inaabangan ko lang na sumagot si Iris.

“Wala akong gana,” tugon sa ‘min ni Iris ngunit imbis na tumigil kami ay tinodo pa namin ni Ivy ang pangungulit sa kanya.

Huwag siyang maging cold sa aming dalawa dahil mas ‘di namin siya tatantanan.

“Hala, siya. Sige, ‘wag kang magkuwento kundi sasabihing kon—” Tinakpan kagad ni Iris ang bunganga ni Ivy kaya hindi niya natuloy ‘yung dapat na sasabihin niya.

Hay nako.

They have secret na. . . at ito ako, wala akong alam kung ano ‘yon.

“Shh,” pagpapatahimik niya kay Ivy.

“Kayo ha, ano ‘yan? Naa-out-of-place na ko ah,” reklamo ko sa kanilang dalawa. Sabay pa silang tumingin sa puwesto ko.

Hindi ko kasi alam ‘yong dahilan kung bakit tinakpan ni Iris ‘tong bibig ni Ivy at dahil na rin siguro sa nakita ni Iris, itong pagtaas ng kilay ko kaya siya napabitaw sa bibig ni Ivy.

“May hindi kayo sinasabi sa ‘kin?” Nakataas ang isang kilay kong tanong sa kanila.

“A-ahm. . . Iley kasi—” Naputol muli ang pagsasalita ni Ivy no’ng may biglang sumabat sa likuran ko.

And from there, I saw him. . . again.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang makita ko siya nang malapitan, grabe.

Oo na, guwapo siya pero kailan ko lang naman siya nakilala ‘no.

Ang nakakapagtaka is, bakit ganito kung magwala ‘tong puso ko. He’s just a stranger from somewhere and I’m so sure sa sarili ko na ‘di ko pa siya nakilala—oh, not until kanina. . . kasi pinakilala nila ang mga sarili nila sa klase namin.

Pero kasi, parang may karera sa puso ko na ‘di ko malaman kung bakit parang excited akong makita siya o makilala?

Saglit nga...

Ito na ba ang sinasabi nilang ‘love at first sight’? What the. Hindi ko pinaniniwalaan ‘yon pero base na rin sa nararamdaman ko ngayon. . . baka, maniwala na nga ako.

Wews. Anong ba ‘tong mga pinag-iisip ko? As if namang magustuhan niya ako, psh.

Erase! Erase!

“Hi my new classmatess! Puwede po bang makisabay sa inyo? Oh. By the way, I’m Kai.” Nakangiting bungad ng kasama niya na bahagya pang lumapit kay Iris.

Hindi ako umimik, saglit akong nag-isip.

Hindi ba nasa kpop boy group ‘yon? Saan nga ulit? EXO ‘di ba? Hayii.

Oh baka naman akalain n’yo na siya ‘yung tinutukoy ko, ha? Hindi porket kapangalan niya si Kai, siya na.

And no, hindi siya si Kai ng exo.

Pasimple akong ngumiti sa sarili ko, ano ba ‘tong iniisip ko. As if namang may kausap ako, pfft.

“Am I asking your name? No right?! And don’t you dare staring me like that ‘cause it’s really annoying.” Gigil na reply naman ni Iris kay Kai.

Subalit, imbis na mainis din si Kai sa sinabi ni Iris sa kaniya ay inasar pa siya lalo nito na naging dahilan para mas lalong mainis sa kanya si Iris.

There’s really something between this two—

“Hindi lang ikaw kausap ko ‘te,” aniya bago ngumisi.

At dahil sa ginawa niyang ‘to, inis na tinitigan ni Iris ‘yong lalaki ngunit bumaling ito sa ‘ming dalawa ni Ivy.

“For your information, kausap ko rin sila. . . okay? Kaya nga may salitang inyo, right?" dagdag pa niya.

“Oh, bars,” bulong ni Ivy sa sarili niya pero narinig naming pareho iyon ni Iris. Kaya napatingin si Iris sa kaniya, isang death glare.

That stare, oh-oh.

“Sige, Kai. puwedeng-puwede kang sumabay sa ‘min, hayaan mo siya.” natatawang sambit na lang ni Ivy kay Kai.

I don’t know pero naalala ko talaga exo sa name niya.

“Oh, hi Kuya!” Bahagya naman akong nagulat sa biglang pagbaling ni Ivy sa lalaking nasa tabi ko.

Ay may tao pa pala sa tabi ko. Bakit ba kasi hindi ito umiimik eh,

Lumingon ako saka ko niya hinarap.

OMO.

Dahil sa nakita ko ang mga ngiting iyon ay mas lalong bumilis tibok ng puso ko.

Stop na heart, please.

‘Masama ito sa ‘yo kaya tumigil ka sa pag-pump nang mabilis baka kasi maubusan ako ng hangin.’ Mairiing pakiusap ko pa sa puso ko, pfft. Akala mo talaga gagawin niya e ‘no.

Hays. . . nababaliw na yata ako.

“Hi, ako naman si Asher Jezter kung nakalimutan niyo name ko kanina, just call me Aj na lang. Ako ng bahala kay Naomie,” singit niya sa usapan no’ng dalawa.

Tumawa pa siya sa harapan namin kaya ito, napatitig sa tindig niya sina Iris at Ivy sa kaniya. Napailing ako sa parehong inakto ng dalawang kaibigan ko.

“Ako na nga rin pala ang humihingi ng sorry para sa kanya. . . mas lalo na sa ‘yo, Miss." Sinserong usal niya saka lumapit at yumuko sa harapan ni Iris.

“Omg, ‘wag mo ng gawin ‘yan. Ako na nga nahihiya e. At isa pa! Hindi dapat ikaw ‘yung gumagawa niyan kasi. . . ‘di naman ikaw ‘tong gumawa ng mali ‘no. Don’t say sorry for the sake of others, tch.” Halata sa boses ni Iris na pinariringgan niya si Kai.

Ano ba kasing history ng dalawang ‘to at ganito sila sa isa’t isa?

“Aba’t—” Hindi na tuloy ni Kai ang sasabihin niya dahil sa pagpigil sa kanya ng kaibigan niyang si Aj.

“Tama na bro, makikisalo na nga lang tayo sa kanila e,” suway naman nitong Aj sa kasama niya saka ito tumabi. . . s-sa ‘kin?!

Aba, bakit may pagtabi?

Tug dug, tug dug.

“Tsk,” singhal na lamang ni Kai sa taong kanina lang ay nagpaparinig sa kanya.

“Aish,” pahabol pa ni Iris.

Ayaw talaga patalo.

“Tigilan na nga, baka matapos tayong kumain ‘di ba?” pagpapatigil ko naman sa kanila saka sumubo na ng pagkain ko.

Gano’n rin naman sila kaya bumalik na sa tahimik na atmospera ang aming paligid.

Sa kabilang banda, napapansin kong habang kumakain ako ay tinitingnan ako ng katabi ko

At ano naman kung tinitingnan niya ako?

Wews. . . nakakaramdam ako ng hiya, ha.

Pinasawalang bahala ko nalamang ang mga naiisip ko saka ko tinapos ang mga pagkain ko.

Ayaw kong bigyan ng meaning baka kasi ako pa pagkamalan ng ‘assuming’. Natawa tuloy ako.




---
Anyways. Mabilis lang natapos ang dalawang asignatura namin kaya naman uwian na! Yes, hahaha!

Palabas na sana kami ng pintuan ng classroom nang bigla na lang ako nakaramdam ng matinding pagkahilo. Daglian akong napahawak sa sintido ko’t pabagsak na naupo sa katapat kong upuan.

Sa-sandali...

Sa ‘di ko malamang dahilan, bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba. Basta, sobrang sakit ng ulo ko. Hindi naman ako nauntog or what, pero sobrang sakit talaga.

Pinakiramdaman ko lang muna ang sarili ko.

Nakakarinig ako ng paghangungul ng bata. Oo isa ngang bata. Isang batang iyak ng iyak, malabo kaya hindi ko gaano ma-recognize kung sino yung bata, gusto kong makita ‘yon.

ngunit...

Kaagad kong tinakpan ang isang tainga ko para lang hindi ko na marinig iyon ngunit walang talab, bagkus ay mas lalong lumakas ‘yung pag-iyak no’ng bata.

M-ma. . . no, Mommy. Mama!

Argh! Ang sakit.

Napaupo na ako sa sobrang sakit.

“Ley, are you okay?” Nag-aalalang tanong naman sa ‘kin ni Iris na bahagya pang sinilip ang mukha ko.

Nginitian ko siya para lang malaman nila na okay lang ako at para na rin, hindi na sila mag-alala pa sa ‘kin. Ayaw ko kasing maging pabigat sa mga kaibigan ko.

“Okay lang ako. I’m totally fine,” pagsisinungaling ko sa kanila upang maitago ko lang ang tunay na nararamdaman ko.

“Hays,” napabuntong-hininga na lamang ako saka itinuwid ang likuran ko.

Pasimula na akong maglakad nang bigla na lang akong natumba. Ewan ko, pero parang na-out of balance ako tapos biglang dumilim ‘yung paligid...









©ParkMinBinStory
ALostMemory(2017)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro