Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✴6✴

Kabanata 6: Stranger.
Hailey Gracelin’s POV








Kasalukuyan kaming naglalaro ni Ivy nang biglang nagpakita sa ‘min ang inis na mukha ni Iris.

Ano naman kayang nangyari sa babaeng ‘to?

“Hey, Sis? Anong nangyari sa ‘yo?” Takang tanong ni Ivy na tiningnan pa si Iris mula sa baba paitaas.

“Woy. Bakit may sulat ‘yung likod mo?” pagpuna ko naman sa likuran niya. Pinatalikod ko pa si Iris sa harapan ko para mas makita ko nang maayos ang sulat.

“Hala, weh? Patingin,” singit naman ni Ivy saka niya tiningnan ang likuran ng pinsan niya. “Ay oo nga, letter K tsaka N lang nakasulat, Ati.”

“Huwag niyo na ngang pansinin ‘yan, nakaka-badtrip lang. ‘Yung tipong masaya na sana itong aniversarry natin e kaso may monggi na nanggulo sa ‘kin. Kainis,” paliwanag ni Iris sa ‘min bago gigil na kinagat ang labi niya.

“Ouch.”

“A-ah. May nambuwiset pala sa kanya. . . Ivy, halika na nga. Umuwi na tayo may na-badtrip na e.” Tumatawang komento ko saka nagyaya ng uwian. Anong oras na kasi...

TIME CHECK: 6:59 PM.

“Sige, pagkatapos nito punta tayong Goza ah?” suhestiyon muli ni Ivy sa amin.

Hindi pa ba siya napapagod?

Ako kasi pagod na. Mabilis naman talaga ako mapagod kasi taong bahay lang ako’t hindi naman ako pala-gala talaga.

“Oo, sige. Dalhin mo na itong naipon nating tickets sa paglalaro natin kanina,” utos ko kay Ivy na sinunod naman niya.

“Sige,” pagsang-ayon pa niya bago ginawa ‘yung inutos ko.

Noong nakakuha na kami ng prizes ay binitbit na namin ‘to. At habang kami ay nasa kalagitnaan ng paglalakad sa 2nd floor ay hindi ko inaasahan na may makakabangga ako.

“Oh. I’m sorry,” pagpapaumanhin ko habang nakayuko sa harapan niya.

Tsaka ko lamang naiangat ang aking mukha no’ng hindi man lang niya ako inimikan tumingala ako para makita ang nakabangga ko.

Nakita ko naman na nagulat siya nang makita niya ako.

Sandali nga, kilala ba ako nito?

“Oh. . . ano ba ‘yan, Hailey. Hindi ka talaga tumitingin sa dinadaanan mo. Sorry Kuya, ah? Halika na nga punta na tayo sa Goza gusto ko ng umuwi ih.” Nawala lang ang mga paningin ko sa lalaki nang bigla akong hinila ni Iris.

Nakakapagtaka, bakit naman siya magugulat sa ‘kin?

At, bakit ba nagtatanong ako? Pake ko? Geez.

Nawala lang ako sa isip ko no’ng biglang magsalita si Ivy.

“Oh talaga?! Totoo ba ‘yon, Ley? May nakabangga ka raw na guwapo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Ivy sa ‘kin.

“Oo Sis, super duper gwapo!” ani Iris na ngayo’y nakangiting aso na sa gawi ko. Nabaling naman kay Iris ang atensiyon ni Ivy.

“Si Iley kaya kinakausap ko, Insan.” Blangkong saad niya bago sumingot kay Iris.

Palihim akong natawa sa inakto ng dalawang magpinsan na ‘to sa harapan ko. Lagi na lang kasi silang nagtatalo, hahaha.

Pati ba naman ‘yung nakabangga ko pagtatalunan nila.

“Woy, ano na?” Waring naiinip na tanong ulit ni Ivy sa ‘kin.

Oh. Hinihintay niya pala sagot ko?

"Oo Ivy, actually. . . guwapo nga siya." naisagot ko na lang kahit na hindi ako sigurado.

"Hala, bakit hindi ko nakita!?" Kunwaring tampo namang tanong niya.

“Nanguna-una ka kayang maglakad papuntang Goza, psh.” panenermon pa ng pinsan niya.

Alam niyo kahit laging nag-aaway ang dalawang kasama ko ngayon ang kyut pa rin nilang tingnan, hahaha.

Palihim akong tumawa habang nagtatalo sila. Ewan ko ba, imbis na pigilan sila kasi baka mamaya mag-away pero wala e. Nasanay lang din talaga, pfft.

“Hays, ang daya!” Parang batang pagmamaktol ni Ivy.

“Huwag ka ngang gan’yan nahiya nga ako sa kanya kasi nabangga ko siya mabuti na lang at wala akong bitbit na pagkain kundi baka matapunan ko siya,” singit na kuwento ko naman sa kanilang dalawa.

“Hay nako! Sayang nga lang kasi kayong dalawa lang ni Insan ‘yung nakakita,” singhal pa ni Ivy bago niya kami pinanlitaan ng dalawa niyang mata.

“Hindi— ay wait. . . iyon yata siya," sabat ni Iris saka tinuro ‘yung lalaking nakabangga ko kanina, kasalukuyan itong nasa counter.

“H-ha? Saan man? Turo mo dali,” anas naman ni Ivy saka tiningnan ‘yung tinurong direksyon ni Iris.

“Hayon oh. Nakasuot ng jacket na black,” aniya sabay turo niya sa counter saka inilarawan ang suot no’ng lalaki.

“Oo, siya nga.” Wala sa sariling nasambit ko.

“Hala! Oo nga, ang guwapo woy. Shemz! Kung siya na ‘yung para sa ‘yo, Iley? Tanggap ko pero kung kay Iris?! Huwag na lang ‘no,” namamanghang komento ni Ivy, kaya naman nakatanggap siya ng hampas.

“Ang bad mo sa ‘kin, Couz ah!” Kunwaring inis na reklamo ni Iris sa kaniya.

“Nagsasabi lang ng totoo, Insan. Ayaw mo bang magka-boyfriend si Iley?”

“Pero legit, Ley. Approved siya sa ‘ming dalawa ni Couz,” gatong pa ni Iris sa naunang komento ni Ivy.

Parehong-pareho talaga silang magpinsan. Ngumit pa silang dalawa sa harapan ko’t sabay na nag-apir. Napailing ako dahil sa ginawa nila.

Pinagkakaisahan ako e wala naman akong balak na mag-boyfriend, wews.

“Halika, puntahan na natin.” Nakangiting yaya pa ni Ivy sa ‘ming dalawa ni Iris pero ito, sabay namin siya tinanggihan.

“No. . . uuwi na tayo, right? Halika na! ‘Di naman natin siya kilala eh!” banat ni Iris sa excited niyang pinsan na si Ivy. Parang ang hyper nga ng babaeng ‘to kanina pa.

“Tumigil ka nga riyan, Insan. Gusto ko lang malaman name ni Kuya Pogi,” palusot pa ni Ivy kay Iris.

Buong akala ko, silang dalawa lang ang mag-uusap pero...

“Kuya!” Kaagad kong tinakpan ang bunganga ni Ivy. Ang ingay! “Shh,” pagpapatahimik ko sa kaniya.

Namilog ang pareho niyang mata na ngayo’y nakatitig sa akin, alam ko at sigurado akong kayang-kaya ni Ivy na hingiin sa lalaki ang pangalan nito at nako. . . sobrang nahihiya ako sa kaibigan ko, tsh.

At dahil sa sigaw na ‘to ni Ivy. Nakaagaw ito ng atensiyan sa iba. Napatingin ang ilang tao sa gawi namin, pati ‘yung lalaking tinutukoy at kanina pa pinag-uusapan ng dalawang girl bestfriends ko ay napatitig na rin sa puwesto namin.

Napalunok ako’t dahan-dahang binitawan ang bibig ni Ivy na hinarangan ko gamit ang kamay ko.

Sa ‘di ko malamang dahilan, napatingin ako sa mukha no’ng lalaking nakabangga ko kanina at halos mabulunan ako nang mapagtanto kong nakatitig pala siya sa akin—as in! Sa akin talaga, nakangiti pa siya’t pasimpleng kumaway.

“Omg,” reaksyon ni Iris.

“Hala. . . mukhang tinamaan si Kuya sa ‘yo, Iley—”

“Ti-tigilan n’yo nga ako, psh.” Hindi makatinging usal ko sa kanilang dalawa.

“Tara, lapitan nati—” Bago pa man maituloy ni Ivy ang nais niyang sabihin at gawin ay inunahan ko na siya.

“No, Ivy. . . halika na. Napagod na rin ako e. Please lang uwi na tayo,” singit ko ulit sa usapan nila.

“Oh ‘yan dalawa kami ni Ley na gustong umuwi, ikaw lang dito mag-isa, Couz. . . bahala ka,” pang-aasar ni Iris sa pinsan niya.

“Tsh. Sige na nga,” napilitang sagot ni Ivy.

Napaka—pfft. Asar talo siya e, nasa akin kasi lagi ‘yung final decision, hahaha.









“Okay class, before I go to our disscussion today I gladly introduce to you your new classmates.” Nakangiting panimula ni Ma’am Sarry sa klase.

At mula ro’n, nakita ko muli siya...

Sinasadya ba ito o talagang nagkataon lang?








©ParkMinBinStory
ALostMemory(2017)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro