Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✴5✴

Kabanata 5: Friendsarry.
Irizh Joy’s POV





“Okay, finally done! Tapos na tayo sa assignment natin, baka naman may gusto kayong sabihin ngayon?” Nakangiting tanong ko sa dalawang babaeng kasama ko ngayon.

May in-e-expect kasi ako, hehe.

“H-ha? Ano bang meron ngayon?” Napataas ang isang kilay ko sa naging tanong na ito ni Ivy.

Hala? Don’t tell me...

“Kinalimutan na agad ni Couz, omg. It’s our anniversary, ano ba! Nakalimutan mo?” Nakataas ang isang kilay kong sambit sa kanya.

Grabe naman. Ito na ba napala ni Cousin sa 3 rounds horror movie marathon namin?

“Ay, oo nga pala. Naka-focus kasi ako sa assignment natin ih. I’m sorry, happy anniversary guys! I love you, always." Nakangiting tugon niya saka ngumiti sa aming dalawa ni Ley.

Ah, so nakalimutan niya nga talaga?!

Hindi ako umimik sa bati ni Ivy, hindi ko lang din matanggap na nakalimutan niya itong araw na ‘to. Admit it or not, nakakatampo talaga ‘tong ginawa niya.

“Aww. Huwag na magtampo, Insan. Sorry na, babawi ako.” palambing na saad ni Ivy sa ‘kin bago ako niyakap.

“Okay,” naisambit ko na lang.

“Happy Friendsarry!” Biglang singit naman ni Ley na sobrang sigla na ngayon.

Sus. . . parang kanina lang gusto niya pang matulog. Geez. Magsama sila ni Ivy, grr.

Pagkatapos niyang bumati ay tumayo siya saka nag-alok ng yakap kaya tumayo na rin kami ni Couz para mabigyan din siya ng yakap pabalik sa ginawa niya.

We give our tightest hug to each other.

“Happy 4th Friendsarry!” Sabay-sabay naming sigaw bago kami nagtawanang tatlo.

Subalit nawala lahat ng ngiti ko sa mukha nang may maalala ako. Sana pala hindi na ako nag-expect.

“Grabe, ang tagal na pala ng friendship natin!” It’s Ivy. Napairap ako sa sinabi niya, gusto ko lang ipaalala na nagtatampo pa rin ako—amp.

“Yes. O siya, sige. . . wait n’yo lang ako rito magbibihis lang muna ako para makapunta na tayong mall,” yaya naman ni Ley kaya nawala na ‘yung tampo ko kay Ivy.

Awtomatik na ngumiti ako kay Hailey nang marinig ko ang salitang kanina ko pa gustong marinig mula sa kanila. Mall!

She really knows me. Hooray!

“Yehey!” Masigla pa akong pumalakpak sa harapan nila Ley at Couz.

Pareho silang tumingin sa isa’t isa and then, boom. Ngumisi siya nang sabay sa puwesto ko.

I can see through their eyes na natutuwa silang masaya ako, hihi. Yipe.

At kagaya nga ng sinabi ni Hailey. Pagkatapos nga niyang magbihis ay dumeretso na kami sa mall kung saan kami madalas gumagala. Syemre ginamit namin ang kotseng hiniram ko kay Daddy papunta roon.






♡__Super Market Mall__♡






“Hey Ley, doon tayo may nakita akong damit na maganda para sa ‘yo!” Masiglang yaya ko kanya saka ko siya hinila, hinila niya rin naman si Ivy na sa iba ang tingin.

Sa Shoppe kami pumunta tumingin tingin ako doon at no’ng may nakita ako ay kinuha ko iyon saka pinasukat kay Hailey.

It’s a pink dress na off shoulders. Minsan ko lang kasi siyang makita na nakasuot ng mini dress kaya naisipan kong ito na lang ang iregalo sa kanya ngayong anniversary namin.

Sana lang magustuhan niya.

(^•^)

“Hey Couz, try this one!”

Hinila ko naman si Ivy sa kung saan ako nakakita ng dress na bagay sa kanya then, pinasukat ko siya ng isang mini dress na sky blue mahilig siya sa blue kaya blue dress ang pinili ko para sa kanya.

Ngumiti naman siya sa ‘kin saka pumunta na sa fitting room.

I’m so excited nang makita ang mga Besties ko!

Unang nagpakita sa ‘kin si Ley na halatang hindi sanay magsuot ng dress, todo baba kasi siya ng palda niya eh.

Omg.

“Hey, stop doing that! Para kang tanga,” pananaway ko sa kaniya.

“Tsh, bilhin na lang natin ito nang makaalis na tayo rito.” Halatang hindi talaga siya komportable sa suot niya, hahaha. Well, that’s who Hailey is.

She’s too cute, hindi ko tuloy magawang mairita sa kaniya—cute niya nga kasi.

“Nope. Ivy is not yet ready,” pigil ko sa kaniya.

“What the—”

And speaking of,

Napalingon si Ley no’ng napatulala ako sa likod.

Why so gorgeous, sis?

Napahanga kaming dalawa ni Hailey sa suot ni Ivy. I swear! Ang ganda ng mata ko para malamang bagay sa kaniya itong pinasuot kong damit sa kaniya. So cute!

She’s so pretty you know.

Well, cousin ko po ‘yan malamang mana sa ‘kin ‘yan ‘no!

“Hala, Ivy? Ikaw na ba ‘yan?” Lumapit pa nang kaunti si Hailey kay Ivy saka hinawakan sa magkabilang balikat nito saka tinalikod at pinaharap.

Ang ganda talaga, gosh.

Natawa naman kami ni Couz sa ginawang itong ni Hailey. Pareho kasi kami ni Hailey na hindi makapaniwala na magiging gan’yan sa kaganda ang suot niya.

“Ba-bagay ba?” Kunwaring nahihiya niyang tanong.

Pa-humble si Ate, pfft!

Ngumiti ako saka ko sinabing, “Sis, bagay na bagay. I love it!” Nakangiting comment ko saka mahinang pumalakpak.

“Oh ‘yan, Okay ka na Iris? Alis na tayo rito. Nahihiya na ako sa suot ko, saka gusto ko ng kumain.” Biglang sabat ni Ate n’yong KJ—joke, hahaha.

I love Hailey kaya, hihi. Iba lang talaga ugali niya kapag gutom, hehe.

“Sa McDo tayo, Ley!” suggest naman ni Ivy nakita ko namang tumango si Ley sa naging tugon sa kanya ni Ivy.






♡__MCDOLAN’S__♡






“Ahm. Ang sarap talaga niya,” comment ni Ivy habang ngumunguya.

Kasalukuyan na po kaming kumakain ng fried chicken dito sa McDo ito kasi ‘yung favorite naming tatlo. Nagkakaiba nga lang kami pagdating sa dessert.

Si Hailey maliban pa sa chicken with rice, ay may spaghetti siya.

Si Ivy naka-chicken fillet then ice cream.

At si ako naman ay naka-fried chicken at isang malamig na float.

Ang taray namin ‘no? Ang yaman, pfft. Anyways. Libre nga pala lahat ito ni Ley ito na raw ‘yung gift niya sa ‘min ngayon tinatamad na raw kasi siyang bumili ng gamit kaya pagkain na lang daw so, si Ivy na lang ang walang gift sa ‘min.

“Ivy! Anong gift mo sa ‘min?” nagniningning ang mga matang tanong ko kay Couz.

“Tsh. Asa pa kayo, niaaway n’yo nga ako no’ng nakaraan tapos manghihingi kayong regalo sa ‘kin.” Kunwaring nagtatampong sambit sa ‘min ni Ivy.

Akala mo talaga, aish.

“Hala, monggi ka. Anong niaaway ka r’yan, inaaway kasi dapat,” pagtatama pa ni Ley sa pagmamaktol niya.

“Tsaka, anong sinasabi mong away? Hindi ka naman namin inaway no’ng nakaraan ah?" Mariing dagdag pa ni Hailey sa kanya. Napatango naman ako sa harapan niya bilang pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

“Tama,” panggagatong ko pa.

“Ito naman, biro lang. Wala nga akong maisip kung ano e. Kanina bago n’yo ko hinila ni Iris may nakita akong palaruan,” Ivy said.

“Wait, what?! Don’t tell me yung playground na nasa ground floor yung tinutukoy mo?” I asked looking straight to Ivy’s eyes. Pasimple akong uminom ng float ko.

“H-ha? No. Hindi ro’n, mga bata lang puwede roon,” depensa ni Couz.

“Exactly!” Madiing sabi ko naman.

“Hindi kasi ‘yon ‘yung tinutukoy ko, Insan. ‘Yung zonetime na nasa 2nd floor kasi,” pagpapaliwanag pa sa ‘kin ni Couz.

“Ah. . . so, baba pa tayo after this?” singit ni Ley sa usapan.

“Yes. . . malamang ‘no, Ley? Kasi sa pagkakaalala ko po, nasa third floor tayo right?” pagbibiro ko kay Hailey.

“Ang taray nito may toyo ka ba ngayon, ha?” Balik-tanong sa akin ni Ley na tinawanan ko na lang. Aish—

“Wala, sige na. Sa Zonetime tayo next!” I exclaimed. “Basta libre mo, Couz ah!” Nakangiting dagdag ko pa.

“Yes, Insan. May card naman ako e,” sabi pa niya kaya mas lalo akong natuwa.






♡__ZONETIME__♡






“Ano ba ‘yan pati pagshoot ng bola hindi mo kaya,” biro ko kay Hailey habang nag-sho-shoot ako ng ball.

“E ‘di wow, Iris. Akala mo talaga nakapuntos ka na, sus. Eh sa ating tatlo nga ikaw ‘yung puro talo," pang-aasar sa ‘kin ni Ley.

“Okay, okay!” I said while laughing. “Ayaw ko na nga.” Biglang pag-quit ko sa nilalaro namin.

“Huy. . . ayaw mo na? Iris naman, joke lang ‘yun...” Biglang bawi sa ‘kin ni Hailey.

“Hey Ley, I’m really okay.” Ngumiti ako sa kaniya para ipakitang okay lang talaga ako, maliit na bagay. Tinitigan ako ni Hailey.

“Wala lang. . . nakaramdam na kasi ako ng pagod,” palusot ko sa kanya.

I saw Hailey’s heavy sighed. She looked away from me and focused herself in throwing the ball doon sa ring, syempre.

At doon naghanap na ako ng ibang game na puwede kong laruin at noong may nakita akong racing ay nag-decide akong pumunta roon.

“Hey Ley, doon muna ako ha?” paalam ko sa kanya saka tinuro ‘yung area no’ng racing game at nang nakita kong tumango na siya at doon na ako umalis sa puwesto nilang dalawa ni Couz.

Nakangiti akong nagtungo roon saka umupo at sinubukan ng paganahin ang screen, naghulog naman na ako ng tokens saka pinaandar iyon.

Eh kaso no’ng nasa kalagitnaan na ako ng laro ay may biglang nagbulabog sa likuran ko kaya nawala ‘yung atensyon ko sa pagmamaneho.

Hayan tuloy. . . natalo ako.

Mananalo na ako no’n eh! Malapit na ako sa finish line! Aish. Sino ba kasing mongoloid ang gagalaw sa upuan ko!?

I frown as I examine the place where I do this freaking racing game na muntik ko na sanang ipanalo!

At noong may weird akong tao na nakita ay pinaghinalaan ko na siya ‘yon. Well, siya lang naman malapit sa puwesto ko ‘no.

Nakatayo siya malapit sa akin pero nakasandal siya sa isang game machine na malapit rin sa lugar ko. Nilapitan ko siya at no’ng nagsalita ako ay nabaling sa ‘kin ang mga mata niya.

“Kuya? Ikaw po ba ‘yung gumalaw sa upuan na iyon?” Mahinahong tanong ko sa kaniya saka tinuro ang upuan ko kanina.

Tumango naman siya bago niya ako nginitian. Wait, why do he smile at me?

“Ako po kasi ‘yung—” I was about to tell him na ako ‘yung naglalaro but I was interrupted.

He stopped me!

“Ah okay. . . you're my fan, am I right? Sige, I’ll give you my previous autograph pero saan ako magsusulat? Ah sige, sa damit mo na lang. Tumalikod ka.” Tuluy-tuloy niyang saad kaya napatahimik ako, saka niya ako pinatalikod at sinulatan ang likuran ng damit ko.

What the. . . omg!

“H-hey! What the heck are you doing to my shirt!?” Nakataas ang isang kilay kong tanong sa kaniya, may sinusulat siya at—argh!

“Binibigyan kita ng autograph, hindi ba isa ka sa mga fans ko?” takang tanong niya sa ‘kin.

Huwaw, a joke? As in wow talaga. Ang hangin ah at ang kapal.

“What the h*ll are you talking about? I was about to say na ako ‘yung nakaupo doon at dahil sa ‘yo natalo ako sa larong kamuntikan ko ng gawing panalo!” Pigil ang inis kong sigaw sa kanya.

But I know, kahit na magsisigaw ako rito hindi naman ako maririnig ng ibang tao. Maingay kaya rito at siya lang ang makakarinig sa ‘kin kasi kami lang naman itong magkalapit.

“At isa pa, sino ka ba? Are you a famous artists, writer or what para magkaroon ka ng mga fans? At kung sikat ka nga. . . well, hindi ka gano’ng sikat dahil ‘di naman kita kilala. So back off!” pagtataray ko sa kaniya.

“Hey miss, hindi rin naman kita kilala okay? Bigla kang lumapit sa ‘kin kaya inakala kong isa ka sa mga fans ko at malay ko bang ikaw pala ‘yung babaeng nando’n,” panimula niya. I crossed my arms in front of him.

“Hindi ko naman sinasadyang banggain ka at gambalain sa nilalaro mo dahil may siraulo kasing lalaki na nagtulak sa ‘kin doon.” He explained, but I don’t want to believe him.

Hindi ko naman siya kilala e bakit ko pa siya paniniwalaan?

“Argh! Wala akong pakialam sa excuse at explanation mo. Masyado kang mahangin dinaig mo pa aircon dito, tabi!” Inis kong saad ulit sa kanya saka ko siya nilayasan doon.

Nakakainis kasi ‘yung mga gano’ng tao napasobra sa confidence, aish.











©ParkMinBinStory
ALostMemory(2017)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro