Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✴4✴

Kabanata 4: Movie Marathon.
Hailey Gracelin’s POV




“Grace, tara! Punta tayo ro’n,” aniya sabay turo sa Ferris wheel.

“Sige...” Hindi makatinging tugon ko, ramdam kong nagnginginig na ako.

Kaya ko ba?

Nag-aalangan kasi ako kung sasama ba ako sa kaniya papunta roon. Natatakot kasi ako eh.

“Oh? Bakit gan’yan mukha mo, Grace?” Nag-aalalang tanong niya naman sa ‘kin.

“Natatakot kasi ako sa mga rides,” paliwanag ko sa kanya.

Ayaw ko talagang sumakay sa mga rides, period.

“Okay lang ‘yan, kaya nga ako nandito para hindi ka na matakot ‘di ba? Ako ‘yung magiging light and shinning armor mo ngayon.” Mahinahong sambit niya bago niya ako nginitian, a genuine smile who makes me calm.

Bakit ba ang gwapo ng manliligaw ko? Ayiee.

“Sige, sasama na ako basta katabi kita ah?!” Nakangiting tugon ko sabay hawak ko sa isang kamay niya.

Hinawakan niya rin iyon pabalik at mula roon, finally. . . nakaharap ko na ‘tong isa sa mga kinatatakutan ko which is ‘yung pagsakay sa mga malalaking rides.








Time Check:
Saturday Morning, 9:00 am.

Nagising ang diwa ko mula sa isang wirdong panaginip na naman at dahil na rin sa pagtunog ng alarm clock ko na nasa ibabaw ng table na katabi ng kama ko.

Pinatay ko iyon dahil alam ko namang walang pasok ngayon kaya dapat mamaya pa ako magigising at isa pa, inaantok pa ako kaya ito. . . ipinikit ko na lang ulit ‘tong mga mata ko.

Pero no’ng naramdaman kong nakaiglip na ko ay may biglang nagbulabog sa kama ko kaya inis akong bumangon saka ko tiningnan kung sino iyon.

Ay? Nandito na pala sila...

Awtomatik na buntong-hininga ang ginawa ko.

Bumalik na lang ulit ako mula sa aking pagkakahiga kanina ngunit hinila nila ako sa magkabilang paa ko kaya inis ko silang tiningnan, ulit.

“Ano ba guys, let me sleep! Inaantok pa ako,” reklamo ko sa kanila kaso ayaw nilang magpaawat.

“No, you can’t! We need to complete first our assignment so. . . get up!“ Mariing sermon sa ‘kin ni Iris. Pinalo pa ako ng unan sa mukha.

Argh!

Alam niyo ba iyong feeling na gustung-gusto mo pang matulong kaso may nanggugulo sa ‘yo—

Kainis naman kasi! Kaya ayaw ko silang papuntahin e, mga istorbo.

“Isa! Sisipain ko kayo palabas, sige.” pagbabanta ko sa kanila.

Napabitaw naman si Ivy sa paa ko kaya napaayos na ako ng puwesto sa kama.

“Ang tamad mo talaga, halika na nga!” pagpupumilit ni Ivy sa ‘kin saka niya ako tinabihan sa kama.

Ganoon rin naman ang ginawa ni Iris at pumuwesto pa talaga sila sa magkabilang side ng kama ko.

Kaya kung lilingon ako sa kabila, makikita ko si Iris at kung sa kanan naman, si Ivy naman ang makikita ko.

Kaya upang maiwasan ko na ang kanilang pangungunsensya at panenermon ay bumangon na lang din ako.

Shete. Sabog pa ako.

-,-

“Oh ‘yan bumangon ka na, very good! Now start ayusin yourself na, maghihintay na lang kami rito dali!” pagmamadali sa ‘kin ni Iris.

“Hay, ewan.” Wala sa sariling sambit ko sa kanila saka pumunta na sa banyo.

Nakatulala pa rin ako nang makapasok na ako roon, inaalala ko kasi ‘yong naging panaginip ko.

Ang weird kasi pakiramdam ko kinikilig ako. Sino kaya ‘yung lalaking kasama ko no’n?

Ahmm. . . bahala na nga.

Imbis na mag-isip pa ko, naghilamos na lang ako ng mukha saka naligo na para mahimasmasan pa ako lalo.

Naabutan ko ang dalawang magpinsan na nagkakalat—este, nagkukuwentuhan sa ibabaw ng kama ko.

Pareho silang nakaharap sa isa’t isa at sabay na tumawa nang makita akong lumabas ng banyo.

Salubong ang dalawang kilay kong tinitigan sila sa puwesto nila.

“Anong tingin ‘yan?” Takang tanong ko sa kanilang dalawa, sabay naman silang ngumiti sa gawi ko.

Weird.

Sandaling katahimikan. Aalis na sana ako sa harapan nila nang biglang may marinig akong—

“Ang flat mo pal—” Daglian kong binato ang tuwalyang bitbit ko kay Ivy.

Alam ko na sasabihin nito, grr.

Kaagad namang nasalo ni Ivy ang tuwalya ko’t saka bumungisngis kasama si Iris. Magpinsan nga talaga sila, parehong pilyo, hmp.

Naka-bathrub ako’t pumunta na sa dressing room ko. Ilang segundo lang ay natapos na rin akong magbihis at sinamahan na rin ang dalawa sa diskuyon nila.

---

“Like what?!” Hindi makapaniwalang saad ni Ivy nang marinig ang paliwanag ko.

Oh bakit, totoo naman ah?

“Hoy Ivyngot kung maka-react ‘to. Ang o.a. ha,” katwiran naman ni Iris na bahagya pang tinapik ang braso ng kanyang pinsan, kaya wala sa sariling napatakip sa bibig si Ivy bago huminahon.

“O-okay, pero puwedeng ulitin mo ulit ‘yung explanation mo? Tapos bigay ka na rin ng examples para mas lalo ko pang maintindihan. Pretty please Iley ko,” aniya bago nag-puppy eyes sa haparan ko. Huminga ako nang malalim bago tumango sa kaniya.

“Sige as you wish,” tugon ko pa sa sinabi niya.

“Yey! Thank you,” anas ni Ivy.

“Ganito kasi ‘yan, you just need to share something na about sa naging nakaraan mo na hindi mo makakalimutan it’s either masaya o malungkot basta may aral o lesson kang gustong i-share sa lahat,” muling paliwanag ko sa kaniya.

“Ah, eh. . . bakit past relationship ‘yong sinabi mo sa ‘kin no’ng nakaraan?” tanong ulit ni Ivy sa ‘kin.

“Binibiro ka lang niya no’n, Couz. Ikaw kasi lutang ka kaya hindi mo alam na joke lang iyon so don't take it seriously,” sabat ni Iris.

“Tsk. As if namang nakakatuwa,” pagsusungit ni Ivy.

“Wushu, may connect kaya ‘yung sinabi ko sa ‘yo no’n,” singit ko sa kanila. Tumingin sa gawi ko si Ivy.

“Ha? Paano naman, aber?”

“Puwede mo rin daw ilagay ang mga naging past relationship mo at isa sa mga great example rito ay iyong mga exes mo, basta raw may natutuhan ka roon,” depensa ko sa sinabi ko noong nakaraan.

May punto naman ako ‘di ba?

Ang mga ex, kahit na nawala man sila o nakapanakit man sila sa ‘tin atlis ‘di ba, they have their own reason naman kung bakit nagkagano’n sila and they’ve also teach us lessons. Sadya man o hindi ‘yung pagturo nila still, hindi mo maikakailang may natutunan tayo sa kanila.

Sinasama ko sarili kahit wala akong ex, pfft.

“Ngek. Akala ko joke mo lang ‘yon Ley. Hindi ko naman kasi narinig na sinabi iyon ni Ma'am ih.” Napakamot sa ulo si Iris.

“It’s because you were busy chatting on your phone that time? Tama? Kaya may nai-skip kang sinabi niya,” sermon ko sa kaniya.

“O-okay, huwag ka na magalit. Gawin na lang kaya natin,” pagtatapos ni Ivy.

“Loko, hindi ako galit.”

“Yes I know, pfft.”



AFTER 20 MINS!

"Hey Couz, tama ba ‘to?" usisa ni Ivy kay Iris saka nito ipinakita ang isang papel.

Si Iris kasi ‘yung corrector namin pagdating sa grammars then ako naman ‘tong sa pagkokompos ng mga english words. And then sa mga designs naman nakatoka si Ivy, siya kasi ang may makapal na mukha sa aming tatlo—joke.

Hindi naman ‘yung sobrang makapal ang mukha. I mean, nagagamit naman siya kapag gusto naming magtanong sa kung sinu-sino, mahiyain kasi kaming dalawa ni Iris e si Ivy kasi, friendly ‘yan hindi katulad namin—tanging sa mga ka-close friends lang kami madaldal unlike Ivy, makausap mo lang siya parang close na kayo kahit hindi, pfft.

“Nakakapagod naman!” Pasimpleng nag-init ng mga braso si Ivy bago nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ng pinsan niya.

“Oy, Insan. Ilabas mo na ‘yung dala mo,” baling ni Ivy sa pinsan niya. At dahil pokus si Iris sa ginagawa niyang scrapbook, nag-loading siya.

Nagtatakang pinagmasdan ni Iris si Ivy, “What are you talking about?” Literal na natawa ako sa reaksyon nilang dalawa.

Pareho silang sabog kausap, hahaha.

Palihim akong napailing sa naisip ko.

“Gaga ka, ‘yong binili mo kahapon! Nagugutom na kasi ako, amp.”

Saglit pang nag-isip si Iris sa sinabi ni Ivy at iyon, nang ma-realize niya ang tinutukoy ng pinsan niya’y parehong lumaki ang mata niya’t kaagad ngumiti.

“You’ll gonna love this, beach.”

“I’m not beach, I’m human duh.”

“No you’re not,”

“Yes I am,”

“Tigilan n’yo na ‘yan,” sabat ko sa kanilang dalawa.

Ganiyan sila kapag nag-aasaran e. Sa ilang taon ko ba naman sila nakasama, ngayon pa ba ako maninibago?

“Okay, let me see...” pambibitin ni Iris, patakbo siyang pumunta sa bag niyang nasa headdress ng kama ko.

Abot langit ang ngiti niyang nakatitig sa puwesto ko, napalunok ako’t napaiwas ng tingin. Mukhang alam ko na pinaplano nilang magpinsan.

“Tara, nood tayo!” Excited pang sambit ni Ivy.

At hindi ko na nga namalayang nailagay na sa baba ng table na ginagamit namin para gumawa ng school works itong mga portfolios at scrapbooks namin.

Nakapatong na sa lamesa itong laptop kong kinuha nila sa mismong study table ko. Pinagmasdan ko na lang silang dalawa na ngayo’y nasa harapan ko’t inaayos ang projector pati usb na pareho nilang isinaksak sa mismong laptop ko.

“Syempre habang nanonood, we’re going to eat this!” Si Iris na kumikinang na ang mata sa sobrang amazement siguro na naiisip niyang gawin.

Tumayo na rin ako mula sa pag-indian sit saka tinulungan ang dalawa na mag-ayos. Nang ma-fix na namin ang usb, laptop tsaka projector, nag-decide kaming tatlo na lumabas ng kuwarto ko para ihanda itong spicy noodles na binili ni Iris kahapon.

Dumeretso kaming kusina at dahil alam kong makalat ang magpinsan sa pagluluto e ako na nagkusang magbukas ng kalan, naglagay ng tubig sa kaserola at saka inilagay ‘yon sa kalan.

Habang nagpapakulo ako ng tubig. Hinayaan kong buksan ng dalawa iyong mga noodles. Nang makita ko namang kumulo na’y ako na rin nag-ako na ilagay ang noodles sa kaserola.

Kapag kasi hinayaan ko silang dalawa maglagay baka mamaya e, matapon pa ‘to—sayang naman ‘di ba?

Ilang minuto lang naman ‘yun at natapos din kami kaagad. Hinati namin ang noodles sa tatlong bowl, tig-isa kaming tatlo. Nang matapos kami sa paghahanda ng pagkain, bumalik na rin kami sa kuwarto ko.

“Oh, mga anak. Ang dami naman n’yan,” salubong sa amin ni Manang na kararating lang galing palengke.

Ngumiti ang magpinsan sa kaniya bago tumango. “Opo. Sinadya ko po talagang damihan ‘to Manang,” ani Iris na nginitian lang ni Manang.

“Oh siya sige, saan ba kayo?”

“Sa kuwarto ko lang po, Manang.” tugon ko.

“Sige, mamaya dadalhan ko na lang kayo juice ha?” Sabay-sabay kaming tatlo na tumango’t tumuloy na sa hagdan papunta sa kuwarto ko.

“Grabe, ang bait talaga ni Manang hihi.” Nakangiting komento ni Ivy na sinang-ayunan ko.

Nang matunton na namin iyon at pumasok na kami saka inilapag sa lamesa ang mga bowl ng noodles namin.

“Now, this is the challenge. Manonood tayo ng zombie movie na ito,” panimula ni Iris. Humarap pa siya sa amin habang nagsasalita siya.

Naglabas pa siya ng mga chips mula sa bag na dala nilang dalawa ni Ivy at nalula ako kasi parang pinaghandaan nila talaga ito.

“Pinagplanuhan n’yo itong movie marathon, ano?” tanong ko at sabay lang silang tumango sa ‘kin.

Sinasabi ko na nga ba.

“The challenge is, kailangan nating kumain ng spicy noodles kapag may sumigaw or nagulat sa ‘tin. Kung sino ‘yung nakapansin siya magpapakain doon sa nakita niya sumigaw o nagulat gano’n,” dugtong ni Iris sa naunang sinabi niya.

“Sinigurado kong nakakagulat ‘to ewan ko lang kung nakakatakot pero nakakadiri siya sabi nila. Kaya ikaw, Couz. Maghanda ka na,” may halong pang-aasar na sambit ni Iris sa pinsan niya.

Nagsimula na kaming manood at sobrang laughtrip kasi, umpisa pa lang nagtakip na kaagad si Ivy ng mukha. Pinapagalitan siya ni Iris kasi hindi siya makakanood nang maayos kung hinaharang ni Ivy sa mata niya ‘yung movie.

“Kadiri nga! Tsanggala naman Insan—”

“Oy, sumigaw ka na naman.” natatawang turo pa ni Iris sa pinsan niya.

“Say ah,”

“Ayoko na, gagi. Kakulay niya ‘yung bituka sa movi—argh. Yak!”

“Punishment ‘to, aba!” Sa huli si Iris pa rin ang nanalo.

Nakalimang beses na niyang napakain si Ivy ng spicy noodles ako naman, dalawang beses pa lang e kasi naman. Nakakagulat itong movie.

Biro mo, ang peaceful ng lugar tapos biglang susulpot ‘yung mukha? Nakakagulat talaga, pfft.

3 rounds ng horror movie ang napanood namin at gusto pa sanang humirit ni Iris pero umayaw na kaming dalawa ni Ivy.

Niyaya ko na kasi silang tapusin na itong mga projects saka assignments namin sa school.

Sinadya lang talaga ng magpinsan na ‘to na magliwaliw na muna bago gumawa ng school works, hahaha. Although, okay na rin kasi kahit papaaano bawas stress naman siya.

“Hayst,”



Pagkatapos kong magbihis ay dumeretso na kami sa SM Megamall kung saan kami madalas gumagala.

At habang nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad sa 2nd floor ay may nakabangga ako.

“O-oh. I’m sorry,” paumanhin ko.

But, wait...

B-bakit siya nakangiti sa ‘kin?







©ParkMinBinStory
ALostMemory(2017)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro