Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✴3✴

Kabanata 3: Trio.
Hailey Gracelin’s POV




Naninibago ako sa pagiging tahimik ni Ivy. Actually kanina pa siyang umaga walang imik. Hindi na kasi ako sanay na hindi siya dumadaldal.

“Kahapon pa ‘to mukhang sabog ah? May problema ba ‘tong pinsan mo ha, Iris?” Takang tanong ko kay Iris na siyang katabi ko ngayon.

“Ewan ko riyan. Ikaw kasi sinabi mo pang past relationship, naalala niya na naman tuloy ex niya.” bintang sa akin ni Iris.

W-wow. Kasalanan ko pa talaga, ha?

“H-ha? Eh yun naman talaga yung topic ni Ma'am kahapon eh. Saka nagpagawa pa nga siya ng assignment about doon.” Honest kong sagot sa kaniya.

“Yeah, yeah. I’ve heard it. Anyway, sa inyo nga pala kami gagawa.” Walang ganang sambit ni Iris sa ‘kin.

Saglit nga...

“W-what?!” Nanlalaki ang mga mata kong saad. Ilang segundo pa’y naningkit ang mga mata kong napatitig sa kaniya.

Desisyon ‘tong babaeng ‘to ah?! Paano kung hindi ako pumayag?

“Oh, bakit? Masama na bang pumunta sa inyo?” tanong niya sa akin, nakataas pa ang isang kilay niya.

Ang lakas ng loob tarayan ako, aba.

“A-ahm. . . a-ano, hindi naman.” Alanganing sambit ko. Umiwas ako ng tingin.

Nagdadalawang-isip nga ako kung ano ‘yung magiging dahilan ko kasi kapag nasa bahay na sila. . . hay nako, ayaw ko na.

“Sus, kahit anong ipalusot mo pupunta pa rin kami. Basta susunduin ka namin ni Ivy sa inyo, bukas. Mga 9 am.” Sunud-sunod niyang sabi dahilan para matikom ang bibig ko.

Well, desisyon po talaga siya.

“At bakit naman 9 am? Ang aga, tulog pa ko no’n.” reklamo ko.

“Ah gano’n. . . ang basic lang problema mo, eh ‘di gigisingin ka namin para masaya. Welcome naman daw kami ro’n sabi ni Tito. Kaya no choice ka at no excuse na rin,” wika pa niya bago ako tinawanan, ulit.

Huminga ako nang malalim, ‘ano pa nga ba?’

“Oo na, may magagawa pa ba ako?” Napilitang tugon ko na lang.

“Ayie, papayag ka rin pala eh! Pagkatapos nating gumawa ng assignment bukas, shopping tayo! Bibilhan kitang damit.” Pagpapalubag-loob pa niyang sabi saka ako niyakap nang mahigpit.

“Ay, grabe ka ah. Anong akala mo sa ‘kin walang pangbili ng damit?” Naningkit ang mga mata kong tiningnan si Iris. Joke lang talaga ‘tong reaksyon ko, hehe.

“Hindi naman sa gano’n eh kasi naman, ikaw na lang itong laging nagreregalo sa ‘min. So now, it’s our turn naman ‘di ba? Choosy ka pa,” paliwanag naman niya sa ‘kin.

Natawa naman ako kasi tunog nagtataray siya ulit, pff.

“Oh, napansin mo pa ‘yun?” Hindi makapaniwalang saad ko sa kausap ko.

Honestly, I don’t mind naman kung magbibigay ka, go lang. Kaso kasi for me, mas magandang ikaw na lang ang magbigay kaysa ikaw ang tumanggap, right? Mas pabor lang siguro sa ‘kin kapag gano’n.

Anyways, kilala kasi nila akong dalawa na sweet talaga, I’m not that kind of friend na galante ha? Minsan kasi nireregaluhan ko sila nang hindi nila alam parang surprise gifts mga gano’n. Bigla-bigla na lang ako lalapit, kakalabitin ko sila tapos—tada, may gift sila sa ‘kin.

Why I do that? Wala lang, gusto ko lang magbigay at feel ko lang din silang regulahan to express how grateful I am na friends ko sila.

At isa pa, ang sarap kaya sa ears ‘yung mga salitang, ‘thank you’ o ‘salamat’. Simpleng mga salita lang iyan para sa iba pero kapag sa ‘kin sinabi ‘yan, malaki na epekto niyan.

I feel like its worth it, parang ano—ah basta, hindi ko maipaliwanag nang maayos but one thing is for sure, masarap siya sa pakiramdam.

“Oo, tuleg. Palibhasa kasi mayaman ka kaya madali lang sa ‘yong bumili ng kahit ano.” Hayan. . . inaaway na niya ako—joke.

It was Iris complaining again, hindi talaga papawat hays.

Hindi ko pa kasi sinasabing pumapayag akong bilhan niya ako ng damit, hahaha!

“Sus, sa ‘ting tatlo nila Ivy ikaw talaga ‘tong mas mukhang mayaman. Kapag kasama ka nga namin parang ang kinakalabasan ay ordinary people lang kami kung ikokompara sa ‘yo.” banat ko naman sa kaniya. Awtomatik na kumunot ang noo niya saka tumitig sa ‘kin.

“Wait, what? It’s not my fault kayo kasi eh, inaayos ko na nga kayo ang aarte niyo pa. . . akala niyo magaganda,” komento niya bago itaas ang kaliwang kilay niya.

“Eh ‘di ikaw na maganda, lokong ‘to.” pagtatapos ko ng usapan.

Magtatalo lang kami pareho kung ipagpapatuloy ko pa ang pakikipag-usap ko sa kaniya kaya mas maigi ng tapusin ko na ‘tong sagutan namin, nako.

At iyon nga, malakas na tawa ang umugong sa pagitan namin. Si Iris ba naman humalakhak eh akala mo walang bukas eh.

Siguro, pakiramdam nito nanalo siya sa kamuntikan na naming sagutan—though, hindi naman siya totally sagutan talaga pff.

“Hey, anong pinag-uusapan ninyo?” usisa naman sa ‘min ni Ivy. Bumalik na yata sa totoong mundo ang isip niya kaya ayan gusto na niyang sumali sa usapan namin.

“Iyong assignment natin sis, kina Ley tayo gagawa.” Si Iris sumagot.

“Ah ‘yong about ba doon sa past relationship kuno ni Iley?” Kunot-noong tanong ulit ni Ivy sa pinsan nitong si Iris.

“Oh yes,” tugon pa nito. “We’ll gonna kick Hailey’s ass if! Hindi siya gumising nang maaga,” dagdag pa ni Iris.

Aba’t, tama bang magparinig?

“Ito kung pag-usapan ako parang wala ako sa tabi nila, oh.” singit ko sa usapan nila. Pinapaalam ko lang na nandito pa po ako, nanahimik lang eh.

“Hindi joke lang beb,” biro ni Iris bago ako niyakap.

Ako nama’y natawa na lang rin dahil sa kanila. Ang saya kaya magkaroon ng bestfriend, ‘di ba?!

“Hala, bakit kayo lang? Ako rin dapat, group hug!” Natatawang sigaw ni Ivy.

Pagkatapos sabihin ito ni Ivy ay tumayo kaming tatlo at niyakap ang isa’t isa. Uwian na rin naman kaya sabay-sabay na rin kaming lumabas at umuwi ng bahay.

Nandito na kami sa labas ng school building namin, kasalukuyang naglalakad palabas ng campus.

At habang naglalakad kami papunta sa service van namin na nasa main gate ng school, na siya namang pagmamay-ari ng magpinsan na kasama ko ngayon ay pasimple muna kaming pumunta sa isang korean convenience store.

Nasa loob lang din ito ng campus, malapit sa waiting sheds na makikita sa gilid na part ng paaralan namin at ‘di rin naman nalalayo sa gate ng school kung saan nakaparada ngayon ‘yung service van.

Sa totoo lang, si Iris lang nagpumilit na magpunta kami rito at ‘di ko alam kung anong binabalak niyang gawin o bilin sa store na ‘to.

At iyon na nga, pumasok na kami sa store mabuti na nga lang kasi bukas pa ito kahit na karamihan sa mga estudyante rito’y nagsisiuwian na. Hapon na rin kasi.

“Welcome po!” Masiglang bungad sa ‘min ng magbabantay doon pero teka, kaedad lang yata namin ‘to.

Medyo, pamilyar siya? Ahm...

“Hi,” ani ko.

“Aniyong, hihi.” sambit ni Ivy.

“Hello!” bati ni Iris.

“Ano pong need nila?” Magalang niyang sabi na marahang nilingon pa kaming tatlo. May inaayos kasi siya kanina sa mga drawers na nasa likod niya. Ewan ko lang kung ano ‘yon.

“A-ahm, ano po—wait, how do you call that...” This is Iris na nakalimutan kung anong tawag sa bibilhin niya, pff.

“Meron po ba kayo ‘yung maanghang na noodles?” Hayon, naalala niya rin. . . but wait.

Maanghang na noodles? Ano kayang trip nito ngayon?

“Ay, meron po. Gaano po ba kaanghang?”

Ngumisi si Iris sa amin at pareho kami ni Ivy na nagtataka dahil sa ekspresyon na ‘yun ni Iris.

“The super duper hot and spicy,” aniya. Namilog ang dalawa kong mata nang mapagtanto ko kung anong binabalak niya.

Huwag niyang sabihing...

Ngumiti ang babaeng nagbabantay sa store bago nagsalita, “Here po, there’s a different level of spiciness na panigurado akong iiyak kayo sa anghang.”

Isa pa ‘to si Ate, hindi mo malaman kung nag-pro-promote ba o ano. Baka mamaya may pa-challenge na naman maisip ‘tong si Iris na ipagawa sa ‘min ha.

Kapag gagawa ng assignment, assignment lang wala na ganito—tch.

“Oh, thank you. Ito na po bayad.” Pagkatapos magbayad ng pinamili niya’y syempre, siya na rin ang nagbitbit no’n.

Lumabas na rin kami sa convenience store na iyon at dumeretso na sa kulay gray na van. Sumakay na kami roon at nag-start na rin magmaneho ang driver nila.

Nakasimangot akong nakapatingin sa bintana ng kotse at nagulat na lamang nang biglang humagikgik itong si Iris, nababaliw na yata—

“We’re going to enjoy everything, tomorrow!” Malakas na sabi ni Iris dahilan para kabahan ako.

Sana nga enjoyment talaga ‘tong dala niya, wews.







©ParkMinBinStory
ALostMemory(2017)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro