Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✴2✴

Kabanata 2: Personality.
Ivizy Anne’s POV



‘Hays salamat, breaktime na. Baba na us!’

‘Anong bibilhin mo girl?’

‘Syempre kung anong available ‘no!’

‘Tara, wala na si Sir.’

‘Nagugutom na ko, dali.’

“So, ano na ngang balak niyo next week?” Pasimpleng tanong ko sa dalawang kasama ko ngayon na sina Hailey, ‘Iley’ ang nickname ko sa kanya while ‘Insan’ naman sa pinsang kong si Iris.

Papunta na kami ngayon sa Cafeteria para kumain ng recess. Actually, kababa lang namin ng hagdan galing 4th floor. Doon kasi nakapuwesto classroom namin.

“I don’t know. Ikaw Ley, may ideya ka kung saan puwedeng pumunta?” baling ni Insan kay Iley.

“Sa Mall? I guess, we can make shopping there tsaka p’wede pa tayong kumain doon.” suggest ni Hailey na siyang sinang-ayunan ko naman.

“Hindi na rin masama kasi bet ko rin, Iley. Gusto ko ‘tong suggestion mo. How ‘bout you, Insan?” tanong ko sa pinsan ko.

“Sure! Why not? Basta shopping go na go ako ‘no!” aniya sabay tawa, boang e.

“Ano pa nga bang bago ‘no Ivy?” Pigil tawang tanong sa ‘kin ni Hailey kaya ito, natawa na lang din ako.

“Basta shopping. . . walang no, no, no.” Sabay na sabi pa namin ni Hailey na talagang ginaya pa ‘tong accent ni Iris with matching hintuturo waving pa ‘yan ha!

Natawa kami pareho dahil sa ginawa namin. Si Iris naman, kunot ang noo, nagtataka kung bakit namin ginawa ‘yon sa harap niya, hahaha!

To be honest with you, mahilig po talaga si Iris sa mga mall at ang madalas niyang gawin doon ay, shopping—as usual naman.

Kadalasang binibili niyan is ‘yung mga damit at cosmetics. Kaya pagdating sa make over, Iris is the key talaga. Sa ‘ming tatlo, si Insan ko talaga itong maporma at mahilig mag-ayos.

Ang buong pangalan nga pala niya is, Irizh Joy Ax Merillo. She’s my cousin on my mother’s side. Same age, different birthday syempre. Hmm. Ano pa ba?

Siya ‘yong tipo ng tao na masayahin at mahilig mag-english. Required kasi sa bahay nila ang speaking English kaya iyon nasanay na raw siya. Magpinsan kami at masasabi kong close kami sa isa’t isa kahit na minsan may away talaga kami. Hindi naman mawawala ‘yon.

Magkaiba kami ng bahay pero nakatira kami sa iisang subdivision at kasama rin sa subdivision na ‘yun ang pamilya nila Hailey kaya ito, parati kaming sabay nauwi kasi. . . magkakapitbahay lang kaming tatlo.

Isa nga pala sa mga pangarap ni Iris ang maging modelo someday. Hilig niyang sumali sa mga pageant pero minsan lang din siya kung manalo. But! Win or lose I’m still with her—I mean ‘we’ at para sa ‘min siya pa rin ang panalo.

Anyways. Si Iley naman ang ipapakilala ko sa inyo. Fullname? Hailey Gracelin Madelyn. Minsan tinatawag namin siyang Iley or Ley for short ng Hailey then kapag trip namin ‘yung 2nd name niya, tinatawag rin namin siyang Celin kung minsan—masyado kasing mahaba ang Gracelin para sa ‘min.

So iyon na nga, ang pamilyang Madelyn ay kilala sa buong school na ito. Why? Kasi isa sila sa mga sponsor ng school at sila rin ang nangunguna sa pagbibigay ng mga scholarship sa mga students na gustong mag-aral dito sa A Thousand Miles Academy o mas kilala sa tawag na, ATMA.

Hindi siya anak ng may-ari ng school pero anak siya ng taong may pinakamalaking invest dito sa school na ‘to—invest ba o share? Ah basta, nakalimutan ko na kung anong tawag, hehe.

Sa kabilang banda, masasabi kong si Iley. . . siya ‘yung tipo ng tao na ang tahimik, hindi rin siya gaanong nakikipag-interact sa tao. Hindi raw kasi siya marunong mag-approuch kaya gano’n, though naiintindihan ko naman siya—dala siguro na pagiging mahiyain niya kaya gano’n siya.

Madalas, hindi ka niya kakausapin unless ikaw unang kumausap sa kaniya. Minsan naman, tamang ngiti lang din siya kapag makakasalubong mo.

No’ng una ko nga siyang makilala noong Grade 7 ang tahimik niyan, as in. Halos ‘di ko siya makausap pero dahil friendly nga naman ako, naging friend ko na rin siya at naging mag-bestfriend pa kami. Ang galing ‘no?

Si Hailey. . . siya ‘yong tipo ng tao na mahilig maglihim—secretive kumbaga, hindi niya ikukuwento sa ‘yo iyong mga bagay na alam niyang ‘di mo naman need malaman, parang gano’n.

Hindi rin siya gaanong palakuwento tungkol sa buhay niya kasi hindi na niya maalala ang tungkol sa past life niya.

So meaning, ang mga nasasabi niya lang sa ‘min is ‘yong mga bagay na naalala niya pa—sa amin lang siya open at masaya na kami ni Insan do’n kasi atleast, may silbi naman kaming kaibigan niya sa kaniya ‘di ba.

Nagkaroon kasi ng temporary amnesia si Iley at ang sabi raw ng doctor sa kanya ay maaaring bumalik ang lahat ng alaala niya sa isang iglap lang kaso depende raw sa sitwasyon.

Kung anong kaseng sitwasyon ‘yun? Aba, malay ko. Maski si Iley hindi niya rin alam kaya ito, pare-pareho kaming walang alam sa kung paano maibabalik ang lost braincells ni Iley—char.

May sariling hugot din sa buhay ‘yan. Wait. . . ano nga ulit ‘yon? Ahm... Naalala ko na!

‘Naniniwala pero ‘di nagtitiwala.’

Hayan na yata ‘yon e. Ah basta, nakalimutan ko na rin, hehe.

Ibig sabihin, naniniwala siya sa mga bagay-bagay o sa mga sinasabi ng tao pero hindi siya nagtitiwala. Mahirap na raw kasing magtiwala sa panahon ngayon. Well, totoo naman siya sa part na ‘yon.

You can’t easily trust someone baka mamaya sila mismo magtraydor sa ‘yo. Nako po!

Ang daldal ko na ba? Well, this is me naman! Ivy.

My real name is Ivizy Anne Ax Marcylle. Ang madaldal sa aming tatlo, hahaha! ‘Di naman halata, ano? Actually, marami lang talaga akong baon na kuwento kaya ako madaldal. Iyon lang ‘yon, promise!

So iyon nga, kilala ako nila Hailey at Iris sa nickname na Ivy. Mahilig sa kpop—fun fact! kaming tatlo ay mga fans po talaga ng kpop at kdrama, mas adik nga lang ako sa kdrama.

Nakakakilig kasi eh at nakakaadik talaga mas lalo na kung paboritong actors mo pa ‘tong pinapanood mo—teka, relate pa ba kayo? Ah basta! Kdrama pa rin.

Isang pang trivia sa ‘kin is that, I love books. Balang araw, gusto kong magkaroon ng sariling publish book.

Isa sa mga pangarap ko ang maging writer someday kaya ito practice ako nang practice ng tamang pagsulat at may mga compilation ako ng mga stories ko at lahat iyon ay nasa notebook ko pa rin hanggang ngayon.

Hindi ko kasi siya ma-type online eh not until no’ng nalaman kong may dierwatyp pala.

Isang app siya kung saan puwede kang magsulat ng stories mo online. Doon na ako nagsusulat ng mga stories ko ngayon na until now hindi ko pa rin matapos-tapos due to some reasons, ewan ko ba.

I wonder why, siguro kasi nawalan ako ng gana? May inspirasyon ako dati eh, kaso...

Nawala lang ako sa malalim na pag-iisip ko nang biglang magtanong itong babaeng katabi ko ngayon sa upuan ko, si Hailey.

“Ivy? Kanina ka pa tahimik ah, anong iniisip mo—ikaw ha.” Kunot-noong tanong niya sa ‘kin.

“Wala, lutang lang ako.” palusot ko sa sinabi niya.

“Ah gano’n, narinig mo ba sinabi ni Ma’am, ha?” aniya na tiningnan pa ko—iyong tingin na, ‘hindi ano?’ look.

Dagliang nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

“A-ano? Alin doon?” Waring walang ideya kong sambit sa kaniya. Tinitigan ko pa siya sa mukha niya, inaalam kung nagbibiro lang ba siya o ano.

“Hayan. Hindi kasi nakikinig, pfft.” pang-aasar pa niya dahilan para awtomatikong maikot ang mata ko sa kanya. Bumungisngis lang ang bruha.

Sige, man-trip. Nako po!

“Oo na, hindi na nga. So, ano nga ‘yon?” Curious kong tanong ulit.

“About sa past relationship, sabi ni Ma’am.” Nakangising tugon niya na naging dahilan para lumaki ang mga mata ko.

“W-wait, what? Pati ba naman ‘yun kailangan pang i-share? Like duh! Private kaya ‘yon, tsh.”

Ewan ko kung bakit tuluy-tuloy akong magsalita parang ang kinalabasan tuloy ang defensive ko. Kaya ito, binigyan na niya tuloy ako ng suspicious look.

Gaga ka, Ivy! Pahalata ka naman, nako po.

“Monggi ka,” komento ni Iley dahilan para taka akong mapatingin sa gawi niya. Again, pasimple niya akong tinawanan.

“B-bakit ka ba tumatawa?”

“Hindi kasi gano’n ‘yon,” Biglang singit naman ni Iris sa usapan, na nasa tabi ko rin nakaupo.

“Sabi ko na e, gan’yan magiging reaksyon mo.” Si Hailey, nakipagsabayan na rin si Iris. Pareho pa silang bumungisngis sa harapan ko.

W-what? Nakakatawa ba pagmumukha ko ngayon?

‘Hays,’ buntong-hininga ko sa isip ko.

Okay. I need to tell you guys. . . yes, I have a past relationship, actually it’s a past ‘love’ relationship. Nagka-boyfriend po ako pero parang gusto kong pagsisihan na sinagot ko pa siya that time.

By the way, his name is Hans Som Gguy. Kulit ng name niya ‘no? Akala mo talaga handsome siya, tsh.

Pogi nga, manloloko naman. Kaya ‘di ko talaga gets bakit may mga lalaking ginagamit ‘yong maganda nilang image makapanloko lang ng babae. Napakalaki nilang, sayang.

Totoo pala ‘yong sinasabi ng ibang tao na, ‘sa buhay natin may darating pero biglang mawawala sa ‘tin—pahalagahan man natin o hindi.’

Dumating din naman ako sa puntong, ‘akala ko kasi siya na, hindi pa pala.’ Normal feeling na yata ‘to sa bawat relationships na nabubuo ng mga tao ‘no? Kasi you’re hoping for that person na sana maging right person na siya but then, hindi eh.

And yes, siya nga ‘yong tinutukoy kong inspirasyon ko dati sa pagsusulat pero dahil nawala siya, kasabay no’n ang pagkawala rin ng gana ko.

Siya rin ‘yung naging dahilan kung bakit naadik ako sa mga romantic films e kasi naman. . . noong na-broken hearted ako, binuhos ko lahat ng energy ko sa pakikinig ng sad songs, panonood ng sad movies, series kahit drama pinatulan ko na rin mailabas ko lang lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko noong mga panahon na iyon.

Thankful din ako sa dalawang ‘to. Sina Hailey at Iris dahil sinamahan nila ako, dinamayan that time na halos ilublob ko na sarili ko sa purong lungkot.

Si Hans din ang naging dahilan ng pagka-bitter ko ngayon. Totoo kasi na kapag nasaktan ka malamang sa alamang magiging bitter ka, right? Hindi niyo ako masisisi, masakit kasi ginawa niya sa ‘kin.

Nagkataon pang first boyfriend ko siya kaya mas masakit talaga, hindi ko nga alam kung masasabi kong move on na ako kasi nandito pa rin siya sa puso ko. Alam ko at ramdam kong, may part pa rin sa akin na nakalaan para sa kaniya—umaasang babalik siya pero hindi. Ayoko na.

Hindi naman kasi ako katulad ni Iris na kayang mag-handle ng mga love relationships. Hindi naman kasi siya seryoso sa mga gano’n, e kaming dalawa naman ni Hailey seryoso mas lalo na kapag relationship ang pinag-uusapan. . . but!

Speaking of relationships...

Sa ‘ming tatlo si Hailey na lang ang walang experience sa relationship. Ewan ko ba, marami namang may gusto sa kaniya pero sadyang siya lang daw ang walang interes sa mga lalaki. May something daw kasi siyang hinahanap at hindi raw niya malaman kung ano iyon. Gulo niya ‘no?

Pero iniisip ko na lang, baka naghihintay si Iley ng perfect time sa right person na darating for her.

Support naman ako sa desisyon niya basta tama ‘no!

Pero. . . kung ako ang tatanungin, kung anuman ‘yung hinahanap niya sa isang lalaki sana matagpuan niya sa tamang tao na, huwag siyang gagaya sa ‘kin.

Masyado na siyang maraming pinagdaanan sa buhay niya kaya sana maunawaan rin siya no’ng taong mapipili niya. Iyon lang naman, hahaha. Ganiyan ko kamahal si Hailey, hayie.

“Oh, anong tingin ‘yan Ivy? Nakakatakot ka na,” komento ni Iley sa akin, nakangisi kasi ako tapos nakatitig pa sa kaniya.

“I love you,” saad ko bago pasimpleng yumakap sa kaniya.

“Yay! Nakakatampo ka na ‘Couz, ba’t siya lang?” singit ni Insan, tumawa lang ako sa kaniya.

Selosa tsh, hahaha!





©ParkMinBinStory
ALostMemory(2017)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro