Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✴10✴


Kabanata 10: Piece of Mystery.
No one’s Point of View






ISANG malakas na tunog ng brake ng sasakyan, purong puting ilaw na tunay ngang nakakasilaw sa mata. Isang kulay pulang kotse ngayon ang malapit nang dumating sa kinaroroonan nila, a sedan type of car is now running out of control.

“Grasya!” Isang malakas na hiyaw ang umalingawngaw sa isang ‘di mataong daan.

Sigaw ito na gawa ng isang lalaki na ngayo’y hindi na maipinta ang mukha sa sobrang takot at pag-aalala sa kasalukuyan niyang nakikita sa harapan niya.

“Grasya! A-anak, gumising ka...” nangiyak-ngiyak pang saad ng ginoo na bahagya pang tinapik-tapik ang mukha ng bata upang magising niya ito.

Siya rin ‘yong lalaking kanina lang ay sumigaw sa pangalan ng batang babae ngayon ay nakahiga sa gilid ng sementadong kalsada.

“Dad, si-si. . . Mommy po,” nanghihinang wika ng naghihingalong bata saka nito tinuro kung saan nakabulagta ang isang ale.

Nang masilayan ng lalaki ang tinurong puwesto ng batang babae ay patakbo itong lumapit doon.

“Gr-gracie!”

SAMANTALA, nang makita ng batang lalaki na lumayo ang isang matanda ay doon lang ito nagkaroon ng lakas ng loob para malapitan ang batang babae na pa-hanggang ngayon ay nakabulagta pa rin sa daan.

“Grasya, Grace. Please. . . huwag mo akong iiwan,” ani nito habang lumuluha sa harap ng babae.

Nanginginig ang kamay niyang hinawakan ang kamay ng batang babae, ngumiti naman ito sa kaniya bago tuluyang nagsalita ito.

“Oh, oo naman. Hi-hindi kita iiwan, ‘di ba? May promise pa tayo sa isa’t isa, hi-hindi ko ‘yon kakalimutan...” paputol-putol na usal naman ng batang babae sa umiiyak na lalaki na naging dahilan para pandalian itong huminto sa pag-iyak.

Ngumiti muli ang batang babae sa batang lalaki, dahil dito’y napakalma ng bata ang lalaking kanina pa umiiyak dahil sa sinapit ng kaibigan nito.

“Pangako, aalamin ko kung sino ang may kasalanan sa nangyari ngayon sa inyo nina Tita Gracie, kaya pakiusap. . . ‘wag mong hahayaan na mamatay ka nang ganito lang.” Tanging tango na lamang ang natanggap ng batang lalaki sa nasabi nito sa batang babae.

Napangiti muli ang babae sa naging pakiusap na ito sa kanya ng batang lalaki.

Ngayo’y pinunasan na ng batang lalaki ang natitirang luha niya sa magkabilang mata nito at tuluyan na nga itong umalis doon.

Kahit na ayaw niya pang umalis ay kailangan niya pa rin dahil hinahanap na siya sa kanila at isa pa, kung sakaling makita siya ng mga ito’y baka maging sanhi pa ito ng panibagong gulo sa pamilya nila.

At mula sa eksenang iyon pinanghawakan na ng batang lalaki ang mga huling salita niya doon sa batang babae.

Aalis ako ngayon pero sisiguraduhin kong babalik ako, saka ko tutuparin ang mga pangako ko sa ‘yo, Grasya.” bulong pa nito sa kaniyang sarili habang naglalakad palayo ngunit habang naglalakad ay patuloy pa rin siya sa pagtangis niya para sa kaibigan.

Hindi pa rin kasi maialis sa isip ng batang lalaki ang mag-alala para sa kaibigan niyang nakabulagta na kinailangan niyang iwanan para sa kaligtasan nilang pareho.

SA KABILANG BANDA, patuloy pa rin sa pagdalamhati ang ginoo, lalaking kanina pa nagpalipat-lipat ng puwesto mula sa isang ale, na asawa niya at sa anak nitong batang babae.

Hindi niya alam gagawin niya’t halos mabaliw na siya kakaisip ng kung ano ba ang dapat niyang gawin gayong ang tagal pa dumating ng tulong sa kanila.

“Gracielyn!” Hagulgol muli ng ginoo na kanina pa humihiyaw sa sobrang emosyon na ngayo’y naghahari sa kaniya.

Napakuyom ang pareho niyang kamay, sa sobrang inis ay sinuktok pa nito ang sementadong kalsada kung saan ngayon nakahiga ang mag-ina niya.

Sarili niya ang sinisisi nito sa nangyari sa kaniyang pamilya.

“Herm...” Kahit na malabo na ang paningin nito dahil sa sunud-sunod na pagluha ng ginoo ay nagawa niya pa ring masilayan ang nanghihingalo niyang asawa na ngayo’y duguan na sa bandang ulo nito.

“Shh,” pagpapatahimik nito sa ale ngunit ngumiti ito sa kaniya’t pinilit pa ring magsalita, “ma-mahal kita...”

Mariing napalunok ang ginoo nang marinig ang halos pabulong nang sabi ng kaniyang asawa.

Hinawakan ng ginoo ang kamay nito’t saka hinalikan ang noo ng ginang. “Mahal na mahal din kita, pakiusap. . . huwag mo akong iiwan mag-isa ha? Please, mahal. Mangako ka,” sambit nito na pilit pinalalakas ang loob niya para sa dalawang taong mahalaga sa kaniya.

Kahit na hirap sa pagdilat ang babae ay ginawa niya pa ring maidilat nang pilit ang pareho niyang mata, nais kasi nito na kahit sa huling sandaling ‘to ay makita niya ang dalawang taong pinakamamahal niya.

“Hi-hindi...”

“No, Gracielyn. Please, ‘wag kang pipikit! Shit, parating pa lang ang ambulansiya rito. Pakiusap, lumaban ka muna. . . huwag mo kong iwan. ‘Di ko kaya nang wala ka, mahal.” Hindi na napigilan ang pagtulo ng luha ng lalaking katabi niya.

Kahit na hirap sa paghinga at pagkilos ay kinaya pa rin ng batang babae na lumapit sa kinaroroonan ng isang ginang na kasalukuyang kayakap ng ama nito, “Mom, ‘wag mo kaming i-iwan ni Dad, please...” nangingiyak na rin sambit ng bata.

“Hailey. . . ‘nak.” Pagkuha ng ale sa atensiyon ng batang babae sa kaniya.

“Huwag kang mag-alala dahil palagi kitang babantayan, ta-tandaan mo na mahal ka ni Mommy, o-okay. Gano’n rin sa ‘yo Hermrit, ma-mahal ko kayong dalawa." Hinaplos ng ginang ang mga luhang tumutulo sa pisngi ng kanyang mag-ama.

“Gracie!” “Ma—” Sabay na wika ng mag-ama.

“Grasya!”

“Graciely—”






“Mom...” Wala sa sariling usal niya habang natutulog.

“Grasya, iha?”

Walang anu-ano’y nagising ang diwa nito’t pabalikwas itong bumangon sa kama niyang hinihigaan.

“Ma-manang, ano pong nangyari?" Magkahalong kaba at gulat na tanong nito sa kasambahay na nasa harapan niya.

“Ginigising kita kasi parang ang sama yata ng napanginipan mo,” paliwanag ng katulong sa dalaga.

“Ah,” naisagot na lamang niya rito.

Ngunit ‘di maikakaila na masama nga talaga ang napananginipan niya. Hindi lang dahil sa pinagpawisan siya kundi sa kadahilanang may nangyaring masama sa tinuturing niyang ina.

Nag-aalala ito sa Mommy niya. Sa pagkakaalam niya’y isa itong OFW ngunit lingid sa kaalaman niya na matagal itong wala.

“Si Daddy po pala?” Bakas pa rin sa kabuuan ng mukha niya ang pag-aalala sa kaniyang ina.

“Wala pa,” tugon ng katulong nila sa tinanong ng dalaga.

‘Nasaan naman na kaya si Daddy?’ takang tanong ng dalaga sa kaniyang sarili.










__Hermrit’s POV__



“Walang hiya ka! Alam kong ikaw lang ang puwedeng gumawa nito sa pamilya ko!” Mariing sigaw ko sa kausap ko ngayon sa telepono.

Nakakapøtang-ina kasi!

Tumawa pa ito dahil sa narinig niyang tugon sa akin. [“Oo, tama ka. Ako nga ang may gawa no’n, pero kahit na ano pang sabihin mo ngayon wala na ang asawa mo, haha!"] dagdag pa niya mula sa kabilang linya.

At dahil sa sinabi niyang ito ay naramdaman ko ang biglang pagtaas ng dugo sa katawan ko’t pag-init ng ulo ko.

“Ang kapal ng mukha mo! Ipapakulong kita! Sisiguraduhin kong makukulong ka!” nanggagalaiting sigaw ko muli sa kaniya saka ako ng sirado ng aking mga kamao.

Gusto ko siyang suntukin!

[“Alam mo, Hermrit. . . kung ginawa mo sana ng maayos ‘yung pinapagawa ko sa ‘yo noon, siguro kompleto pa kayo ng pamilya mo. Ikaw kasi eh, ang tigas ng ulo mo.”] aniya na animo’y sinisisi pa ako sa nangyari sa pamilya ko.

“Ang kapal ng mukha mo! Wala kang utang na loob, hayop ka!” nanggigil kong saad sa kaniya.

Narinig kong bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. [“Hanggang salita ka na lang ngayon! Kung sumunod ka lang talaga, e ‘di sana hindi nagka-coma ang anak mo ngayon at sana kasama mo pa ang maybahay mo ngayon,”] paninisi niyang muli sa ‘kin na mas ikinagalit ko pa lalo.

Mamamatay tao.

“Tumigil ka! Bakit ako lang ang ginugulo mo ha?! Tatlo tayo no’n ‘di ba bakit hindi mo rin itanong sa kaniya?!" inis kong tanong sa kaniya.

[“Dahil nasa iyo ang kailangan ko at wala sa kanya!”] Inis na ring sagot niya sa ‘kin.

“Anong nasa ‘kin?!” nagtatakang tanong ko na may bahid pa rin ng galit.

[“Iyong pera!”] Napapikit ako’t napabuga ng hangin mula sa bibig ko.

Letcheng pera ‘yan! Ano bang makukuha niya sa pera? As if namang pinapakain niya ‘yon, kainis.

“Høtanginang pera ‘yan! Hindi ka naman mabubusog ng pera na ‘yan e, hangal!” gigil kong wika sa kaniya pero dahil nga traydor siya hindi siya naapektuhan.

[“Ogag! Matagal na haha!”] tumatawang aniya na parang mangkukulam.

At dahil naiinis na ako at punung-puno na ay pinatay ko na ‘yung telepono.

Hayop ka. Siraulo.

Sana hindi na lang kita nakilala at naging kaibigan pa.

Isa kang malaking traydor sa grupo.











©ParkMinBinStory
ALostMemory(2017)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro