Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✴1✴

Kabanata 1: Just a Dream.
Hailey Gracelin’s POV






Ang init. Nasaan ako—ano ‘to?

Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko kasi ro’n nanggagaling ang usok na siyang dahilan kung bakit sobrang pinagpapawisan na ‘ko ngayon.

Subalit parang gusto kong pagsisihan na binuksan ko pa ito kasi mas uminit lang din talaga itong paligid ko.

Sobrang. . . init. Nakakapaso, ang sakit sa balat.

Nakita ko ang pagliyab ng apoy sa ilang mga gamit namin dito at napansin kong sunog na rin ang ibang parte ng bahay. Bahay na pinag-ipunan namin pero ngayon. . . sira na, nasusunog na.

Kakalakad ko hindi ko namalayang napadpad ako sa gitnang parte nitong nagsisilbing salas ng bahay namin, nakapaligid sa ‘kin ang apoy pati usok nito. Ngayon, paano ako makakalabas?

Lumabo biglang ang paningin ko kaya bahagya akong napatigil sa paglalakad. Nahihilo ako.

Sobrang labo na ng paningin ko dahil sa usok na hindi ko malaman kung gaano na ba ito kaitim o ano.

Teka nga...

Patay na ba ako?

Kinapa ko ang sarili ko’t sinubukang huminga nang malalim.

*Ehem*

Ay, hindi pa. Dahil kung patay na ako ‘di na dapat  na ako naubo.

Noong na-realize ko na buhay pa ako ay naghanap na ako ng daang palabas.

At doon nakita ko ang isang hallway na hindi pa gaanong nasusunog. I decided to go there so that I can escape from this burning house but while I’m slowly walking, I suddenly felt pain. Nananakip ang dibdib ko.

Omo. Oh, please. . . not now.

At bago pa man ako tuluyang makalabas ay mas lumala pa ang sakit na nararamdaman ko.

A-ah! Huwag ngayon, please.

Napakapit na ako sa damit ko na nasa bandang puso ko. Grabe, ang bilis ng tibok.

Nararamdaman kong nanghihina na ko. Nanginginig na rin ang mga tuhod ko’t hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

‘Kailangan kong maglakad please mag-function na kayo,’ pakiusap ko sa katawan ko pero walang effect.

Is there someone who can help me?

At doon nga ako napahiga sa sahig, sobrang sakit na...

Ahh!

“Help,” I said in a low voice, trying to catch up my breath.

Pinilit kong palakasin ang loob ko. Umasa ako sa natitirang pag-asang mayroon ako sa puso ko...

But still, I'm helpless...

Wala pa ring tao. Hanggang dito na lang ba ako?

“Tulong,” sambit ko. “Tu-tulungan ninyo, ako...”

Umubo muna ako bago tuluyang dumilim ang buong paligid ko.







Bigla akong nagising mula sa isang wirdong panaginip na iyon.

Ano na naman ba ‘yun—isang parte na naman ba ng nakaraan ko?

Kahit naman magtanong ako sa sarili ko, wala pa ring kasiguraduhan kung ano ang tamang kasagutan.

Bumangon na ako sa kama ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa loob ng banyo.

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa isang malaking kuwadradong salamin na ngayo’y nasa harapan ko. Napadiin ang paghawak ko sa lababong naroon. Mariin ko pang tinitigan ang sarili ko.

“Hayst,” buntong-hininga ko.

“Just like other normal nights, it’s was just a dream.” I said for calming myself down.

Marahan kong hinawakan ang dibdib ko, pinapakiramdaman ang sarili ko. Nanghihina ako. Nanginginig ang mga kamay kong pinunasan ang sarili kong pawis mula sa noo ko.

Sinubukan kong lumunok ng laway ngunit naramdaman ko na lang na parang nanunuyot ang lalamunan ko.

Ano bang nangyayari sa ‘kin?

Muli kong kinapa ang puso ko, ang bilis ng tibok. Bakit ba ganito na lang palagi ang epekto ng panaginip kong iyon? Eh hindi naman ito ‘yong unang beses na napanaginipan ko iyon.

Nakakapagtaka.

At para mahimasmasan na’y naghilamos na muna ako bago lumabas na sa comfort room. Pumunta ako sa study table ko kung saan ko inilagay ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon then bumalik na ako sa banyo. At doo’y naligo na ako dahil may pasok pa ako ngayon.

Kinagawian ko na rin na kapag naliligo ako ay kumakanta-kanta ako plus nagpapatugtog din.

‘You. . . by the light, is the greatest find.’

‘In the world. . . full wrong. You’re the thing that’s right.’

‘Finally made it through the lonely, to the other side...’

“You said it again, my heart’s in motion. Every word feels like, a shooting star. I’m at the edge of my emotions, watching the shadows burning in the dark.” kanta ko pa bago bumirit sa chorus na part.

‘And I~ I’m inlove. . . and I~ I’m terrified, for the first time, in the last time, in my only life...’

Ipinatong ko itong tumutunog kong phone sa safe na place rito lang banda sa lababo. Inayos ko na rin ang sarili ko para makapagsimula na ring maligo.

‘And this could be good, it’s already better that that~’

‘And nothing’s worse, than knowing you’re holding back.’

‘I could be all that you needed, if you let me try...’

Pagkabuhos ko pa lang ng tabo sa buong katawan ko’y daglian akong napayakap sa sarili ko dahil sa lamig ng tubig. Grabe, ang lamig talaga! Pati boses ko lumamig na tuloy—joke.

‘You said it again, my heart’s in motion. Every word feels like, a shooting star.’

‘I’m at the edge of my emotions, watching the shadows burning in the dark.’

At dahil hindi ko trip mag-shower o kahit gumamit ng bath tub na nasa loob naman nitong banyo ko, gumamit na lang ako ng medium size na timba with matching tabo syempre. May gripo naman dito kaya okay na rin.

“And I~ I’m inlove—”

Nasa kalagitnaan na ako ng paliligo ko nang may bigla akong marinig.

* Tok * Tok * Tok *

Tumigil ako sa pagsabay ko sa kanta nang biglang may kumatok sa kuwarto ko. Medyo binilisan ko ang pagkilos ko dahil paniguradong si Manang ‘to.

“Grasya! Bilisan mo na riyan, iha. Nakahanda na ang pagkain mo.” sigaw niya mula sa labas ng pinto. Sa sobrang lakas ng boses niya umabot pa ito hanggang cr—rinig na rinig ko nga, e.

“Opo, Manang. Patapos na po!” Malakas ang boses na wika ko naman pabalik sa kaniya.

Dali-dali kong tinapos ang pagligo ko. Natapos naman ako sa tamang oras. Bumaba na ako sa kusina para hanapin kung nasaan na si Daddy pero si Manang lang nakita ko.

Nakanguso akong lumapit sa puwesto ni Yaya Manang.

“Manang, si Daddy po?” usisa ko kay Manang, bahagya pa akong luminga-linga sa paligid nagbabaka-sakaling makita ko si Dad pero...

“Maaga siyang umalis. Pinapasabi niya na pasensya raw kasi ‘di ka niya maihahatid ngayon. Kaya si Beryl na lang muna ‘tong maghahatid sa ‘yo sa school mo.” kaswal na tugon ni Manang sa naging tanong ko.

Napatango na lang din ako bago nagsalita ulit.

“Ah. . . gano’n po ba? Eh Manang, ano pong ulam?” Waring walang ideya na tanong ko pa ulit kay Manang.

Wala lang feeling ko lutang pa rin ako, hahaha.

“Nandyan na sa lamesa ang pagkain mo, iha. Kumain ka na’t baka mahuli ka pa sa klase mo,” usal pa niya na siyang sinunod ko naman.

Pumunta na ako sa dining room at doon, nakita ko ang mga pagkain na niluto ni Manang. And take note, mga! Ang dami nito, e. Bacon, Tosino, egg hotdogs, bread with nutella and rice syempre.

Grabe ang dami talaga. Partida agahan pa lang ‘yan ha. Though, I know hindi ko mauubos ‘to nang mag-isa.

Ang kinuha ko lang ay ‘tong bacon at tosino. Umupo na ako saka kumain. Nagbaon din ako ng bread with Nutella. Pagkatapos nito’y nagpaalam na ako kay Manang.

“Ay, bakit ganiyan lang kinain mo? Paano ka mabubusog niyan—”

“Anong oras na rin po kasi Manang, hehe.”

“Oh siya, sige. Mag-iingat ka, iha. Umuwi agad,” bilin ni Manang sa ‘kin.

Tumango ako’t ngumiti sa kan’ya saka binitbit na palabas ng bahay itong kulay itim kong bagpack.

Nagpahatid na ako kay Manong Beryl na siyang family driver namin nang ilang taon na rin ‘ata? Ah basta bata pa lang ako nagtra-trabaho na siya sa ‘min pati si Yaya Manang.

At kagaya nga ng inaasahan ko’y saktong oras lang din naman ako no’ng mapadpad ako sa school.

“Oh? Si Ms. Hailey na pala ‘yon,” bulong ng isang estudyante. Narinig ko ito kaya napatingin ako sa gawi nila saka ako ngumiti.

Sorry pero famous kasi ako, hahaha— ‘di joke, sadyang kilala lang kasi itong pamilya ko rito sa school for some reasons kaya gano’n na lang kung pag-usapan ako ng mga tao rito. It’s not a big deal for me, really.

Ngumiti rin naman sa ‘kin ‘yung mga babae na nginitian ko. Pagkatapos ay tumuloy na ako sa loob ng classroom ko at doon, nakita ko naman si Ivy.

“Iley! Nariyan ka na pala, mabuti naman pumasok ka,” bungad niya nang makita akong nakapasok na. Ngumiti ako at nakipagbeso sa kaniya.

“Oo naman, bakit hindi?” Kunot-noong tanong ko sa sinabi ni Ivy.

“Kasi sabi mo kahapon, masama pakiramdam mo kaya ‘di ka sure kung papasok ka.” paliwanag ni Ivy na tinanguan ko.

“Oo nga pala pero okay na ko, ngayon. Tulog lang naman katapat no’ng sakit ko, hahaha.”

“Pero seryoso ah, okay ka na ba talaga?”

“Oo nga po. Saglit nga, sa’n ka naman galing?” Takang tanong ko sa biglang sumabat sa ‘min—si Iris.

“D’yan lang ako sa tabi-tabi. Nakikipagdaldalan alam niyo na,” sambit niya. Ngumisi pa siya sa ‘min. Huminga ako nang malalim dahil alam ko na kung ano ‘tong tinutukoy niya. 

Iris and Ivy are both my friends—girl best friends rather. Magkaibigan na kami since I started at my high school life here at A Thousand Miles Academy which is also known sa acronym na ATMA school.

So kung bibilangin ko, pang-apat na taon na rin kaming magkakasama. Sa susunod na linggo nga, Friendsarry na namin and I don’t know kung anong balak nila sa espesyal na araw na iyon.


And speaking of Friendsarry...

“Hey Iley, ano pa lang balak natin next week? Gala na lang us.” suhestiyon ni Iris sa amin.

“What? Saan naman tayo pupunta?” Takang tiningnan ni Ivy si Iris saka ito nagtanong.

“Anywhere! Basta masaya tayo, go lang.” Nakangiting sambit pa ni Iris.

Masaya talaga ‘yong presensya niya eh, ramdam na ramdam ko mula pa no’ng bigla siyang sumulpot sa usapan namin ni Ivy.

Ahm. Is there something happen to her? Something like. . . good to know?

"Hey Iris, Why are you so happy? May nangyari sa ‘yo ‘no?" Hayan na.

Nakaramdaman na rin si Ivy, mabuti na lang at siya na ang nagtanong kay Iris na kasalukuyang may masayang ekspesyon sa mukha.

Interesado rin kasi ako, e.

"To be honest. . . yes. Kasi, my Mom brought me this!" At doon ipinakita niya sa ‘min ang isang album.

Oh my gulay.

Isang bagong album ng BTS—hope all!

“Woah, kailan mo lang natanggap?” usisa ko kay Iris.

“Two days ago, ang ganda kaya. Solid!” Bibong saad niya pa ulit.

Kaya pala masaya inspired sa K-pop. Lahat naman siguro ng fans masisiyahan kung kompleto sila ng mga ganiyang stuffs ‘di ba?

Actually ako rin naman, tagahanga rin nila kaso I'm not that—super duper fan.

You know, ‘yung tipo ng mga fans na kayang magbuwis ng kahit na ano makabili lang ng ganito gan’yan or makapunta sa concert ng ganito, ganiyan, etc! Hayst. Tamang silent fan lang gano’n siguro ako, hindi ako active e.

“What the heck? Sana sinabi mo rin sa ‘kin na bibilhan ka eh ‘di sana nagpasabay na ako kay Tita. Ang daya nito,” reklamo ni Ivy kay Iris.

"Hey, I didn't know okay? It was just a surprise gift," depensa ni Iris sa nagtatampo nang si Ivy.

Hay nako, Iris kasi eh painggit—joke, hahaha.

“Kayong dalawa, itigil niyo na ‘yan. Nandyan na si Ma'am, oh.”

Pagpapatigil ko sa usapan ng dalawang nasa harapan ko ngayon. Napansin ko kasing papasok na itong teacher namin kaya minabuti ko na silang i-interupt na bago kami masaway pare-pareho. Naramdaman ko naman na sabay nila akong tiningnan.

“Wow,” napapahangang komento pa ng dalawa sa ‘kin. Bilib na bilib ah, guys ako lang ‘to.

“Akala mo talaga—” sasabat pa sana ulit si Ivy kaso binasag ko lang siya ng ‘shh’.





©ParkMinBinStory
ALostMemory(2017)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro