CHAPTER 8
"Wala ba silang mga laruan dito?" Tanong ni Storm nang mapansin na mga improvised ang pinaglalaruan ng mga bata.
Their cooking set is made up of tin cans, the dolls are drawn and cut on a board paper, their paper bills are leaves, and toy cars are made up of coconut shells.
"Wala. Sapat lang kasi ang pondo ng ampunan para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga bata. Ang mga nag-aalaga naman ay hindi umaasa sa sahod. Kusang-loob silang tumutulong dito," sagot ni Xianne habang dinuduyan ang sarili sa swing.
Nasa may playground sila at pinagmamasdan ang mga bata na naglalaro sa harapan nila.
He felt pity towards them. Pero humanga din siya sa mga ito.
Life brought them so much hardships and misery at their very young age, but they still see it differently.
Napaisip tuloy siya.
Bakit hindi ako naging kagaya nila? Halos parehas naman kami ng pinagdaanan. But why did I become a bad person? Why did I let myself be eaten by hatred?
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah," pukaw ni Xianne sa kanya.
Nabaling ang atensyon niya dito. She has that alluring smile on her face again.
The smile which serves as a mask that hides painful scars.
"Bakit di tayo sumali sa kanila?" Aya nito sa kanya kapagkuwan.
Wala na siyang nagawa nung hinila na siya ni Xianne at dinala sa harap ng mga bata.
"Sali kami!" Magiliw na sabi nito.
Lahat naman ng mga bata doon ay nagta-talon sa tuwa at hinila silang dalawa.
He felt awkward. Oo nga at may-ari siya ng pinakakilalang toy company sa buong Asya, pero hindi niya alam kung paano maglaro.
Ano ba ang dapat gawin ko?
"Kuya," tawag sa kaniya ng batang si Isaac. "Bahay-bahayan tayo. Ikaw ang papa at si Ate Iyang naman ang mama."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.
What? Fuck!
Lalong nag-ingay ang mga bata at yung iba naman ay nagta-talon sa tuwa. Si Xianne ay tahimik na tumatawa lang sa tabi.
He gave her a 'what should I do' look. And she just mouthed the words, 'Gawin mo na lang'.
Di niya nga alam kung paano maglaro, pano pa kaya ang maging tatay-tatayan sa laro?
Seseryosohin ko ba to? Dapat ba mag-asal tatay ako? Shit! Paano ba yun?
Nang hindi siya umimik, si Xianne na ang nagsalita. "Sige. Pero wag masyadong makulit, ah."
"Opo!" Sabay-sabay na sigaw ng mga ito.
Even though he still feels uneasy, he just go with the flow. Sinakayan niya ang mga biro ng mga bata pati na din ang kay Xianne. And the next thing he knew, he was having a lot of fun.
"Kuya, mali naman yan eh," nakangusong reklamo ni Jillian kay Storm dahil hindi niya maiayos ang pagtali nito sa buhok ng bata.
Napakamot siya ng ulo. "Pa'no ba dapat?"
"Si ate na nga lang." Tumayo si Jillian mula sa pagkakaupo sa tabi niya at nagtungo kay Xianne na kanina pa 'nagluluto' kuno.
Kinalabit naman siya ni Chao habang inilalahad ang dalawang piraso ng dahon na pera daw 'kuno' nila. "Punta ka na lang sa trabaho kuya."
Napangiti na lang siya sa ginawa ng bata at tinanggap ang dahon.
"Ano nga pala ang trabaho mo kuya?" Tanong ni Chao na ngayon ay tumutulong na sa paglutu-lutuan ni Xianne.
Sasabihin ko ba ang totoo kong trabaho?
Nag-aalangan siya sa isasagot kaya naman si Xianne na ang nagsalita. "May-ari siya ng pagawaan ng laruan."
Nagningning ang mga mata ng mga bata sa narinig. Ang iba naman ay namilog hindi lang ang mga mata kundi pati na din ang mga bibig nila.
"Totoo po?" Di makapaniwalang tanong ni Justin.
He smiled and shyly replied. "Oo."
"Kung ganon po, edi marami ka pong laruan?" Dorothy asked while smiling from ear to ear.
He nodded that made the children go wild. Xianne, on the other hand, is just quietly sitting at the corner while staring at them.
"Gusto niyo ba bigyan ko kayo?" Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga bata dahil sa inusal niya.
"Opo! Opo!" Sigaw ng mga ito.
Pinakalma ni Xianne ang mga ito dahil panay ang talon ng iba.
"Sige. Pero, upo muna kayo." Kaagad naman itong sinunod ng mga bata at tahimik na umupo habang nakaharap sa kanya. "Anong gusto niyong laruan?"
He feels that he's like a teacher at the moment. Lahat ng mga bata ay nagtaas ng kamay na para bang may recitation. Namangha siya sa pagka-disiplinado ng mga ito.
Tinuro niya si Jacob at agad naman itong tumayo. "Gusto ko po ng manika." Tinudyo ng ibang mga bata si Jacob pero nakangiti lang ito. Tatanungin niya na sana kung bakit iyon ang gusto nito pero naunahan na siya nitong magsalita. "Yun po kasi ang gusto ni Jillian. Para hindi na din po siya matakot matulog mag-isa."
So, the doll is not for him but for his sister - Jillian. He can't help but to admire the boy. His sister's happiness before his' is such a selfless act. At natutunan niya iyon sa mura niya pang edad.
Sunod niya namang tinuro ay si Ona na nakangiti namang nagsalita. "Gusto ko po ng luto-lutuan para po matuto akong magluto at matulungan ko si Nanay Emma."
"Ako po!" Sigaw ni Johan dahilan para mapalingon siya dito. "Gusto ko po ng puzzle. Para po maging matalino ako. Para pag balik ni mama, matalino na ako at di niya na ko iiwan dahil bobo ako."
Nagsalita din si Belle at doon natuon ang atensyon niya. "Gusto ko po ng para pong mga gamit sa pagpapaganda. Sabi ni ate, salon daw po yun. Basta yun. Kasi para gumanda ako baka sakaling balikan ako ni mama at papa kapag umayos ang itsura ko."
He felt his heart ached. Hindi lang basta-bastang laruan ang hinihingi ng mga bata kundi pagtanggap at pagmamahal mula sa iba. Iba-iba ang mga gusto nila pero pare-pareho lang naman talaga ang kailangan nila - happiness beyond misery. At alam niyang kaya niyang ibigay iyon sa pamamagitan ng mga laruan.
He smiled and exclaimed, "Sige. Lahat ng gusto niyong laruan, ibibigay ko."
*****
Di maikubli ni Xianne ang kaniyang ngiti nang makita ang masayang mukha ni Storm habang nakikipaglaro ito sa mga bata.
Kani-kanina lang ay para itong puno sa sobrang pagka-stiff. Pero ngayon, ito na ang pinaka-maingay sa kanila. Dinaig pa ang mga totoong bata.
This is the other side of him.
The side where not a lot of people can see. And she feels ecstatic dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na masilayan ito.
Di niya napigilang pagmasdan ang mga mata ni Storm. May kislap na ang mga ito. Hindi tulad noong una nilang pagkikita - his eyes were soulless, his smile was cold, and his voice was menacing.
But looking at him now, she can feel that his cold heart is starting to melt. He's becoming a true human being that can feel different emotions. And she's genuinely happy for him.
"Uy si ate, crush si kuya," rinig niya ang tudyo ni Chuchay na nakaupo sa tabi ni Storm na ngayon ay nakatingin na din sa kaniya.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
Shocks! Nakakahiya! Nahuli niya ba kong nakatitig sa kanya?
"Uy si ate namumula," gatong pa ni Johan.
Narinig siya ang mahinang pagtawa ni Storm.
Pinagtatawanan ba ako nito? Aish!
Pinukol niya ito ng masamang tingin pero hindi ito patinag sa pagtawa. That made her crossed her arms over her chest and pouted.
"Stop doing that - or I might kiss you."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Storm at hindi namalayang umawang ang labi.
Anong sinabi niya?
"Yiee.. Kiss! Kiss! Kiss!" Hiyaw ng mga bata habang pumapalakpak pa.
Mukhang na-realize ni Storm ang sinabi niya kaya ito naman ang nanlaki ang mga mata at namula.
"Shit!" Malakas niyang mura sabay tayo at tumakbo palayo sa kanila.
Ang mga bata naman ay sumunod sa kanya sa pagtakbo at lahat ng mga ito ay nagpa-ikot ikot sa playground.
"Taya." Tapik ni Ona sa kamay ni Xianne at tumakbo palayo sa kanya.
Napangiti siya.
Mukhang di pa tapos makipaglaro ang mga bata.
Tumayo siya mula sa kinauupuan at dali-daling tumakbo papunta sa mga ito at kay Storm habang may ngiti sa mga labi.
"Taya." Tapik niya kay Justin nang maabutan ito.
Napuno ng hagikhikan ang buong lugar at lahat sila ay nagtatakbuhan. Pilit nilang iniiwasan ang 'taya'. May ibang mga bata ng nagtatago sa likuran niya. Si Storm naman ay may kargang dalawa habang malakas na tumatawa at nagtatatakbo palayo kay Justin.
The moment is euphoric.
The type where you just want to stop time and enjoy it.
Pero kahit anong saya mo, darating pa din ang panahon na lulungkot ka. At sa pagkakataong yon, aalalahanin mo ang mga sandaling nakapagpasaya sayo.
And this will definitely be one of those moments.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro