CHAPTER 5
@amarANNEth's note:
I'm happy na may mga nakakita na ng story ko. Yippie!
Thank you Snardie_ey 💕😄
-----
"Naibigay na ba ng HR, Feb?" Tanong ni Storm sa kaharap na sekretarya habang iniisa-isa ang mga papeles na ibinigay nito.
"Yes sir," seryoso nitong sagot na hindi man lang ngumingiti.
Tiningnan niya ito at pinagsiklop ang dalawang kamay sa ilalim ng kanyang baba kapagkuwan ay seryoso itong tinitigan. "Good. Then, cancel all my appointments for three days. I don't want anyone - or anything to disturb me. Understand?"
"Yes sir," she firmly replied.
"Now, you may go." Tinapunan niya ito ng huling tingin at binalik na uli ang pansin sa mga papeles na inaasikaso. Lumabas naman ang sekretarya niya sa kanyang opisina.
Pagkarinig niya ng tunog ng sumarang pinto, napasandal siya sa kanyang swivel chair. He got his phone and dialed Xianne's number. After a couple of rings, a soft voice answered on the other line.
"Hello? Who's this?" Xianne asked with her ever soothing voice.
He cleared his throat. "It's me, Storm. I - got your number from your resumé."
"Ah ganun ba? Ahm. Bakit ka nga pala napatawag?"
"I just want to ask if you already received the letter from the HR department," ani niya habang nilalaro ang ballpen na hawak niya.
There was a moment of silence at the other line before she spoke again. "Ah eto? Teka. Bubuksan ko pa lang. Kabibigay lang kasi. Wait."
Nakarinig siya na parang may napunit sa kabilang linya. Yun na siguro ang envelope na binubuksan ni Xianne. There was a long pause, malamang ay binabasa nito ang nakasulat doon.
"Leave of absence? Di naman ako nag-file nito, ah." A hint of confusion in her voice was heard by Storm. He secretly smiled at the thought of her expression.
"I filed it," pag-amin nito. "I want you to bring me to the orphanage you talked about. Wag kang mag-alala, it's leave with pay since pupunta naman tayo dun para sa trabaho."
Matagal bago nakasagot si Xianne sa paliwanag niya. "Mukhang wala na akong choice, boss." Narinig niya ang mahinang pagtawa sa kabilang linya. "Bukas na ba agad to?"
"Yup." He said while popping the 'p' at the end. "I'll pick you up tomorrow morning at your house."
"Pano mo nalaman ang address ko?"
"Your resume," mabilis na sagot nito.
"Ahhh. Okay. Sige. See you tomorrow, boss."
"Yeah. See you." Then he ended the call with a smile on his lips.
He suddenly felt excited. Ginanahan din siyang tapusin ang mga trabaho para walang problema at maging sagabal sa tatlong araw na wala siya sa opisina. He can't help but to look forward for tomorrow.
*****
"Kumpleto na ba ang mga kakailanganin mo?" Tanong ni Lois - isa sa mga kaibigan ni Xianne habang nakaupo sa gilid ng kama nila.
"Oo." She answered while zipping her backpack then faced her friend. "Wag kang mag-alala, magiging ok ako dun. Ako pa?" Nagmamalaki niyang sabi at nakataas pa talaga ang isang kilay.
Matagal siyang tinitigan ni Lois bago ito huminga ng malalim at tumayo na. "Fine. Pero, text me always. Ok?" Tinanguan niya ito bilang sagot. "Binilhan na nga pala kita ng pagkain mo dyan. Next week pa dadating si Faith, kaya next week pa tayo makakakain ng matinong pagkain. Inaasikaso na ni Tala sa baba ang dadalhin mo," sabi nito pagkatapos at lumabas na ng kwarto.
She can't help but to smile. Her friends are always caring about her. She's very lucky indeed to have them.
Matagal na din silang magkakasama. And they passed the seven-year jinx. Sabi daw, kapag nalampasan na ninyo ang pitong taon sa kahit na anong relasyon, forever na daw kayong magkakasama. At yun ang gusto niyang paniwalaan.
Her friends were there during the brightest and darkest moments of her life. And she's thankful that she passed it all with their help. At alam niya din na nag-aalala ang mga ito dahil babalik siya sa isa mga madilim na parte ng buhay niya. But this time, she'll be a little braver.
Tala's voice awakened her from her reverie. "Xi! Andito na sundo mo!"
Si boss!
Dali-dali niyang kinuha ang backpack niya at lumabas ng kwarto.
"Wag kang tumakbo! Baka mahulog ka sa hagdanan!" Rinig niyang sigaw ni Tala mula sa kusina.
Tumigil naman siya sa pagtakbo at dinahan-dahan ang pagbaba. Tala will always be the mother of their friends. Kaya naman sinusunod niya ito.
Nanlamig siya sa kinatatayuan ng makita ang tingin sa kaniya ni Lois pagkababa niya. She was staring with her eyebrow arched at nakapameywangan pa ito. She knows by the look on Lois face that she's on sister-bitch mode.
Uh-oh!
"Hindi mo naman sinabi samin na lalake pala ang kasama mo." Matalim ang titig nito sa kanya habang naglalakad palapit dito.
She gulped and smiled sheepishly. "Di ko ba nakwento?" Naiilang siyang natawa.
"Tala!" Tawag ni Lois sa kaibigan na sakto namang naglalakad na palapit sa kanila na may dalang dalawang paper bags. "Tingnan mo to, oh!" Turo nito sa kanya. "Lalaki ang kasama sa orphanage!"
"Ano?!" That's Tala with her shocked face.
"Calm down, you guys," ani Xianne habang lumalapit kay Tala at kinuha ang paper bags na dala nito na ang laman ay pagkain. "I can handle myself. Tsaka mabait naman si boss, wala yung gagawin saking masama." Pangungumbinsi niya sa mga ito.
Tala sighed. "May tiwala naman kami sa'yo, Xi. Pero sa boss mo - we don't know him."
"Wait." Lois went to her room ang hurriedly went back in front of Xianne. Kinuha nito ang kamay niya at inilagay ang kinuha nito mula sa kwarto. "Here. In case lang na may mangyari. You do know how to use it right?"
"Yeah. Lois, it's pepper spray," Xianne said with an i-know-it tone.
"Sige na. Baka mainip na yung boss mo sa kahihintay. Basta, don't forget to text or call us, all right?" Ani Tala at sinamahan na siya palabas ng bahay. Ganun din naman si Lois.
Natigilan silang tatlo pagbukas nila ng gate. Tumambad sa kanila si Storm na nakasandal sa hood ng sasakyan habang may kausap sa phone. He's just wearing a plain shirt inside his black jacket and paired with faded ripped jeans and sneakers. Naka sunglasses din ito.
"Yan ba ang boss mo?" Malalaking matang tanong ni Lois.
She nodded her head. "Yeah."
"Wafu," puna ni Tala na nakangiti pa. She jokingly said gwapo.
It looks like that her friends are also mesmerized by Storm. Sino ba naman ang hindi?
Umayos sila nang mapatingin sa kanila ang binata at inalis ang shades na suot niya. Mahina siyang tinulak ng mga kaibigan.
"Good morning, boss," bati niya dito ng makalapit sila.
"Good morning." His lips twitched a little. Is that supposed to be a smile? "We're not in the office, Xianne. Just Storm," anito at napatitig sa likuran niya.
She flinched and faced her friends who are now back to protective mode. "Mga kaibigan ko nga pala. Sina Lois and Tala," pakilala niya sa mga ito.
"Nice meeting you, two," said Storm with his ever serious face.
"Likewise," sabay na sabi ng dalawa.
Binuksan ni Storm ang passenger's seat ng kotse niya. "Let's go?"
Nagpaalam ulit siya sa mga kaibigan pagkatapos ay sumakay na sa kotse. Narinig niya pa ang mga bilin nito kay Storm bago ito sumakay sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro