CHAPTER 3
@amarANNEth's note:
Hindi ko nasunod ang schedule ng update ko, but here it is. Medyo nasipagan lang akong magsulat.
Please do vote and comment. I highly appreciate any feedbacks regarding my story.
-----
PANAY ang sigaw ng supervisor ni Xianne sa kanya na dalian na daw ang ginagawa. Pinapa-finalize sa kanya ang weekly report ng pinagtatrabahuang kumpanya.
Sanay naman na siya rito dahil parati sila nitong pinapagalitan ng mga co-workers niya.
Pagkatapos ng ilang click ay nagawa niya na itong i-print at diretsong inabot sa babaeng supervisor na nakapameywangan sa harap ng desk niya. Tinapunan lang siya nito ng mataray na tingin at umalis na sa harapan niya.
She took a deep breath and closed her eyes to calm herself. Sa totoo lang, kahit sanay na siya sa sigaw niyon ay nanginginig pa rin ang loob niya kapag napagtataasan siya ng boses.
"Hayaan mo na yun girl. Magme-meno pause na kasi." Biro ni Gio sa kanya pagkadilat niya ng mga mata.
She smiled at him and her gaze crept towards the sign behind her co-worker.
Torabilla Toy Company.
Matagal na siyang nagta-trabaho sa kumpanyang ito. Mga almost 3 years na din ng magsimula siya. At sa buong 3 years na iyon, noong nakaraan niya lang nakilala ang boss nila. Parati niya itong nakikita pero natatakot siyang lapitan ito. Notorious kasi ang masamang ugali nito dahilan para umiwas sa kanya ang mga tao.
Kaya ganun na lang ang gulat niya ng magkaroon siya ng pagkakataong makausap ito. Hindi niya akalain na magaan itong kausap at kaya din palang huminahon at ngumiti. Hindi niya pa din lubos maisip na ang nakakatakot nilang boss ay mabait din naman pala. Misunderstood lang.
Napukaw ang sarili niya ng marinig ang pagbukas ng pinto ng opisina nila. Binalik niya ang atensyon sa ginagawang trabaho.
File after file. Paper after paper. Seryoso lang siyang nagta-trabaho.
"Xianne." Nabaling ang tingin niya sa tumawag, si Jaja, isa sa mga co-workers niya. "Lunchtime na. Tara sa cafeteria."
She looked at her wrist watch. 12:10 pm. Di niya namalayan ang oras dahil sa dami ng ginagawa niya.
"Sige, wait. Save ko lang to." She said while saving her work. Tumayo naman siya pagkatapos at kinuha ang wallet sa bag niya. "Tara."
Silang lima lang ang bababa sa cafeteria since hindi naman sumasabay sa kanilang kumain ang supervisor nila.
"Wag mong masyadong i-stress ang sarili mo sa trabaho. Sayang ang beauty mo girl." Payo ni Gio, katrabaho niyang beki, nang matapat sila sa elevator.
"Oo nga. Pwera sakin, isa ka sa mga magaganda sa department natin." Biro naman ni Nicole.
Natawa siya ng batukan ni Laisa si Nicole. "Ano to? Di kami kasali?" Kontra niya habang nakataas ang kilay.
"Oo nga. Like duh! What you think of us? Potatoes?" Nakapameywangan na pagtataray ni Gio. Di niya alam kung matatawa siya o mawi-weirduhan kay Gio pagkasabi nun.
Magsasalita na sana siya ng bumukas ang pinto ng elevator. Bumulaga sa kanila ang mukha ng kanilang boss... si Storm. His eyebrows were forming a straight line indicating that he's irritated by something. His jaw was clenched and he was gritting his teeth.
"Good morning, sir." Bati sa kanya ng mga kasama.
Bumaling naman sa kanila ang nakakatakot na tingin niya. He was stunned when he saw her. Agad-agad namang napawi ang galit sa mukha nito ng makita siya.
She smiled at him. Sa totoo lang, di niya alam kung paano pakikitunguhan ang lalaki. Oo nga't nagkausap sila sa labas, pero pagdating dito sa loob ng kumpanya nito, boss niya siya at employee siya nito.
Akmang sasakay na siya ng elevator ng pigilan siya sa kamay ni Gio. Naguguluhan naman niya itong tiningnan. Pinandilatan lang siya nito.
Nakuha niya ang gustong ipahiwatig nito. Hindi dapat sila sumabay kay Storm.
"No. It's ok." Bumaling ang tingin niya sa binata ng magsalita ito. Nakatitig pala ito sa braso niya na hawak ni Gio.
Nahihiya namang pumasok ang mga kasama ni Xianne at siya. Nasa may likuran silang parte ni Storm samantalang nasa harapan nila ang apat. Mukhang takot silang tumabi sa boss nila.
She heard Storm clearing his throat. "So, you work here, huh?"
Gulat na napalingon ang mga kasama niya sa kanilang dalawa. Nanlaki ang mga mata nila pero agad naman silang tumingin ulit sa harap ng mapansin ang matalim na tingin ni Storm.
Napangiwi siya. "Ahm. Oo." Why does she feel awkward all of a sudden?
"I thought you work in a café." Ani nito nang hindi nakatingin sa kaniya.
"Part-timer lang ako dun."
He just hummed as a reply.
"Magla-lunch ka din?" Basag niya sa katahimikan na bumabalot sa buong elevator.
He didn't answer.
Shoot! Mali ata na makipag-FC ako sa boss namin. Shocks! Nakakahiya.
Hanggang sa bumukas ang elevator ay hindi ito sumagot. Nag-unahan namang lumabas ang mga kasama niya na hindi man lang sila nililingon. Sumunod siya sa mga ito pero natigilan siya ng magsalita si Storm.
"Can I join you?" Nilingon niya ang binata na ngayon ay nakatingin sa sapatos nito at namumula ang tenga.
Nahihiya ba siya?
She chuckled at the sight of her boss. "Oo naman. Tara?" Alok niya dito.
Umangat ang tingin nito sa kanya then his lips formed a half-sided smile.
Sumabay ito sa paglalakad niya at di niya maiwasang mailang sa atensyon na nakukuha niya mula sa ibang mga empleyado. Katulad ng reaksyon nina Laisa kanina, namilog din ang mga mata ng mga nakakasalubong nila kapagkuwan ay nagbubulungan. Para namang walang pakialam ang katabi niya sa nangyayari dahil patuloy lang itong naglalakad habang nakapamulsa at tinatanguan ang mga bumabati sa kanya.
Nang makarating sila sa harap ng cafeteria, pinagbuksan siya nito ng pinto at pinaunang pinapasok.
Such a gentleman.
She smiled at the thought.
Kahit sa cafeteria ay ganun din ang mga tao. Ang iba ay natigil sa pagkain nila at napatingin sa kanila. Pero katulad kanina, walang pakialam ang katabi.
Nauna siyang nagtungo sa counter at naramdaman niya namang sumunod si Storm. Pupunta na sana siya sa dulo ng pila pero hinila siya ng binata patungong unahan. Lahat naman ng nasa pila ay nagbigay-daan sa kanilang dalawa. Napayuko na lang siya sa sobrang hiya.
"We'll take the course of the day." He ordered with a strong expression. Nataranta ang lalaking kumukuha ng order at dali-daling sumandok ng mga pagkain. Kapagkuwan ay ibinigay sa kanila ang dalawang tray.
Kukunin na sana niya ang mga ito pero naunahan siya ni Storm. "Ako na. Just get the drinks."
Mabilis niya naman itong sinunod at nauna ng naglakad sa binata. Hinanap niya ang mga kasama niya kanina at nakitang kumakaway sa kaniya si Nicole at tinuro ang table nila.
Natigilan ang mga kasama ng mapansin na nakasunkd sa kaniya si Storm. "Ok lang ba?" Nangigiwi niyang tanong sa mga ito.
Tumango-tango lang ang mga ito nang inilapag na ni Storm ang pagkain nila. Nasa kanan niya ang binata at nasa kaliwa naman niya si Jaja. Nasa harap nila sina Laisa, Nicole at Gio.
"You're scaring them." Puna niya kay Storm nang mapansin ang tingin nito sa mga kasama. Kaagad namang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.
"Let's eat." Kapagkuwang ani nito.
"THAT was the scariest lunch time of my life." Ani Gio nang makabalik sila sa opisina.
Napaupo agad si Laisa sa sofa. "Parang di ako natunawan sa kinain ko kanina."
"Ako nga, halos di ko nagalaw ang pagkain ko." Sabi naman ni Nicole.
Siya naman ay nagtungo sa desk niya ay naupo sa swivel chair. She froze when they stared at her with questionung look.
Lumapit sa kanya si Gio at umupo sa desk niya. "Ano yung nangyari kanina, girl?"
"Oo nga. Di mo naman nakwento samin na close pala kayo ni sir Storm." Segunda ni Jaja.
Napangiwi siya dahil naiilang siya sa mga titig ng mga katrabaho. "Ano namang nakapagtataka dun?" Iwas niya sa topic.
Di niya naman alam kung anong isasagot dahil sa totoo lang ay di naman talaga sila ganoon ka-close ni Storm.
Nanlaki ang mga mata ng mga kaharap niya sa isinagot niya.
"Bakit? Mabait naman si St- sir, ah." Pagtatanggol niya dito.
"Mabait?" Ani ni Nicole na akala mo naman ay nakakatakot ang sinabi niya dahil sa sobrang pagkabigla ng mga itsura nila.
"Girl, di mo ba alam na kilala si sir as a hurricane here? Hindi lang bagyo. Wag kang papaloko sa gwapo niyang mukha at hot niyang katawan. Pati na din ang sexy niyang aura. Palaging mainit ang ulo at naninigaw yon. Marami na din siyang nasisanteng nga empleyado sa iba't ibang kadahilanan. Kaya nga minabuti ng karamihan na umiwas na lang sa kaya kaysa mawalan ng work." Mahabang paliwanag ni Gio.
"Baka stressed lang siya." Kontra niya dito.
"Kung ganon, araw-araw siyang stressed. Pati lahat ng nakapalibot sa kaniya, stressed na din." Iiling-iling na wika ni Nicole.
Naglakad si Jaja papunta sa water dispenser at kumuha ng tubig. "Pero first time ko ata siyang nakita kanina na kalmado."
"Truth." Segunda ni Laisa. "Tsaka ngayon lang siya nagpasabay sa elevator. Palagi kasi niyang gustong mag-isa doon pag siya ang sakay."
"Pati nga sa cafeteria. Sa ilang taon kong pagtrabaho dito, ngayon ko lang din siyang nakitang pumasok at kumain sa cafeteria." Dugtong ni Nicole.
"Pero ang pinaka-shocking sa lahat," tinitigan siya ni Gio at tinuro "ngayon ko lang nakita si sir na may kausap na employee, hinawakan, at sinabayan pa."
Lahat ng atensyon ng mga katrabaho ay natuon sa kanya. Magsasalita na sana siya ng biglang may tumikhim sa likuran ng mga ito.
"Lunch time is over. Get back to work!" Sigaw mg supervisor nila.
Nataranta namang bumalik sa kanya-kanyang desk ang mga ito. Napailing-iling na lang si Xianne.
Ganon ba talaga nakakatakot si Storm? Bakit hindi ganun ang pinapakita nito sa kaniya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro