CHAPTER 27
@amarANNEth's note:
This chapter is dedicated to luckynadine Thank you sa feedback mo sa story ko. 😄 Every word talaga d'on binasa ko tsaka inulit-ulit ko haha. Thank you kasi nagustuhan mo 'to. Good luck sa'ting mga aspiring writers 💕
—————
"Di naman kaya ang dami niyang niluluto mo?" Nadatnan ni Xianne na tanong ni Tito Allen sa mama niya habang nakapangalumbaba ito sa mesa ng breakfast nook sa kusina.
Nag-uusap ang mag-asawa samantalang nakatanaw lang sa kanila si Naix na nakaupo sa may dining table. Nasa gilid sila ng kusina kaya hindi masyadong kita ang presensya nila ni Storm.
"Mas mabuti nga 'yan. Para kapag nagising si Xianne, marami siyang makakain," ani mama niya na hinahalo ang kung ano mang niluluto sa kawali.
"Hindi raw masarap ang luto mo mommy sabi ni daddy." Nakangising asar ni Naix na ikanalaki ng mga mata ni Tito Allen.
Nataranta naman ang lalaki. "Hindi naman sa ganon..."
"Shh... Tumahimik ka diyan kung ayaw mong ibato ko sa'yo 'tong sandok na hawak ko!" bulyaw ng mama niya.
She chuckled while staring at them. It's the first time that she saw her mother smiling that bright. They look like a happy family.
"Mama," mahinang tawag niya sa ina dahilan para matigilan ito sa ginagawa.
Napalingon sa kanila ang tatlo. Kitang-kita sa mga ito ang gulat nang makita siya.
"L-Lyka?" hindi makapaniwalang tawag ng mama niya. "Anak!"
Nabitawan nito ang hawak na sandok saka patakbong lumapit sa kanya. Kaagad siya nitong niyakap ng mahigpit.
"I-I'm sorry, anak. Mama's so sorry." Naluluhang sambit ng ina niya.
She softly caressed her mother's back. "Ayos na po, ma. Hindi na po ako galit sainyo." A tear dropped from her eye and she immediately brushed it off. "Sorry din po."
Kumalas sa pagkakayakap ang ina niya saka matiim siyang tinititigan. "Thank God your awake! Akala ko parehas tayo ng sasapitin. But I know your stronger and braver than me."
She gave her a sweet smile and looked at the people behind who are looking at them with smiles on their faces.
"Good morning po," bati niya kay Tito Allen.
"Good morning din, iha. Upo na kayo nang mahatulan na natin ang luto ng mama mo." Biro nito dahilan para sumama ang timpla ng mama niya.
Kinuha nito ang nabitawang sandok at pinukpok ng mahina si Tito Allen na nakangisi na. "Walang pumipilit sayo kung ayaw mong kumain."
"To naman, di na mabiro." Patawa-tawa na sabi ni Tito Allen.
Inalalayan siyang makaupo ni Storm kapagkuwan ay tumabi ito sa kanya. Bale anim ang upuan sa dining table at nasa harapan niya si Naix na titig na titig sa kaniya.
"Magaling ka na po, ate?" tanong nito sa kaniya.
She smiled at him. "Oo. Pinag-alala ba kita?"
Tumango ito bilang sagot. Hindi niya napigilang kurutin ang pisngi nito.
Ang cute naman ng batang to.
Napaayos siya ng upo nang lagyan ni Storm ng kanin ang plato niya. He's still taking care of her even though she's already fine. That made her heart softened.
Pagkalapag ng mama niya ng ulam na niluto nito, kaagad itong inabot ni Storm kapagkuwan ay nilagyan ulit siya sa plato nito bago nilagyan ang sariling plato.
"Salamat." She feels giddy whenever Storm does sweet things to her even though it's not his nature to be one.
His lips formed a lop-sided smile. "We need to call your friends. For sure, they'll be ecstatic once they found out your awake."
"Para ngang sobra ko silang pinag-alala, eh."
"Yep." Storm lightly tapped the top of her head. "At sinabi ni Lois na babatukan ka raw niya pagkagising mo."
She nervously held her head. Xianne felt horrified!
"I'm sure that she was just joking when she said that," Storm assured.
"Di mo kilala si Lois," sabi niya sa binata habang hawak-hawak pa rin ang ulo. "Babatukan talaga ako non."
"Well, it's possible." Tumalim ang tingin niya sa binata na ikinatawa lang nito. "I mean, nagwala nga siya sa police station nung nawala ka. Faith and Tala even interrogated me."
"Talaga? Ginawa nila yun?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yes. At halos araw-araw ka nga nilang dinadalaw, eh."
"You definitely have great friends," ani mama niya na ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Naix. Si Tito Allen naman ay nagsisimula ng kumain sa tabi ng mama niya.
I can't agree enough.
"Ate." Nabaling ang tingin niya nag tawagin siya ng kapatid. "Ano pong itatawag ko sa'yo? Ate Lyka o Ate Xianne?" Natigilan siya sa tanong nito. "Narinig ko po kasing tinawag ka ni mama ng Lyka tapos Xianne naman ni Kuya Storm."
"Ahm..." Sa totoo lang, inisip niya na rin kung anong pangalan ba ang gagamitin niya. And she has decided. "Ate Xianne. Mas gusto ko yung pangalan na yun."
"Ok po, Ate Xianne!" Naix exclaimed.
"Nak..." Her mother gently called.
"Nasanay na po akong iyon ang tawag sa'kin. Tsaka nakilala ako bilang Xianne ng mga kaibigan ko at ni Storm." She gave her an assuring smile. "And using that name, I can feel that kuya's still with me, protecting me like he always do."
Inabot ng ina niya ang kamay niya at marahang pinisil iyon. "If it makes you happy, I'll gladly support you."
Xianne mouthed the words 'thank you' and her mother gently tapped her hand.
Masarap ang luto ng mama niya. Hindi niya lubos maisip na matitikman niya ulit ang luto nito pagkatapos ng mahabang panahon.
Magpaturo kaya ako sa kanya?
Their breakfast was filled with laughter. Tito Allen's silly jokes were a hit and Storm keeps on checking up on her. Her day couldn't get any better.
"Lollipop?" Alok ng mama niya pagkatapos nilang kumain.
Bumalik siya sa garden para malibang at sumunod naman ang mama niya. Kailangan din naman nila ng bonding kahit papano.
She accepted the lollipop and immediately opened it.
"Naalala ko, palagi kitang pinapangakuan noon na bibilhan kita ng lollipop pero hindi lang ako nagkaroon ng pagkakataon." Malungkot na sabi ng ina niya habang pinagmamasdan siyang tuwang-tuwa na kinakain ang binigay nito. "Your father is really a horrible person. Buti na lang at nakakulong na siya." Bakas ang galit at poot sa mga binitiwan nitong salita.
She confusedly looked at her. "Nakakulong?"
Her mother nodded. "I found out a long time ago. Nong mga panahon na hinahanap kita. He was the first person I've asked where you were. Pero wala siyang isinagot sa'kin. Magdusa raw ako gaya ng nangyayari sa kanya noon." Kumuyom ang kamao nito. "I really loathe him."
Tumingala siya sa kalangitan at pinagmasdan ito. The sky looks so calm and wonderful.
"Gusto ko po siyang makita," sambit niya habang nakatingala pa rin.
"A-ano? Bakit?" Halata sa boses ng ina ang pagkabigla dahil sa sinabi niya.
"For closure maybe?" She said then turned her gaze to her mother, still with a shocked expression on her face. "Gusto kong harapin ang kinatatakutan ko para tuluyan na akong makawala sa dilim ng nakaraan ko. I want to free myself from the grasp of my nightmare. In that way, I can fully live my life and bravely face any hurdles in my path."
"I wish I was a little bit like you." Naluluhang ani ng mama niya. "I'm very proud of you, anak. I can tell that you grew up right even without me by your side."
Inabot niya ang kamay nito at marahang pinisil iyon. "Wala ka man sa tabi ko nong lumaki ako, at least andito ka na para samahan at gabayan ako."
"Thank you for accepting me again in your life," sabi ng ina niya kasabay ng pagpatak ng mga luha nito.
Xianne gently brushed off the tears on her mother's face. "Thank you for coming back, ma."
She stilled when she saw figures walking towards them. It's Storm's parents!
Napatayo siya dahil sa pagkabigla. Lumingon naman ang mama niya para tingnan kung ano ang dahilan sa inakto niya.
"Xianne, iha. We're glad you're okay. You made us worried!" bati ng ina ni Storm pagkarating sa harap niya. His mother reached both of her hands and gently squeezed it.
"We came here as fast as we could after we heard the news," anang ama ni Storm na nasa likuran ng babaeng kaharap. Si Storm naman ay tahimik lang silang pinagmamasdan sa tabi ng ama nito.
Nahihiyang nginitian niya ang mga ito. "Ayos lang po ako, sir, ma'am."
"Ano ka ba, iha!" His mom bolted. "You can call us Mommy Amor and Daddy Rodney. Tutal kayo naman ng anak ko." Tudyo pa nito.
Biglang uminit ang mga pisngi niya. "P-po?"
"Mom," Storm called out and walked towards her, "you're making her uncomfortable." He said before encircling his hands on her waist.
"Am I? Sorry iha. I'm just delighted."
Hindi niya mapigilang magtaka sa inaasal ng mga ito sa kanya. Hindi ba dapat galit sila sa kanya dahil sa nangyari sa anak nila?
"Sorry po," she uttered after a minute of hesitation.
"Para saan?" Nagtatakang tanong ng ginang.
"Sa nangyari po kay Storm noon. I have no excuses to say. I'm really sorry." Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Storm sa beywang niya nang sabihin niya iyon.
His mother reached for her cheek and softly caressed it with a smile on her lips. "There's nothing to forgive, iha. Wala kang kasalanan sa nangyari. Let's just accept that it happened and move on."
Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi nito. "Thank you po."
They were in the middle of chit-chatting when they were stopped by Tito Rodney's teasing voice.
"So kailan ang kasal?"
"Dad!" Bulyaw ni Storm sa ama na ikinatawa niya na lang.
*****
"Are you sure that you'll do this alone?" Hindi mapakaling tanong ni Storm.
Nasa kotse sila nito sa labas ng kulungan. This is the day that she'll visit her father and see him again after a very long time. And Storm keeps on asking her that question. She understands him, though.
"Oo nga," sagot niya pagkatapos alisin ang seatbelt saka hinarap ang binata. "Don't worry, nothing's gonna happen."
"Kahit na. Can't I at least—"
"Love..." That calmed him down. "I have to face him alone. Just trust me, hmm?"
He sighed defeatedly. "Fine. I'll just be right here. Waiting for you."
"Thank you," she said then kissed him on the cheek.
"Call me if anything happens." Magkasalubong ang kilay na sabi ni Storm.
She disbelievingly stared at him. "Storm, we're in a jail. Maraming pulis ang nakapalibot dito."
He shrugged. "I'm just saying."
Kinurot niya ang pisngi nito kapagkuwan ay bumaba na ng sasakyan.
She took a deep breath before deciding to enter the prison. Sinalubong siya ng mga pulis at inalalayan naman siya ng mga ito patungong visiting area.
Tahimik niyang hinintay ang pagdating ng ama hanggang sa may matanaw siyang pigura ng lalaking naglalakad palapit sa kanya habang binabantayan ng dalawang pulis sa likuran nito.
Bakas sa itsura nito ang hirap na dinaranas sa loob ng kulungan. Maputi na ang buhok at kulu-kulubot na rin ang balat. Halata sa mga mata nito ang labis na pagod at ang mga kilay ay halos magkadikit tanda na hindi nito inaasahan ang nangyayari. Pero tandang-tanda niya pa rin ang tindig at hubog ng mukha ng lalaki...ng kaniyang ama.
Naguguluhan itong umupo sa harap niya. Sinuri siya nito at mukhang hinahalungkat sa isip kung kilala ba siya. Namilog ang nga mata ng kaniyang ama nang mapagtanto kung sino siya.
"L-lyka?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Tipid niya itong nginitian. "Kamusta po?"
"Anak," hinawakan nito ang kamay niya at puno ng pagsisisi siyang tinitigan. "Patawarin mo ako. Patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko sa inyong mag-iina. Alam kong sobra ang galit mo sakin. Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko sayo at sa kapatid mo." Nakayukong sambit nito.
Hindi alam ni Xianne kung bakit wala siyang maramdaman ni katiting sa ama niya habang tinititigan itong panay ang pagmamakaawa sa kaniya.
"Bakit?" Puno ng hinanakit na tanong niya dahilan para umangat ang tingin sa kaniya ng ama.
May gusto lang siyang malaman. At sana ay masagot ito ng lalaki.
Tumingin siya ng diretso sa mga mata ng lalaki. "Bakit mo nagawa sa 'min ang lahat ng 'yon? Bakit kailangan naming magdusa sa mga kamay mo? Bakit galit na galit ka sa'min?" Halos mautal na siya sa bawat salitang binibitiwan niya sa sobrang pagpilgil ng hikbi. "Bakit nagawa mong patayin ang kapatid ko?" Halos pabulong na sambit niya.
Ilang minuto pa siyang tinitigan ng ama niya, iiisip kung laano sasagutin ang mga katanungan niya. Hanggang sa huminga ito ng malalim at nagsimulang magsalita.
"Maginhawa ang buhay ko noon bago kayo dumating. Medyo mahirap, pero nakakaraos pa rin." Ani nito nang hindi nakatingin sa kaniya. "Ngunit nang mabuo ang pamilya natin, sunud-sunod ang paghihirap na dinanas ko. Hindi ko alam kung paano ko kayo bubuhayin, kung paano tayo makakakain araw-araw. Ang galit ko sa sarili ko ay ibinunton ko sainyo. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing tinitingnan ko kayo ay galit ang nararamdaman ko." Malungkot na saad nito saka binaling sa kaniya ang tingin na puno ng pagmamakaawa ang mga mata. "Hindi ko ginustong patayin si Xian, anak. Hindi ko sinasadya."
"Anak?" Ngumiti siya ng mapait. "Ni minsan, hindi mo kami itinuring na anak." May diing sambit niya habang nakatitig sa kamay ng ama na nakahawak sa kaniya. "Hindi dapat namatay si Kuya Xian."
Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
Huminga siya ng malalim at sinalubong ang titig ng ama. "Pumunta lang po ako rito para sabihin sa inyong pinapatawad ko na ho kayo." Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito at tinago iyon sa ilalim ng mesa. "Hindi ko ho ito ginagawa para sa ikagagaan ng loob niyo. Ginagawa ko ho ito para matapos na po ang sakit na dinaranas namin dahil sa inyo. Ayoko na pong balikan lahat ng bangungot ng nakaraan. Ang gusto ko na lang ho ngayon ay mabuhay ng masaya at payapa malayo sa sakit na ibinigay niyo."
Sunud-sunod ang pagpatak ng mga luha ng ama niya kasabay ng paulit-ulit na paghingi ng tawad nito.
"Alagaan niyo po ang sarili niyo," turan niya kapagkuwan ay tumayo na. "Sige ho, aalis na po ako."
Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng ama at agad na naglakad palayo roon. Narinig niya pa ang lakas ng paghagulgol nito pero hindi na siya nag-atubiling lumingon.
It's time to leave my nightmares in the past.
Bumuhos ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan nang makalabas siya sa lugar na iyon.
Natanaw niya si Storm na nakasandal sa hood ng sasakyan habang hinihintay siya. Ibinuka nito ang mga kamay pagkakita sa kanya na patakbo niya naman tinanggap. Niyakap niya ito ng sobrang higpit kasabay ng pag-agos ng mga luha niya. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kaniyang buhok at marahan siyang inaalo.
"Tapos na." Mahinang sambit niya sa gitna ng paghikbi.
Salamat at tapos na rin ang madilim na yugto ng buhay nila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro