CHAPTER 24
"We're here." Imporma ng ina ni Xianne pagkahinto ng sinasakyan nila.
Tumingin siya sa labas ng kotse. Tumigil sila sa tapat ng isang bahay. Maganda ito at halata na gawa ng isang mahusay na arkitekto.
Pinagbuksan siya ng pinto ng kaniyang ina habang tahimik na nakamasid lamang sa kanila ang asawa nito.
Kung maganda ang labas ng bahay, mas lalo naman sa loob nito. The house is modern designed and screams luxury.
Walls are painted with white with brown accent. Maraming figurines ang nakapalibot sa buong bahay, may malalaki at may maliliit. Maliwanag din ang buong lugar kahit na hindi nakabukas ang mga ilaw dahil sa malalaking salamin na bintana sa mga sulok nito.
Naputol ang pagsusuri niya sa bahay nang may marinig siyang isang matinis na boses.
"Mommy, daddy!"
Patakbong lumapit sa kanila ang isang batang lalaki na tantsa niya ay nasa sampung taong gulang na.
Nagpabalik-balik ang tingin niya sa mag-asawa at sa batang nakayakap sa tagiliran ng ina niya.
"Say hi, Naix." Nakangiting turan ng ina niya sa bata. "She's your ate."
"H-hi po." Nahihiyang bati sa kanya ng bata habang pilit nagtatago sa tagiliran ng ina.
Nagkaanak pala sila. Di na ako magtataka.
Pilit niyang nginitian ang bata saka bumalik ang blankong ekspresyon niya nang tingnan ang ina.
"Gusto mo bang magpahinga?" Tanong ng mama niya. "Halika. Sasamahan kita sa kwarto mo."
Nagpatianod na lamang siya sa kung saan man siya dadalhin nang nagpaiwan naman si Ninong Allen at yung anak nilang si Niax. Wala na siyang lakas para kumontra pa.
Umakyat sila sa ikalawang palapag ng bahay kapagkuwan ay tumigil sa harap ng isang pinto.
"Pinagawa ko to para sa'yo." Her mother proudly said after opening the door. "Alam kong gustung-gusto mo ang kulay na purple kaya halos magkulay purple na tong kwarto mo."
Pinalibot niya ang tingin sa buong kwarto at tahimik na napangiti.
Her mother is right. She loves purple. And the room is filled with purple stuff. The wall is painted with white while having a touch of purple accents. The bed is also white with purple.
Napadako ang tingin niya sa isang malaking cabinet na punung-puno ng mga laruan at nilapitan iyon.
"Yan yung mga laruan na binili ko taon-taon tuwing birthday mo at pag pasko." Kwento ng ina niya nang makita ang interes niya sa mga ito. "Araw-araw akong nagdarasal na sana makita na kita. And here you are, in front of me. It feels surreal." Naluluhang saad nito.
She didn't utter a word. She was just silently roaming around the room while her mother is just watching her.
Nang mapagod, umupo siya sa kama. Inabot niya ang isang unan at niyakap iyon ng mahigpit.
"Alam kong pagod ka." Sabi ng ina niya habang nakatingin pa rin sa kaniya. "Sige, magpahinga ka na. Mamaya na lang tayo mag-usap."
Her mother was about to leave the room when she spoke.
"Stay." Walang buhay niyang sambit.
Lumingon sa kanya ang ina na may nagtatakang mga mata. "Ano?"
She looked at her and sighed. "Please stay."
Binitawan ng ina niya ang pagkakahawak sa doorknob ng pinto at naglakad palapit sa kanya. Umupo ito sa tabi niya habang titig na titig pa rin sa kanya.
"Want to tell me what happened?" Taong nito matapos ang mahabang katahimikan.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa unan nang maalala ang dahilan ng pagkadurog ng puso niya.
"May sumpa siguro yung playground. Palagi kasi akong iniiwan don." She smiled bitterly. "He left me. Iniwan na ako ni Storm gaya ng pag-iwan mo sa'kin noon."
Naramdaman niya ang mainit na likidong pumatak mula sa mga mata niya.
Her mother softly caressed her head. "Maybe he has his reasons." Malumanay na saad nito.
"Ano?" She asked with a frustrated tone. "I can't think of any reasons why he wants to break up with me. At kung meron man, pwede niya namang sabihin eh. Iintindihin ko. Hindi yung ganito na halos mabaliw na ako sa kakaisip."
"Maybe he's not brave enough to tell you." Her mother reasoned.
Pinunasan niya ang mga luhang kanina pa pumapatak gamit ang unan na yakap niya. "Ang sakit sakit na kasi eh. Paulit-ulit na lang. Kailan ba matatapos tong sakit na nararamdaman ko?"
"Shh..." Pag-aalo ng ina niya. "Everything will be alright, dear. I'm here. You have me."
Her gaze went towards her mother. "Bakit hindi ko na kayang paniwalaan ang mga sinasabi mo?"
"Im sorry." Paghingi nito ng tawad at nagsimula na ring tumulo ang mga luha sa pisngi nito. "Patawarin mo ko kung hindi ko natupad ang pangako ko noon. Patawarin mo ako kung hindi ako nakabalik agad sa'yo."
"You left me." Puno ng hinanakit na sumbat ni Xianne. "Alam mo ba na nahanap ako noon ni papa? Alam mo ba kung gaano sya kagalit na tumakas tayong dalawa? At alam mo ba na halos ikamatay ko ang pananakit niya?" Halos hindi na siya makahinga dahil sa sobrang pag-iyak. "I needed you. Pero asan ka nung mga panahon na kailangan kita?"
"I... I..." Her mother shook her head and took a deep breath. "I have no excuses for what I've done. Mali ako. Maling-mali ako na iniwan kita. I'm sorry." Tiningnan siya nito sa mga mata at bakas sa mga ito ang sakit na dinaranas niya. "Nong araw na iniwan kita sa playground, na-aksidente ako habang naghahanap ng tulong. It was a hit-and-run. You're Tito Allen was the one who saved me and took care of me. I was comatosed for almost six months. At noong nagising ako, hindi ako makausap dahil nabalisa ako. Sabi ng psychiatrist na tumingin sa'kin, I was heavily traumatized to the point that I was locked up in my memories."
Xianne's mind couldn't process what her mother just said. Naaksidente ito noong araw na tumakas sila kaya hindi siya nito nabalikan?
Hinawakan nito ang kamay niya at marahang hinaplos. "And when I woke up from my reverie, ten years have passed. Sinubukan kitang hanapin pagkagising ko. I asked Allen for help to find you. Pero hindi ka namin mahanap-hanap. It was as if traces of you vanished from the world." Sunud-sunod ang pagpatak ng mga luha sa mata nito habang kinukwento ang sa kanya ang hirap na pinagdaanan nito. "Yun pala, binago mo ang pangalan mo. I never thought that you would use your brother's name."
She was shocked after hearing her last words. "B-brother? P-pangalan ko?"
Ang gulo. Bakit parang lalong gumulo?
Her mother looked at her with pain in her eyes. "Xianne is not your name, anak. It's your late brother's."
"L-late? Patay na siya?" Nanlaki ang mga mata niya at parang nabingi dahil sa narinig.
"Oo. Napatay siya ng ama mo." Ramdam niya ang sakit sa bawat salitang binibitiwan nito. "At nasaksihan mo kung pano siya walang-awang pinatay ng hayop na yun!"
Napahawak siya sa ulo niya nang bigla na lang umikot ang paningin niya at parang bigla na lang may pumukpok doon.
She gasped as she saw flashes of moving pictures in her mind. And all of that contains her and her brother at the hands of their father.
"Kuya, andyan na si papa." Nanginginig na sumbong ng batang siya.
Kagaya niya, punung-puno din ng mga pasa at galos ang buong katawan ng kapatid. Pero hindi tulad niya, kalmado lamang ito at nakuha pang ngumiti sa kaniya.
"Tara."
Hinawakan nito ang maliit niyang kamay at iginiya siya papasok ng malaking aparador nila.
"Dito ka lang, ha? 'Wag kang lalabas. Ipangako mo kay kuya." Inilahad nito ang hinliliit na daliri.
Ngumiti siya rito at ginaya rin ang ginawa nito pagkatapos ay dinikit sa daliri ng kuya niya saka pinagsiklop iyon.
"Pangako, kuya."
Pinatong ng kuya niya ang kamay nito sa ulo niya at marahan iyong hinaplos.
"Mahal na mahal ka ni kuya." Nakangiti nitong sabi sa kanya.
Sinuklian niya iyon ng isang matamis din na ngiti. "Mahal din po kita, kuya."
Kahit na sa murang edad, malawak na ang pang-unawa ng kuya niya. Hindi naman nagkakalayo ang edad nila pero kung mag-isip ito ay parang matanda na. Kaya naman pakiramdam niya ay ligtas siya kapag kasama ito.
Narinig nila ang pagbalibag ng kung ano sa labas ng kinaroroonan nila kasabay ng paghiyaw ng kanilang ina. Sinasaktan na naman ito ng ama nila.
"Dito ka lang." Huling sabi ng kuya niya bago isara ang pinto ng aparador.
Hindi niya nakita ang kaguluhang nangyayari sa labas pero rinig na rinig niya ang mga ito.
Ang hindi niya alam, pagkatapos bugbugin ng ama nila ang kanilang ina, iginapos niya ito ng mahigpit sa poste. Nabaling naman ang galit nito sa kuya niya na pilit pinipigilan ang pananakit nito sa ina nila.
Hinawakan ito ng kanilang ama sa braso at marahas na hinila patungong kwarto kung nasaan siya. Walang ibang nagawa ang ina nila kundi ang sumigaw.
Narinig niya ang pagkalampag sa labas lamang ng aparador kaya naman sumilip siya.
Nakita niyang nakahandusay sa sahig ang kapatid niya habang sinasakal ito ng kanilang ama.
"Kuya." Marahang sambit niya kasabay ng pagdaloy ng mga luha sa pisngi niya.
Akmang lalabas na siya ng aparador para sana tulungan ang kapatid nang mapansin siya nito. Kahit na nahihirapan ng huminga, pinilit pa rin nito na umiling para iparating na huwag siyang lalapit.
Labag man sa kalooban niya, sinunod niya ito.
"Mga wala kayong kwenta! Mamatay na kayo!" Sigaw ng ama niya habang mas lalo nitong hinigpitan ang paghawak sa leeg ng kapatid.
Kasabay ng walang tigil na pagbuhos ng mga luha niya, nasaksihan niya kung paano unti-unting nawala ang buhay sa mga mata ng kuya niya.
"Kuya Xian..." Mahinang sambit niya sa pangalan ng kapatid.
Mas lalong lumakas ang paghikbi niya.
I'm sorry, kuya. Sorry kung nakalimutan kita.
"K-kasalanan ko. Hindi ko siya t-tinulungan." Sisi niya sa sarili.
"Hindi, anak. Hindi mo kasalanan. Bata ka pa noon at hindi mo pa naiintindihan ang mga nangyari." Pag-aalo sa kaniya ng ina.
Nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ang ina. "A-ano ang totoo kong pangalan?"
Her mother wiped her tears off her face. "Lyka. Your real name is Lyka."
She froze.
"Ako nga pala si Storm." Nakangiting pagpapakilala ng batang lalaki sa kanya.
Hawak-hawak niya ang laruan nito at nakangiti itong tinugon. "Ako naman si Lyka."
"S-storm?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. "Ang batang yon ay si Storm?"
"What are you saying, anak?" Naguguluhang tanong ng kaniyang ina.
She looked at her mother's face and answered. "Si Storm. Nakilala ko na siya noon sa playground nung araw na nawala ka."
Ibig sabihin, matagal na silang nagtagpo ni Storm. Was it just all coincidence?
"Seems like you're destined to be together."
"But not." Kumirot ang puso niya sa sinambit. "I thought he loves me. I thought that we can console each other since we share the same experience from our abusive fathers. But he left me."
Nabaling ang atensyon nila nang bumukas ang pinto. It was Tito Allen. Hindi nila alam na kanina pa pala nito pinapakinggan ang pag-uusap nila mula sa labas.
He looked at her and spoke. "Storm was never abused."
"P-po?" Naguguluhan niyang tanong sa lalaki.
Pero ang sabi ni Storm, sinasaktan din siya ng kaniyang ama. Did he lie to me then?
Naglakad palapit sa kanila si Tito Allen at tumigil kapagkuwan sa harapan nila. Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya hindi kagaya ng pagkakakilala niya rito.
"Hindi siya kailanman sinaktan ng ama niya. It was all on his mind. Sinabi sakin ni Rodney, ang ama ni Storm, na nasaksihan niya ang pananakit sa kaibigan niya na halos ikamatay nito. He felt guilty. That memory traumatized him to the point that he had altered his memories." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at hindi makapaniwalang napatitig sa lalaki. "Ang akala niyang pananakit ng ama niya sa kaniya ay hindi totoo. Dahil sa ibang bata nangyari yon. Sa batang sinubukan niyang iligtas."
Bata?
Nasapo niya ang kaniyang noo nang nakaramdam na naman ng pagkirot mula roon. Bigla na namang may pumasok na alaala sa isipan niya.
Wala na siyang maramdaman dahil sa paulit-ulit na paghampas ng kahoy ng ama niya sa maliit niyang katawan. Kitang-kita niya ang pag-agos ng pulang likido mula sa katawan niya pero hindi pa rin tumitigil ang ama niya sa pananakit.
Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa. Ang gusto na lamang niya ay matapos na ang lahat. Kahit na ang buhay niya.
"L-Lyka." Kahit na bulong lamang iyon ay rinig na rinig niya ang maliit na tinig na nanggagaling sa labas ng bintana.
Nagulat siya nang makita ang mukha ng batang lalaki sa playground kanina. Si Storm!
Marahan siyang umiling na para bang pinipigilan niya itong tulungan siya.
"Ahh!" Malakas na sigaw ng ama niya.
Alam na niya kung ano ang kasunod niyon kaya inihanda na niya ang sarili.
'Sa wakas, matatapos na rin ito.' Bulong niya sa sarili.
"Tama na po!"
Iyon ang huling narinig niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.
Realization dawned at her. She was that child!
Nandoon si Storm!
Nakita nito ang pananakit na ginawa sa kaniya.
Ibig bang sabihin, siya ang batang tinutukoy nito na dahilan kung bakit nagbago si Storm?
"I will never be happy when I'm with you."
Naalala niya ang sinabi nito noong huli nilang pag-uusap.
Kaya ba sinabi nito na hindi siya kailanman magiging masaya sa piling niya dahil siya ang dahilan ng lahat ng sakit na dinaranas nito noon?
"I'm sorry. I don't love you anymore."
She smiled bitterly and the last drop of tear fell from her eyes.
I broke him.
Hindi na niya kinaya ang lahat-lahat na nalaman. Magmula sa kung bakit hindi nakabalik ang ina niya, sa totoo niyang pangalan, sa pagkamatay ng kapatid niya na nasaksihan niya, at sa pagsira niya sa buhay ni Storm.
Napahawak siya sa bracelet na ibinigay ni Storm sa kanya habang inaalala ang gwapong mukha nito.
I don't deserve his love. I don't deserve him. Kailangan ko ng tanggapin na hindi kami pwede... dahil masama akong tao.
Unti-unting gumuho ang mundo niya. At sa isang iglap, nawala ang kislap sa mga mata niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro