CHAPTER 22
"Ako nga pala si Storm." Nakangiting pagpapakilala ng batang Storm sa kaharap niyang batang babae.
Hawak-hawak nito ang kaniyang laruan at kitang-kita ang saya sa mukha nito. "Ako naman si Lyka."
Storm's head started spinning as the girl's identity sinked in his mind. It was like something is hammering his skull — hard and rough.
"Iho, ayos ka lang ba?" May pag-aalala sa boses ng ninong niya nang mapansin ang reaksyon niya.
"I...I..." He can't utter a word because of what he's experiencing right now.
He's lost at the flashes of memories that keeps entering his mind. Childhood memories of him and that girl.
"Allen, let's go." Rinig niyang tawag ni Tita Sanya pero hindi niya magawang ayusin ang sarili.
He felt Ninong Allen tap his shoulder. "Sige iho, una na kami. Take care of Xianne."
Hindi niya na napansin na nakaalis na ang dalawa. Tulala siya habang tinititigan ang kwarto ni Xianne.
I should be happy that we already crossed paths years ago. But why am I feeling this way? Bakit parang may mali?
He feels suffocated. Sumisikip ang dibdib niya kasabay ng pagsakit ng ulo niya. He needs to get out of here.
Wala sa sariling siyang naglakad. Hindi niya alam kung saan siya tutungo. Hindi niya alam kung anong nangyayari.
"P-papa." Halata sa mukha ni Lyka ang takot nang makita ang lalaki nakamasid sa kanila.
Galit na galit ang mga mata nito habang nakayukom ang mga kamao. Kahit siya ay nakaramdam ng takot sa lalaki.
"Siya ba ang papa mo?" Lakas loob na tanong niya.
Nanginginig na tumango si Lyka habang hindi pa rin inaalis ang titig sa lalaking ngayon ay naglalakad na palapit sa kanila.
"Lyka, nasaan ang mama mo?" Nakatiim-bagang na tanong ng lalaki nang makalapit ito.
Hindi sumagot si Lyka. Nanginginig ang buo nitong katawan.
Napakislot si Lyka nang hawakan ng lalaki ang kamay nito at pwersahang pinatayo. "Umuwi na tayo."
"Ayoko po!" Pagpupumiglas ni Lyka. Malakas na rin ang iyak nito dahil sa sobrang takot.
Kahit na natatakot siya ay nagawa niya pa ring tumayo at itulak ang lalaki. Pero dahil sa sadyang maliit ang katawan niya, parang wala ring nangyari.
"Bitiwan niyo po siya!" Sigaw niya rito.
Nabaling sa a kanya ang nag-aapoy nitong mga mata. "'Wag kang makikialam dito kung ayaw mong pati ikaw saktan ko!"
Natumba siya dahil sa biglaang pagtabig nito sa kamay niya. Wala na siyang nagawa nang hilahin ng lalaki si Lyka palayo.
Luminga-linga siya pero wala siyang nakitang mga tao sa paligid.
Mabilis siyang tumayo at hinabol ang dalawa na ngayon ay nakasakay na ng tricyle.
"T-tama na. Tama na." Paulit-ulit niyang bulong sa sarili.
Kahit anong pigil niya na maalala ang lahat, wala pa rin siyang nagagawa. Pilit na pumapasok ang mga ito sa isip niya. At lalong gumugulo ang utak niya. Lalong nagiging mali ang pinaniniwalaan niya.
Napapitlag siya nang may bumusina sa gilid niya. He was already in the middle of the street!
"Magpapakamatay ka ba?" Rinig niyang sigaw ng driver ng kotse.
Wala sa sarili siyang tumabi. Napahawak siya sa ulo nang biglang may naalala na naman siya. Isang busina!
Nagulat si Storm nang may bumusina habang pilit niyang hinahabol ang tricyle.
"Storm!" Napalingon siya sa sumigaw at nakitang nakadungaw mula sa bintana ng kotse ang ama niya.
Nakaramdam siya ng pag-asa. "Dad!"
Dali-dali siyang lumapit sa sasakyan at walang anu-ano'y sumakay dito.
"Dad." Naiiyak na sabi niya. "Yung kaibigan ko, kinuha ng masamang tao."
"Ano?" Nanlaki ang mga mata ng ama niya at nag-aalalang sinuri ang katawan niya. "Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?"
"H-hindi po. P-pero yung kaibigan ko." Umiiyak na turo niya sa tricycle na papalayo na sa kinaroroonan nila.
"Seatbelt." Utos ng ama niya na agad niya namang sinunod.
Mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan at hinabol ang tricyle.
He shook his head. "Imposible. Hindi siya ganun." Pangungumbinsi niya sa sarili.
Hindi niya kayang paniwalaan ang lahat. Hindi niya kayang paniwalaan na mabait ang ama niya. Na tinulungan siya nitong habulin ang lalaki. Na nag-alala ito para sa kanya.
"It can't be..."
He needs answers. Kailangan niyang malinawan sa kung ano ba talaga ang nangyari noon.
He needs to talk to his father.
Kaagad siyang pumara ng taxi at sumakay doon kapagkuwan ay sinabi kung saan siya dapat dalhin.
After almost twenty years, he finally have the courage to face his father. The one he loathed. The one who made him miserable.
But what if his memories of his dad were wrong? What if he was wrong all along?
"Dito ka lang, Storm. Tatawag lang ako ng tulong." Sabi ng ama niya saka bumaba ng kotse.
Tumigil sila di kalayuan kung saan tumigil ang tricyle. Nakita niyang bumaba ang dalawa doon. Kitang-kita niya kung paano nagpupumiglas ang batang babae mula sa pagkakahawak ng lalaki.
Hindi niya na kayang hintayin ang ama niya. Kailangan niya nang mapuntahan si Lyka kaya naman sinuway niya ang utos ng ama at dali-daling bumaba ng sasakyan.
Sinundan niya ang dalawa hanggang sa mapadpad sila sa isang kubo sa gitna ng talahiban.
Rinig na rinig niya ang sigaw ng bata na nagmumula sa loob ng bahay kaya naman patakbo siyang lumapit doon saka sumilip sa may bintana.
"Andito na po tayo, ser." Nabalik siya sa kasalukuyan nang magsalita ang driver.
Tumingin siya sa labas at nakitang nandoon na nga siya. Binayaran niya ang taxi kapagkuwan ay bumaba na.
Tinitigan niya ang bahay na ipinangako niya sa sariling hindi na niya babalikan. Pero eto siya.
Huminga muna siya ng malalim bago pinindot ang doorbell. Wala pang ilang minuto, bumukas ang gate at tumambad sa kanya ang gulat na gulat na mukha ng ina.
"A-anak." Hindi makapaniwalang tawag nito.
"Where is he?" Diretsong tanong niya.
Niluwagan ng ina niya ang pagkakabukas ng gate. "Nasa opisina niya."
Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay at tinungo ang opisina ng ama. Mabuti na lang at walang pinagbago ang loob kaya naman madali niya itong nahanap.
Hindi na siya kumatok. Malakas niyang binuksan ang pinto ng opisina na siyang ikinagulat ng ama niya na nakaupo sa harap ng mesa nito.
Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. "S-son."
"Mali ba ako?" Humahangos na tanong niya sa ama.
Naguguluhan itong tumingin sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Storm." Tawag ng ina niya na hindi niya namalayang sumunod sa kaniya.
He calmed himself down then looked straight into his father's eyes. "Am I wrong? Are all of my memories wrong?"
"A-anak—."
"Answer me, goddamn it!" Sigaw niya sa mga ito. He couldn't contain his frustration anymore. "Sagutin niyo ko dahil mababaliw na ako sa kakaisip! Mali ba ako, ha?"
He was almost pleading to his parents to answer him. His mother then started crying.
"Yes." His father sighed. "You were wrong all this time."
"H-how?" Naguguluhan niyang tanong sa mga ito.
"You're memories were altered." Sagot ng ama niya na ikinagulat niya.
"A-ano? P-pano?"
His father looked at him with sadness in his eyes. "Noong araw na kinuha ng lalaki ang kaibigan mo, nasaksihan mo ang grabeng pananakit na ginawa ng lalaking yun na halos ikamatay ng bata." Halata sa boses ng ama niya ang galit habang binabalikan ang araw na yon. "You were completely traumatized. Paulit-ulit mong sinisi ang sarili mo sa nangyari. Halos araw-araw ka noong umiiyak at sumisigaw na tulungan ang kaibigan mo. Hanggang sa dumating ang araw na hindi namin inaasahan."
"We were surprised when you told us that you hated us for hurting you." Sabi ng ina niya habang humihikbi. "You started exhibiting aggressive behavior. Na kahit ang sarili mo ay sinasaktan mo na."
Unti-unting nagbagsakan ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Naghalo-halo na rin ang nararamdaman niya. Bumubuo ito ng emosyon na hindi niya malaman kung ano.
"So we consulted a psychiatrist. And there we found out that you completely altered your memories because of severe guilt." His mother looked at his father with pity on her eyes. "You strongly believed that you were the one that was abused by your father, when in reality, you're not."
Realization dawned at him. "It was Lyka." Bulong niya sa sarili.
Inangat niya ang tingin at sinalubong ang naluluhang mga mata ng ama. "Bakit hindi niyo kaagad sinabi sakin?"
"We were scared." A tear dropped from his father's eye. "Natakot kami na baka ipagpatuloy mo ang pananakit mo sa sarili mo kapag nalaman mo ang lahat. And we couldn't afford to lose you."
"Inisip lang namin ang kapakanan mo, anak." Sabi ng ina niya habang hinahaplos ang likod niya.
"I loathed you for nothing." Puno ng sakit na sambit niya. "Wala akong kwenta!"
"N-no, son. Please." Her mother pleaded.
"I'm sorry. I'm so sorry." Paulit-ulit na paghingi niya ng mga tawad sa mga ito habang patuloy pa rin na umaagos ang mga luha mula sa mga mata niya.
Hindi niya kinakaya ang mga nalaman. He's heart is aching because of so much pain, anger, regret, and guilt. He needs to breathe.
Pilit siyang tumayo at naglakad palabas ng bahay nila. Narinig niya pa ang pagsigaw ng mga magulang sa pangalan niya pero nabingi na siya dahil sa nararamdaman.
He didn't realized that he was heading to the playground until he saw the swing.
Gabi na pero kitang-kita niya pa rin ang swing kung saan una niyang nakilala si Xianne.
Napahawak siya sa dibdib niya nang maramdaman ang kakaibang sakit.
Nanlaki ang mga mata ni Storm nang makita kung ano ang nangyayari sa loob ng kubo. Nanginig ang buo niyang katawan dahil sa takot.
"Tama na po!" Namimilipit na sigaw ni Lyka habang paulit-ulit itong pinapalo ng dulo ng sinturon ng lalaki.
"Wala ka talagang kwenta!" Bawat salita ng lalaki, katumbas ay isang malakas na palo kay Lyka. "Magsama kayo ng ina mo!"
Akala niya ay tapos na ang pananakit nito sa kaibigan pero nagkakamali siya.
Kumuha pa ito ng kahoy at iyon naman ang sunod na ginamit para paluin si Lyka na wala ng lakas para sumigaw.
Kitang-kita ang galit ng lalaki sa bawat hampas na binibigay nito sa batang nakahandusay. Napupuno na ng dugo ang paligid pero hindi pa rin ito tumitigil.
"L-lyka." Halos pabulong na sambit niya habang umaagos ang mga luha sa mukha.
Kahit na nanghihina na ang batang babae ay nagawa pa nitong magulat nang makita siya. Marahan itong umiling na para bang pinipigilan siyang tulungan ito.
"Ahh!" Nagulat siya sa lakas ng sigaw ng lalaki.
Bumubwelo ito at alam niyang isang malakas na hampas ang ibibigay nito kay Lyka na kapag nagkataon, maaaring ikamatay nito.
"Tama na po!" Hindi niya napigilang mapasigaw.
Bumaling sa kanya ang atensyon nito. Napaatras siya sa intensyon ng titig nito na nakapangingilabot.
Mabilis nitong tinabig ang bintana kaya naman kitang-kita na ang pinagtataguan niya.
Pinikit niya na lamang ang mga mata nang makitang hahampasin siya nito ng hawak na kahoy. Pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin siya nakaramadam ng sakit kaya naman iminulat niya ang mga mata.
Nagulat siya ng makitang binubugbog na ng ama niya ang lalaki.
"Wala kang karapatang saktan ang anak ko!" Sigaw ng ama niya sa ngayo'y nakahandusay ng lalaki.
"Dad! Tama na." Umiiyak na pigil niya sa ama.
Natigilan ito nang marinig ang nanginginig na boses niya. Tinapunan muna nito ng isang matalim na tingin ang lalaking wala ng malay bago siya nilapitan. Umuklo ito para magkapantay sila.
"Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?" Nag-aalalang tanong nito.
Mabilis siyang umiling at tinuro ang walang malay na ring si Lyka. "S-si Lyka po."
Malinaw na kay Storm ang lahat. Na ang kinilala niyang si Xianne ay si Lyka. Na ang babaeng mahal niya ay ang pinagmulan ng sakit na naramdaman niya. Na ito ang dahilan kung bakit nagalit siya ng mahabang panahon sa mga magulang niya.
"Ahh!" Hindi niya na napigilan ang emosyong nabuo sa dibdib niya. Napahagulgol siya sa sobrang sakit. Parang ulang umagos ang mga luha sa mga mata niya.
Xianne's smiling face suddenly crossed his mind.
That smile. The smile he thought healed his broken soul. That person he thought changed his life, was all along the reason why he's broken in the first place.
Do I still have the courage to face her again? Can I still love the person who made me broken?
—————
@amarANNEth's note:
Yung akala mong alam mo na ang problema pero yun pala may karugtong pa. Haha
How's the twist guyseu? Did you like it?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro