Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20

"Is everything all right there, Feb?" Tanong ni Storm sa kausap sa earpiece.

He's driving towards the event's place where the seventh anniversary celebration and product launch will be held. Ngayon ang mahalagang araw na iyon, kung kailan itinatag ang kumpanya niya.

"Yes, sir. Ikaw na lang ang hinihintay dito. Then we're all set." Sagot ni Feb mula sa kabilang linya.

"I'm already on my way." Imporma niya dito.

"Ok sir."

He then ended the call and focused on driving. Susunduin niya pa si Xianne sa bahay nito kaya naman mas inagahan niya ang pagpunta. The party will start at exactly seven o' clock, and it's just six in the evening.

Storm feels ecstatic at the moment. Noon, hindi naman gaanong ka-importante ang araw na ito dahil wala naman itong pinagkaiba sa ibang mga araw. But this time, it's different — because Xianne's a part of it.

Saglit na inihinto niya ang sasakyan dahil naka-stop ang traffic light. Nahagip ng mata niya ang isang jewelry store sa tabi ng daan. He suddenly felt the need to buy something for his girlfriend so he decided to stop by.

Kaagad siyang pumasok doon pagkaparada niya ng sasakyan sa tapat nito. Iba't ibang mga alahas ang bumungad sa kanya pagkapasok. There are lots to choose from but he's intending to buy a bracelet. They say that bracelets serve as romantic hand cuffs. Kaya naman gusto niyang iposas si Xianne at hindi na pakawalan pa.

Fuck! I'm being cheesy again!

Tumingin siya sa mga display mula sa salaming mga kahon pero lahat ng nakikita niya ay pare-pareho lang sa paningin niya.

Ano ba ang dapat na bilhin ko?

"Excuse me, sir." Tawag pansin sa kanya ng isang babae na sa tingin niya ay isang saleslady. "Ano po ang hanap niyo?" Nakangiting tanong nito.

He looked at her with his eyebrows furrowed. "A bracelet." Kapagkuwan ay binalik niya ang tingin sa mga naka display. "Alin ba dito ang maganda?"

"For your girlfriend, sir?" Tanong nito saka pumunta sa likod ng glass racks na tinititigan niya.

"Yes." He answered while still staring at the bracelets displayed. "She wants simple and I prefer beautiful."

"How about this, sir?" May kinuha ang babae sa mga naka-display at inilapag ito sa harapan niya. "This is a delicate diamond bracelet with gold chain, 18k solid gold adjustable bracelet."

It is simple yet beautiful indeed.

Xianne's smiling face pops up into his mind while staring at it.

"I'll take it." Aniya habang nakangiti.

Agad niya itong binayaran kapagkuwan ay lumabas na sa shop. Dali-dali siyang sumakay ng sasakyan at nagmaneho patungong bahay ni Xianne.

Buong biyahe siyang nakangiti at di niya namalayan na mabilis na pala siyang nakarating kina Xianne.

Kaagad siyang inihinto ang sasakyan. Kinuha ni Storm mula sa paper bag ang maliit na box ng bracelet at inilagay iyon sa bulsa ng loob ng tuxedo na suot saka bumaba.  He pressed the doorbell and Faith opened the gate for him.

"Pasok ka." Saad nito.

He obliged and went straight to the living area where Xianne and friends were giggling. Nakatalikod sa kanya si Xianne habang nakaharap naman sina Tala at Lois. Kahit na nakatalikod si Xianne, natigilan na si Storm. Lalo na noong humarap na ito sa kanya.

If slow motion was true, then it happened to him when Xianne turned around.

She is drop dead gorgeous!

Literal na natulala si Storm dahil sa kagandahan ng dalaga. No words can describe her right now.

She is wearing a gray and light pink gradient colored degradé side-skirt gown with illusion neckline. It has skin-toned long sleeves and beading all throughout the top to the half of the body. The slit is not to showy and the neckline is not to sexy. She curled her hair and let it down.

Nagising siya ng tumikhim si Faith. "Ano tititigan mo na lang ba ang kaibigan namin?"

He cleared his throat. "You look stunning!" Puri niya kay Xianne. "Seems like I have to guard you all night."

Naiisip pa lang niya na maraming lalaki ang titingin sa kasintahan ay parang ayaw niya ng pumunta sa party.

"Salamat." Masayang tugon ni Xianne. "Ikaw din. Lalo kang gumwapo."

"Kaya bagay tayo." He chuckled at his own joke. His gaze went towards her wrist. "Parang may kulang."

Nagtataka siyang tiningnan ng dalaga. "Ano yun?"

He walked towards her and stopped when they were a meter apart. Nakangiti niyang kinuha ang box mula sa kanyang tuxedo, binuksan iyon, at kinuha ang bracelet. He heard her friends gasped when they saw what was inside. Napalitan ng tili ang pagkabigla ng mga ito nang isuot ni Storm kay Xianne ang bracelet.

"There. All set." Aniya pagka-lock ng chain. "Let's go?"

Matagal itong tinitigan ni Xianne bago siya masuyong tiningnan. "Thank you."

He smiled. "All for you."

Aalis na sana sila nang pigilan sila ng mga kaibigan ni Xianne dahil magpi-picture daw. For remembrance daw kasi. They happily obliged.

At pagkatapos ng ilang minutong pagpi-picturan, hinayaan na silang makaalis. Dali-dali silang sumakay ng kotse at bumiyahe patungong event's place.

Pagkarating nila sa building, tinungo nila ang fifth floor kung saan naroroon ang hall. Maraming tao ang sumalubong sa kanila pagkarating sa ginaganapan ng party. All are wearing tuxedos and gowns following the theme of the party.

Storm's arm possessively encircled Xianne's waist when they started walking through the crowd of people. All eyes are on them but his attention is only focused on one person — Xianne — who is looking nervous as of the moment.

"It's okay." Storm said that made Xianne look at him. I'm here." Pag-papakalma niya sa dalaga.

She just responded with a smile before glancing at the people again.

Lahat ng dinaanan nila ay bumati sa kanya. He responded with a serious expression and with an intimidating aura all over him for what he's known for.

"Sir," Halos patakbong lumapit sa kanila si Feb na nakasuot ng kulay asul na gown.   "—good thing you're here. This way."

Iginiya niya sila sa isang table malapit sa stage at bumalik sa pinagkakaabalahan nito. And Storm being a gentleman as he is, pulled a chair for Xianne. He seated beside her.

"Dude!" Napalingon siya sa tumawag sa kaniya. It was his friends.

Lumapit ang mga ito at kanya-kanyang umupo sa bakanteng upuan sa table nila.

"Akala namin di ka na darating." Kian greeted.

Storm glared at him. "Gago. Party ko to."

"Sa'yo ba to? Kala namin imbitado ka lang." Pang-aasar ni Dylan.

He clicked his tounge.

Burn looked at Xianne who's confusedly staring at them. "And who's that gorgeous lady beside you?"

"Back off, Carillo. She's mine." Aniya kasabay ng paghawak niya sa kamay ng dalaga.

"Oh! You must be Xianne. The name's Burn." Parang walang narinig ang gago.

Nahihiya silang tiningnan ng dalaga. "H-hi."

"Bakit lahat na lang ng nakikilala nating babae, takot sa'yo?" Tudyo ni Ash kay Burn.

"Fuck you!" Sigaw nito.

"Prime, Prince, Dylan, Kian, Ash." Turo niya isa-isa kasabay ng pagbigkas niya ng pangalan nila. "Don't mind their craziness. Their nice...sometimes." Bulong niya kay Xianne.

Natahimik naman ang mga kaibigan niya ng dumilim na ang paligid. The program started with a video presentation of his company through the years. Pinakita ang pinakauna hanggang sa kasalukuyang kalagayan ng kumpanya. And as he looked at it, he never felt so proud of what he achieved.

The emcee then started to talk after the video. "Ladies and gentlemen, let us all give a round of applause to the man behind the success of Torabilla Toy Company, Mr. Storm Torabilla!"

Malakas ang palakpakan ng nga tao pagkatapos banggitin ang pangalan niya. Tumingin muna siya kay Xianne na nakangiti sa kanya bago tumayo at naglakad oatungong stage.

"Go Torabilla!" He heard his friends cheered.

"Paiyakin mo kami!" That was definitely Prime.

Hindi niya ito pinansin at umakyat na lang sa stage saka kinuha ang  iniabot na mic.

He cleared his throat and looked at the crowd. "Thank you for attending the seventh year anniversary of Torabilla Toy Company." Panimula niya. "I want to correct what was stated a few moments ago. I am not the only one who's behind the success of the company. The employees are also a part of it so they should be commended. If it weren't for them, Torabilla Toy Company would not be what it is now. So I want to say my heartfelt gratitude towards all of you."

Hindi niya magiging imposible ang lahat ng iyo kung hindi dahil sa mga empleyadong nag-tyaga sa kanya.

He continued. "I would also like to thank my friends," saby tingin sa mga kaibigan niya na kumakaway-kaway pa, "and to my girlfriend, Xianne." He smiled when their eyes met and she gave him an encouraging smile. "Because of her I found another reason to be happy again and to view life in a different perspective. Thank you is not enough but I think an 'I love you' will be." Aniya habang titig na titig sa dalaga na hindi na niya narinig ang hiyawan ng mga tao sa paligid. "And also because of her, I had came out of a new product that will surely be loved by the children. Please welcome our new toy!"

Biglang bumukas ang maliit na square sa gitna ng stage at umangat mula rito ang mga laruan na nakapaloob sa salaming kahon.

Staring at it, he felt proud and ecstatic.

*****

Xianne's heart is beating so fast!

Pa'no ba namang hindi, eh grabe makatitig sa kanya si Storm kanina. At nag-I love you pa ito sa kanya sa harap ng maraming tao.

Ramdam niya ang pamumula ng mukha kaya naman pinapaypayan niya ito gamit ang kamay. Uminom na rin siya ng tubig pero hindi pa rin kumakalma ang puso niya.

Shocks! Anong level ba ng kilig 'to?

Nabaling ang tingin sa kanya ng mga kaibigan ni Storm nang tumayo siya.

"Ladies room lang ako." Paalam niya sa mga ito saka nagtungo sa restroom.

Mabuti na lang at walang tao sa loob ng ladies room. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at kitang-kita ang pamumula ng mukha niya.

Kalma, self. Kailan ka ba masasanay sa ginagawa ni Storm?

Ilang buntong-hininga pa ang ginawa niya bago niya napag-desisyunang lumabas at bumalik na sa table nila.

"Excuse me." She stopped when someone approached her.

It is a woman, maybe in her early 50's, that called her. Kahit na may katandaan na ang babae, sobrang ganda pa rin nito. Mukhang may lahi din dahil sa meztizang balat niya. May kasama rin itong lalaki na tantsa niya ay ilang taon lang ang tanda sa babae. Gwapo din ang mukha nito. Pero parang may kamukha ang lalaking iyon, di niya lang mahinuha kung sino.

"Po?" Magalang na tugon niya rito.

The woman smiled at her. "Are you Storm's girlfriend?" Nagulat siya sa tinanong nito. "I saw the way he looked at you from the stage. So I presume that your his girlfriend."

Bigla naman siyang nakaramdam ng hiya. Ganon ba kahalata ang titig sa kanya ni Storm kanina?

"Ahh. Opo ako po."

"Hi, iha. I'm Amor," pagpapakilala nito sa kanya, "and this is my husband, Rodney." Turo nito sa katabing lalaki. "We're Storm's parents."

Hindi niya naitago ang pagkabigla dahil sa narinig. Nanlaki ang mga mata niya at umawang din ang mga labi.

Storm's parents?

Saka lang na-realize ni Xianne ang pagkakahawig ng lalaki kay Storm. Kaya pala may kamukha ito!

"Ah! Hello po. I'm Xianne Dei Oliva." She gave them a shy smile.

Shocks! Ano ba ang gagawin ko?

"Nice to meet you, iha. Ang ganda mo naman." Puri nito sa kanya. "How are you and my son?"

The woman's eyes were full of hope, maybe to know how her son is. While the man was just silently looking at her. Naghihintay rin ng isasagot niya.

What am I suppose to tell them?

"Thank you po." Saad niya at tiningnan ang mukha ng babae. "Ok naman po kami. Hindi niya po ako nagagawang sungitan gaya ng ginagawa niya sa iba." Natawa siya ng mahina. "People may think that he's a bad person, but I think otherwise. Sobrang bait niya po at ramdam ko na sobrang mahal niya po ako."

The woman's face glowed after she answered. Mukhang nasiyahan ito sa sinabi niya. "That's good to hear. Akala namin, tuluyan nang naging bato ang puso niya." Xianne stilled when the woman held her hands and brushed it softly. "Thank you for seeing the good in him."

She smiled. "It's my pleasure po."

"What are you doing here?" Napaigtad si Xianne nang biglang may nagsalita mula sa likuran niya. It was Storm.

By the look on his face, he's not happy on what he's seeing right now. Magkasalubong ang mga kilay nito at napaka-dilim ng expression ng mukha.

His gaze went towards her hands that is still being held by his mothers'. Pinulupot ni Storm ang braso sa beywang niya at hinila palapit dahilan para mabitawan niya ang kamay ng ina nito.

"Son, we're here to support and congratulate you." Ngayon niya lang narinig ang boses ng ama ni Storm pero halata rito ang lungkot at pangungulila sa anak.

Ano ba talaga ang nangyari sa kanila? Bakit parang iba ang nakikita niyang ugali ng mga ito sa ikinuweto ni Storm?

He coldly stared at them. "I don't need any of those."

"Anak..." Halos nagsusumamong tawag ng ina nito.

"Don't call me that. As far as I remember, I don't have a family." Walang emosyong sabi ni Storm.

"No." His mother lightly shook her head. "Mag-usap naman tayo, anak. Let us explain to you everything." Naluluhang pagmamakaawa nito.

Pero hindi nagpatinag si Storm. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa beywang niya. "Binigyan ko kayo noon ng pagkakataon, pero sinayang ninyo."

"It's for your own safety." Saad ng kaniyang ama.

"No. It's for yours!" Storm raised his voice making Xianne flinch.

"Storm..." Mahinang tawag niya sa binata dahilan para dumako ang tingin nito sa kanya.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Storm pagkakita sa kanya. Huminga ito ng malalim bago tumingin ulit sa mga magulang.

"Hahayaan ko kayong dumalo rito, pero huwag niyo akong lapitan o ang girlfriend ko." Huling sabi nito kapagkuwan ay iginiya siya palayo sa mga matanda na naiwang may lungkot sa mga mukha.

Alam ni Xianne na ayaw pag-usapan ni Storm ang tungkol sa mga magulang nito kaya naman hindi niya na ito tinanong.

He'll tell me when he's ready.

"'Nong, buti nakadalo kayo." Napalitan ang madilim na ekspresyon ni Storm ng masaya nang makita ang isang lalaki na hula niya ay kasing edad lang ng ama ni Storm.

"Siyempre naman. Congratulations nga pala, 'nak." Bati nito sa binata pagkalapit sa kanila.

"Thank you. By the way Xianne, this is Ninong Allen." Pagpapakilala nito sa lalaki. "'Nong, this is Xianne, my girlfriend."

"Kamusta po?" Nahihiya niyang sambit.

"Ayos lang, iha." Sagot nito kasabay ng mapanuksong tingin sa kanilang dalawa ni Storm na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa beywang niya. "Kaya naman pala nagbago ang ugali nitong inaanak ko, eh may kasintahan na pala. You look beautiful, iha."

She smiled. "Thank you po."

"You're making her uncomfortable, nong." Biro ni Storm kay Ninong Allen.

"Am I?" Natawang turan ng matanda.

Storm gladly asked him. "Sino nga pala kasama niyo?"

"Oh!" Ninong Allen exlaimed. "I'm with my wife. She's..." Pinalibot nito ang tingin sa buong lugar na para bang may hinahanap. He smiled when he saw what he's looking for. "—here."

Lumingon silang dalawa dahil sa sinabi ng matanda.

Xianne froze when she saw a woman walking towards them. Pamilyar ang mukha nito sa kanya na para bang nakita na niya ito noon.

The way the woman smile and walks is really familiar. May kung ano sa loob niya na gustong makilala ang babae. Pilit niyang hinalukay ang isip para malaman kung sino ito.

"Tahan na anak. Gusto mo ba ng lollipop? Bibilhan kita."

Biglang pumasok sa isip niya ang malabong mukha ng ina. Her mother's face is blurry in her memory. Tanging ang boses lamang nito ang naalala niya.

Puno ng pagtataka niyang tiningnan ang babae na ngayon ay nasa harapan na nila.

Ninong Allen gleefully spoke. "This is my wife..."

"Konting tiis na lang, anak. Makakalaya din tayo mula sa ama mo."

Umiiyak na ang mama niya sa alaala niya. Tumatakbo sila at parang iiwan siya nito sa isang lugar.

Bakit bumabalik ngayon ang alaala ko? Anong nangyayari?

"Sanya."

Nang sambitin ni Ninong Allen ang pangalan ng babae, maraming alaala ang bumalik kay Xianne. Isa-isa itong pumasok sa isip niya.

"'Wag kang aalis dito, anak. Hihingi lang ako ng tulong. Babalik ako, pangako."

Biglang sumakit ang ulo niya. Sumikip din ang dibdib niya dahilan para mahirapan siyang huminga. Napakapit siya sa braso ni Storm dahil naramdaman niyang naghihina ang mga tuhod niya.

"Are you okay?" Narinig niya ang pag-aalala sa boses ni Storm pero hindi niya magawang iangat ang tingin.

Ang sakit!

Ang sakit ng ulo niya. Parang may pumupukpok dito. Ang sakit din ng puso niya. Parang may kung anong dumudurog dito.

"Kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni mama."

Unti-unting luminaw ang mukha ng mama niya sa alaalang bumabalik. Lalong sumikip ang dibdib niya nang makitang kamukhang-kamukha ito ng babaeng kasama ng ninong ni Storm na ngayon ay bakas sa mukha ang pag-aalala habang nakatingin sa kanya.

Nag-uunahang tumulo ang mga luha ni Xianne nang mapagtanto kung sino ang babaeng kaharap.

"M-mama." Mahinang sambit niya bago unti-unting nawalan ng lakas.

The last thing she heard was Storm calling her name — then everything went black.

—————

@amarANNEth's note:

If you're wondering about the design of the bracelet Storm bought and the gown Xianne wore, here it is.

Xianne's gown ⬆️

The bracelet ⬆️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro