Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

"So, madalas ka ba dito?" Tanong ni Xianne kay Storm habang kinakain niya ang dirty ice cream na nasa apa na nilibre sa kaniya ng binata.

Nasa playground pa din sila habang pinagmamasdan ang mga bata na naglalaro sa di kalayuan.

"Not really. Ikaw?" Balik - tanong nito.

"Hindi din. Palagi lang akong napapadaan dito since malapit lang dito ang pinagtatrabahuan kong café." She answered while licking the ice cream.

"Ah." Patango-tango ito. "So you work in a café."

"Oo. Part time job ko." She doesn't really know why she's saying those words to him.

"I see." Maikli nitong sagot.

Tiningnan niya ito na may nagtatanong na mata. "Ikaw? Bakit ka napasyal dito?"

He sighed. "Honestly, nagpunta ako rito para makapag-isip isip ng strategy para makabawi ang kumpanya ko. I need to think of a toy that will be loved by the people."

"Kaya sa playground ka nagpunta?" Naguguluhang tanong niya.

He shrugged. "Kind of."

"Kung ganon, bakit di ka magtanong sa mga bata kung ano ang gusto nila?" Suggest niya.

Napatingin sa kaniya si Storm na para bang umaasa na may solusyon siyang hawak sa problema nito.

She continued. "Try mo lang naman. Since mga bata mostly ang bibili ng gawa mo, why don't you ask them what they want? Kung ang target mo naman ay young at heart, ask oldies kung ano ang gusto nila. Then combine those two ideas to formulate one solution. It's just like hitting two birds with one stone. Gagawa ka ng laruan na hindi lamang para sa bata, pero para rin sa mga matatanda na feeling bata." Mahabang paliwanag niya.

Seryoso lang na nakatitig sa kanya si Storm. Parang di kapani-paniwala ang sinabi niya. She again licked the melting ice cream.

"What I'm trying to say is, explore the world of the children. Hindi ko naman sinasabi na huwag mong pakinggan ang suggestions ng mga employees mo kasi alam naman nila ang ginagawa nila. Ang sakin lang, Kung hindi mo kayang maging isip-bata, edi mismong bata ang tanungin mo. Then saka mo i-consider ang suggestions ng employees mo."

Mukhang napaisip si Storm sa sinabi niya dahil matagal siya nitong tinitigan. "You're right." Anya pagkatapos ng ilang minutong pananahimik. "Your idea is brilliant! Thank you!"

Ang ngiti ng lalaki ay unti-unting naging tawa. Nagningning ang mga mata nito tanda na masaya siya sa oras na iyon.

And Xianne is just intently staring at him. She was captivated by the sound of his laugh. Para itong musika sa pandinig niya.

Naputol ang sandaling iyon nang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang screen at nakita ang message ng boss niya. Pinapapunta na siya ng café.

Binalik niya ang tingin niya kay Storm na ngayon ay nakatitig na di sa kanya. "I have to go." Paalam niya saka tumayo na.

Tumayo naman si Storm at mukhang nag-aalangan sa sasabihin niya. "H-hatid na kita?"

She smiled. "Hindi na. Malapit lang din naman ang café dito. Sige, una na ako."

"Teka." Pigil ni Storm sa kanya at biglang hinawakan ang pulsuhan niya. "We'll see each other again, right?"

She nodded. "Oo naman."

Pagkasabi niya nun, binitawan na ni Storm ang kamay ni Xianne. Nginitian niya muna ito bago tumalikod at naglakad na papalayo sa binata.

*****


"I'll give you a whole week to provide me a proposal for our strategy. And if you have a toy in mind, write it down and I'll think if it'll fit for our concept." Storm instructed his employees with his forever serious face.

Lahat naman ng mga ito ay sumagot sa kanya. Natapos ang meeting nila ng matiwasay kapagkuwan ay bumalik siya ng opisina niya na magaan ang mood.

For the first time, he's calm for the whole three days since he met Xianne. Malimit niyang masigawan ang mga empleyado at kokonti na din ang nasisisante niya.

Even the people around him notices the change, pero walang may lakas ng loob na punahin iyon. Pwera na lang sa mga loko-lokong kaharap niya ngayon.

"At ano namang ginagawa niyo dito?" May diin na tanong niya sa mga lalaking prenteng nakaupo sa sofa ng opisina niya. At dahil nasa anim sila, naupo ang dalawa sa sahig.

"Hey, bro!" Bati sa kanya ni Prime habang nakataas pa ang isang kamay.

Hindi niya ito pinansin at nagtungo sa swivel chair niya. Inihubad niya ang sariling coat at isinabit iyon sa upuan kapagkuwan ay umupo siya doon.

"I asked what the hell are you doing here?" He said with gritted teeth.

Dylan answered. "Chill,dude. Chine-check lang namin kung nasa tamang katinuan ka pa."

He heard Burn chuckled. "Tsaka na-miss kasi kita eh." He almost chocked when he pouted.

"Fuck you!" Mura niya dito sabay tapon ng nahawakang ballpen. Agad naman itong nasalo ni Burn.

"Love you too." Pang-aasar pa nito.

He just showed him his middle finger then that shut him up.

Ash tsked. "Tsismis kasi nitong si Prime na kalmado ka daw. Kaya ayun, sumugod kami. Baka hindi ikaw yung tinutukoy niya."

Tumaas ang kilay niya sa narinig mula sa kaibigan. "Ano naman kung kalmado ako?"

Lahat ng kaharap ay napatingin sa kaniya at bahid sa mga ito ang gulat.

"Dude." Tawag sa kanya ni Kian at sinapo ang bibig gamit ang isang kamay. "Sa ating lahat, ikaw ang pinaka mainitin ang ulo at hindi kalmado."

"Yeah. Himala na talaga ang nangyari ngayon at nabalitaan pa namin na wala ka daw sinisante ngayong araw o sinigawan man lang. Dude! It's a miracle!" Dugtong pa ni Prince habang nakataas ang dalawang kamay at nakatingin sa itaas.

"Walang himala!" Singhal niya sa mga ito.

"Ang himala ay nasa puso ng tao!" Biglang sabi ni Burn na ikinakunot ng noo niya.

"Nasa puso nating lahat!" Mas lalong kumunot amg noo niya ng sabihin iyon ni Prime habang naka-finger hearts sign pa.

Napailing-iling na lang siya at hinanap ang mga papeles na dapat niyang pirmahan.

Napaangat ang tingin niya ng makarining ng singhap mula sa mga kaibigan. Nagsalubong ang kilay niya ng makita ang takot na expression sa mga mukha nito na para bang may nakitang di kaaya-aya.

"What?"

Si Ash ang unang nakabawi sa kanila. "Sino ka? Anong ginawa mo sa kaibigan namin?"

That made him frown. "The fuck?"

"The way you cursed, you're definitely Storm. Pero, you're still calm. No, you're not Storm." Iiling-iling na sabi ni Kian na para bang kinukumbinsi ang sarili.

Bigla na lang tumayo si Prime at inilabas ang isang halaman sa bulsa niya. Kung saan yon galing? di niya alam. Mabilis itong lumapit sa kanya na seryoso lamang ang titig. "Hawakan niyo siya dali!"

Kaagad namang lumapit sa kanya ang mga kaibigan at nagulat siya ng hinawakan ng mga ito ang buong katawan niya.

Si Dylan sa kanang kamay niya, si Ash sa kaliwa. Kanang paa naman kay Kian at ang kaliwa ay kay Prince. Si Burn ay hinawakan ang ulo niya.

"What are you doing you motherfucker? Let go of me assholes!" Pero kahit anong sigaw at pagkalas niya ay di siya hinahayaan ng mga ito.

At sa halip na bitawan siya, tulung-tulong ang mga ito na buhatin siya at inilapag sa gitna ng center table.

Pumunta sa harapan niya si Prime na ngayon ay may panyo na sa noo na akala mo ay isang ermitanyo. Itinaas nito ang kamay na may hawak na halaman at sinimulang iwagayway iyon.

"Lumabas ka sa katawan ng kaibigan namin, demonyo ka!" Ani nito sabay hampas sa kaniya ng hawak na halaman. "Lumabas ka dyan! Kilala namin ang orihinal na demonyo sa katawan niyan, kaya lumayas ka!" Sunud-sunod sunod ang hampas nito sa kaniya.

Kung kanina ay kalmado siya, ngayon ay uminit na naman ang ulo niya at alam niya sasabog na iyon. He's pissed, alright. At sa sunod na hampas ni Prime, sumigaw na siya ng napakalakas. "Kayo ang demonyo, mga hayop kayo! Bitawan niyo nga ako at lumabas kayo sa opisina ko mga p*tang ina niyo! Punyeta pag ako di niyo binitawan —."

Kaagad naman siyang binitawan ng mga kaibigan na ngayon ay nakangisi na.

"O si Storm naman pala kausap natin kanina, kala ko mabuting espirito na." Tumatawang sabi ni Prince.

"Kala ko pa naman may bagong demunyo sa katawan niya na pinalayas ang dating namamahay dyan." Panunudyo ni Kian.

Sinapol niya ng masamang tingin ang mga ito at itinuro ang pintuan. "Lumabas na kayo mga gago!" Sigaw niya sa mga ito at pangisi-ngisi lang na naglakad palabas.

"Bye, dude!" Parang wala lang na sabi ni Prime sa kanya na akala mo ay walang ginawang ka-weirduhan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro