Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11

"Xianne," tawag ni Sarah — cashier sa café na pinagtatrabahuan niya. "Pakidala naman nito sa table 7."

Tinapos muna ni Xianne ang nililinisang table bago pinuntahan ang order.

It's her day-off from the company. At sa tuwing day-off niya ay nagpa-part time siya sa Hiraya Café. Mabuti na lang mabait si Miss Hanna, ang may-ari ng café, dahil hinahayaan siya nito na magtrabaho base sa kaya niyang oras. Kailangan niya rin kasi ng extra income para sa panggastos sa bahay.

She picked up the tray which has a mocha cake and brewed coffee. Kaagad niya itong dinala sa table 7 kung saan nakaupo ang isang babae na nakaharap sa laptop habang naka-earphones.

"Sabi ko naman sayo, magpakabit ka na lang ng wifi sa bahay." Aniya pagkalapit at isa-isang inilapag ang mga order sa harap ng babae. "Nakakahiya kay Miss Hanna, Faith."

Faith looked up at her and removed her earphones. "Ba't naman ako mahihiya? Eh, umoorder naman ako pag nakikigamit." Pagdadahilan nito.

Ang kaps talaga ng muks nito! — Lahat naman pala kami.

She chuckled. "Di ba hassle sa'yo?"

"Not at all, babs." Tawag niya kay Xianne gamit ang endearment nilang magkakaibigan. "Mas hassle pag sa bahay. Di ako mai-inspire. Tsaka wala namang gagamit nun buong araw since lahat tayo may work at wala parati sa bahay. Sayang lang ang pera."

"Oo na nga lang." She surrendered. Knowing Faith, hahaba ang usapan nila kapag sumagot pa siya.

Aalis na sana siya nang magsalita ulit ang kaibigan. "Nga pala, babs. Mamaya ang alis ko papunta sa resort."

"Ah. Sige." Sabi kasi ni Faith na doon siya maghahanap ng inspirasyon. Blangko na rin kasi ang isip nito kaya wala siyang maidugtong sa istoryang ginagawa niya.

Faith is a well-known writer under a pen name. Lowkey lang siya at hindi nagpapakilala.

"Edi 'di ka makakasama sa pagsundo kay Tala?" Tanong niya dito.

Faith giggled. "Iwe-welcome ko na lang siya pagbalik ko. Papasalubungan ko na lang para di magtampo."

"Kami rin! Pasalubong din namin!" Xianne playfully said and crossed her arms over her chest.

Faith tsked and looked at her with a flat expression. "Oo na. Alam ko naman na di kayo papahuli."

Natawa siya ng mahina. They really know each other very well.

"Ms. Olivar?" Napalingon si Xianne nang may tumawag sa kaniya mula sa likuran.

Namumukhaan niya yung babae. It's Feb! Secretary ni Storm.

"Po?" Magalang niyang tanong habang lumalapit dito.

Sa tingin niya ay hindi naman nagkakalayo ang edad nilang dalawa. Pero natural na sa kanya na magalang na sumagot kapag hindi niya ka-close ang kausap.

Feb looked at her from head to toe making her conscious. Hindi naman jugdemental na tingin ang binigay nito sa kanya pero nailang pa rin siya.

"What are you doing here?" Nagtatakang tanong nito.

She awkwardly smiled. "Day-off ko po kasi ngayon. Kaya nagpa-part time po ako rito."

Feb nodded like she understands the situation.

"Kayo po?" Pahabol niya.

"Ah! I just ordered Sir Storm's snack. Pati na rin para sa mga employees na ka-meeting niya." Feb answered while waving the circle thing on her hands — yun yung magba-vibrate kapag ready na yung in-order mo. "Mainit na naman kasi ang ulo nun tsaka kumukulo na naman ang dugo. Stress na siguro sa paggawa ng panibagong product."

Na-imagine ni Xianne ang itsura ni Storm na high blood na naman.

Ang lalaki talagang yun, napakaseryoso pagdating sa trabaho.

Di niya napigilang matawa ng mahina. Feb confusedly looked at her. Nagtataka siguro kung bakit siya tumatawa.

"Can I ask a favor?" She asked Feb. Yup! Confirmed. Makapal talaga ang mukha nila.

Tumango naman ang kaharap. "Sure. What is it?"

"Wait po." Aniya at dali-daling pumunta ng locker niya.

She doesn't know if it will relieve Storm's stress but she hopes that it will make him smile.

Well, a woman can only hope.

*****

Storm is in serious mode again. Ramdam niya na nate-tense ang mga empleyado na kasama niya sa planning room. But he doesn't care.

They have to finish this ASAP. Balak niyang i-launch ang laruan na ginagawa nila by next month.

"Your ideas are good." Saad niya habang magkasiklop ang dalawang kamay sa ilalim ng baba. "But not the best. You all know that I don't settle for a good product — but for the best one. I think that it just needs alterations."

One employee managed to speak. "Anong klase pong alterations, sir?"

He looked at them seriously making them freeze. "I don't want it to be battery-operated. It will not be called playing if the child will only stare at it while it does its thing. And do something with the materials. I want it to look expensive but still affordable. Also, make two versions of it — one for the girls and other for the boys."

Kaagad namang nilista ng mga tauhan niya ang mga sinasabi. He can say that they're already at eighty percent of their work. Pagkatapos kasi ng naranasan at nasaksihan niya sa orphanage ay na-motivate siya na makagawa ng laruan.

Sa katunayan nga ay may model na ng laruan sa harapan niya. He followed Xianne's suggestions and he is currently staring at the product of her idea.

Xianne played a big part on this toy. Kaya gayon na lamang ang paniniguro niya na maganda ang kalalabasan nito.

While staring at the toy, Xianne's face suddenly flashed on his mind again.

Ano kayang ginagawa niya ngayon?

Habang iniisip niya ang dalaga, may naglapag ng isang cup ng kape sa harapan niya. Umangat ang tingin niya at nakita si Feb na ngiting-ngiti.

He confusedly looked at her.

Nginuso nito ang kape na nilapag at pinaikot iyon dahilan para makita ang isang pink na sticky note sa likod niyon.

Stressed? Take a break, breathe, eat a cake. Then, smile. 😄

-Xianne

Wala sa sariling napangiti siya sa nabasa. Xianne made him smile with just one note.

Malala na nga yata talaga ako.

"Let's take a break, guys." Aniya sa mga empleyado.

They all become relaxed after his announcement. They seemed exhausted a while ago and he feels a little bit guilty about it. Feb distributed the cakes and coffee he ordered for everyone.

He can't help but to stare at his coffee — at the pink note actually — again. Kinuha niya iyon at paulit-ulit na binasa ng tahimik. Kumawala ang ngiti sa kanyang mga labi at naisip na naman ang magandang mukha ni Xianne.

BUONG araw silang halos nasa loob ng planning room at nagta-trabaho. They went home late. It was already dark when he arrived at his house.

Kaagad siyang naligo at nagpalit. Dahil sa hindi pa naman siya gutom, hindi na rin siya nag-abalang magluto. Kumuha na lang siya ng beer sa ref kapagkuwan ay umakyat sa second floor. He went to a room at the end of the hallway — his haven.

Iba't ibang laruan ang bumungad sa kanya pagkabukas ng ilaw. It was his collection of toys that he made from his company. Mula sa pinaka-una hanggang sa pinaka-latest na laruan ay nandoon. May isang mahabang sofa rin doon at maliit na center table.

He sat on the sofa and stared blankly at his collection.

Bukod sa playground, isa rin ito sa pinupuntahan niya kapag gusto niyang makapag-relax. It gives him solace.

His taste seems childish — playground and toys. But there's a reason for that.

Napukaw si Storm nang marinig niyang mag-ring ang cellphone sa bulsa. He immediately answered it after seeing Xianne's name on the screen.

"Hello?"

No one answered at the end of the line making his forehead creased.

"Xianne?" Tawag niya sa pangalan nito.

There was a long pause before Xianne spoke. "S-Storm..."

Her voice... It was almost a whisper.

Nag-alala siya nang marinig ang nanginginig na boses ni Xianne sa kabilang linya.

"Ayos ka lang ba? Bakit gising ka pa?"

It was already past midnight.

"W-wala... Binangungot lang. B-but I'm fine now... S-sorry sa abala." Pagkasabi noon ni Xianne ay bigla na lang naputol ang tawag.

Ilang minuto siyang nakatitig sa kawalan pagkatapos ng tawag ni Xianne.

He's goddamn worried!

Nilibang niya ang sarili sa pagkalikot ng mga laruan. Dumapo ang tingin niya sa isa — it was his most favorite and the most important one.

Kinuha niya iyon at dali-daling lumabas ng kwarto at ng bahay. Gamit ang sasakyan, nagmaneho siya patungo sa bahay ni Xianne.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro