Chapter 7 ~ Game Na!
LET-LET'S POV
Matapos ang ilang minuto ay naglabasan na ang mga players sa bawat team. Nagpalinga-linga pa rin ako sa paligid upang hanapin si Remy pero hindi ko pa rin siya mahagilap.
"Uy! Si Kevin oh! Kevin!" biglang sigaw ni Isa at napunta ang atensyon ko sa team ng CNHS. Nakita ko doon si Kevin na nakangiti habang kumakaway sa amin. Kinawayan din siya ni Isa.
Tinanggal ko ang atensyon ko kay Kevin at nagpatuloy sa paghahanap kay Remy. Napansin siguro ni Isa ang aking paghahanap at naramdaman ko ang pagsiko niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Uyy, si Let-let! Hinahanap si Jeremiah niya. Ayiiee... kilig naman ako!" patuksong sabi sa akin ni Isa, hinamapas ko siya sa balikat.
"Manahimik ka nga, Isa! Besides" tapos nagpalinga-linga ulit ako sa mga manunuod "mukhang wala naman siya eh." medyo malungkot kong sabi at napabuntong-hininga ako.
Nang marinig ko na ang pito ng referee ay pinunta ko na ang atensyon ko sa mga manlalaro at biglang nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang lalaking kaharap ni Kevin sa gitna ng court.
"Remy!" hindi ko alam kung gaano kalakas ang sigaw ko pero mukhang sa lakas ng sigawan ng mga manunuod at mga nagchi-cheer ay si Isa lang talaga ang nakarinig sa akin.
"Sino?" nagtataka niyang tanong sa akin habang nagsisimula na ang laro at nakita kong agad na nakuha ni Kevin ang bola at nagdribol siya papunta sa net ng TCA--mas matangkad kasi siya kesa kay Remy eh.
"Si Jeremiah! Yung sinasabi ko sa iyo!" sagot ko, tumingin ako ng saglit sa kanya tapos binalik ko ang atensyon ko sa mga manlalaro.
"Eh? Asan? Asan?" gulat na sabi ni Isa at agad siyang tumingin sa kung saan-saan upang mahanap si Remy.
"Ayun oh! Yung lalaking brown ang buhok na medyo malapit kay Kevin! Ayun oh!" pagturo ko kay Remy.
"Ahh... yung cute na lalaki? Oh my G! Ang cute niya! Kaya pala naging crush mo siya eh!" panunukso sa akin ni Isa habang tinataas-baba pa ang kanyang mga kilay.
"Ha? Tumahimik ka nga diyan! Manuod na nga lang tayo ng laro!" pagsita ko sa kanya at pinunta ko na ang atensyon ko sa laro. Naramdaman kong nagkibit ng balikat na lamang si Isa at nanuod na rin siya.
Naging maayos naman ang laro nila at fair naman ang mga miyembro ng bawat team habang naglalaro. Wala namang nagsisikuhan, nandadapa o anything. Well, mayroon nga pero bahala sila diyan! Hindi pa naman nasasaktan sina Kevin at Remy eh.
Pero, ang problema... kanino ba ako boto? Sino ba ang dapat kong i-cheer? Si Kevin ba o si Remy? Medyo naguguluhan ako ng mga oras na iyon pero naisipan kong i-cheer ko na lang siguro sila parehas. Wala namang masama doon eh.
"Okay, ladies and gents, we only have 30 seconds before the game ends. Our score is tied with 90 to 88, Corazon is on the lead! Trinity Cross needs atleast 3 points to win! Can they make it?"
"Go, Remy! Kaya niyo yan! Go!" pag-cheer ko kina Remy pero dahil nasa kabilang panig ng court sila nagkatipon-tipon ay hindi niya ako naririnig at sa tingin ko ay hindi niya pa ako nakikita.
Nagpatuloy na ang laro at nasa teammate ni Remy ang bola. Nakita kong chinest pass niya ito kay Remy at namangha ako sa bilis ni Remy sa pag-dodge sa mga kalaban. Kanina naman hindi siya ganoon kabilis ah! Wow!
Kahit na medyo malayo pa lamang siya ay pinlano na niyang i-shoot ang bola kaso sa pagtalon niya ay bigla siyang siniko ng isang ka-teammate ni Kevin kaya napahiga siya sa sahig at mukhang malakas pa ang pagkaka-untog ng ulo niya. Pumito ang referee tapos nilapitan niya si Remy.
"Pambihira naman iyon si Kim! Lagi na lang naniniko ng kalaban kahit alam niyang foul iyon! Ewan ko ba kung bakit nasa team pa rin siya! Dapat tinanggal na siya ni Coach eh!" pagrereklamo ni Isa.
Medyo malapit sa pwesto namin ang pinagbagsakan ni Remy at nakita ko siyang kinusap ng referee. Matapos niyang bigyan ng isang tango ang referee ay pumito ulit ito tapos iniwan na siya. Nanatili munang nakaupo doon si Remy bago niya naisipang tumayo habang hawak ang kanyang ulo.
"Remy!" sigaw ko, umaasang maririnig niya at sa tingin ko ay medyo narinig niya nga ako kaya inulit ko ang pagsigaw ko "Remy!!" mas malakas ang boses ko.
Lumingon na sa amin si Remy at parang hindi nasaktan na nginitian niya kami. Nginitian ko din siya at kumaway na din. Binigyan niya ako ng isang thumbs-up bilang hugdyat na okay lang ang lahat, tumango lang ako.
Bumalik na siya sa mga kasamahan niya na nasa kabilang parte ng court at nagpatuloy ang laro. Muli, nakay Remy nanaman ang bola at ngayon ay pinaliligiran na siya ng mga CNHS players. Luminga-linga siya sa paligid hanggang sa nakita niyang kumakaway sa kanya ang isa niyang ka-teammate.
"Kleist!" sigaw niya sabay pasa ng bola sa ka-teammate niyang kumakaway sa kanya. Dinribol iyon ng lalaking pinasahan niya at siya naman ang pinaligiran ng mga players.
Kinawayan naman siya ni Remy tapos agad niyang pinasa ito sa kanya. Nakuha ni Remy ang bola at nang makuha niya iyon ay agad niyang shinoot sa bola at naghiyawan ang mga players at ang mga manunuod nang maka-three points sila. Sakto namang natapos na ang oras.
"It's official! Trinity Cross Academy wins by a second!" sigaw ng announcer at hindi ko napigilang hindi matuwa sa panalo nila. Ewan ko ba kung bakit parang mas kumampi ako sa TCA kesa sa sarili kong school.
"Ang galing pala mag-basketball ng Jeremniah na yan, noh?" pagpuri ni Isa.
"Oo nga eh." pagsang-ayon ko. Habang karga-karga si Remy ng mga kasamahan niya ay nakita ko siyang tumingin sa akin at kinawayan niya ako. Kinawayan ko na rin siya. Sa tingin ko may sinabi pa siya eh pero sa sobrang ingay hindi ko na nalaman kung ano iyon.
"Congrats pa rin sa inyo, Kevs. Ang galing niyo pa ring maglaro." pagbati ko kina Kevin habang nasa harap kami ng dressing room ng mga lalaki.
"Salamat, Let. Wag ka na, Isa, ha?" pabiro niyang sabi kay Isa at sinapak naman siya nito sa balikat.
"O sige, edi wag! Hindi ka naman magaling maglaro kanina eh!" medyo inis na sabi naman nni Isa at umakmang nagtatampo.
"Sus! Tampo naman siya. Tara na nga, mag-celebrate tayo! Woo!" pag-aya naman ni Kevin sabay akbay kay Isa at lumakad kami papalyo sa dressing room.
"Yack! Wag mo nga akong akbayan! Amoy pawis ka kaya!"
"Amoy pawis? Di kaya! Nag-axe kaya ako, noh?"
"Tse! Tsaka, magse-celebrate? Hello? Nanalo kayo?" pamimilosopong tanong ni Isa kay Kevin.
"Hindi. Pero wala namang masama kung mag-celebrate ng di nanalo eh! Tara! Libre ko!" sagot naman ni Kevin at nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa pinto.
Nang makalabas kami ng pinto ng Gym ay biglang may tumakip sa mga mata ko na talagang ikinagulat ko "Ah! Isa! Kevin!" pagsigaw ko sa sobrang pagkagulat.
"Ah! Teka, ikaw si--" hnaputol ang pagsasalita ni Isa sa di ko malamang dahilan. Sino ba 'to?
"Sino ka ba? Pwedeng patanggal?" tanong ko habang pilit na tinatanggal ang mga kamay niya sa mga mata ko pero ayaw niya eh.
"Hulaan mo." nakangiting sabi sa akin ng nagtakip sa mga mata ko at sa simpleng tono ng boses niya ay nalaman ko na ang lalaking nasa likuran ko.
"Remy?" hula ko at agad niyang tinggal ang mga kamay niya sa mga mata ko. Nilingon ko siya at halos mapasigaw na ako sa tuwa nang makita ko si Remy na nakatayo sa harapan ko.
"Hi, Let-let!" nakangiting bati ni Remy.
"So... ikaw yung Jeremiah na kinukwento sa amin ni Let-let?" tanong ni Kevin.
"Ah, oo. Kevin, Isa, siya si Jeremiah. Remy ang tawag ko sa kanya. Siya yung nakilala ko sa library last Saturday." pagpapakilala ko "Remy, sila ang mga bestfriends ko. Si Krisa Mae Santos, Isa for short, at si Kevin James Ilalto."
Nagkamayan sila habang nagbatian sila ng 'Hi' sa isa't-isa at kinonggratulate pa ni Isa si Remy "So, Let-let" sabi niya naman sa akin "naalala mo ba yung sinabi ko sa iyo last Saturday? Yung bago tayo umuwi?" tanong niya sa akin.
"Uh, yeah. Yun bang pag-anyaya mo sa akin na lumakwatsa?" tanong ko naman, tumango siya.
"So, you ready to go?" tanong niya naman.
"Sige. Ah, kayo na lang dalawa ang mag-celebrate ha? Nakalimutan kong sabihin na may plano nga pala kami ni Remy ngayon." pagpapaalam ko kina Kevin at Isa.
"Oh? Nagde-date na pala kayo ngayon? Ayiiee... kakilig naman!" kinikilig na sabi naman ni Isa. Agad ko siyang hinamapas ng mahina sa braso niya.
"Hindi! Nagyaya lang siyang lumakwatsa kami pero di kami magde-date, okay? O sya, kita kits na lang sa school, okay?" nagpaalam na sila Kevin at Isa tapos umalis na sila "Tara na. Para makauwi tayo agad." sabi ko naman kay Remy pero bago pa ako makapagsimulang maglakad ay agad niya akong hinawakan sa braso kaya napatigil ako.
"Bakit?" tanong ko.
"Anong nangyare sa iyo? Bakita ganyan ang T-shirt mo?" tanong naman sa akin ni Remy nang mmapansin niya ang T-shirt kong natapunan ng mango shake.
"Ahh, wala to. Okay lang ako. May nakabangga lang kasi sa akin kanina kaya natapunan ako ng Mango shake na binili ko kanina. Pero okay lang to." paliwanag ko.
Nagulat ako nang makita kong maglabas ng isang T-shirt na purple na may nakalagay na logo ng TCA at iniabot niya iyon sa akin "Here. Magpalit ka ng damit." sabi niya.
"Ha? H-Hindi na. Okay lang ako. Di mo na kailangangang magpahiram ng T-shirt mo." pagtanggi ko sa alok niyang T-shirt.
"No, I insist. Tara." bago pa ako makapagsalita ay hinila na niya ako at tumungo na kami sa CR ng mga babae.
TO BE CONTINUED...
_____________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro