Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6 ~ My Inspiration

Remy POV 

Bandang alas-siete trenta ng umaga kami pinapunta ni Coach Mike sa Trinity Cross Academy Gymnasium kung saan magaganap ang Basketball game between TCA and CNHS. 9 am pa ang simula pero sabi ni coach magpa-practice pa daw kami kaya pinaaga kami ng punta. 

Habang nagpa-practice ako ng mga shoots sa court ay nilapitan ako ni Kleist. 

"Oy, Chavez!" napalingon ako ng saglit kay Kleist at nakita ko siyang naglalakad palapit sa akin. Kung nagtataka kayo kung saan nanggaling ang 'Chavez', second name ko yan. 

Ang full name ko kasi ay Jeremiah Chavez Young, ayoko namang tinatawag akong Jeremiah dahil parang pang-18th o 19th century pa yung name kaya sinuggest ko na Chavez na lang ang tawagin nila sa akin. 

Kung nagtataka naman kayo kung bakit Jeremiah ang sinabi kong pangalan ko kay Let-let... 

...wala lang. Gusto ko eh. Ang cute din ng ginawa niyang nickname para sa akin. Bagay sa akin, diba? *Insert pogi points here* 

"Oh. Kleist. May kailangan ka ba?" tanong ko sabay shoot ng bola sa hoop. 

"Wala naman." sagot niya tapos kinuha niya ang bola matapos itong gumulong sa sahig at siya naman ang tumira kaso nag-bounce lang ito sa ring "Shit." 

Kinuha ko naman ang bola tapos dinribble ko ito sabay shoot ulit sa ring. Pumalakpak si Kleist na parang manghang-mangha sa ginawa ko "Galing ah. Mukhang nag-practice ka talaga, Chez." pagpuri pa niya sa akin. 

"Syempre naman. Kailangan eh." sabi ko tapos chinest pass ko ang sa kanya ang bola at sinalo naman niya ito "Try and get pass me." paghamon ko sa kanya. 

Ngumisi si Kleist at nagsimula nang mag-dribble "Gladly" sagot niya naman tapos nagsimula na kaming magone-on-one. 

Kahit ano talagang gawin ni Kleist hindi niya magawang makalampas sa akin at ma-shoot ang bola sa ring. Nakaka-tatlong subok na siya pero lagi kong nananakaw sa kanya ang bola at ako ang nakaka-shoot. 

Matapos ang pangatlo kong shoot sa ring ay napaupo na lang si Kleist sa sahig habang medyo hinihingal pa siya "Ibang klase ka talaga, Chavez. Hindi ka naman ganito dati ah." sabi niya between pants. 

"Talaga?" tanong ko naman, medyo nagtataka sa sinabi niya. 

"Yeah. Well, alam kong dati pa lang ay magaling ka na sa basketball. Pero ngayon ko lang nakitang seryoso ka sa laro." medyo nagtaka ako sa sagot sa akin ni Kleist, ngayon lang daw ako naging seryoso sa laro? Pero, lagi naman akong nagse-seryoso ah. 

"Hindi kita ma-gets, Kleist. Parang sinasabi mo na hindi ako seryoso sa iba kong mga laro ah." sabi ko na may pilit na ngiti sa mukha ko. 

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig tapos pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko "Mage-gets mo din yun, Chez." sabi niya sa akin tapos umalis na siya. Pinanuod ko na lang siya habang naglalakad siya palayo sa akin. 

Pero, may mga pagkakataon talaga na nagiging misteryosong tao yun si Kleist. Hindi ko maintindihan kung anong pinagsasabi niya minsan. 

"Chavez!" rinig kong tawag sa akin ni Coach Mike at pagkatingin ko sa kanya ay nakita ko siyang sumesnyas sa akin na lumapit sa kanya kaya ginawa ko na lang ang inuutos niya sa akin at lumapit ako sa kanya. 

Ilang minuto kaming na-stuck sa dressing room habang nagsasalita si coach tungkol sa tactics na gagawin namin sa laro. Kaso, kahit anong konsentrasyon ang gawin ko, parang hindi ko maitutok ang isipan ko sa mga sinasabi ni Coach. 

Kanina ko pa kasi iniisip yung sinabi sa akin ni Kleist.Hindi ko talaga na-gets yun. Ngayon lang ba talaga ako nag-seryoso? Argh! Nakakainis talaga yung lalaking yun! Ano ba iniibig-sabihin niya dun? 

"Uh, Chavez. Saan ka naman pupunta? Malapit nang magsimula ang laro ah!" rinig kong tawag sa akin ni Jaike nang mapansin nila akong tumayo mula sa kinauupuan ko at lumakad papunta sa pinto. 

"Ahm, magc-CR lang ako. Babalik din ako agad." sagot ko nang hindi man lang sila nililingon tapos nagpatuloy na ako sa paglabas ng kwartong iyon at naglakad papunta sa CR ng mga boys. 

Medyo malayo pa ang kinailangan kong lakarin dahil ang CR ay nasa kabilang side pa ng court kaya halos kinailangan ko pang ikutin ang buong court para lang makarating ako doon. 

Sa loob ng CR, wala naman akong halos ginawa. Tumingin lang ako sa salamin habang nakahawak sa may lababo. Para akong kinakabahan na ewan. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, kung tutuusin. Kasi sa mga nakaraang mga laro naman, hindi naman ako nakaramdam ng kaba ah. 

Pero parang hindi talaga siya kaba. Parang may halo ring excitement. Medyo bumibilis din ang tibok ng puso ko at parang hindi ako mapakali. Ewan! Hindi kaya may sakit na ako? Heart disease? Cancer? 

"Agh! Tama na nga ang arte, Jeremiah. Ayusin mo na nga ang sarili mo. Hindi ka pwedeng lalampa-lampa sa laro, naiintindihan mo?" alam kong mukha na akong baliwa habang kinakausap ko ang sarili ko pero wala namang tao eh kaya okay lang. 

"Inaasahan ka ng buong team kaya di ka pwedeng magpatalo. Hindi ka pwedeng lalampa-lampa sa harap ng maraming tao ngayon. Sa harap ni Let-let." bigla akong napatigil nang sabihin ko iyon. 

Oo nga pala. Nandito sina Let-let ngayon. Hindi kaya, yun ang dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng ganito ngayon? Kung bakit sinabi ni Kleist iyon sa akin? Ugh! Tama na nga, Jeremiah! Ayusin mo na ang sarili mo! 

Binuksan ko ang gripo tapos naghilamos ako ng mukha at pintay ko din ito agad. Matapos ang ilan pang segundo ay napag-isipan ko nang lumabas ng CR at bumalik sa room. 

Nang lalabas na ako ng CR ay napansin ko na ang madaming taong nagsisipasukan ng court. Mga estudyante sila ng TCA at pati mga estudyante ng CNHS. 

Habang naglalakad na ako papunta sa room ay bigla akong nasanggi ng isang lalaki sa balikat at biglang napunta ang atensyon ko sa isang malapit na hotdog stand. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatayo doon si Let-let at tumitingin-tingin pa siya sa paligid. 

Bigla kong naramdamang gumuhit ng ngiti ang mga labi ko at hindi ko na napigilang twagin ang pangalan niya "Let-let!". 

Mukha namang narinig niya ang pagtawag ko sa kanya kasi bigla siyang napatingin sa direksyon ko. Kakaway pa sana ako upang ipaalam sa kanya na nandoon ako kaso bigla na lang akong hinila ni Coach Mike sa braso at tumuno na kami sa dressing room. 

Pero, mukhang naiintindihan ko na ang ibig sabihin ni Kleist. Sa tingin ko ay naging seryoso na ako sa paglalaro ko dahil gusto kong mapahanga si Let-let sa paglalaro ko ng basketball. Siguro yun nga iyon. 

-TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro