Chapter 5 ~ Sorry Na Nga Eh!
Saturday...
Let-let POV
"Let-let! Bilisan mo na! Kanina ka pa hinihintay nila Isang!" paulit-ulit na sigaw sa akin ng mahal kong inay mula sa sala.
"Opo! Andyan na po!" sigaw ko naman mula sa kwarto. Mabilis kong sinuot ang puting T-shirt ko na may nakalagay na 'Be Yourself' at isang pares ng blue jeans.
Tinali ko sa isang pony ang mahaba kong buhok at nagpulbo at nagpabango na rin ako. Tinago ko sa isang maliit na shoulder bag na green ang pulbo, pabango, suklay, face towel at pitaka ko. Sinuot ko na ang close-shoes ko na black bago ako lumabas ng kwarto.
"Hi, Isa." bati ko kay Isa nang makita ko siyang nakaupo sa upuan sa sala namin.
"Tara na. Maya-maya, magsisismula na yung laro!" pagmamadali ni Isa tapos hinigit na niya ako sa kamay at lumabas na kami ng bahay.
"Una na po kami, Nay!" sigaw ko bago pa ako makalayo sa pinto ng bahay namin.
"Ingat kayo!" narinig kong sigaw ni Inay mula sa pinto habang naglalakad na kami ni Isa papunta sa kanto.
Pumara agad kami ng dyip na dadaan sa Trinity Cross Academy. Nga pala, doon magaganap ang Basketball game kaya mukhang may tsansa nga na makita nila si Remy since doon siya nag-aaral.
"Grabe. So excited na ako!" natutuwang sabi ni Isa sa akin matapos ibigay sa kanya ng drayber ang sukli sa pamasahe namin.
"O, bat naman? Parang ngayon ka lang makakapanood ng laro ah." tanong ko sa kanya.
"Haha, hindi. Excited ako 'cause makikita ko na ang first crush mo." kinikilig na sabi ni Isa, abot-langit ang ngiti sa mukha niya.
"Ganun? Parang ayon lang eh."
"Anong parang ayon lang? Eh, minsan lang ito mangyare, Let. Minsan ka lang magka-crush, kaya gusto kong makilala siya."
"Klase yun?" bumungisngis lang si Isa.
Bumaba na kami sa harap ng TCA at nakisiksikan na sa mga tao para lang makapasok sa gym. Malaki pala ang school ng TCA. Unang beses ko pa lang makarating dito kaya hindi ko alam.
"Ayun! May magandang pwesto!" sigaw ni Isa sabay hila sa akin papunta sa dalawang bakanteng upuan na nasa bandang harapan. Maganda nga yung pwesto, nakikita mo ang buong court.
Tinignan ko ang orasan ko, 7:30 pa lang pala "Ang aga pa pala. 7:30 pa lang oh." sabi ko kay Isa at pinakita ko sa kanya ang orasan ko.
"Eh, bahala na." pagbalewala ni Isa sa oras at nilibot niya ang mga mata niya sa buong court, madalas sa mga manunuod.
"Sino naman hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.
"Sino pa ba? Edi yung Jeremiah na sinasabi mo sa akin." nakangiti niyang sagot sa akin.
"Nyeh! Eh, mukhang wala siya dito eh." medyo malungkot kong sabi habang tumitingin-tingin na rin ako sa mga manunuod.
"Hmm... uy! Hotdog! Let, favor naman, bilhan mo naman ako ng hotdog."
"Eh? Bakit ako?" pag-iinarte ko sa kanya.
"Eehh... sige na. libre na rin kita. Eto, bente. Sa iyo na lang yung sukli, please." tapos nagmakaawa siya sa akin. Hindi naman ako makatanggi kaya tumayo ako sa upuan ko,
bumaba ako ng bleachers at naglakad palapit sa hotdog stand.
"Isang hotdog po." sabi ko sa tindero at naglagay na siya ng hotdog na nasa stick sa prituhan niya. Habang hinihintay ko yung hotdog, tumingin-tingin muli ako sa court hanggang sa may marinig akong tumawag sa akin.
"Let-let!" napalingon ako sa kung saan man nanggaling ang sigaw na iyon pero wala naman akong nakitang ibang taong maaaring tumawag sa akin. Nagpakibit-balikat na lang ako tapos binalik ko na lang ang atensyon ko sa nilulutong hotdog.
"Eto po. 12 pesos po." binigay ko sa tindero ang bayad ko at binigay niya sa akin ang hotdog na nakalagay sa parang papel na lalagyan pati ang sukli ko.
(A/N: Di ko alam ang tawag dun sa lalagyan eh. Hehe... ^_____^V)
"Salamat po." sabi ko sa tindero tapos tumingin-tingin pa ako, baka may pwede akong bilhin sa natirang 8 pesos.
Nakakita ako ng nagtitinda ng Mango Shake kaya yun na lang ang binili ko. Limang piso ang maliit tapos bumili ako ng 3 Maxx Candy na red.
Pagkatapos kong bilhin ang Mango Shake at 3 Maxx na red, tumungo na ako sa upuan namin ni Isa. Pero habang naglalalakad ako ay bigla akong nakabangga ng babaeng naka-white blouse at black leggings at nasanggi niya ang Mango Shake ko kaya natapunan siya nito.
"Argh!" inis na sabi niya.
"Naku, sorry! Sorry talaga!" paghingi ko ng paumanhin sa babae.
"Would you look at where you're going? Bitch." mukhang madaling mapikon si ate. Mukhang mayaman pa naman, kaya lagot na talaga ako neto.
"Sorry na talaga, ate. Hindi ko sinasadya."
"Ah, ganun?" tapos kinuha niya ang Mango Shake ko at tinapo niya lahat sa damit ko. Patay! Mantsa na ito! Ang hirap pa namang magkuskus ng puti!
Nang maubos na ang Mango Shake ay tinapon niya sa mukha ko ang plastik na baso "Hahaha! That's what you deserve." at tinulak niya pa ako bago siya rumampa palayo kasama ang dalawa pang babae.
Lesson learned, wag pikonin ang mayayaman at malalanding babae.
Lumakad na ako pabalik sa upuan namin ni Isa at ganun na lang din ang gulat ni Isa nang makita niya ang itsura ko.
"Let! Anong nangyare sa iyo?" gulat na tanong niya sa akin habang pa-upo ako sa tabi niya.
"Wala. May nakasangga lang sa Mango Shake na binili ko tapos natapon sa akin yun Shake." dahil mabait akong bata, hindi ako nagsusumbong kay Isa. Lalo na, pag nagalit kasi ito si Isa, sumusugod siya basta-basta.
"Ganun? Ang tanga naman nung bumangga sa iyo. May mata ba yun?" tumawa na lang ako ng mahina habang binigay ko sa kanya ang hotdog na pinabili niya.
"Wala ka bang pamalit diyan?" tanong sa akin ni Isa.
"Wala eh. Pero, okay na ito. Andyan na siya eh. Wala na akong magagawa." sagot ko.
"Ahh, okay. Mahirap pa naman yang tanggalin. Mantsa na yan eh."
"Nga eh. Pahirapan nanaman sa paglalaba."
Tumango si Isa. Matapos ang ilsang minuto, naglabsan na ang mga players para magsimula na ang laro.
IPAGPAPATULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro