Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4 ~ May Gusto ba Ako sa Kanya?

(PICTURE OF REMY YUNG NASA RIGHT!!! ^_____^ Cute niya. noh??)

On with the story...

REMY'S POV

"Okay! That's all for today, boys! Hit the showers!" sigaw sa amin ni Coach Mike, signal yun na tapos na ang practice namin. Nagpapractice kasi kami para sa laban namin this Saturday.

Alam kong this Saturday na rin ang date namin ni Let-let pero kaya ako nag-suggest nun ay dahil magkikita naman talaga kami ni Let-let sa Saturday since ang makakalaban namin ay ang mga taga-Corazon National High School.

"Uy, Jeremiah! Good game, bro! Galing mo talaga mag B-Ball, kahit kailan!" sabi sa akin ng kaibigan kong si Jaike sabay akbay sa akin habang papunta kami sa shower room.

"Thanks, bro." sabi ko naman at nag-apir kaming dalawa.

"Yan pang si Jeremiah! Eh 3 years na yang MVP sa TCA noh!" sabi naman ni Kleist.

"Nga eh! Panigurado, this year, MVP ulet yan!" pagsang-ayon naman ni Josak.

"Makapambola naman 'tong mga 'to! Maligo na nga tayo! Mga amoy pawis pa tayo!" tapos nag-unahan kami sa Shower Room.

Natapos kaming mag-shower at kaming apat na lang ang naiwan sa locker room. Habang nagbibihis kami ay bigla akong kinausap ni Josak "Nga pala, Jeremiah, hindi mo pa nakukwento sa amin ni Kleist yang tungkol sa Violet na yan. Sino ba yun? Chix ba yan?" at nagtawanan sila.

"Tumahimik nga kayo dyan!" tapos bigla silang nagsitahimik. Nagsalitan sila ng tingin na para bang nag-uusap sila sa mga paningin tapos bumalik ang tingin nila sa akin.

"O! Chill, bro! Di mo naman kailangang magalit." medyo pabirong sabi ni Kleist habang nakangiwi.

"Sorry." sabi ko at binutones ko na ang polo ko.

"Wow, sensitive na si Jeremiah ngayon! Mukhang malaki ang impluwensya ng Violet na yan sa iyo ah! Anong klaseng babae ba siya?" tanong sa akin ni Josak.

"Wala. Normal lang na babae. Simple. Matalino. Masayang kasama." habang sinasabi ko ito, biglang bumabalik sa isip ko ang mga nangyare kahapon. Nang makabangga ko siya tapos tinulungan ko siyang pulutin ang mga gamit niya. Nang maghawak ang kamay namin para makuha yung isang libro. Nang magkasama kami sa jeep hanggang sa pag-uwi.

Sa sobra kong pagiging space out, hindi ko na napansin na napapangiti na pala ako ng di oras hanggang sa tabigin ako ni Jaike sa balikat at matauhan ako.

"Uy, Jer! Nagiging daydreamer ka na dyan!" biro sa akin ni Kleist.

"Nga eh! May gusto ka siguro sa Violet na iyon noh?" maantuksong tanong sa akin ni Josak at naghigh-five sila ni Jaike.

"Hoy! Kayong apat! Nag-ring na yung bell! Bilisan niyo na diyan!" natigilan sa tawanan ang tatlo nang bigla kaming sitahin ni Coach Mike.

"Sige po, Sir! Palabas na po kami!" sagot ko. Niligpit na namin ang mga gamit namin bago kami lumabas ng Locker Room at dumeretso na kami sa classroom namin.

Pero may gusto nga ba talaga ako kay Let-let? Hindi ko alam eh. Masaya ako nang makasama ko siya at pakiramdam ko parang gusto ko siyang makasama lagi, ibig sabihin ba nun may gusto ako sa kanya? Ewan! Pero, ganun ba talaga yun?

Natapos na ang mga klase namin at pumunta muna ako sa library namin para masagutan ko ang assignment ko sa Physics. Habang nagbabasa ako ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko at nakareceive ako ng text mula kay Anastasia.

Si Anastasia ay kaibigan ko na anak ng business partner ni Dad. Childhood friends kami pero hindi kami gaanong close sa isa't-isa. Hindi kami gaanong nagkikita at nag-uusap.

From: Anastasia

'Hi, Jeremiah! Uxtah na.?'

To: Anastasia

'Hi. Okay lang naman. Kaw?

From Anastasia

'K lng din! Uhm... question. Bz k b s Sat.?'

To: Anastasia

'Yeah. May game kami sa Satruday.'

From: Anastasia

'Ah, okay. Eh after that?'

To: Anastasia

'Uh... yeah. Nag-promise ako kina Jaike na magha-hang out kami after ng game. Bakit?'

Actually, di yun totoo. Ayaw kong sabihin kay Anastasia ang tungkol kay Violet dahil baka isumbong niya ako kina Mom at Dad. Baka malaman niya na nagpunta ako sa Public Library, magalit pa sila Mom.

From: Anastasia

'Ah, is dat so? Okay. I wanted to ask u qng pwd taung maghang out eh. S Sun n lng cguro.'

To: Anastasia

'I guess. Text you later. Busy pa ako eh. Bye.'

From: Anastasia

'Okay. Txt u latur! :">'

Minsan pakiramdam ko hindi na kaibigan ang tingin sa akin ni Anastasia eh. Alam kong normal lang na magyaya ang kaibigan na maghang out pero may something din kay Anastasia eh. Yung kahit ilang minuto pa lang kaming hindi nag-uusap o nagkikita ay para sa kanya, parang isang taon na.

TO BE CONTINUED...

________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro