Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11 ~ At The Young Residence

Muli kong pinagmasdan ang paligid at agad kong inalala kung ano ba ang nangyare kagabi. Kaso, ang naaalala ko na lang talaga nakatulog na ko sa kotse ni Remy tapos wala na. Juskopo, anong nangyayare dito? Ito ba ang napapala ng babaeng tulad ko na nakikipagkaibigan sa isang mayamang lalaki?

Niyakap ko ang mga binti ko at sinubsob ko ang mukha ko sa mga tuhod ko. Pakiramdam ko naiiyak ako. Paano nga kung napagsamantalahan ako kagabi? Patay tayo dyan! Pero... para naman kasing hindi ganoong tao si Remy. Si Adrian baka mapagkamalan pa pag hindi mo siya kakilala pero parang di rin magagawa ni Dre eh.

O baka naman... naloko lang talaga ako. Let-let, bat ang tanga mo? Bat di ml naisip yun? You should've taken precautions muna. Hindi yung basta-basta ka na lang gagala kasama ang isang lalaking kakakilala mo pa lang sa isang araw.

Ayoko na. Ayoko na. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang ulitin ang lahat simula sa una nung hindi ko pa nakikilala si Remy.

Nang malapit na nga akong maiyak, bigla kong narinig bumukas yung pinto kaya agad kong iniangat ang ulo ko at napunta ang atensyon ko sa pinto nasa tapat ng king-size bed na to.

"Ito talagang si Jeremy. Di ka magkakaroon ng matinong girlfriend pag ganyan!" Narinig kong sigaw ng isang babae tapos bumungad sa akin ang isang dalagang nagmimistulang isang anghel na hinulog ng langit.

Not overacting much, pero ang ganda niya talaga. Yung brown hair niya nakatali sa isang full braid tapos ang kutis niya ay kasing puti ng tanglaw ng buwan. Di lang ata sya anghel eh, dyosa na siya.

"Ay, hello. Gising ka na pala." Nakangiting sinabi niya sa akin nang makita niya akong nakatingin sa kanya. Sinarado niya ang pinto gamit ang likod niya dahil mayroon siyang hawak na tray na may pagkain tapos lumapit siya sa akin.

Nilapag ng babae ang tray sa side table tapos umupo siya sa gilid ng higaan "Ahm... Let-let, right?" Tanong niya sa akin, tumango ako ng mahina "Yes, uhm, nabigla ka siguro noh? Waking up in somebody else's home ba naman. Hayyss, kasalanan yan ng kapatid ko eh. Ang kitid masyado ng utak." Sabi niya sa akin.

"Don't worry, wala namang nangyaring masama, if ever you were thinking there was. Ako ang nagpalit ng mga damit mo, mga damit ko nga yang suot mo eh. Hehe, so... sorry ah. Sana wag kang magalit sa kapatid kong masyado pang bata ang isipan." Paghingi niya ng tawad sabay hawak sa braso kong nakapatong sa tuhod ko.

"Uhmm..." di ako nakapagsalita. Di ko kasi alam kung anong sasabihin ko eh. Other than sa ganda niyang nakakabighani, di ko alam kung anong isasagot ko.

"I'm Jiannie Jane Young nga pala. Ate ako ni Jeremy. You can call me 'Jiannie' na lang or 'Ate Jiannie' kasi mas matanda ako sa 'yo eh." Pagpapakilala kiya. Jiannie. Ang cute ng name.

"Ahm, hello po, Ate Jiannie." Pagbati ko na may kasamang ngiti, nginitian niya ko.

"Ate! San mo daw nilagay yung cellphone ni Adrie?" Narinig namang tanong ni Remy tas nakita namin siyang sumilip mula sa pinto "Oh, Let-let, good morning. Sorry about last night ah. I'll explain everything later, okay?" Agad na sabi ni Remy nang makita niya ako.

"Oo na. Nasa kwarto ko yung cellphone ni Dre. Sa ilalim ng unan ko." Sagot ni Ate Jiannie sa tanong ni Remy. Tumango si Remy "Sige, dito muna ako ah." Sabi ni Remy sa akin at umalis na siya.

"Hay naku. Anyway, sorry talaga ha? Di ka naman galit noh?" Tanong ni Ate Jiannie sa akin.

''Ahmm.. di naman po. Medyo po siguro kasi kasasabi ko lang po kay Remy kagabi na gisingin niya ko pag nakauwi na kami, di niya naman po ginawa." Paliwanag ko.

"Ah, ganun ba? Sige, ako na ang bahala sa kapatid ko. O sya, kain ka muna ng agahan mo tas kung gusto mo, maligo ka na rin. Andyan lang ang CR, pahiramin na lang kita ng mga damit." Alok ni Ate Jiannie.

"Ah, salamat po. Pero kailangan ko na pong makauwi eh. Baka nag-aalala na po yung mga magulang ko sa 'kin. Tsaka, nakakahiya naman po kung nakikain at nakitulog na nga po ako, makikiligo pa po ako tas manghihiram pa po ako ng mga damit. Okay na po, sa bahay na lang po ako maliligo." Pagtanggi ko sa alok ni Ate.

"Hindi. Okay lang. Pero kung yun ang gusto mo, I won't force you on anything. Tsaka, marapat lang na ang anak ay nasa poder ng mga magulang para di sila mag-alala kung napano ka na. Itext mo kaya sila, sabihin mo nandito ka sa bahay ng kaibigan mo." Suhestyon naman ni Ate Jiannie.

"Ah, problema lang po... wala po akong cellphone. Wala po kasi kaming pambili ng cellphone ko. Pero yung Mama at Papa ko po mayron." Medyo nahihiya kong sabi habang nakatingin ako sa kumot na nakabalot sa mga tuhod ko tapos binalik ko ang atensyon ko sa kanya.

"Ah, pero alam mo ang number nila? Gusto mo makitawag ka na lang sa amin. Gamitin mo yung cellphone ni Jeremy since siya naman ang dapat managutan sa pagdala niya sa 'yo dito." Pabiro pang sabi ni Ate, natawa ako ng mahina sa sinabi niya.

"Hmm, sige po." Tumango ako at parehas kaming natahimik ng saglit.

"Oh, kain ka na. Heto oh. May isda, may itlog at may hotdog tas sinangag." Kinuha ni Ate Jiannie yung tray na nasa lamesa at nilapag niya sa higaan sa tabi ko.

"Thank you po, Ate.' Pagpapasalamat ko at nagsimula na kong kumain. Grabe, first time kong kumain ng ganto kadaming pagkain. Lagi kasi akong kaunting kanin at ulam lang. Madalas puro kape at tinapay nga lang eh. Not to complain, wala tayong magagawa eh, ganun ang buhay namin eh. Si Mama kasi isang labandera habang yung Papa ko mangingisda naman.

"So, Let-let, matagal na ba kayong magkaibigan ni Jeremy?" Biglang tanong ni Ate Jiannie habang kumakain ako.

"Ahm, hindi po. Isang linggo pa lang po nang magkakilala kami." Sagot ko naman.

"Ah, let me guess... nagkakilala kayo dun sa Public Library sa may bayan, noh?" Hula niya. Alam kaya ni Ate Jiannie yung tungkol sa pagpunta ni Remy sa Public Library every Saturday?

"Ahmm... alam niyo po ba yung... tungkol dun?" Mahina kong tanong sa kanya.

"Yung tungkol sa pagpunta ni Jeremy sa Public Library? Of course. Ate niya ko eh. Partners in crim kaya kami nun." Nakangiting sabi ni Ate Jiannie.

"Ah. Ganun po ba?" Tumango si Ate tas nagpatuloy ako sa pagkain.

"Pero alam mo... it's rare na magdala ng kaibigan dito si Jeremy. Lalo na at isang linggo pa lang kayong nagkakakilala. Tsaka, he doesn't usually hang out with anybody, kahit sa mga outings ng teammates at kabarkada niya, madalang siyang sumama, kaya I'm a little surprised about yesterday." Biglang sabi naman ni Ate Jiannie.

"Di kaya may gusto yung kapatid ko sa 'yo?" Muntik na kong mabulunan nang sabihin ni Ate Jiannie yun, buti nalunok ko kagad "Oh, dahan-dahan. Take your time when eating, there's no need to rush." Sabi niya habang hinihimas yung likod ko.

Uminom muna ako ng tubig bago ako nagsalit "Sensya na po. Kagulat naman po kasi yung sinabi niyo. I mean, malabo naman pong magkagusto si Remy sa akin." Sabi ko, honestly.

"Bakit naman hindi? Maganda ka naman, mabait, not to mention parehas pa kayo ng hobbies at ng hilig. Kung ako nga papipiliin baka mas boto pa ko sa 'yo kesa sa childhood friend nun ni Remy na patay na patay sa kanya."

Childhood friend? Ah, baka yung Ana na sinasabi nila Remy at Adrie kahapon. Yung nagpanggap na fiance ni Remy.

"Pero ikaw? May gusto ka ba kay Jeremy? Not trying to be intriguing, just curious." Napatingin ako kay Ate Jiannie at napa-isip, sabihin ko kaya na may crush ako kay Remy? Nakakahiya eh.

"Come on, you can tell me. I won't tell, I promise. It can be our little secret." Pamimilit naman ni Ate.

Dumaan ang segundo bago ako tumango bilang pagtugon sa tanong ni Ate Jiannie "Ah, I knew it. Ang cute. Bagay naman kayo eh. Hula ko, may crush din sa 'yo yung kapatid ko. Pero, secret lang natin to ah? Kasi nung nakaraang Sabado nung makauwi si Jeremy galing Library parang iba yung ngiti niya sa mukha eh. Tas kinabukasan parang abalang-abala siya sa pagreresearch ng mga magagandang lugar na pwedeng galaan. Tingin mo, para san kaya yun?" Nakangiting tanong ni Ate sa akin.

Medyo namula ako sa sinabi niya. Ayokong magmukhang assumera o makapal ang mukha pero baka nga may crush din sa kin si Remy. Just wondering.

"Sige. Alis na ko. Nga pala, yung mga damit mo pinalabhan ni Remy sa katulong namin kaya baka maya-maya pang tanghali maibugay sa 'yo yun, okay?" Paalala ni Ate Jiannie.

"Sige po." Tumayo na si Ate Jiannie at lumabas na siya ng kwarto habang ako naman, tinapos ko ang pagkaing nakahain sa tray.

Matapos kong kumain, nilagay ko muna sa sidetable yung tray tapos naginat-inat na ako bago ko niligpit yung higaan. Hula ko baka nasa isang guest room or extra room ako kasi masyadong malinis ang kwarto at kung mayron mang nagmamay-ari sa kwartong to, dapat may picture nila dito, pero wala.

Lumakad ako sa may bintana at tinignan ko ang labas. Mula sa bintana, makikita doon ang malawak na likod-bahay ng mansyon kung saan mayroon dung swimming pool, cottage at dalawang set ng lamesa at mga upuan.

Napunta ang atensyon ko sa pinto nang bunukas ito at nakita kong pumasok si Remy "Hi, Let-let. Pasensya na ah. Dinala kita sa bahay ko nang biglaan." Pagpapasensya ni Remy sabay lapit da akin.

"Okay lang. Pero, bakit dinala mo ko dito? Diba sabi ko gisingin mo ko pag malapit na tayo sa bahay? Alam mo naman kung san akonnakatira eh." Tanong ko sa kanya.

"Oo, ang kaso... ang himbing kasi ng tulog mo at nahiya na kong gisingin ka, mukhang pagod ka din eh kaya naisipan kong iuwi ka na lang tas ihahatid na lang kita mamaya. Ako na'ng makikipag-usap sa mga magulang mo." Paliwanag ni Remy sa akin.

Bigla kong naalala yung mga magulang ko "Nga pala, pwedeng mahiram yung cellphone mo? Tatawag ko lang si Mama, baka nag-aalala na sila sa 'kin."

"Ah, sige. Heto." Tapos binigay niya sa akin ang cellphone niya.

"Salamat. Saglit lang to."

"Sige. Ibababa ko muna tong pinagkainan mo. Take your time." Sabi ni Remy tapos dinala niya yung tray at lumabas na siya ng kwarto. Nang palabas na si Remy, dinial ko na yung number nung Mama ko at sinagot niya nanan yung tawag matapos ang limang ring.

"Hello po? Sino po sila?" Sabi ng Mama ko mula sa kabilang linya.

"Ma, Let-let to. Andito ako sa bahay ng kaibigan ko. Yung nakwento ko nung nakaraang linggo? Yung nagyayang gumala?" Agad kong sinabi nang magsalita si Mama.

"Ah, oo. Anong ginagawa mo dyan, anak? Bat di ka dumeretsong uwi kahapon?" Nag-aalalang tanong ni Mama.

"Ah, kasi po... mahabang kwento po. Si Remy na lang daw po ang magpapaliwanag sa inyo mamaya paghatid sa akin." Lang ang nasagot ko.

"Hmm, o sige. Wala namang nangyari sa 'yo, nak? Wala naman siyang ginawa sa 'yo?"

"Wala naman po, Ma. Okay na okay po ako." Paninigurado ko sa kanya.

"Sige. Nga pala, di mo kailangang magmadaling umuwi, wala kasing tao sa bahay ngayon. Andito ako sa bahay ng isang cliente at baka mamayang hapon pa ang uwi ko. Ang Papa mo naman nasa palaisdaan, hanggang mamayang gabi pa yun." Biglang sabi ni Mama.

"Ah, sige po. Bye po. Ingat po. Love you."

"Love you too, anak. Bye." Tapos binaba ko na ang tawag ko, sakto namang pumasok si Remy ng kwarto.

"Oh, kamusta?" Tanong niya sa 'kin.

"Ayun. Baka magtagal pa ko dito at hanggang mamayang hapon pa wala sila Mama at Papa sa bahay." Sagot ko sabay bigay sa kanya ng cellphone niya.

"Hmm, edi ayos. Gusto mo tambay tayo sa library ko dito?" Anyaya niya.

"Library? May library ka sa bahay niyo?" Medyo gulat kong tanong.

"Yep. Matagal-tagal na rin yun dito. Mga 10 years na siguro. Dun ako natambay pag wala akong magawa. Ano, game?"

"Sige. Maghihilamos muna ako at mag-aayos, baka mukha na kong bruha." Sabi ko sabay lakad palapit sa higaan upang kunin yung maliit kong bag tapos dumeretso na ko sa pinto ng CR.

"Sige. Antayin lang kita dito sa labas." Tumango ako tas pumasok na ko ng CR at naghilamos at nag-ayos na.

TO BE CONTINUED...
__________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro