Chapter 10 ~ Date
Let-Let POV
"Oy! Bat ang tagal niyo? Anyare?" tanong agad ni Adrian nang makarating kami sa kotse.
"Sensya na, Dre. Nagkaproblema lang ng konti, pero okay na." sagot ko habang pasakay na ako ng kotse.
"Problema? Bakit? Anyare?" Tanong niya sa aming dalawa nang makasakay na kami.
"Umalis na tayo, Dre." Sabi naman ni Remy. Tumango na lang si Adrian at nagsimula na siyang magmaneho palabas ng parking ng Jollibee.
"Ah, di kaya nakasalubong niyo si Ana kanina, noh?" Bigla namang sabi ni Adrian matapos ang isang minutong katahimikan. Hindi sumagot si Remy, nakatingin lang siya sa labas ng bintana pero nakita kong tumigas ang mga kamao niya.
"Hmm, mukhang nakatama ako. Hays, yang Ana na yan talaga, kahit kailan, di marunong tumigil." Medyo naaasar na sabi ni Adrie "Ano namang ginawa nung bruhang iyon, boss? Lumandi? Nanginsulto?" Tanong niya sabay sulyap kay Remy.
"Hmm... both? Di ko rin alam eh. Naabutan ko na lang si Let-let sa CR na... ahem. Sorry." Napatigil sa pagsasalita si Remy, grabe! Nakakahiya talaga yun! Asar!
"Sa CR? Ay, nga pala, anong nangyare sa damit mo Let-let? Bat varsity na ni Remy and suot mo?" Tanong naman ni Adrie sa 'kin.
"Ha? Uh... yun yung nangyari kasi. Nung nasa CR ako... bigla kong nakasalubong yung... fiance ni Remy tas kinuha niya sa kin yung damit." Napatingin sa 'kin ang dalawa na may pagtataka. Buti na lang nakahinto kami sa isang traffic light.
"Fiance..." si Adrian.
"... ko?" Si Remy.
Tumango ako "Napaka talaga yung babaeng yun oh. Lahat na lang. Hayyss..." asar na sabk ni Adrie at umandar na ulit kami.
"Bakit? May sinabi ba ko?" Tanong ko naman sa kanila.
"Hindi. Kasi... naloko ka nun ni Anastasia." Sabi ni Remy sa akin, napataas ako ng kilay "Eh kasi di ko naman fiance yun si Anastasia. Nagsinungaling lang siya dahil childhood friend ko siya na may gusto sa akin." Paliwanag niya.
"Ahh ganun? Ano ba yan? Ang bobo ko naman. Di ko naisip, masyado ka pang bata para ma-engage eh. Hay naku, yan ang napapala mo, Let-let. Napapala mo." Pagrereklamo ko sa sarili ko.
"Wag mo ngang sabihin yun. Di ka bobo, Let. Nadala ka lang sa sitwasyon." Sabi ni Remy sa akin.
Bumuntong-hininga ako "So, san ang punta natin?" Tanong ko kay Remy.
"Hmm, san mo gustong magpunta?" Tanong niya naman sa akin.
"Malay. Di naman ako pala gala eh kaya di ko alam kung saan ba pwedeng magpunta." Sagot na may kasamang kibit ng balikat.
"Hay naku, boss, masyado ka pang mahiyain eh. Eh diba may listahan ka na ng mga pupuntahan niyo?" Biglang sabat naman ni Adrian.
"A-Adrian! Anong pinagsasabi mo? Listahan ka dyan. Edi ang corny na nun." Parang medyo nauutal na sabi ni Remy, natawa si Adrian.
"Ganun? Sige, ako na bahala. Just sit back and relax. Let's see" tapos naglabas siya ng isang 1/4 na papel "ano kaya ang unang pupuntahan natin na nakalagay sa papel na binigay sa akin ni Remy kahapon?" Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa papel tas nginisian niya si Remy.
"Adrian talaga." Medyo naasar na sabi ni Remy, nagtawanan na lang kami ni Adrian.
Una kaming napunta sa isang parang science museum or convention. Madami ditong mga experiments, inventions related sa iba't-ibang uri ng science tulad ng Natural Science, Biology, Chemistry, Physics, may mga illusions din dito. Ang saya!
"Remy, ano yung "House of Wonders"?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa isang parang maliit na bahay.
"Hmm, gusto mong pasukin?" tanong niya naman sa kin.
Tumango ako at nauna nang pumasok sa kanya. Pagdating namin sa loob, parang nakaramdam ako ng isang bagay na humihila sa akin pababa at kahit slightly indented lang ang sahig, hirap na hirap naman akong makarating sa kabila.
"Ano to? Parang ang lakas ng gravity." Sabi ko.
"Mukhang yun nga yun. May malakas na gravity na humihila sa atin papunta dito sa gilid." Paliwanag niya. Lumabas na ako matapos ang isang minutong pag-eenjoy sa loob kasi parang nahilo na ko dahil sa lakas nung gravitational pull. Nadali nabrin pati yung utak ko.
"Oh, okay ka lang? Kaya mong maglakad?" Tanong ni Remy sabay hawak sa mga balikat ko nang mapalakad na ako patagilid.
"Yeah. Kaya." Sagot ko at nagpatuloy kami sa paglilibot.
"Uyy, boss! Let-let!" Napuntabang atensyon namin kay Adrian na sumasample sa machine na pag hinawakan mo, magtataasan ang buhok mo. Natawa kami nang makita naming nagtataasan ang buhok ni Adrian, kamukha na niya si Goku!
"Uyy, bula!" Sigaw ko nang makita ko yung mga taong sinusubukan yung papasok ka sa loob ng isang bula.
"Subukan mo yun, Let." Sabi sa akin ni Adrian tas hinila niya ako palapit doon. Tumayo akobsa isang bilog na platform at hinawakan ko yung isang pahabang handle na nasa harapan ko. Hinila ko to pababa at may tumaas na bilog sa paligid ko na naglabas ng bula kaya nasa loob na ako ng bula. Agad na pumutok naman iyon at halos nabasa na ako dahil doon, natawa ako at sinubukan ko ulit.
"Ang cute mo, Let-let, oh." Biglang sabi ni Remy habang nakatingin siya sa cellphone niya. Nakasakay na kami ulit sa kotse at papunta na kami sa susunod na destinasyon namin.
Sinilip ko yung cellphone niya at nandun yung litrato ko habang nasa loob ako ng bula "Ay, ganun." Natawa ako ng mahina " Di naman. Maganda lang yung camera mo." Sabi ko.
"Denial ka pa." Sabi naman ni Remy tapos pinisil niya yung ilong ko.
"Ah. Remy." Natawa ng mahina si Remy habang hawak ko ang ilong ko.
Sunod naming pinuntahan yung Manila Ocean Park. Ito alam ko kasi lagi ko siyang naririnig ba binabanggit ni Isa. Grabe, ang gaganda nung mga isda. Nakakita pa ako ng iba't-ibang klase ng pating at may balyena pa. May axolotle pa kong nakita! Ang ganda. Mukha talaga siyang alien.
Matapos sa Manila Ocean Park, naglakad-lakad kami Rizal Park tapos may pinuntahan kaming museo. Nang magtanghali na, bigla kaming napuntang SM Mall of Asia at doon kami kumain sa Pancake House.
"Tignan mo to, Let-let, oh. Mukhang kakainin nung balyena si Adrian." Sabi ni Remy habang pinapakita sa akin yung litratong kinuha niya.
Natawa ako nang makita ko iyon "Oo nga noh. Patingin ng iba pa, pwede?" Tanong ko. Nginitian ako nivRemy sabay bigay sa akin ng cellphone niya "Pa'no ba to?"
"I-swipe mo lang sa gilid para ipakita yung susunod na litrato." Paliwanag ni Remy. Sinwipe ko yung screen at nagpakita na yungbsusunod na litrato. Patuloy kong tinignan yung mga litratong pinagkukuha ni Remy.
"Uyy, tignan mo 'to, Remy." Sabi ko sabay pakita kay Remy ng litrato.
"Ay, grabe." At natawa si Remy sa nakita niyang litrato.
"Naku, nilalanggam na ata tayo dito. Matamis pa naman 'tong kinakain ko." Biglang reklamo ni Adrian na pinagtaka ko.
"Anong pinagsasabi mo naman, Dre?" Tanong ni Remy.
Kumibit-balikat si Adrian "You're a reader and a bookworm, right? Try reading between the lines." Sabi niya, nagtinginan kami ni Remy "O sya. Abe na nga yang cellphone, picturan ko kayo."
Binigay ko sa kanya yung cellphone ni Remy "Okay. Maglapit naman kayo. Ano kayo, enemies? Let, usog ka ng konti." Tapos umusog ako palapit kay Remy "Yan. Ops, Remy, lapit pa." Lumapit si Remy hanggang sa medyo magdikit na ang mga braso namin "Akbayan mo na kaya, boss." Sabi niya pa at pinatong ni Remy ang braso niya sa ulo ng upuan ko "Yan, yan. Perfect" at kinuhanan niya kami ng litrato.
Nakailang kuha na ng litrato si Adrian bago niya binalik yung cellphone kay Remy. Teka, parang may iba sa pwesto namin kanina?
Nang matapos na kaming kumain ay naglakwatsa na kami sa SM. Habang naghahanap ng pupuntahan ay napunta ang atensyon ko sa isang bookstore na may title na "Fully Booked".
"Uy, pwede silipin natin yun?" Tanong ko habang nakaturo sa Fully Booked.
"Sige." Sagot ni Remy at dumeretso kami doon.
"Ah, boss, dun lang ako sa may Comic Alley. May sisilipin lang ako." Biglang sabi naman ni Adrian. Um-oo si Remy tapos umalis na si Adrian habang sabay naman kami ni Remy na pumasok sa Fully Booked.
Tumingin-tingin kami ni Remy ng mga libro sa Fully Booked, tingin ko ay mahigit kalahatingboras na kaming narito. Ang gaganda kasi ng mga libro. Yung iba sa kanila mga librong di mo mahahanap sa ibang bookstores habang yung iba mukhang mga matatagal nang na-publish.
"Hmm, ano? May napili ka na bang libro?" Tanong bigla ni Remy sa kin habang sinisilip ko yung isang libro, nakita ko siyang may hawak na tatlong libro. Mga bibilhin niya siguro.
"Ha? Ah, ang dami palang magagandang libro dito. Sarap iuwi lahat. Pero joke lang." At tumawa ako ng mahina "Sayang. Ano, okay ka na?" Tanong ko naman sa kanya.
"Oo. Eh ikaw? Wala ka bang bibilhin?"
"Ah, wala eh. Napasilip lang ako." Medyo nahihiya kong sabi. Nakakahiya kayang pumasok ka sa isang tindahan pero wala ka namang bibilhin.
"Ha? Pero sabi mo madami kang nakitang magaganda, diba?"
"Oo. Ang kaso di ko naman mabili. Singkwenta lang pera ko kaya."
"Ahh, edi, pili ka na ng gusto mo. Ako na'ng bahalang magbayad."
Nagulat ako sa sinabi ni Remy "Ha? Ay naku, hindi na. Nalibre mo na nga ako ng Jollibee eh, nakakahiya nang magpabili pa ako ng libro. Ang mahal na kaya ng nga 'to. Kitang di ko pa nga nabayaran yung otso para dun sa jeep eh." Nahihiya ko nang sabi. Ngayon ko lang napansin, ang dami ko na palang utang dito kay Remy, hay naku! Let-let, sa susunod wag ka nang sumama sa galaan ha? Baka madagdagan.
"Ano ka ba, okay lang. It's fine with me. Don't worry, I won't ever bring this up to anyone." Giit niya pa.
"Eh, nakakahiya na talaga. Tara na. Bilhin mo na yang mga yan. Hintayin na kita sa labas." Binalik ko na yung librong hawak ko kanina at nauna na akong lumabas sa kanya.
Pagkalabas ko, naabutan ko si Adrian na nakaupo sa may hagdan. Nilapitan ko siya at naupo ako sa tabi niya "Oh, si Remy?" Tanong niya sa akin.
"Nagbabayad pa." Sagot ko.
"Hmm, ano binili niyo? Alam kong libro, pero anong mga libro?" Tanong niya, natawa ako sa tanong niya.
"Siya lang yung bumili. Tumingin lang ako. Wala naman akong pera eh."
"Ah, ganun. Bat di ka nilibre ni Remy? Yung batang yun talaga oh." Sabi ni Adrian at kinlick ko noya yung dila niya.
"Ahm, lilibre niya sana ako pero nahiya na akobsa kanya kaya sabi ko hindi na." Paliwanag ko, tumango si Adrian "Eh anong binili mo?" Tanong ko naman sa kanya.
"Ano, secret. Si boss yung nagpapabili eh. Di naman ako gaanong mahilig dito." Sabi naman ni Adrian, tumango na lang ako.
"Oh, Dre. Dyan ka na pala. Ano? Mayron?" Tanong agad ni Remy nang makalapit siya sa amin, sabayvkaming tumayo ni Adrian.
"Yep. Swerte nga eh. Last stock na daw to. Kung suswertehin nga ang taong umiibig." Pabirong sabi ni Adrian sabay bigay kay Remy ng paper bag.
"Manahimik ka nga, Dre. Tara. Maglibot pa tayo." Yaya ni Remy at naglakad na kami.
Inikot namin ang.SM hanggang sa maggabi na kaya napakain na kamu ng dinner sa McDonald's naman. Matapos kumain ay dumeretso nabkami ng uwi. Namagitan ang katahimikan sa buong byahe at ang tanging tunog lang sa loob ng kotse ay ang musikang pinapatugtog ni Adrian mula sa cellphone ni Remy.
"Inaantok ka na ba? Baka gusto mong matulog muna? Medyo mahaba-haba ang biyahe natin." Suhestyon ni Remy nang makita niya akong humikab.
"Hmm? Ah, sige. Idlip lang ako saglit ah? Gisingin niyo ako pag nakarating na tayo sa bahay? Alam mo naman kung saan ako nakatira, diba?" Tanong ko kay Remy.
"Oo naman. Sige. Tulog ka na." Hiniga ko ang ulo ko sa gilid ng upuan at pinikit ko ang mga mata ko nang biglang magsalita si Remy "Okay ka na ba sa pwesto mong yan? Baka mangalay ka naman."
"Hindi. Okay lang ako. Sige." At pinikit ko na ang mga mata ko hanggang sa makatulog na ako.
Pagkamulat ko ng mga mata ko, napansin ko parang nasa ibang lugar ako. Pagkakaalala ko nasa kotse lang ako ni Remy, nakatulog ako at sabi ko gisingin niya ako pagkarating sa bahay. Napainat ako, parang nasa higaan ako. Teka? Nakauwi na ba ako?
Napa-blink ako ng ilang beses hanggang sa luminaw na ang paningin ko at napaupo ako agad nang mapansin kong wala ako sa bahay ko. Malinis at malawak ang kwarto, mukhang kwarto ng mayaman. Napatingin ako sa sarili ko, hindi ito yung mga suot ko kahapon at hindi rin ito ang higaan ko.
Anong nangyari? Nasan ako? Hindi kaya... jusmiyo! Wag sana!
TO BE CONTINUED...
__________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro