|°A Letter To You°|
************
Habang nagdidiscuss si ma'am sa harapan, ako naman ay nakatitig lang sa isang binata na nasa kabilang row messy ang buhok nito na itim na itim ngunit hindi naman magulong tingnan medyo matangos din ang ilong nito , may makapal na kilay , singkit na mga mata at mapulang labi , seryoso itong nakatingin at nakikinig sa aming guro kaya siguro sya ang top 1 namin dahil narin sa matalino talaga ito ngunit naputol ang pagpapantasya ko ng kalabitin ako ng kung sino kaya naman agad akong napatingin dito at nung paglingon ko ay bumungad sakin ang mukha ng pinsan kong babae na si Aina
" Ano okay ka lang ? "
" Wrong timing ka naman eh " nagkamot sa ulong ani ko
" Tama na yan masasaktan ka lang " kantyaw nito sakin sa nangaasar na tono
" kainis toh " pabirong ani ko sabay hampas ng marahan sa braso nito
" Ang mabuti pa pumunta na tayo sa canteen ng makakain na hindi yung nakatitig ka dyan eh wala ka namang mapapala dyan "
tanging tango nalamang ang nagawa ko dahil hinila na agad ako nito
Canteen*****
Sa ngayon ay nakapila kami ng pinsan ko sa canteen kaya matagal din kami naghintay dahil ang haba nung pila at sa wakas nung kami na ang oorder bigla ay napatigil ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses na nanggagaling sa may pintuan ng canteen kaya agad ko itong nilingon at bumungad sakin guwapong mukha ni Chris tila bumagal nanaman ang paglapit nito sakin at animo'y kaming dalawa nalang ang natira rito nung mahimasmasan ako ay agad akong umatras para paunahin sila.
" kayo ng mauna " nagpipigil ng kilig na ani ko
" Sure ka ? " Paninigurado nito
" O - Oo naman di naman kami nagmamadali eh "
" Salamat ng marami " ani nito ng makabili na ng pagkain
" We-welcome "
pagaalis nito ay agad akong hinila ni aina para makabili na kami
" pasalamat ka hindi ako masyadong gutom " Inis ngunit pabirong ani nito
" Sorinaaaahh " ani ko dito sa malambing na tono
" Ewan ko sayo , tara na nga "
At natapos ang araw na ito na nagtatampo parin si aina sakin pero sure naman ako na kinabukasan ay mawawala nadin iyon .
KINABUKASAN *****
Sa ngayong ay kagigising ko lang at halos binagyo na ang kuwarto ko dahil sa kahahalungkat ko ng mga gamit ko , di na ako nagabala pang ayusin ito dahil baka matagalan pa ako kaya nung nahanap ko na yung mga gamit ko dali dali akong lumabas ng kuwarto at nagpaalam kay lola na aalis nako
Makalipas ang ilang minuto ng pagsakay sa tricycle sa wakas ay nakarating nadin ako sa campus , agad akong nagbayad at bumabaa na saka patakbong pumasok sa gate at pumila sa linya ng mga kaklase ko .
Lunes kase ngayon kaya may flag ceremony at kaya din kami nakapila ngayon , habang nakatingin ako sa may stage bigla ay nakarinig ako ng mahinang pagtawag sa pangalan ko
" Reah pst oyy " ani nito sa mahinang tono
magaling ang atensyon ko sa kabilang linya ng marinig ko ang pamilyar na boses ng pinsan kong lalake
" Oh bakit ? " ani ko naman sa mahinang boses din
Imbis na sagutin ako nito ay pasimpleng itinuro nalamang nito ang lalaking nasa harap nya na si Chris at tiningnan ako nito ng may pangaasar kaya inirapan ko nalamang ito at pasimpleng tiningnan si Chris muntik pa nga ako maubo ng lumingon ito sakin at nagtama ang paningin namin kaya tuloy napatakbo ako ng classroom ng wala sa oras at ang mabuti nalang tapos pinapabalik narin kami
ng makarating ako sa classroom ay agad akong umupo sa upuan at yumuko agad sa desk dahil panigurado na pulang pula na ang pisngi ko
why naman ganon ka self !, Aisshh pano na yan ?
Alam ko na . siguro magkukunware nalang ako na hindi nangyare yon , tama ! yun nga siguro ang dapat kong gawin
After that day hindi naman nagtanong si Chris sa nangyare sakin mabuti na nga yon eh at least kahit papaano nakahinga ako ng maluwag pero ang masklap lang patuloy parin ang pangaasar ng mga pinsan ko sakin nakakainis na nga eh .
Sa ngayon ay araw ng miyerkules
at nandito ulit ako sa classroom nakaupo at nagcacaligraphy maya maya lang ay uwian nanaman hayst ang bilis naman ng araw nakasimangot na ani ko dahil hindi ko nanaman makikita si crush
" Reah! " tawag sakin ng pinsan kong babae kaya napalingon ako dito
" Oh bakit ? "
" Hindi ka namin masasabayan ah , kase may puntahan kami importante lang kaya nagpaalam nadin ako kay ma'am na maauna kami ni jhon na umuwi , sya nga pala si Chris pinagtanggol daw yung Best friend nyang babae ang swerte noh , mauna na ako ah ingat ka paguwi bye" kumakaway na ani nito
" Bye den ingat kayo "
Suddenly my heart aches di ko alam pero bigla akong nasaktan sa sinabi ni Aina although dapat nga natuwa ako dahil napaka protective nya at gentlemen pero di ko parin maiwasan na masaktan
kala mo talaga ako yung jowa eh noh pero seriously nainggit talaga ako sa bespren nya anyway kailangan ko na palang magligpit ng gamit kase maguuwian na .
UWIAN***
Magisa ako ngayong naglalakad palabas ng school gate at dahil wala akong kasama inilabas ko nalang yung phone ko para magsoundtrip
nagpapakaemo tuloy ako ngayon dahil sa sinabi ni Aina .
Idagdag pa yung mga kasabayan kong estudyante na naglalakad na mga couple pa , sige na ako na single tss magbrebreak din naman kayo nakaismid na ani ko sa isip ko
" Hey , reah "
Kahit gaano pa kalakas ang volume ng kanta narinig ko parin ang boses ng lalaking naging dahilan ng pag eemo ko kaya bigla ay napahinto ako sa paglalakad at dahan dahang tinanggal ang headset ko at lumingon sa likod ko
" Chr-Chris ?! " gulat kong tawag sa pangalan nito
Dug dug dug dug dug dug dug dug
biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang hinahabol ng mga kabayo
ang paghinga ko naman ay bumagal
ang paligid ay mistulang nagslow motion nung unti until syang lumapit sakin
At panghuli ay ang mukha nito na sa tingin ko ay kumikislap at napapaligiran ng mga bulaklak
" Hey ! , are you okay ? " Ani nito na syang nagpabalik sakin sa realidad
"O-Oo naman , ano palang kailangan mo ? "
" Gusto ko lang sana na maghiram ng notes , di kase ako nakapagtake down kanina "
" Ahh sige , eto oh " napatangong ani ko sabay abot ko dito ng notebook
" Thankss , Ihahatid na pala kita "
" Huh?! ,Seryoso ?! " Di makapaniwalang ani ko
" Oo naman , klasmeyt kita eh saka wala kang kasabay noh "
" Ahh , okay . Klasmeyt lang talaga ? di ba pwedeng ilevel up de joke "
I hope I can bring back the memories we had yung mga masasayang alaala na naranasan ko dahil sayo , alam ko na sa simula pa lang ay wala na akong pagasa sayo pero sabi nga nila try and try until you die de joke lang try and try until you succeed pala yon
masyado kase akong makulit eh kahit na sabihin ng utak ko na tama na bigla namang sasalungat si puso at hoping na baka meron pang pagasa ayan tuloy umasa nanaman ako sa wala
lahat ay maayos naman nung una hanggang sa Isang araw ang mga ngiti sa aking mga labi ay until unting nawala ... nung nakita ko kung pano kumislap ang iyong mga mata nung nakita mo sya at ang iyong mga labi ay halos mapunit na kakangiti sa kanya na kahit kailan ay di ko manlang nakita .
Nagsimula ng magunahan ng pagtulo ang aking mga luha
ang aking dibdib ay nagsimula naring kumirot
gustuhin ko mang umalis o tumakbo pero di ko magawa kahit anong gawin ko
tila ba nagmistulang mga bato naman ang mga paa ko
At di manlang magawang kumurap ng mga mata ko dahil sa oras na pumikit ito
di ko na mapipigilan pa ang mga luhang gustong kumawala .
Isang linggo ... Isang linggo akong hindi pumasok matapos ang pangyayareng yon nagtataka na nga si lola kung bakit hindi ako pumasok pero ang lagi kong sinasabi ay masama ang pakiramdam ko kaya hindi na nya ako pinipilit , atsaka sa mga araw na yon ay nakapagisip isip din ako ng dapat kong gawin kaya nagdesisyon ako na gumawa ng letter para sayo at sana sa huling pagkakataon ito ay mabasa mo
LUNES
Makalipas ang Isang linggo ***
" Reah , anong nangyare sayo? " nagaalalang tanong ng pinsan kong babae ng makalapit ito saakin
" Masakit lang yung ulo ko nung mga nakaraang araw kaya hindi ako nakapasok, sorry na "
" Ahh , mabuti naman at ayos ka na "
" Hindi pa sa totoo lang pero alam kong lilipas din toh . Kaya nga eh "
" Si Chris pala kakausapin ka daw ayiieeee "
" Ahh sige, nasan ba sya ? "
" Nandon sa may garden, support kita "
" Mauna na muna ako " mapait na ngiting ani ko dito bago ko kunin yung letter na ginawa ko at ibulsa ito
Nang sa wakas ay nakarating nako sa may garden ng school nagpalinga linga muna ako dahil hindi ko makita kung saan nakapwesto si Chris pero agad din akong napatigil ng tawagin ako nito kaya agad akong nagtungo sa kinaroroonan nito
" Ito nga pala yung notes mo ,thanks sa pagpapahiram " sabay abot nito sakin ng notebook
" Welcome and here " bigay ko naman dito nung envelope na puti dito kase nakalagay yung letter
" Ano toh? ... Love letter " nagtatakang ani nito
" Why don't you read it para malaman mo " seryosong ani ko atsaka naglakad paalis at hindi ko na hinintay pa na magsalita ito
Matapos ang ilang oras na klase niyaya ako ni Aina para bumili ng pagkain sa canteen pero sinabi ko nalang dito na susunod nalang ako dahil may pupuntahan pa ako , nagpunta ulit ako sa garden para magpahangin at para din makapagrelax ng ont.
Pagkarating ko sa garden agad akong naupo sa may bench malapit sa basurahan ng mapansin ko ang Isang puting envelope na katulad na katulad nung binigay ko kay Chris kaya agad ko itong kinuha at binuksan ,
Sana hindi ito yun kase alam ko na gentlemen sya at alam ko din na hindi sya yung tipo ng lalake na basta basta na lang mangbabasura ng letter
Ang kaninang pagasa ko ay unti unting nawala at halos mapunit ko na din ang papel dahil sa sobrang paghawak ko dito nanginginig ang mga kamay ko at nagbabanta nanamang tumulo ang mga luha ko...
" He put it in a trash not knowing that it's not a love letter .....
but a letter of appreciation "
Isang liham ng pagpapasalamat dahil sya ay naging Isa sa mga inspirasyon ko at gusto ko lang naman na malaman nyang masaya ako para sa kanilang dalawa ng girlfriend nya at wala akong balak na makipagagawan pa basta masaya sya...
at ang pagtatagpo naming dalawa ay magsisilbing Isang magandang alaala at leksyon nadin para sakin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro