Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalima


"Oh. Paano ba 'yan, ako ang unang nakakidnap."

"Tsk. Edi ikaw na! Tawagan mo na ang mga magulang niyan."

"Eh? Wala akong number."

"tanga!"

*Pakkk*

I can hear their voices. Actually, kanina pa talaga ako nakikinig. Hindi ko lang dinidilat ang mga mata ko kase you know, baka anong gawin nila sa akin.

I'm perfectly aware kung saang lupalop ng mundo nila ako dinala. Napakatahimik. At ang lambot pa ng hinihigaan ko. Ang sarap tuloy matulog. Pero hindi pwede. I should be awake.

May bakal na nakapulupot sa mga kamay ko. Ang sikip. Parang posas.

napaigtad ako ng may bumuhos na likido sa ulo ko

"Gising na prinsesa. Mamamatay ka pa," tapos humalakhak ang di ko kilalang lalaki na kumidnap sa akin.

Oh great. Basa na ako.

"mmmmm" ako yan. Linagyan kasi nila ng takip ang aking bunganga kaya hindi ako makasigaw ng malakas. As if gagawin ko yun. Kapagod kaya. Sure akong walang tao na malapit. Diba yun naman kung kinikidnap? Dadalhin sa isang secluded na lugar tsaka hihingan ng ransom ang pamilya ng kinidnap.

"Miss. May number ka ba ng tatay mo?" tanong sa akin ng lalaki na petite. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil tinakpan niya ito.

Ano ba naman 'to. Tanga nga. Kitang hindi ko kayang magsalita. Tsk.

Umiling muna ako at inirapan siya tsaka pasimpleng tiningnan ang kinalalagyan ko.

Nandito ako sa isang kwartong kulay kahel ang pintura. Nakakalat din ang mga gamit tsaka may mga vandal sa mga dingding. Halos giba na nga ang mga nakakalat eh. Itong kama lamang ang pwedeng magamit. Meron ding bintana sa gilid pero I doubt kung makakalabas ba ako dyan. Sa tingin ko masikip eh.

Dumaing ako sa sakit nang bigla nalang niyang hinila ang tape sa bibig ko.

"Paanong wala? Eh anak ka!" binalik ko ang paningin ang lalaki sa unahan. Binigyan ko lamang siya ng malamig na tingin tsaka hirap na nagsalita.

"So what?" bulong ko.

Bigla nalang niya akong sinampal. So ganun? Kung sila ang magtanong di pwedeng sapakin pero kung ako na, sasapakin nila ako? Aba! Pisteng buhay naman 'to oh!

"Pre tama na iyan! Nahihibang ka na ba?!" awat sa kaniya ng isa pang kasama niya.

"Eh hindi niya sinasabi eh! Namimilosopo pa!"

"Tsk. Antayin mo nalang si boss."

My mind spinned nonstop due to that cursed hands of the kidnapper.

"AW!" nangilid agad ang luha ko nang marahas akong hinawakan sa buhok ng isang kidnapper. Diniinan pa niya ito tsaka nabigla ako ng tinutukan niya ako ng baril.

"askfg" singhap ko tsaka tiningnan siya sa mukha.

Ngumisi ang taong nakamaskara. Oo, nakamaskara siya at half lamang ang nakikita ko sa mukha niya.

"Wag kang magisip ng daan palabas dahil papatayin ka namin kung gawin mo yun," banta niya tsaka malakas akong hinila habang hawak parin ang buhok ko.

Nagsimula na akong maiyak. ang sakit na ng ulo ko! Feeling ko mabubunot na ang buhok ko sa lakas ng hila niya. Nagpumiglas pa ako pero it only made my situation worse. Humagulgol na lamang ako habang nagpadala sa hila.

Lumabas kami sa kwarto. Sinusundan lang namin yung kasama niyang nakamaskara rin habang may hawak hawak na phone.

Pumasok na naman kami sa isang madilim na kwarto. In-on ang switch tsaka nagpatuloy sa hilaan.

This time, wala ng kalat. Parang nasa isang malaking hall kami ng abandonadong building na ito. It's creepy and it's giving me the chills.

"Boss."

Sa wakas at binawi na niya ang kamay niya sa buhok ko. Kaya napasalampak ako sa sahig.

"Well done," puri ng isang baritonong tinig ng lalaki sa dulo ng room. Tinitigan ko siya habang naglalakad siya papalapit.

May suot siyang cardigan na bloody red tsaka nakamaskara din siya ng itim. Isang business man.

"Nice to finally see you again Miss Madness Eve." Nanlaki ang mata ko habang nakatingin ako sa kaniya.

"S-sino ka?" nauutal kong tanong sa kaniya.

"It doesn't matter. Mawawala ka rin lang naman. " tsaka siya humagapak sa tawa. Baliw ba 'to? Walang nakakatawa!

"Bakit niyo ginagawa ito sa akin? Anong kasalanan ko sa inyo?!" sigaw ko at pilit na tumayo kahit nahihirapan ako. My head's still dizzy.

Humalakhak na naman siya sa kakatawa at bahagya pang hinawakan ang mascara niya.

"Bakit? Because you ruined my life."

Napaigtad ako ng tutukan niya ako ng baril.

Masakit man, tinanong ko parin siya. "I never ruined anyone."

"Wrong! Do you remember the day when you killed my little sister?! The day you left her on that street! The day she died shouting your name! the day she asked for you help! And the day you left her hanging, cold and lifeless!!" Galit na galit na sigaw niya na tiyak na kinagimbal ko.

No. no. He misunderstood--

*BANG!*

Napahiyaw ako ng barilin niya ako sa hita. Namilipit ako sa sahig habang damang dama ang kamandag ng bala. Napatingin ako sa kaniya. Hirap man, nagsalita ako.

"S-Si Angel?" nahihirapan na akong huminga ng dahil sa trauma. Dugo. Nakakita na naman ako ng dugo. Pero this time, dugo ko ito.

Narinig ko siyang suminghot. Umiiyak na siya.

"OO! Naaalala mo pa pala siya demonyo ka! Nang dahil sa iyo, namatay ang kaisa-isahan kong pamilya!!"

Napaiyak na lamang ako habang sapo ang walang tigil na nagdurugo kong hita.

Si Angel Ve. Ang dati kong bestfriend. Ang kauna-unahan kong bestfriend na pinatay ko.

Hindi literal na pinatay. Paano ko naman papatayin ang nagiisa kong kaibigan noon?

Pero nang dahil sa akin, namatay siya.

Tanda ko pa. Sinundan niya ako sa eskinita na papunta sa secret underground ng school kung saan ako madalas tumambay. Alam kong sinundan niya ako. Kaya naghanap ako ng paraan para iligaw siya. Hindi kasi pwedeng ipaalam kung saan ako lumalagi. Kaya ayun, nagtagumpay akong iligaw siya. Pero hindi ako nagtagumpay sa pagsalba sa kaniya mula sa mga taong ganid sa kapangyarihan noong gabing iyon.

Napatay siya ng mga kasabwat ng pamilya ko.

"H-Hindi.... I-ikaw si-"

*BANGGGG!!* isang putok na naman ang namayani. And then, everything turned black.

Is it really the end of the line? Dito na ba magtatapos ang isang Eve Argon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro