Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikaanim


"Eve! Kumapit ka! Wag kang bibitaw!"

"Anak.."

"Eve. Bakit mo nagawa iyon?"

"Mamamatay tao.."

"wala akong kaibigang tulad mo.."

"Mahal na mahal kita."

"Bespren.."

"EEVVEE!!! GUMISING KA!!" naalimpungatan ako sa isang bangungot.

Anong nangyayari?

Pinilit kong imulat ang mga mata ko ngunit hindi ko na ito magawa. Ngunit sinubukan ko naman. Pero bakit nanghihina ako? hindi ko na magawang tingnan man ang sumisigaw sa aking pangalan.

Masakit. Masakit maging isang anak ng kamalasan. Anak na parang isinumpa ng diyablo. Anak na walang papel sa buhay.

Anak na minsay hindi itinuring na kanilang anak.

Anak na noong bata palang, itinuring nang patay.

Wala kasing pake ang mundo sa akin.

Gusto ko nang mamatay.

"EVE! KAILANGAN NA NATING UMALIS! NGAYON NA!" sigaw na naman ng taong malapit lamang sa akin.

May mga sumisigaw. Putok ng mga baril. Mga umiiyak. At nagaagaw buhay. Pero hindi ko man lang magawang tignan kung ano na ang nangyayari.

Tanggap ko na. Tinatanggap ko na na hindi ito ang oras ko sa mundong ito.

At sa wakas, naimulat ko na ang aking mga mata ngunit napapikit ako dahil nasilaw ako sa sobrang liwanag.

"HUY EVE! NARIRINIG MO BA AKO?! *BANG**BANG*" sigaw na naman niya.

Napakapit na lamang ako sa kaniya. Nagdagsaan ang libu-libong imahe sa aking isipan. Halos napasigaw ako sa sakit na dulot ng sugat ko.

Ang mga imahe ng taong kanina lang ay halos mapatay na ako. Ang mga imahe na nagdagsaan na akala ko ay iyon na ang huling flashback ng buhay ko. Ang imahe ng aking matalik na kaibigan. Ang imahe ng pamilya ko. Ang mahal ko. At ang pinakamamahal kong aso.

Masakit man, pinilit kong ininda ang hapdi sa mga sugat na natamo ko. Saan ko nga ba nakuha ito? Ang tanga ko. Sana hindi nalang ako umalis ng bahay. Ang malas ko talaga.

Oo nga pala. Tinamaan ako ng bala. And everything went black.

Pero ano ito? Sino ang taong ito? Bakit niya ako niligtas?

Naramdaman kong hinigpitan niya rin ang hawak niya sa akin tsaka siya sumigaw at pinagbababaril ang mga taong humaharang habang tumatakbo kami.

Wow. Buti naman at may nagatubiling iligtas ako.

"WAG KANG MALIKOT!! NAUUBUSAN KA NA NG DUGO KAYA WAG KANG MALIKOT!" asik niya sa akin kaya napapikit nalang ako tsaka pinakiramdaman ang katawan ko.

Asan na ba kami? Ilang oras na ba ako dito? Bakit sila nandito?

Hinayaan nalang sana nila akong mamatay. There's no point for me to live anyway. Sino ba naman ako? Oo. Mayaman. Kompleto ang pamilya. Maraming kaibigan--ay joke wala pala! HAHAHA! Ngunit hanggang doon lang iyon.

Walang nagmamahal sa akin. Wala. Kaya sana mamatay na lang ako hanggang maaga pa.

---

"NO!!! wag kang bibitaw anak!"

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*

"Im so sorry, Mr.-"

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*

---

"Eve?"

"Sino ka?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro