A Letter for Blue 9
9
Tatlong buwan ang lumipas Blue, napagdesisyunan kong kausapin ka. Lilipat na kami ng pamilya ko sa ibang lugar, lilipat na ako ng school, magpapaalam na ako sa'yo Blue.
Pinuntahan kita sa room ni'yo para makapagpaalam sayo ng pormal. Hinintay ko talaga na matapos ang klase mo para magka-usap tayo.
Halata ko no'n ang inis at irita sa mukha mo no'ng makita mo ako. Tinanong mo ako kung ano ang kailangan ko sa'yo. Kaya ang sabi ko'y may importante lang akong sasabihin. Pero tinalikuran mo ako Blue, kaya naman pinigil ko ang braso mo, pero di ko inasahan ang sunod mong ginawa..
>>>>
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro