A Letter For Blue 6
6
Dumating ang February, hindi ko maintindihan, Blue. Gusto mo rin ba ako? Ang weird mo kasi eh. Dinadala mo 'yong bag ko, niyayaya mo akong maglakad-lakad sa park palagi, siyempre sumasama naman ako. Palagi ring magkahawak ang kamay natin. Kakaibang kuryente ang naibibigay mo sa'kin, sa tuwing magkasama tayo at ginagawa ang mga bagay na 'yon.
Si Indigo nama'y nasa kabilang school. Napili kasi siya bilang exchange student dahil sa mataas ang markang naibibigay niya. Binilin niya muna ako sa'yo Blue. Hindi raw kasi pwede kay Black dahil may girlfriend siya, baka raw mag-away pa sila.
Blue, naguguluhan ako ng sobra sa'yo. Ang sweet mo, ang bait mo, napagkakamalang tayo pero hindi naman. Wala kang sinasabi na gusto mo ako. Basta ginagawa mo lang ang lahat ng ito.
''Blue...'' Mahina kong sabi sa'yo habang nanunuod tayo sa sinehan no'n. Niyaya mo kasi ako dahil ang sabi mo maganda ang palabas kaya gusto mo manood. Wala kang makasama kaya ako na lang ang inaya mo. Nilibre mo pa ako no'n, at pati 'yong popcorn na kinain natin libre mo rin.
Dinampi mo ang labi mo sa labi ko.
Sobrang bilis...
Sobrang tamis...
Gulat ang bumalot sa buong katawan ko. Binalik mo ang tingin mo sa pinapanood natin at hinigpitan mo lalo ang hawak sa kamay ko Blue, anong ibig sabihin no'n?
Mahal mo ba ako Blue?
Ako kasi, mas minahal kita dahil sa ginawa mo.
>>>>
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro