Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

A Letter For Blue 4

4


Third year, sa unang pagkakataon, nasa highest section na ako. Classmate ko si Indigo, habang si Black nama'y nasa second section pa rin. Malapad ang ngiti ko no'ng makita kong nasa highest section ako. Pero nawala din agad 'yon at napalitan ng lungkot. Wala ka kasi sa listahan ng section ko. Hinanap ko ang pangalan mo, pinaghirapan ko talaga. Tinanong ako ni Indigo kung sino pa ang hinahanap ko. Ang sabi ko na lang ay kaibigan ko.


Nakita ko na lang ang pangalan mo Blue, nasa lowest section ka. Bakit Blue? Pinaglalayo ba tayo ng tadhana? Kung kelan nandito na ako, saka ka naman nawala. Ayaw mo ba akong kasama kaya napunta ka sa pang-huling section? Parang iniiwasan mo ata ako eh.



Bagsak balikat akong umuwi nang araw na 'yon. Hindi ko akalain na sa kabila ng paghihirap kong mag-aral ay wala rin naman pala ang lalaking inspirasyon ko. Hindi ko rin pala siya makakasama.



>>>>

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro