A Letter For Blue 2
2
Ikaw ang naging inspirasyon ko no'ng first year student ako. Kaya no'ng tumuntong ako ng second year, napunta ako sa second to the highest section, pero highest section ka pa rin. Nakakainis! 'Di ko pa naabot. Kaklase sana kita, Blue kaso 'di pa kinaya nang effort ko sa pag-aaral. Siguro nga kailangan ko pang pag-igihan. Classmate ko nga pala ngayon 'yong dalawa mong matalik na kaibigan na sina, Tyler Black at Indigo Perez. Naging kaibigan ko sila dahil naging mag-seatmates kami. Mababait sila sa klase at sobrang nakakatuwang kasama.
Hanggang isang araw, niyaya nila ako mag-lunch. Pumayag naman ako.. Pero huli na nang malaman kong kasabay ka pala namin.
>>>>
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro