Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

A Letter for Blue 11

11

"You're bleeding!" Ang sigaw pa ni Indigo sa akin no'n, kaya napatingin ako sa aking binti. At doon nakita ko ang pag-agos ng dugo. Bakas naman ang gulat at pagtataka sa mukha ng aking mga magulang.

Oo Blue, buntis ako at 'yon ang dahilan kaya gusto kitang kausapin. Pero wala eh. Ayaw mo na ata akong makita.

Kaya naman sa huling pagkakataon ay nilingon kita. Pero 'di ko mabasa ang ekspresyon sa iyong mukha. Kaya napayuko na lang ako at tahimik na pumasok sa loob ng sasakyan.


Ipinagtapat ko kila mommy at daddy ang lahat. Alam kong galit sila sa akin kahit 'di sila nagsasalita. Pero alam kong maiintindihan din nila ako. Kaya agad nila akong idineretso sa pinakamalapit na pagamutan bago kami pumunta ng airport.


Ang sakit isipin Blue na pagkatapos ng gabing 'yon ay sa ganito lang pala mauuwi ang lahat. Minahal at pinagkatiwalaan kita Blue, pero nagawa mo pa rin 'yon sa akin. Nagawa mo pa rin 'yon sa baby natin.


Ipinaabot ko nga pala itong sulat kay Indigo baka sakaling mabasa mo rin.



And I guess, this is the end. The end where we need to go on our own separate ways. Goodbye Blue. Thank you for letting me love you.



Love,
Red

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro