Kabanata 32
Embrace
Kung natuturuan lang ang puso ay siguro matagal ko nang tinuruan ito.
I thought at that time I could control my heart and let my mind take over everything, but because of the pain, I refused to believe what happened to me and Violetta. My mind surged and took over my system, but my heart could not forget the feelings.
Nakalimutan man ito noon ng memorya ko ay hindi naman nakawala ang sakit nito sa puso ko.
They've killed Violetta, thinking that it was me. From that moment of the incident, my mind told me that Penelope had died on the scene. Ito kasi ang huling narinig ko bago nakita ang pagpikit nang mga mata ni Violet sa harapan ko.
Until the very last of her breath, she saved me.
When I shut my eyes at that time my mind told me that I am Violetta. Pero nakakatawa dahil hindi ko naman nakalimutan ang pangalan ko.
How come I've adopt her parents and become mine? Hindi ko naintindihan ito, hanggang sa pinaliwanag sa akin ni Dr. Pascual ang lahat.
I was longing for a parents love and I was jealous. Ang Mama at Papa ni Violetta ay nagsilbing mga magulang ko. From the moment when I opened my eyes after the accident, I have called them as my parents. Wala silang nagawa at tinangap ako nang buo.
They have lost the most precious daughter, and their hearts bleed in grief, but still, they accepted and loved me. Violetta is not their flesh because they can't produce one. Pero minahal nila nang higit pa sa tunay na anak si Violetta.
Tahimik akong nag-isip at wala sa sarili. Were on our last trip to Mazaro Italy. Lorenzo is sleeping peacefully in my shoulder like a baby. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at maingat kong inangat ang kamay niya at hinalikan ito. Ang akala ko himbing ang tulog niya hindi naman pala, dahil ngumiti siya.
"Are you exhausted?" he asked when we arrived at the Del Fiore Villa.
"No, I'm fine, love."
Imbes sa bahay niya ay sa patagong lugar kami nang mga Del Fiore. Mahigpit ang seguridad at maraming bantay. Nakita ko agad ang paglapag ng pribadong helicopter nila sa top deck ng mansion. Nilibot ko nang tingin ang buong paligid at nakamamangha ang estillo ng paligid at ang lawak ng lugar.
Ang nakangiting mukha ng misis ni Drake ang sumalubong sa paanan ng Villa Del Fiore sa amin.
"Hello, Penelope. It's Betty, how are you?"
"Nice meeting you, Betty."
Humalik siya sa pisngi ko at yumakap na din ako. Behind her is a very young, prominent boy in an elite posture. I smile because I find him so adorable.
"Zio!" Yumakap agad siya kay Lorenzo at kinarga na niya ang bata. Nakangiti ko silang pinagmasdan.
"Zio, lei é tua moglie? Is she your wife?" he seriously stared at me, and his forehead creased.
Ang cute nga naman niya.
"Prince, be nice to your Zia Penelope," si Betty sa kanya.
"Yes, she's my wife, Prince. What do you think? Have she meet your standard?" baliw na tanong ni Lorenzo at napailing na ako.
"Um, not bad, Zio. Lei é bellissima. She's beautiful, Zio," he smiles. I smile when the little Prince looks at me from head to toe.
"Lorenzo!" si Drake, karga niya ang isang batang babae na ubod nang ganda.
Kulot ang mahabang buhok nito at para siyang manika. Nag-shake hands sila ni Lorenzo at ngumiti na si Drake sa akin. Hindi ko tuloy matangal ang mga mata ko sa anak nilang babae.
"Come here, baby," senyas nang kamay ni Betty sa bata. Pero mas yumakap lang ito sa ama niya.
"It's alright, love. Our Princess wants her daddy," kindat ni Drake kay Betty.
"Feel at home, Penelope. Huwag kang mahiya," si Drake.
"Salamat." Yuko ko.
Nauna na silang humakbang ni Lorenzo. Ngumiti at sumenyas lang sa akin si Lorenzo. Abala ang isang kamay niya sa pagkarga kay Prince at si Drake naman karga ang anak niyang babae. Natahimik tuloy kami ni Betty na pinagmasdan ang paglayo nila.
"Come here. Ipapakita ko ang kwarto ninyo ni Lorenzo." Ngiti ni Betty at sumunod na ako.
Ang buong akala ko ay kwarto lang pero parang isang pent house na ito. Nasa kabilang banda ng mansion ang bahagi na kung saan kami pansamantalang titira. Lorenzo wants this. Gusto niya muna kasing makasigurado na ligtas ang lahat bago kami manirahan pabalik sa bahay niya. And staying here in Del Fiore Villa is safe.
Mabait si Betty at walang arte. Simpli sa lahat ng bagay at napaka-organisado ng sistema. Kasama niya ang mga magulang niya rito. Sila mismo ang naabutan ko sa kusina na naghahanda. May katulong sila, pero malayang ginagawa ng ama at ina ni Betty ang mga gusto nila.
"Kumain ka ng marami, Penelope. Mahirap na makipaglaban kapag walang laman ang tiyan," pabirong tugon ng ama ni Betty at natawa na sila. Siya pa mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko.
"Mahal, dagdagan mo ang kanin niya at sabaw," tugon ng Ina ni Betty sa ama niya.
Natahimik akong pinagmasdan sila at nalusaw ang puso ko.
There's a similarity of Betty's personality and Violet. Hindi man sa ugali pero sa mga magulang ay magkapareho sila.
"Salamat po, Tay, Nay."
"Naku, masanay ka na sa mga ganito. Penelope. Ganyan talaga ang dalawang iyan." Ngiti ni Betty sa mga magulang niya.
"Ang swerte mo nga..." tipid na ngiti ko at ngumiti na siya.
"Oo, alam ko... Salamat."
After a nice meal and chat, everything went quiet. Routine type ang lahat sa bahay na ito, at pati na sa mga bata. Ang mga magulang ni Betty ang nagpatulog sa dalawa. Nakasanayan na daw nang dalawang bata. Drake and Lorenzo went somewhere and I don't know where. Hinayaan ko na muna sila, alam ko naman na iba ang pinagkakaabalahan nila ngayon.
"Here, chamomile tea. Para makatulog ka ng maayos mamaya."
Nasa balkonaheng parte kami ng mansion at pareho kaming nakatitig ni Betty sa madilim na langit. May mga bituin at naglalakihan ito. Mas marami at mas malinis ang hangin dito.
Pareho kaming tahimik na iniinom ang tsa-a, hanggang sa nauna na akong magsalita.
"Sanay ka na ba sa buhay na ganito, Betty?" tanong ko na hindi siya tinititigan.
"Mahirap noong umpisa, pero kasi mahal ko si Drake, kaya nasanay na," ngumiti siya sa akin.
"I know he's not a saint, Penelope. Alam kong mas alam mo ito dahil sa amain mo... Minsan mas gusto nating paniwalaan ang gusto natin kaysa sa nakikita ng mga mata natin. Wala namang masama... There are a lot of bad people out there who took innocent lives, and if justice is not fair then it's a different story."
"Kaya ko kaya?" sa nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Ba't naman hindi?" Ngiti niya, "look at you? May mga taong nagmamahal sa 'yo at pinoprotektahan ka. Isipin mo sila. Trust me, you'll be fine."
"Salamat, Betty... minsan kasi natatakot ako. Pero sa tuwing naalala ko ang nangyari sa amin ni Violet gusto ko silang magbayad lahat."
"I know how you feel... Sometimes revenge is the best feeling. Pero sana magpatawad ka. Ito lang ang paraan para mas matangap natin ng madali ang lahat," lawak na ngiti niya.
"Our partners are sly, but they're the best," pagpapatuloy niya.
"Oo, nga, pero mas baliw 'ata ang Lorenzo ko." Sabay iling ko sa sarili at natawa na siya.
"You will get use to it, Penelope and don't worry too much. Minsan hayaan mo muna sila. Mas mabuting wala tayong alam sa mga pinag-gagawa nila." Ngiti ni Betty at tumango na ako.
We have talk other things and the kids too. Marami akong nalaman sa kanya at kinuwento rin niya sa akin ang nangyaring kidnapping sa kanya noon. Namangha ako sa ginawa niya. Matapang nga naman siya, at nakuha niya ang tapang sa sarili sa totoong mga magulang niya.
Elizabeth Betty De Luna is a Del Fiore itself. Drake was never a Del Fiore to begin with. He's a Castellano. He was saved by Eagle, Carmella's dad and Betty's uncle, and was adopted legally.
Walang anak na lalaki si Eagle, at si Drake ang lubos na pinagkakatiwalaan niya sa lahat. The Ferrero's are the second degree cousins of the Del Fiore. Kaya simula noon sina Drake at Lorenzo ay magkadikit na. Iba-iba nga lang ang lugar nila. Lorenzo manage around Sicily, at mas delikado roon, habang si Drake naman ay sa bandang Sorrento at Mazaro.
After three days at the Del Fiore Villa, we moved to Paris to see Mama and Papa. Naging emosyal ang pagtatagpo naming tatlo.
For the last two years and a half, I have been their daughter, and they are my parents. Given their love and needs, I have had the best life with them. Nagpaiwan ako sa kanila, dahil may emergency call is Lorenzo.
"Anak, I want you to know that you are still our daughter. Gusto ko sana na walang magbago, Penelope," si Mama habang kayakap niya ako. Nakayakap din ako sa kanya nang husto.
"We love to have you for real this time, Penelope. Napag-usapan na namin ito nang Mama mo. Ang we've decided to adopt you legally, hija," si Papa.
Kumunot agad ang noo ko at tumitig ako sa kanilang dalawa.
"Hindi pwede, Ma! Pa? Lorenzo is a Ferrero. Hintayin niyo na lang na makasal kami. Magiging Ferrero rin ako," pa-cute na ngiti ko. Napailing agad si Mama at kumindat na si Papa.
"After all, you are a Ferrero, hija," si Papa sa akin.
"I can't wait to have our apo's. Sana marami. Kaya bilisan niyo na ni Lorenzo, ang tanda na namin ng Papa mo," pagpapacute ni Mama sa akin.
"Ikaw, Ma... Ang daya mo talaga." I pouted and kissed her. I got used to hugging her whenever I needed a motherly talk.
"I'm sorry, Ma... I'm sorry, Pa... Kung hindi ko sana isinama si Violet ay buhay pa sana siya."
Napayuko ako at hindi ko makuhang tumitig sa kanilang dalawa. Pinisil ni Mama ang kamay ko at pinahiran ang konting patak nang luha ko.
I have promised myself that I will never cry, but I can't take it. I can't hide my pain in front of them.
"Violet loves you as a sister, Penelope. We already knew that sooner or later, she would leave us." Mama's tears started to fall when I stared at her, and Papa looked away, trying to wipe his tears, too.
"Aside from his heart condition which is not getting better, she's totally sick, Penelope. Nasa stage four na ang cancer siya sa bituka. Ayaw na niyang magpagamot at gusto niyang maging malaya. Kaya hinayaan na namin siya..." patak ng luha ni Mama.
"Lorenzo didn't know about her cancer. We never told anyone. Gusto kasi ni Violet na sa Sorrento na magpahinga hanggang sa mamatay na siya."
Hinaplos ni Papa ang likod ni Mama at pinahiran ang luha niya.
"That's why where doing this for Violet legacy, hija. Hindi man niya ito nagawa ay gagawin namin ito ng Papa mo. The tour around helped us too, anak. So, please, don't feel guilty." Punas ni Mama sa luha ko.
Mas pumatak na ang luha ko at sumikip ang dibdib ko ngyon.
Now I understand why she did it... I understand why she exchange her life to me. Pero masakit, masakit kasi ang nangyari sa kanya at hanggang ngayon hindi ko pa kayang e-kwento sa kanila ang lahat. Mas gustuhin kong ilibing na lang ang masamang bangungot na iyon sa libangan ko.
"But still, I'm sorry, Ma... I'm sorry, Pa..." sa mas mahigpit na yakap ko sa kanilang dalawa.
—-❤️❤️❤️—-
Always vote for support 😘 Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro